Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3941 - Kabanata 3950

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3941 - Kabanata 3950

5741 Kabanata

Kabanata 3941

Bumuntong hininga si Charlie.Sinabi niya nang malupit, “Pumanaw ang mga magulang ko, pero nabuhay ako.”Pagkatapos, tinanong niya si Jordan, “May alam ka ba sa mga dahilan kung bakit pumanaw ang mga magulang ko?”Umiling si Jordan, “Mr. Wade, malaking gulat ang balita ng pagkamatay ng ina mo sa Oskia sa high society ng United States. Marami ang sinabi na pinatay siya, pero walang nakakaalam kung sino ang may pakana. Sinasabi na inimbestigahan din ng pamilya Acker ang pagkamatay niya, pero wala silang nahanap. Hindi alam ng mga tagalabas tulad namin ang mga dahilan.”Idinagdag din ni Kathleen, “Mr. WAde. Pagkatapos pumanaw ng iyong ina, sinubukan ng mga kakilala niya sa Stanford at ilang makapangyarihang tao sa Silicon Valley na naging top entrepreneur dahil sa investment niya ang lahat ng makakaya nila para alamin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay niya. Hanggang ngayon, wala silang nahanap nak ahit anong malinaw na bakas.”Nadismaya si Charlie nang marinig ito. Sa una, akala
Magbasa pa

Kabanata 3942

Namulat nang sobra si Jordan dahil sa mga sinabi ni Chandler. Totoo nga, hindi masagot ni Jordan ang mga sinabi ni Chandler.Gustong mulatin ni Chandler ang matanda niyang kaibigan ngayon, kaya nagpatuloy siya, “Jordan, kailangan mo itong maintindihan. Hindi lang kinuha nang padalus-dalos ng anak mo ang kapangyarihan mo. Hinimok niya ang lahat ng board of directors na pabagsakin ka. Sumobra na ang pagkahumaling mo sa Rejuvenating Pill. Naghanda ka pa ng 200 billion US dollars para lang manalo sa auction! Siguradong naalarma dito ang mga anak mo, ang board, at ang ibang shareholder.”“Sa ibang salita, hindi ka naiiba sa isang matandang hari na hindi nag-aatubiling ipagpalit ang kapangyarihan ng kanyang bansa para habulin ang mahabang buhay. Hindi na ito kinaya ng mga supling at tauhan mo, kaya nawalan sila ng tiwala sa iyo at tinigilan na nilang suportahan ka. Itinuring ka pa nila bilang isang nabigong hari at mapaniil na hari. Gusto ka nilang pabagsakin para maging normal na ulit ang
Magbasa pa

Kabanata 3943

Naliwanagan si Jordan sa mga sinabi ni Charlie. Napagtanto niya na sobrang optimistiko niya sa kasalukuyang problema.Gusto ng anak niya na makita siyang patay sa ibang bansa. Akala ng anak niya na kapag mas mabilis siyang mamamatay, mas mabuti. Anong mangyayari kung hindi matutupad ang inaasahan ng anak niya at patuloy siyang mabubuhay? Dahil, sinigurado ng Healing Pill na hindi siya mamamatay nang mabilis.Nanginig si Jordan sa takot nang maisip ito.Nataranta rin si Kathleen.Tinanong niya nang nagmamadali si Charlie, “Mr. Wade, ano na ang dapat gawin ni Lolo ngayon…?”Sumagot nang walang bahala si Charlie, “Sa ganitong sitwasyon, hindi mo dapat isipin na bumalik sa rurok mo. Una, tanggapin mo dapat ang mga kabiguan mo at humanap ka ng paraan para mabuhay.”Medyo nag-alala rin si Chandler. “Mr. Wade, wala silang suporta sa Aurous Hill. Kasama nila si Sir Jarvis, pero kung madidiskubre ng anak ni Jordan na buhay pa rin si Jordan, hindi mabubuhay nang payapa si Jordan. Kapag nan
Magbasa pa

Kabanata 3944

Nagulantang sina Kathleen at Jordan sa sinabi ni Charlie. Sinabi niya ito nang madali, pero tumama ito sa kanila na parang isang kidlat na biglang lumitaw.Hindi nila inaasahan na ibang-iba ang tsismis sa realidad. Sinasabi na kailangan ibigay ng pamilya Wade nag kalahati ng asset nila sa Ten Thousand Armies para makawala kay Porter, ang leader ng Ten Thousand Armies. Kabaligtaran pala ang katotohanan.Kahit kailan ay hindi sinuko ng pamilya Wade ang kalahati ng asset nila sa Ten Thousand Armies. Sa halip, kinuha ni Charlie ang buong Ten Thousand Armies sa ilalim niya. Ang Ten Thousand Armies, na gawa sa libo-libong makapangyarihang mercenary!Ang isang mercenary group ay hindi maikukumpara sa American army. Pero, ang isang mayamang pamilya tulad ng pamilya Fox ay hinding-hindi maikukumpara pagdating sa lawak at lakas nila sa pakikipaglaban.Halos hindi maproseso ni Kathleen ang bagong impormasyon. Sa kabaligtaran, biglang may napagtanto si Jordan.Sinabi niya, “Hindi nakapagtatak
Magbasa pa

Kabanata 3945

Sa kabila ng walang bahalang mga salita ni Charlie, ayaw tumigil ng mga luha ni Kathleen kahit gaano niyo ito subukan. Tumango siya nang paulit-ulit habang humihikbi, “Salamat, Mr. Wade… Salamat talaga!”Ngumiti nang kaunti si Charlie sa kanya bago siya humarap ulit kay Jordan. “Lord Fox, mangyaring makipagtulungan ka sa amin para gumana ito.”Makalipas ang ilang minuto, ilang security personnel ang nagbuhat kay Jordan sa stretcher at natataranta at nagmamadaling sumugod palabas sa VIP room. Nagmamadali silang lumabas sa hall habang nanonood ang lahat sa gulat.Sumigaw ang security personnel habang tumatakbo, “Magbigay daan kayo! Kritikal ang kondisyon ng pasyente! Kailangan namin siyang ipadala sa hospital ngayon din!”Sumunod si Kathleen sa kanila, tumatakbo at hindi mapigilan ang mga luha niya.Nanood ang lahat sa auction nang may nanlalaking mga mata habang binubuhat nila si Jordan. Nagbulungan sila agad, hinuhulaan ang tungkol sa biglaang pangyayari. Wala sa kanila ang nag-aa
Magbasa pa

Kabanata 3946

Para kay Charlie, hindi niya kailangan ilantad ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Acker, lalo na dahil hindi siya sigurado kung kaibigan ba sila o kalaban.Para naman sa kung sino sa pamilyang iyon ang kailangan ng Rejuvenating Pill, hindi muna siya nag-abala na alamin ito.Sumasang-ayon si Chandler sa sinabi ni Charlie.Dahil kayang papuntahin ng pamilya Acker si Christian sa auction para suriin ang katotohanan, pinapatunayan nito na hindi pa masyadong mahalaga ang pangangailangan nila para sa Rejuvenating Pill. Kung hindi, pupunta ang taong may kailangan nito, tulad ng ginawa ni Jordan.Tumango si Chandler kay Charlie at sinabi nang nakangiti, “Okay, Mr. Wade. Aalis na muna ako.”Sinabi ni Charlie, “Maaari ka nang bumalik at maghintay. Kailangan ko pang ayusin ang ilang bagay bago ko ituloy ang auction.”Sa wakas, umalis na si Chandler sa VIP room.Naghintay si Charlie na mawala si Chandler bago niya tinawagan ang taong namamahala sa Ito-Schulz Shipping Group. Sa sandaling ku
Magbasa pa

Kabanata 3947

“Masusunod, Mr. Wade.” Sinabi agad ni Rosalie. “Gagawin ko na ito ngayon din.”…Inayos ni Charlie ang lahat ng mga kailangan bago siya bumalik sa control room.Sa control room, nakikita niya na tahimik ang lahat ng tao sa auction hall. Ang lahat ay matiyagang naghihintay na magpatuloy ang auction. Si Bernard ay nananabik nang partikular.Ang naranasan niya ngayong gabi ay hindi naiiba sa pagsakay sa isang roller coaster. Sa wakas ay dumating na ito sa rurok nang inanunsyo ni Jordan ang pag-atras niya. Pero habang lumilipas ang oras, dumating ulit sa pangit na ulo ni Bernard ang pagkabalisa niya. Nag-alala siya kung may magbabago ulit..Sa huli, sa wakas ay natanggap na ni Jasmine ang utos ni Charlie at inanunsyo sa mikropono.“Ladies and gentlemen! Ipinadala ang Number 35 sa hospital para sa emergency treatment dahil sa biglaang sakit niya. Dahil kinansela niya ang pagbabayad niya, ang Number 16 ang mapupunta sa waiting list para magkaroon ng pagkakataon na bilhin ang huling Rej
Magbasa pa

Kabanata 3948

Nabalisa si Bernard sa mga sinabi ni Jasmine.Pumangit ang mukha niya, dahil alam niya na pinupuntirya siya. Ang pinakamalala sa lahat, nagsasaya ang mga tao sa paligid niya sa kamalasan niya.Dito niya natutunan ang leksyon niya. Hindi lang ang mga customer ang nandidiri sa kanya. Kahit ang ibang bilyonaryo ay kinamumuhian siya.Sa wakas ay napagtanto na niya ang kasamaan ng bundle sale. Ang pinupuntirya ng deal na iyon ay ang mga taong may gusto sa isang bagay. Alam ng seller ang pagkahumaling ng market sa produkto, kaya gumamit sila ng ibang paraan para pabilhin ang buyer ng mas maraming produkto.Kung tatanggi ang buyer, sasabihin ng seller na sales policy nila ito. Para sa gustong makuha ang produkto, dapat pumayag sila at magbayad. Kung tatanggi sila, pwedeng hindi sila bumili at umalis.Ang pagkahumaling ni Bernard sa Rejuvenating Pill ay hindi lang dahil gusto niya ito. Kaugnay ito sa kanyang kalusugan at haba ng buhay.Sa kasalukuyang estado ng katawan niya, malaki ang p
Magbasa pa

Kabanata 3949

Umiling nang nanghihinayang si Bernard, alam niya na wala siyang magagawa kundi sumagot. “Wala… Wala akong tutol…”Tumango ulit si Jasmine, nakangiti. “Kung gano’n, ipinahayag na ng dalawang partido ang kagustuhan nilang tanggapin ang kontrata sa patas na termino. Sumang-ayon ka sa kontrata para sa pagbili ng Rejuvenating Pill. Sigurado ka ba dito?”Binulong ni Bernard habang may nanghihinayang na hitsura, “Sigurado ako… sumasang-ayon ako.”“Okay,” Ngumiti si Jasmine at nagpatuloy, “Bukod dito, may dalawang mensahe ako para kay Number 16 at sa lahat ng nandito ngayong araw.”“Una sa lahat, ang bawat bidder ay hindi kailangan mag-alala tungkol sa purchase deal. Gagamitin lang ito kay Mr. Bernard Arnault. Ang ibang nanalo sa bid ng Rejuvenating Pill ay hindi sisingilin ng dagdag na bayarin. Tulad ng nakita niyo sa huling apat na auction para sa apat na pill, may mahigpit at patas na prinsipyo kami sa auction. Hindi kailangan magbayad ng apat na nanalo ng dagdag na fee. Kaya kayong la
Magbasa pa

Kabanata 3950

Naramdaman ni Bernard na wala siyang magawa, pero napuwersa siyang tanggapin ang mga kondisyon ni Jasmine dahil wala siyang ibang pagpipilian. Habang naluluha ang mga mata, binayaran niya ang 80 billion US dollars at pinirmahan ang kontrata na pumapayag siyang bayaran ang mga natitira sa installment.Para sa susunod na sampung taon, kailangan niyang magbayad ng 2.8 billion US dollars sa auction house kada taon.Nang maayos na ang lahat, sa wakas ay inanunsyo na ni Jasmine, “Batiin natin ang Number 16 dahil siya ang nanalo para sa bid ng huling Rejuvenating Pill ngayong gabi.”Dito, nawala pansamantala ang lungkot ni Bernard at sabik siyang naghanda para umakyat sa stage. Samantala, mukhang nabigo ang lahat sa kung papaano nangyari ang mga bagay-bagay.Sa kalaunan, inimbita ni Jasmine si Bernard sa stage. Pagkatapos, binigay ng staff ang pill kay Bernard at nilagay ito sa kanyang bibig.Nanginginig sa sabik si Bernard habang kinain niya ang pill.Pinanood siya nang mabuti ng mga n
Magbasa pa
PREV
1
...
393394395396397
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status