Inayos nang kaunti ni Kathleen ang kanyang kwarto saka siya nagpahinga nang sandali. Pagkatapos, tumungo siya sa kwarto ng kanyang lolo.Sa pagkakataong ito, tinutulungan ni Jarvis si Jordan na ayusin ang kanyang kama. Samantala, nakaupo naman si Jordan sa single sofa sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame.Nang makita ni Jarvis na pumasok si Kathleen, magalang siyang bumati, “Young Lady.”Tumango si Kathleen at tila ba humihingi siya ng tawad, “Master Yant, pasensya na talaga dahil nadamay ka pa sa gulo ngayon. Natatakot akong hindi ka makakabalik sa division mo pansamantala…”Umiling si Jarvis. “Young Lady, hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Responsibilidad kong protektahan si Lord Fox kahit saan man ako mapadpad.”Nagpatuloy si Jarvis, “Hindi ko naman din kailangan bumalik sa division ko, masyado rin akong nahihiya. Higit sa lahat, hindi ko rin alam kung nasaan si Julian. Pinadala ng division si Julian para palitan ako sa trabaho ko at manatili sa pamilya Fox.
Read more