Sa pagkakataong ito, sa Shangri-La.Tapos na ang auction pero hindi pa umaalis si Charlie.Naghanda siya ng isang buong Rejuvenating Pill para sa tatlong VIPs ngayong gabi, kalahati nito ang mapupunta sa kanyang lolong si Jeremiah. Paghahatian naman ni Old Master Lennard at ng dating queen ng Northern Europe ang natitira.Ang dahilan kung bakit nakaakit ng maraming mayayamang customers mula sa Europe at United States ang auction ay salamat sa dalawang tumulong kay Charlie.Kaya, naghanda si Charlie ng isang simpleng salo-salo sa Shangri-La at inimbitahan niya ang tatlong ito para kumain.Magkakilala si Jeremiah at Chandler kaya masaya silang nagkukuwentuhan sa harap ng hapag. Subalit, pakiramdam ng dating queen ng Northern Europe na hindi siya makasabay kaya hindi niya mapigilang hindi mapakali.Kahit minsan siyang naging Royal Queen ng isang bansa, bumaba na siya sa kanyang puwesto at wala na ang estadong ito sa kanya.Maliban dito, nawasak nang matindi ng mga mararangyang part
Umiling si Charlie at seryoso siyang nagsalita, “Hindi ko naman sinasabing masyado kang patumpik-tumpik. Gusto ko lang iparating na hindi mo naman kailangang makipag-kumpitensya sa kanila dahil VIP ka. Kahit mas marami kang assets kumpara sa kanila o hindi, mas mataas pa rin ang posisyon mo.”Nang marinig ito ng dating Royal Queen, bumuti nang kaunti ang kulay ng kanyang mukha.Kahit hindi sapat ang kanyang financial strength, sapat na ang respeto na mayroon si Charlie para sa kanya para bumalik ang kumpiyansa niya.Kahit hindi niya nagawang mapanalunan ang bid sa Rejuvenating Pill ngayong gabi, pakiramdam niya mas kagalang-galang ang kanyang presensya bilang VIP.Maingat siyang tumugon, “Maraming salamat, Mr. Wade, sa respetong mayroon ka para sa akin. Salamat sa’yo kung bakit may pamilya Elliot pa hanggang sa araw na ito.”Pagkatapos itong sabihin, agad niyang binanggit ang kanyang apong si Helena at seryoso siyang nagsalita, “Mr. Wade, madalas kang nakukuwento ni Helena sa aki
Hindi inaakala ng tatlong VIPs na makakasali sila sa auction o kaya makakatanggap sila ng Rejuvenating Pill bilang regalo mula kay Charlie. Subalit, kabaliktaran nito ang nasa isip ni Charlie. Dahil inimbitahan niya silang tatlo, bakit niya naman hahayaang masayang ang pagpunta nila?Hinatid niya ang isang buong Rejuvenating Pill sa tatlong bahagi. Sa kanyang opinyon, makatarungan lang na kalahati ang mapunta sa kanyang lolo at tig-isang quarter naman ang mapupunta kay Old Master Lennard at sa dating Royal Queen.Matapos ang lahat, mula sa tatlong ito, si Jeremiah lang ang hindi pa nakakainom ng Rejuvenating Pill.Hindi pa naman masyadong matanda si Jeremiah kaya lubos nang makakatulong sa kanya ang kalahati nito.Maliban dito, kailangan ni Charlie ng backup plan. Kung bibigyan niya ng isang buong Rejuvenating Pill ang kanyang lolo, siguradong magdadala lang ito ng gulo para sa kanya dahil baka mapuno na naman ito ng ambisyon at pagnanasa na kontrolin ang pamilya Wade.Kung bibigy
Namilipit ang ekspresyon ni Jeremiah na para bang naiirita siya. “Dati, hindi talaga natutuwa ang maternal grandfather mo sa pamilya Wade. Nang ikasal ang nanay mo dito, hindi man lang nag-abala ang kanyang pamilya na pumunta rito. Hindi ko nakilala ang kahit sino sa mga uncle mo. Pero nakita ko ang second uncle mo na si Kaeden Acker sa summit sa Sweden ilang taon ang nakararaan. Nakita ko sa stage habang nasa baba ako. Naisip kong bisitahin siya pero ayaw niya akong makausap.”Tumawa si Charlie. “Mukhang wala talagang respeto ang pamilya Acker sa pamilya Wade.”Tinawanan rin ni Jeremiah ang kanyang sarili, “Totoong wala siyang respeto para sa akin. Sa pagkakataong iyon, sinabi niya na ikaw lang ang kikilanin niya sa lahat ng may apelyidong Wade.”Nagpatuloy si Jeremiah, “Hindi ko naman inaakalang dadalo pala ang eldest uncle mo sa auction. Gusto niya pang uwiin ang Rejuvenating Pill. Napapaisip ako kung para kanino niya ito bibilhin? Siguro para sa maternal grandfather mo o grandmo
Para sa mga ordinaryong tao, imposibleng bagay ang pagkuha ng contact information ng isang top tycoon na gaya ni Jeremiah.Pero hindi para kay Christian, madali lang para sa kanya na kunin ang contact information ni Jeremiah.Hindi nagtagal, nakuha niya ang cellphone number nito.Hindi siya nag-alangan at agad niyang tinawagan si Jeremiah.Sa kasalukuyan, kausap ni Jeremiah si Charlie nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito at nang mapasulyap siya, nakita niyang American number ito. Napasimangot siya, “Charlie, may sasagutin lang akong tawag.”Tumango si Charlie at sumenyas siya kay Jeremiah na sige lang.Sinagot ni Jeremiah ang tawag. “Hello, pwede ko bang malaman kung sino kayo?”Habang nasa kabilang dulo ng linya, bumati si Christian nang nakangiti, “Hello, Uncle Wade!”Nagulantang si Jeremiah sa loob ng ilang sandali, napapaisip siya sa mga salitang sinabi ng kausap niya. Hindi pamilyar sa kanya ang cellphone number, at nang sagutin niya ito, tinawag si
Nakahinga nang maluwag si Christian saka siya nagsalita, “Uncle Wade, tama kayo. Magkamag-anak ang pamilya natin, pero hindi natin nagawang kontakin ang isa’t isa sa mga nakalipas na taon. Sana magkaroon pa tayo ng pagkakataon sa hinaharap na gawin ito.”“Oo naman, oo naman.” Matalinong tao si Jeremiah kaya hindi siya basta-bastang nagpapatalo sa pagpapanggap. Magalang siyang tumugon, “Christian, may dahilan siguro kung bakit mo ako tinatawagan ngayon. Dahil magkamag-anak naman tayo, hindi mo kailangang mahiya, sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo.”Napangiti si Christian, “Uncle Wade, direkta talaga kayo sa puntong magsalita. Kung iyan ang kaso, hindi na ako mag-aalangan.”Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag si Christian, “Uncle Wade, narinig kong kasama ang pamilya Wade sa auction ng Rejuvenating Pill sa Aurous Hill. Narinig ko pa ngang VIP raw kayo. Nangyari ba talaga ito?”Ngumiti si Jeremiah, “Oo, nangyari nga ito. Bakit? Interesado ka rin ba sa auction?”Sumagot si C
Nang makita ni Jeremiah na ayaw ipaalam ni Christian ang dahilan kung bakit gusto niyang bumili ng Rejuvenating Pill, sinunod niya lang ang sinabi ni Charlie kanina at nangako siya kay Christian bago niya sinabing hindi niya masisiguro ang lahat.Alam ni Christian na mukhang may tinatago si Jeremiah sa kanya kaya nagsalita siya, “Uncle Wade, hindi ka ituturing nang masama ng pamilya Acker kapag natulungan mo kami sa bagay na ito!”Habang nagsasalita si Christian, nagpatuloy siya, “Narinig kong malaki ang perang nawala sa pamilya Wade dahil sa Ten Thousand Armies. Kung tutulong ang pamilya Acker, siguradong hindi kayo mahihirapang bumawi sa hinaharap!”Naisip ni Christian na ganito mag-isip ang mga mararangya at makapangyarihang tao na biglang bumagsak sa buhay. Sa totoo lang, wala silang pinagkaiba sa mga mahilig sa sugal. Sa tuwing may malaking pagbabago sa kanilang assets, nagbabago rin ang kanilang prinsipyo sa buhay.Nawala ang kalahati sa assets ng pamilya Wade, at bilang head
Habang sinasabi ito ni Charlie, ngumiti siya nang kaunti at sinabi nang kaswal, “Hindi ito mahalaga. Hayaan mo lang sila dahil magandang ang nararamdaman nila sa sarili nila.”Pagkatapos nito, sinabi ulit agad ni Charlie, “Siya nga pala, Lolo, pupunta ako sa United States sa loob ng ilang araw, at hindi ako babalik ng isang buwan o higit pa. Kailangan kitang abalahin na pamahalaan muna ang mga gawain ng pamilya Wade sa oras na iyon.”Tinanong nang mausisa ni Jeremiah, “Charlie, bakit bigla kang pupunta sa United States? Hindi mo bibisitahin ang pamilya Acker, tama?”Umiling si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Bakit ko gagawin iyon? Sasamahan ko si Claire sa isang training.”Tumango si Jeremiah at sinabi, “Okay. Huwag kang mag-alala sa pamilya Wade. Para naman sa panig ng panganay na tito mo, hindi ako magmamadaling hanapin siya. Siguradong hindi ko rin siya pupuntahan kung gusto niya akong hanapin.”“Okay.” Tumayo si Charlie at sinabi, “Lolo, maggagabi na. Dapat magpahinga ka na
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis