Share

Kabanata 3944

Author: Lord Leaf
Nagulantang sina Kathleen at Jordan sa sinabi ni Charlie. Sinabi niya ito nang madali, pero tumama ito sa kanila na parang isang kidlat na biglang lumitaw.

Hindi nila inaasahan na ibang-iba ang tsismis sa realidad. Sinasabi na kailangan ibigay ng pamilya Wade nag kalahati ng asset nila sa Ten Thousand Armies para makawala kay Porter, ang leader ng Ten Thousand Armies. Kabaligtaran pala ang katotohanan.

Kahit kailan ay hindi sinuko ng pamilya Wade ang kalahati ng asset nila sa Ten Thousand Armies. Sa halip, kinuha ni Charlie ang buong Ten Thousand Armies sa ilalim niya. Ang Ten Thousand Armies, na gawa sa libo-libong makapangyarihang mercenary!

Ang isang mercenary group ay hindi maikukumpara sa American army. Pero, ang isang mayamang pamilya tulad ng pamilya Fox ay hinding-hindi maikukumpara pagdating sa lawak at lakas nila sa pakikipaglaban.

Halos hindi maproseso ni Kathleen ang bagong impormasyon. Sa kabaligtaran, biglang may napagtanto si Jordan.

Sinabi niya, “Hindi nakapagtatak
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3945

    Sa kabila ng walang bahalang mga salita ni Charlie, ayaw tumigil ng mga luha ni Kathleen kahit gaano niyo ito subukan. Tumango siya nang paulit-ulit habang humihikbi, “Salamat, Mr. Wade… Salamat talaga!”Ngumiti nang kaunti si Charlie sa kanya bago siya humarap ulit kay Jordan. “Lord Fox, mangyaring makipagtulungan ka sa amin para gumana ito.”Makalipas ang ilang minuto, ilang security personnel ang nagbuhat kay Jordan sa stretcher at natataranta at nagmamadaling sumugod palabas sa VIP room. Nagmamadali silang lumabas sa hall habang nanonood ang lahat sa gulat.Sumigaw ang security personnel habang tumatakbo, “Magbigay daan kayo! Kritikal ang kondisyon ng pasyente! Kailangan namin siyang ipadala sa hospital ngayon din!”Sumunod si Kathleen sa kanila, tumatakbo at hindi mapigilan ang mga luha niya.Nanood ang lahat sa auction nang may nanlalaking mga mata habang binubuhat nila si Jordan. Nagbulungan sila agad, hinuhulaan ang tungkol sa biglaang pangyayari. Wala sa kanila ang nag-aa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3946

    Para kay Charlie, hindi niya kailangan ilantad ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Acker, lalo na dahil hindi siya sigurado kung kaibigan ba sila o kalaban.Para naman sa kung sino sa pamilyang iyon ang kailangan ng Rejuvenating Pill, hindi muna siya nag-abala na alamin ito.Sumasang-ayon si Chandler sa sinabi ni Charlie.Dahil kayang papuntahin ng pamilya Acker si Christian sa auction para suriin ang katotohanan, pinapatunayan nito na hindi pa masyadong mahalaga ang pangangailangan nila para sa Rejuvenating Pill. Kung hindi, pupunta ang taong may kailangan nito, tulad ng ginawa ni Jordan.Tumango si Chandler kay Charlie at sinabi nang nakangiti, “Okay, Mr. Wade. Aalis na muna ako.”Sinabi ni Charlie, “Maaari ka nang bumalik at maghintay. Kailangan ko pang ayusin ang ilang bagay bago ko ituloy ang auction.”Sa wakas, umalis na si Chandler sa VIP room.Naghintay si Charlie na mawala si Chandler bago niya tinawagan ang taong namamahala sa Ito-Schulz Shipping Group. Sa sandaling ku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3947

    “Masusunod, Mr. Wade.” Sinabi agad ni Rosalie. “Gagawin ko na ito ngayon din.”…Inayos ni Charlie ang lahat ng mga kailangan bago siya bumalik sa control room.Sa control room, nakikita niya na tahimik ang lahat ng tao sa auction hall. Ang lahat ay matiyagang naghihintay na magpatuloy ang auction. Si Bernard ay nananabik nang partikular.Ang naranasan niya ngayong gabi ay hindi naiiba sa pagsakay sa isang roller coaster. Sa wakas ay dumating na ito sa rurok nang inanunsyo ni Jordan ang pag-atras niya. Pero habang lumilipas ang oras, dumating ulit sa pangit na ulo ni Bernard ang pagkabalisa niya. Nag-alala siya kung may magbabago ulit..Sa huli, sa wakas ay natanggap na ni Jasmine ang utos ni Charlie at inanunsyo sa mikropono.“Ladies and gentlemen! Ipinadala ang Number 35 sa hospital para sa emergency treatment dahil sa biglaang sakit niya. Dahil kinansela niya ang pagbabayad niya, ang Number 16 ang mapupunta sa waiting list para magkaroon ng pagkakataon na bilhin ang huling Rej

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3948

    Nabalisa si Bernard sa mga sinabi ni Jasmine.Pumangit ang mukha niya, dahil alam niya na pinupuntirya siya. Ang pinakamalala sa lahat, nagsasaya ang mga tao sa paligid niya sa kamalasan niya.Dito niya natutunan ang leksyon niya. Hindi lang ang mga customer ang nandidiri sa kanya. Kahit ang ibang bilyonaryo ay kinamumuhian siya.Sa wakas ay napagtanto na niya ang kasamaan ng bundle sale. Ang pinupuntirya ng deal na iyon ay ang mga taong may gusto sa isang bagay. Alam ng seller ang pagkahumaling ng market sa produkto, kaya gumamit sila ng ibang paraan para pabilhin ang buyer ng mas maraming produkto.Kung tatanggi ang buyer, sasabihin ng seller na sales policy nila ito. Para sa gustong makuha ang produkto, dapat pumayag sila at magbayad. Kung tatanggi sila, pwedeng hindi sila bumili at umalis.Ang pagkahumaling ni Bernard sa Rejuvenating Pill ay hindi lang dahil gusto niya ito. Kaugnay ito sa kanyang kalusugan at haba ng buhay.Sa kasalukuyang estado ng katawan niya, malaki ang p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3949

    Umiling nang nanghihinayang si Bernard, alam niya na wala siyang magagawa kundi sumagot. “Wala… Wala akong tutol…”Tumango ulit si Jasmine, nakangiti. “Kung gano’n, ipinahayag na ng dalawang partido ang kagustuhan nilang tanggapin ang kontrata sa patas na termino. Sumang-ayon ka sa kontrata para sa pagbili ng Rejuvenating Pill. Sigurado ka ba dito?”Binulong ni Bernard habang may nanghihinayang na hitsura, “Sigurado ako… sumasang-ayon ako.”“Okay,” Ngumiti si Jasmine at nagpatuloy, “Bukod dito, may dalawang mensahe ako para kay Number 16 at sa lahat ng nandito ngayong araw.”“Una sa lahat, ang bawat bidder ay hindi kailangan mag-alala tungkol sa purchase deal. Gagamitin lang ito kay Mr. Bernard Arnault. Ang ibang nanalo sa bid ng Rejuvenating Pill ay hindi sisingilin ng dagdag na bayarin. Tulad ng nakita niyo sa huling apat na auction para sa apat na pill, may mahigpit at patas na prinsipyo kami sa auction. Hindi kailangan magbayad ng apat na nanalo ng dagdag na fee. Kaya kayong la

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3950

    Naramdaman ni Bernard na wala siyang magawa, pero napuwersa siyang tanggapin ang mga kondisyon ni Jasmine dahil wala siyang ibang pagpipilian. Habang naluluha ang mga mata, binayaran niya ang 80 billion US dollars at pinirmahan ang kontrata na pumapayag siyang bayaran ang mga natitira sa installment.Para sa susunod na sampung taon, kailangan niyang magbayad ng 2.8 billion US dollars sa auction house kada taon.Nang maayos na ang lahat, sa wakas ay inanunsyo na ni Jasmine, “Batiin natin ang Number 16 dahil siya ang nanalo para sa bid ng huling Rejuvenating Pill ngayong gabi.”Dito, nawala pansamantala ang lungkot ni Bernard at sabik siyang naghanda para umakyat sa stage. Samantala, mukhang nabigo ang lahat sa kung papaano nangyari ang mga bagay-bagay.Sa kalaunan, inimbita ni Jasmine si Bernard sa stage. Pagkatapos, binigay ng staff ang pill kay Bernard at nilagay ito sa kanyang bibig.Nanginginig sa sabik si Bernard habang kinain niya ang pill.Pinanood siya nang mabuti ng mga n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3951

    Nakakagulantang ang huling resulta. Nang magpunta siya sa auction, inisip niyang makakatulong ang Rejuvenating Pill para palakasin ang kondisyon ng kanyang katawan at mabawasan nito ang pagbalik ng kanyang cancer—isang malaking bagay na matagal niya nang pinapangarap. Subalit, higit pa sa kanyang inaakala ang naging kinalabasan. Hindi niya inaasahang magdadala ito ng malaking milagro sa kanyang buhay!Hindi niya mapigilang mapabulong sa kanyang sarili, “Gumastos ako ng dagdag na 36 billion US dollars para sa pill na ito, pero ito ang pinakamagandang bagay na nabili ko sa buong buhay ko…!”Pinanood ng lahat na bumata ang itsura ni Bernard ng 20 na taon. Umabot sa tuktok ang kanilang inggit.Masyado nga talagang nakamamangha ang epekto ng isang buong Rejuvenating Pill!Sa kasamaang palad, napalagpas na nilang lahat ang pagkakataong ito. Kailangan nilang maghintay ng isang taon para sa susunod na auction ng bagong batch ng Rejuvenating Pills.Ganoon din, nagsimula na si Jasmine sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3952

    Tatlong minuto lang ang nakararaan, nakatanggap ang emergency department ng isang tawag mula sa Aurum Mansion, isang high-end apartment sa Aurous Hill kung saan nagkakahalaga ng 80,000 Oskian dollars per square meter ang mga units na binebenta roon.Sinabi ng tumawag na may may pasyenteng inatake sa puso. Kaya, agad na kumilos ang emergency department at sinabihan nila ang pinakamalapit na ospital sa Aurum Mansion.Agad na natanggap ng ospital ang tawag at nagpadala ito ng ambulansya sa pasyente.Nang dumating ang ambulansya sa Aurum Mansion, apat na medical officers ang nagmamadaling lumabas sa ambulansya para makarating sa top floor sa pinakamabilis na paraan. Lahat sila nakasuot ng puting coat, face masks, at medical hats. Walang malinaw na nakakakita ng kanilang mukha, pero marami ang makapagsasabi na tatlong lalaki at isang babae ang grupo ng mga taong ito.Sumakay ang apat na officers sa elevator papunta sa top floor ng Aurum Mansion. Ayon sa tawag, nasa apartment 2501 ang pa

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5741

    Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5740

    Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5739

    Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5738

    Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5737

    Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5736

    Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status