Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3291 - Kabanata 3300

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3291 - Kabanata 3300

5702 Kabanata

Kabanata 3291

Hindi inaasahan ni Charlie na maghahanda si Rachel ng suit para sa kanya.Habang napapaisip siya, biglang nagsalita si Yule mula sa tabi habang nakangiti, “Natatakot ang Aunt Golding mo na hindi ka makapagdadala ng suit dito sa Eastcliff. Kaya, pinakiusapan niya ang pinakamagaling na tailor-made suit master ng London para magpasadya ng isa para sa’yo.”Nagpasalamat si Charlie, “Maraming salamat, Aunt Golding.”Ngumiti si Rachel, “Walang problema! Maliit lang ito na bagay. Binigyan ko lang ng tantsa ang suit master, hindi rin ako sigurado kung kasya ito sa’yo o hindi. Subukan mo muna.”Sa pagkakataong ito, habang nakasuot ng isang one-piece nightgown, lumabas si Quinn mula sa kanyang kwarto. Humikab siya pero may ngiti sa kanyang mukha, “Kuya Charlie, maganda ang suit na pinasadya ni mama para sa’yo! Sinasabing mga prime ministers at presidents ng Europe at North America ang mga regular customers ng master na iyon! Bilisan mo at subukan mo na!”Mahirap para kay Charlie na tanggihan
Magbasa pa

Kabanata 3292

Subalit, alam niya ring kailangan niyang magtiis kahit hindi niya na kaya. Matapos ang lahat, nakasalalay sa kanya kung masusuportahan ba ng kanyang ina ang sarili niya sa hinaharap o hindi.Sa pagkakataong ito, nakatanggap si Helena ng isang tawag mula sa kanyang nanay na nasa Northern Europe. Nang sagutin niya ang tawag, narinig niya ang pamilyar nitong boses mula sa kabilang linya, “Helena, sinabihan na ako ng royal family na kasalukuyang nakararanas ng multiple organ failures ang lola mo at matindi rin ang coma niya. Pwede siyang pumanaw kahit kailan…”Nagulantang si Helena, “Bakit naman bumilis ang paglala ng kanyang sakit?!”“Hindi rin ako sigurado.” Sagot ng nanay ni Helena, “Narinig ko lang na malala na ang sitwasyon at wala na ito sa kontrol natin. Sinabi ng doktor na imposibleng magigising siya at kaunting panahon na lang bago siya pumanaw. Kung magiging mabilis ang paglala ng kanyang sakit, dalawa o tatlong araw na lang siyang magtatagal, at kahit mabagal pa, hindi na rin
Magbasa pa

Kabanata 3293

Hindi inaakala ni Helena na magiging walang puso ang kanyang pinsan pagdating sa pakiusap niya.Hindi niya mapigilang bumulalas, “Kung mamamatay si lola bago ang engagement ko, bakit ko naman ito itutuloy na para bang walang nangyari?! Kung lalabas ang balitang ito, hindi lang ako ang makakatanggap ng kritisismo pero pati na rin ang buong royal family!”Habang nasa kabilang dulo ng linya, malamig na nagsalita si Olivia, “Huwag kang mag-alala. Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para makaligtas si lola sa susunod na tatlong araw. Kahit mamatay pa siya, hindi ko ilalabas agad ang balita sa publiko. Hihintayin ko munang matapos ang engagement mo bago ko ito iparating sa iba.”Hindi mapigilan ni Helena na magalit, “Bakit mo naman gagawin ang bagay na iyan?! Ano ang tingin mo kay lola? Isang gamit na itatapon mo lang?!”Mahigpit na tumugon si Olivia, “Helena! Dapat mong tandaan na hindi ang buhay at kamatayan ni lola ang pinakamahalagang bagay ngayon! Ang engagement mo sa pamilya Wade
Magbasa pa

Kabanata 3294

Halos mahimatay na sa galit si Helena sa puntong ito!Sa pagkakataong ito, naunawaan na rin ni Helena ang tunay na dahilan kung bakit nagpupumilit ang royal family na pumunta siya ng Oskia para dumalo sa ancestor worship ceremony ng pamilya Wade!‘Ibig sabihin matagal nang pinlano ni Olivia ang lahat!’‘Gusto niya kaming paghiwalayin ng nanay ko para magamit niya ito at pagbantaan ako. Olivia, napakasama mo!’Galit na galit si Helena at hindi niya mapigilang mapahiyaw, “Olivia, hindi mo pwedeng gawin ang bagay na ito! Hindi ko papakasalan si Felix kung hindi mo papapuntahin ang nanay ko sa Oskia!”Mapanghamak na nagsalita si Olivia, “Ikaw ang bahala. Nga pala, sinusundan namin ang bawat kilos ng nanay mo. Wala siyang tsansa na tumakas sa palasyo. Kung hindi mo papakasalan si Felix gaya ng napag-usapan, maglalaho ang nanay mo sa mundong ito. Walang makakaalam kung saan siya napunta, at hindi mor in malalaman kung buhay o patay na siya!”Habang sinasabi ito, tumawa nang malakas si
Magbasa pa

Kabanata 3295

Wala pa ring tumugon mula sa loob ng kwarto.Nagkaroon ng duda si Felix at hindi niya mapigilang lagyan ng kaunting lakas ang kanyang kamay. Kumatok siya nang mas malakas saka siya sumigaw, “Helena, andiyan ka ba?”Wala pa rin siyang narinig na ingay mula sa kwarto.Ganoon din, biglang nagbukas ang pinto ng kwartong nasa tabi at walang babae ang lumabas. Isa sa kanila ang Caucasian at Oskian naman ang isa.Nakilala agad ni Felix ang dalawa. Ito ang mga attendants na ipinadala ni Olivia para kay Helena.Ganoon din, kinausap ni Felix ang Oskian na babae, “Nasaan na ang princess niyo?”Sumagot ang Oskian, “Nasa loob siya ng kwarto.”“Paano naman iyan naging posible?” Napasimangot si Felix, “Kanina pa ako kumakatok sa pinto niya pero walang sumasagot at wala ring kahit anong ingay. Hindi kaya lumabas siya?”“Hindi iyan posible.” Sambit ng babae, “Sinasabi ng princess kung saan siya pupunta kapag lalabas siya.”Hindi nagtagal, lumapit sa pinto ang Oskian na attendant at kinatok niy
Magbasa pa

Kabanata 3296

Tumugon si Felix nang hindi niya namamalayan, “Ayos lang. Manonood lang naman ako. Hindi ko kayo aabalahin…”Naiiritang tumugon ang Oskian na attendant saka siya sumigaw, “Kailangan naming alisin ang damit niya habang nasa proseso! Hindi ka ba pamilyar sa konseptong hindi mo dapat tignan ang katawan ng isang birheng babae?! Bilisan mo at lumabas ka na!”Wala nang magawa si Felix kundi lumabas na lang.Sa pagkakataong ito, sa loob ng kwarto, isa sa mga attendants ang nagpatuloy sa chest compressions kay Helena samanatalang hinahanda naman ng isa ang defibrillator bago nito inalis ang suot na pajamas ni Helena. Sumunod, nagsalita ito, “Nakahanda na ang defibrillator!”“Sige!” Sagot ng babaeng Oskian, “Magbibilang ako hanggang tatlo. Pagkatapos ng tatlong segundo, aalisin ko ang kamay ko at agad mong gagamitin ang defibrillator sa kanya!”“Sige!”Nagpatuloy ang babaeng Oskian sa chest compressions kay Helena. Pagkatapos ng ilang sandali, sumigaw siya, “Isa, dalawa, tatlo! Debrillati
Magbasa pa

Kabanata 3297

Kahit ilang minuto lamang siyang nawalan ng malay, pakiramdam ni Helena para bang isang siglo ang nagdaan!Sa pagkakataong nagising siya, hindi siya makahinga nang maayos at tila ba hinahapo siya. Tila ba gusto niyang higupin ang lahat ng hangin sa paligid pagkatapos niyang malunod sa isang malalim na karagatan.Hindi nagtagal, nanumbalik ang kanyang paningin pati na rin ang iba niyang panramdam.Nang makita niya ang dalawang babaeng nasa harap niya, agad na napagtanto ni Helena na ang dalawang attendants ang nagligtas ng buhay niya. Nakatanggap ng magandang first aid training ang dalawa, at iyan rin ang dahilan kung bakit sila sumama. Sa tulong nila, masisiguro nila ang kaligtasan ng princess.Pagkatapos, biglang nakaramdam ng pananakit sa dibdib si Helena. Nang mapatitig siya sa ibaba, nakita niyang hawak pa ng babaeng Oskian ang syringe na may lamang epinephrine.Nakaramdam ng kaba si Helena saka siya nagtanong, “Gumamit… Gumamit ba kayo ng epinephrine injection?”Tumugon ang
Magbasa pa

Kabanata 3298

Hindi inaakala ng mga emergency personnel na may dalawang experts dito, pero sa parehong pagkakataon, wala na rin silang paki at hindi na nila kailangang magtanong. Tinawag na lang nila ang ilang mga tao para dalhin si Helena sa stretcher.Nagulantang si Felix at pakiramdam niya wala siyang masyadong magawa sa pagkakataong ito. Binilisan niya na lang at tinawagan niya ang kanyang lolong si Jeremiah.Nang masagot ang tawag, agad na binanggit ni Felix ang nangyari kay Jeremiah.Nang marinig ni Jeremiah ang lahat, nasorpresa rin siya at natigilan siya sa loob ng ilang sandali. Natatakot siyang mamatay si Helena sa Oskia sa pagkakataong ito. Agad niyang kinausap si Felix, “Sabihan mo ang emergency personnel na dalhin si Helena sa Wade Group Affiliated Hospital. Ito ang ospital na may pinakamagandang cardiovascular department sa buong bansa! Susunod na rin kami agad!”Sa pagkakataong ito, saka lang naalala ni Felix na may maganda silang ospital kung saan pwedeng dalhin si Helena. Kaya,
Magbasa pa

Kabanata 3299

Nang marinig ito ni Felix, nagulantang siya at napahiyaw, “Lolo, gusto mong ihatid ko siya nang personal pabalik ng Northern Europe? Kailangan ko pang dumalo sa ancestor worship ceremony natin!”Napabulalas naman si Jeremiah, “Malaking bagay ang nangyari. Kung mga doktor lang ang ipapadala natin pabalik kasama si Helena, magkakaroon ng mga opinyon ang publiko sa atin. Higit sa lahat, ikaw ang pinakamatandang apo ng pamilya Wade at ikaw rin ang fiancé ni Helena. Kaya, dapat kang pumunta roon bilang kinatawan ng pamilya natin!”“Maliban dito, dahil nakasakay ka ng Concorde, makakarating ka sa Northern Europe sa loob ng apat na oras. Pwede kang bumalik agad pagkatapos mo siyang ihatid sa royal family. Makakarating ka rito ng gabi o kaya bukas ng umaga. Makakapunta ka pa rin sa ancestor worship ceremony.”Habang sinasabi ito, may pagpupumilit sa boses ni Jeremiah, “Fiancée mo si Helena. Kung hindi mo siya ihahatid pabali, siguradong maraming masasabi sa’yo ang Northern European royal fa
Magbasa pa

Kabanata 3300

Dahil sa takot na matawag na walang pusong lalaki, agad na nakaramdam ng saya si Felix nang marinig ang sinabi ni Helena. Ganoon pa man, iba ang sinabi niya, “Naku, Helena! Hindi iyan ang ibig naming sabihin. Gusto lang naming masiguro na makakabalik ka sa minamahal mong bayan bago ka pumanaw. Mas maluwag sa loob namin kung wala kang mga panghihinayang.”Kahit ito ang sinasabi ni Felix, may inaabot na siya mula sa kanyang bulsa. Sumunod, inilabas niya ang kanyang cellphone saka niya binuksan ang video recording function. Ganoon din, bumalik ang atensyon niya kay Helena, “Pero, maganda nga ang sinabi mong ideya. Kailangan kitang abalahin Helena para ipaliwanag ang sitwasyon sa lahat para hindi tayo magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa hinaharap.”Hindi nagulat si Helena na ginawa ni Felix ang ganitong klase ng bagay. Kaya, hinarap ni Helena ang camera sa kabila ng kanyang paghihirap, “Hello, ako… ako si Helena… May Tetralogy of Fallot ako at isa itong uri ng congenital heart disease n
Magbasa pa
PREV
1
...
328329330331332
...
571
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status