Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3271 - Chapter 3280

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3271 - Chapter 3280

5699 Chapters

Kabanata 3271

“Salamat!” Tumango si Felix sa tuwa, “Tatratuhin kita nang mabuti sa hinaharap.”Hindi mapigilan ni Hugh na makaramdam ng lito saka siya nagtanong, “Nga pala Felix, sa pagpunta mo pa lang ng airport nang personal, nagpapakita ka na ng respeto mo sa kanya. Kaya, bakit mo pa pinakiusapan ang manugang ko na sumama? Kahit anong mangyari, isa pa ring royal princess mula sa Northern European royal family ang mapapangasawa mo. Hindi ba sa tingin mo masyado nang malaking respeto ang binibigay mo sa pagsama sa kanya para sunduin ang pulubing iyon?”Napangisi si Felix saka siya sumagot, “Balak kong ipakita si Helena sa kanya para makita niya kung ano pinagkaiba naming dalawa! Kahit hindi na rin masama si Quinn ng pamilya Golding, mas mababa pa rin ang kanyang lebel kumpara kay Helena pagdating sa itsura at ugali!”“Syempre, natural lang ang bagay na iyan!” Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Hugh, “Maliban sa ibang bagay, sa hubog pa lang ng manugang ko, walang-wala na si Quinn. Sa totoo la
Read more

Kabanata 3272

Agad na nagsalita si Hugh, “Felix, hindi pa nasasala nang maayos ang wine. Bakit hindi ka muna maghintay nang sandali?”Walang pasensyang nagsalita si Felix, “Bakit mo pa ba sinasala iyan?! Darating na tayo sa airport bago iyan matapos. Buhusan mo na lang ako ng isang baso agad.”“Sige, Felix.” Hindi na umangal pa si Hugh at direkta niya na lang na ibinuhos ang red wine sa isang baso.Dinampot ni Felix ang wine glass at ininom niya ito sa isang lagok lang. Pagkatapos, inalis niya ang kanyang kurbata at napatitig siya sa labas ng bintana nang walang sinasabi at matalim ang tingin. May bakas ng lamig at pandidilim na bibihirang mapansin ng mga ordinaryong tao sa kanyang mga mata.Alam ni Felix sa loob ng kanyang puso na gusto niya lang ang itsura at katawan ni Helena, wala talaga silang nararamdaman para sa isa’t isa. Sa totoo lang, nagkaroon lang naman sila ng kasunduan sa kasal dahil pareho silang may makukuhang interes at benepisyo mula sa magkabilang panig.Hindi hinahayaan ni H
Read more

Kabanata 3273

Maganda rin ang mood ni Charlie nang makita niya si Quinn. Humakbang siya ng ilang beses para makalapit saka siya ngumiti, “Gaano ka katagal naghintay rito?”Lumapit agad si Quinn para hawakan ang braso ni Charlie. Sumunod, ngumiti siya nang banayad, “Hindi naman matagal. Nakanood lang ako ng kalahati ng isang palabas.”Pagkatapos itong sabihin, agad na hinatak ni Quinn si Charlie papunta sa direksyon ng kanyang kotse, “Naghanda ng maramihang pagkain sila papa at mama para sa’yo sa bahay! Tara na at umuwi na tayo!”Napangiti si Charlie, “Huwag kang masyadong magmadali. Nasa likod pa si Mr. Cameron. Batiin mo muna siya.”Sa pagkakataong iyon, saka lamang napansin ni Quinn si Isaac na kabababa lamang ng boarding ladder. Nahihiya siyang bumulalas, “Pasensya na, Mr. Cameron, hindi ko kayo napansin agad!”Agad na tumugon si Isaac, “Miss Golding, masyado naman kayong seryoso. Paano naman mangyayaring may iba kayong mapapansin ngayon?”Nang marinig ito ni Quinn, namula ang kanyang magan
Read more

Kabanata 3274

Alam ni Charlie na walang magandang intensyon ang dalawang magpinsan na ito nang pumunta sila para sunduin siya ngayon. Ang isa, hinahamak siya dahil dalawang dekada siyang nawalay sa pamilya, samantalang ang isa naman pumunta rito para ipamukha sa kanya na hindi mataas ang kanyang pinag-aralan.Subalit, walang halaga kay Charlie ang mga ganitong bagay. Kahit tumayo pa ang mga tatay ni Felix at Hugh sa harap niya ngayon, hindi siya mag-aabalang bigyan sila ng isang sulyap. Kaya, natural lang na wala rin siyang paki sa dalawang may sayad na pinsan niya.Subalit, hindi kinaya ni Quinn ang narinig niya. Inangat niya ang kanyang kamay para alisin ang kanyang mask at sunglasses saka niya tinignan si Felix at Hugh. Sumunod, galit siyang nagsalita! “Felix! Hugh! Anong ginagawa niyo rito? Kakauwi lang ni Kuya Charlie sa Eastcliff pero pareho kayong kumikilos na para bang mga payaso. Nagkakaisa pa kayo para pagkatuwaan siya. Sino naman ang gusto niyong pasayahin sa ginagawa niyo?”Saka laman
Read more

Kabanata 3275

Nang unang sulyapan ni Charlie si Helena, hindi siya nasorpresa sa nakamamangha at kakaiba nitong ganda gaya ng ibang lalaki. Sa halip, nasorpresa siya sa masyado nitong maputing balat.Normal lang naman sa mga Caucasians na magkaroon ng maputing balat, pero masyadong maputi ang kulay ni Helena.Kapag nakikita ng iba ang kulay ng balat ni Helena, maiisip nila na kamukha niya ang mga Elven princesses na nasa mga palabas. Hindi lamang maputi ang kulay ng kanyang balat, pero mas maputi pa ito kumpara sa normal na tao.Kaya, pinagtuunan ng atensyon ni Charlie ang pisikal nitong kondisyon. Sa unang sulyap, napansin niyang mas mahina ang pangangatawan nito kumapara ibang tao. Kitang-kita na matindi ang pagkukulang niya sa qi at blood.Masasabing hindi maganda ang kanyang kondisyon at pwede siyang mahimatay kahit kailan.Sa pagkakataong nakipagkamay si Charlie kay Helena, tahimik niyang ginamit ang kanyang Reiki para suriin ang katawan nito. Sa parehong pagkakataon, nahanap niya ang pina
Read more

Kabanata 3276

Kaya, medyo sumama ang loob ni Felix habang umabante siya at tumayo sa harap ni Helena para harangan siya nang direkta. Pagkatapos, mayroon siyang naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha habang sinabi, “Charlie, kahit na pinsan kita, huwag mo akong sisihin kung hindi ako magiging mabait sayo kung may masamang hangarin ka sa hipag mo!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Felix kina Quinn at Stephen bago sinabi nang galit, “Miss Quinn at Mr. Thompson, nakita niyo rin ang ginawa ni Charlie kanina lang, tama? Mali ba ang sinabi ko sa kanya?”Hindi walang ingat na lalaki si Felix, at sinabi niya ang mga ito upang siguraduhin na narinig ni Quinn at Stephen ang mga sinabi niya.Naramdaman ni Felix na nagkusa nga si Charlie na hawakan ang daliri ni Helena kanina, at kung sisisihin niya si Charlie para dito, kailangan itong aminin ni Charlie kahit na ayaw niya!Medyo nahiya si Stephen. Hindi niya maintindihan kung bakit din ginawa ni Charlie iyon. Pero, mayroong matatag at disididong hitsu
Read more

Kabanata 3277

Hindi mapigilan ni Felix na magalit nang sobra nang tumingin siya sa likod ng Volvo. Sa parehong oras, hindi niya mapigilan na palihim na makaramdam ng saya sa kanyang puso.Galit siya dahil ang lalaking iyon, si Charlie, ay hindi siya binigyan ng kahit anong respeto.‘Pangalawang bagay lang kung hindi niya ako gagalangin, pero ang pangunahing punto ay hinawakan niya ang maselan na kamay ng fiancée ko!”‘Sobrang mapangahas iyon!’Pero, palihim din na nagsasaya si Felix, ‘Masyadong mayabang si Charlie ngayon. Hindi ko na kailangan magdagdag ng mga detalye sa kuwento pagbalik ko mamaya, at ipapaliwanag ko lang ang eksaktong sitwasyon kay Lolo. Siguradong magagalit din nang sobra si Lolo.’‘Ang pinaka kinatatakutan ko ay masyadong kakampihan ni Lolo si Charlie. Pero, hindi lang nabigo si Charlie na magpakita ng partikular na atensyon sa kilos niya ngayon, mukhang hindi niya rin sineseryoso si Lolo. Hindi na siya kakampihan ni Lolo ngayon, tama?’‘Sa sandaling makaramdam ng sama ng l
Read more

Kabanata 3278

Nang ipinanganak si Helena, twenty-five years old ang ama niya, at ang kanyang lola, ang Reyna ng Northern Europe, ay sixty years old.Sa panahon na iyon, ang ama ni Helena ang Crown Prince at ang magmamana sa trono. Kaya natural na itinalaga siya bilang pangalawang magmamana ng trono.Paglipas ng panahon, nang madiskubre ng ama ni Helena ang congenital disease ni Helena, hindi niya sinabi sa royal family ang tungkol dito para mamana ni Helena ang trono balang araw sa hinaharap. Palihim siyang kumuha ng pinakamagaling na doktor para kay Helena at ginamit ang pinakamagaling na paraan para gamutin si Helena habang nagsisikap siyang siguraduhin na mabubuhay nang mas matagal si Helena.Naniniwala ang ama ni Helena na kahit na maliit ang pagkakataon niyang mamana ang trono, basta’t matatago niya ang sakit ni Helena at magagawa ang lahat para mapanatiling buhay si Helena hanggang naging twenty-five years old siya, magkakaroon siya ng pagkakataon na mamana ang trono bago siya mamatay.Ito
Read more

Kabanata 3279

Sa parehong oras, sa Volvo ni Quinn.Habang nagmamaneho si Quinn, tinanong niya si Charlie, “Kuya Charlie, sinasabi mo ba na may sakit si Helena nang sinabi mo na hindi maganda ang kondisyon niya kanina?”Tumango si Charlie. “Tama.”Hindi mapigilan ni Quinn na itanong, “Anong klaseng sakit ito?”Nag-isip saglit si Charlie bago sinabi nang seryoso, “Mahirap sabihin. Sobrang kumplikado nito, pero may napakalaking problema sa buong sistema na may relasyon sa puso niya.”Nasorpresa si Quinn at tinanong, “Ahh? Gano’n kaseryoso?”“Oo.” Tumango si Charlie. “Sobrang seryoso nito.”Tinanong ulit ni Quinn, “Nasa panganib ba ang buhay niya kung gano’n?”Ipinaliwanag ni Charlie, “Ang sitwasyon niya ngayon ay parang naglalakad siya sa manipis na yelo. Marahil ay humakbang siya sa hangin at mahulog sa tubig sa kahit anong oras.”Lumaki ang mga mata ni Quinn sa gulat. “Imposible! Mukhang sobrang bata pa niya.”Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Walang pakialam ang sakit kung bata o mat
Read more

Kabanata 3280

Sobrang ganda rin ng kalooban ni Rachel. Naglabas siya ng red wine at gusto niya ring uminom kasama siya.Gusto talaga ni Rachel si Charlie, at sorbang kuntento siya sa kanya. Kaya, ang pagtrato niya kay Charlie ay hindi na parang pagtrato sa manugang niya sa hinaharap, sa halip, tinatrato niya siya bilang sarili niyang anak.Gusto rin ni Charlie ang ganitong pakiramdam sa pamilya Golding kung saan tinatrato siya nang tapat ng tatlong miyembro ng pamilya Golding.Bukod dito, ang pamilya nila ay magkaibigan na ng napakaraming taon, kaya, nakaramdam talaga si Charlie ng pakiramdam na tahanan niya ito.Habang masayang umiinom at kumakain si Charlie at ang pamilya ng tatlo ni Yule, nahatid na ni Felix si Helena sa hotel bago siya bumalik sa mansyon ng pamilya Wade para ipagpatuloy ang mga gawain niya.Nang makita ni Jeremiah na hindi niya kasamang bumalik si Charlie, nagsalita agad siya at tinanong, “Anong mayroon? Nasaan si Charlie? Bakit hindi siya bumalik kasama niyo?”Kanina pa n
Read more
PREV
1
...
326327328329330
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status