Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3281 - Chapter 3290

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3281 - Chapter 3290

5699 Chapters

Kabanata 3281

Sumimangot si Jeremiah nang marinig ito, at tinanong niya si Stephen, “Stephen, nandoon ka rin sa oras na iyon. Sa tingin mo ba ay seryoso si Charlie nang sinabi niya ang mga iyon, o sa tingin mo ay nagsabi lang siya ng walang ingat at iresponsableng salita?”Sinabi nang magalang ni Stephen, “Lord Wade, sa tingin ko ay seryoso talaga si Young Master Charlie sa mga sinabi niya. Mukhang wala siyang masamang hangarin.”Tumango nang marahan si Jeremiah at sinabi, “Sa tingin ko rin.”Biglang sinabi ni Felix, “Lolo! Imposibleng seryoso ka, tama?! Malinaw na pinagsamantalahan ni Charlie si Helena. Paano mo nasabi na wala siyang masamang hangarin?”Sinabi nang walang interes ni Jeremiah, “Sa opinyon ko, siguradong may nakitang problema sa kalusugan si Charlie sa katawan ni Helena. Ayon sa pagkakaintindii ko kay Charlie, hindi siya kikilos nang walang ingat at gagawa ng kuwento para lang pagsamantalahan ang isang babae.”Nagprotesta si Felix. “Lolo, masyado mo siyang kinikilingan! Tulad sa
Read more

Kabanata 3282

Sinabi agad ni Stephen, “Okay, Lord Wade. Aayusin ko na ang mga ito ngayon.”Nagmamadaling umabante si Felix at tinanong sa hindi nasisiyahan na tono, “Lolo! Magpapadala ka ba talaga ng maraming doktor at bibigyan ng medical examination si Helena dahil lang sa sinabi ni Charlie?! Pinag-isipan mo ba ang nararamdaman ni Helena? Paano kung ayaw niya sa ideya na ito? Paano kung magkaroon siya ng masamang isipan o opinyon sa pamilya natin dahil dito?”Kumaway si Jeremiah. “Pagdating sa ganitong uri ng bagay, mas mabuti na paniwalaan ko ito kaysa hindi. Hayaan mo si Stephen na pumunta at tanungin siya tungkol dito. Kung ayaw ni Helena sa ideya na ito, hindi rin natin siya pupuwersahin. Pero, kung wala siyang reklamo o opinyon tungkol dito, ipapagpatuloy natin ang medical examination, at magiging masaya rin ang lahat.”Tumango agad si Stephen at sinabi, “Pupunta ako doon at maghahanda agad. Susubukan ko rin na kumuha ng mga babaeng eksperto para hindi masyadong ayawan ni Miss Helena ang id
Read more

Kabanata 3283

Hindi matagal, walong babaeng eksperto ang umalis sa private hospital ng pamilya Wade at pumunta sa Shangri-La hotel sa Eastcliff.Mabilis din na pumunta doon si Stephen mula sa mansyon ng pamilya Wade kasama si Carmen.Sa sandaling ito, nakasandal si Helena sa malambot na bedrest, at nanghihina siya nang sobra.Nag-atubili siya habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pagkatapos, nagpadala siya ng video call request sa kanyang ina na nasa Northern Europe.May anim na oras na pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa sa Northern Europe at Eastcliff. 1 pm sa Eastcliff, at eksaktong 7 am sa Northern Europe.Ayon sa pagkakaintindi ni Helena sa kanyang ina, siguradong gising na siya ngayon.Hindi matagal, kumonekta ang video call. Nakaupo nang mag-isa ang ina ni Helena sa lamesa habang kumakain siya ng almusal sa kabilang dulo ng video.Nang makita ng ina ni Helena si Helena, hindi niya mapigilan na ngumiti at sabihin, “Kamusta ka sa Oskia? May mga bagay ba na hindi ka sanay diyan?”Gust
Read more

Kabanata 3284

Umiling ang ina ni Helena at sinabi, “Hindi nila ito problema. Ito ay dahil hindi talaga maganda ang kondisyon ng lola mo ngayon. Sa ngayon ay nasa kama lang siya, at ginawa na ring intensive care unit ng medical team ang kwarto niya. Ilang doktor at nurse ang nagbabantay sa kanya araw-araw.”Tinanong nang nagmamadali ni Helena, “Gano’n ba kaseryoso? Ano ba talaga ang nangyayari?”“Sobrang seryoso nito.” Sinabi ng ina ni Helena, “Sobrang kumplikado ng sitwasyon, at ang pangunahing dahilan ay sobrang tanda na niya talaga ngayon, at maraming organ sa katawan niya ang malapit ng bumigay. Narinig ko na may dalawa o tatlong buwan na lang siya para mabuhay. Sa mga nagdaang araw, palihim nang naghahanda ang tito mo para sa enthronement ceremony ng pinsan mo.”Tumango nang marahan si Helena at sinabi nang seryoso, “Kung aakyat sa trono si Olivia, magiging mabuti rin ito para sa atin. Kahit papaano, tatratuhin ka niya nang mas mabuti para sa sisterhood namin at relasyon ko sa kanya sa loob n
Read more

Kabanata 3285

Hindi mapigilan ni Carmen na magduda nang kaunti nang makita niya na hindi man lang nag-atubili si Helena na tanggihan ang alok na magsagawa ng medical examination sa kanya ang doktor. Bukod dito, mukhang kinakabahan nang sobra si Helena at may nangangambang ekspresyon sa kanyang mukha.Karaniwan, ang mga mahihirap na tao lang na hindi maganda ang kabuhayan ang matatakot na pumunta sa doktor.Ito ay dahil lumaki sila nang nalalaman na kapag pumunta sila sa doktor, iyon ang kaso kung saan may sakit sila.Nag-iwan ng psychological shadow ito sa puso nila dahil kailangan nila ng injection o kumain ng gamot sa tuwing pumupunta sila sa doktor, at hindi nila mapigilan na kabahan sa sandaling may bumanggit sa doktor.Maraming tao sa mga ganitong pamilya ang takot na takot sa mga doktor kahit sa pagtanda nila. Mayroon silang prinsipyo na hindi pupunta sa hospital hangga’t maaari sa pang araw-araw na buhay nila.Pero, hindi galing sa mahirap na pamilya si Helena, at supling siya ng royal f
Read more

Kabanata 3286

Nang maisip niya ito, tinibayan na lang ni Helena ang kanyang kalooban at sinabi nang nayayamot, “Madam Wade, alam ko na may mabuting hangarin ka, pero bigla kang nagdala ng maraming medical expert dito, at pinupuwersa mo akong sumailalim sa medical examination kahit ayaw ko. Medyo hindi ito makatwiran ito, tama? Kahit na malapit ko nang pakasalan si Felix at maging manugang ng pamilya Wade, hindi ba ako pwedeng magkaroon ng ilang karapatang pantao kahit papaano?”Ngumiti si Carmen at sinabi, “Oh, Helena! Masyado mo itong sineseryoso. Bakit mo na binabanggit ang karapatang pantao ngayon? Walang umaagaw ng karapatang pantao mo. Gusto ka lang namin bigyan ng medical examination para hindi ka magkaroon ng problema sa kalusugan mo.”Sinabi nang sobrang seryoso ni Helena, “Ang pinaka direktang sagot sa karapatang pantao ay hindi dapat ako sumailalim sa medical examination nang labag sa kalooban ko kung tumanggi akong sumailalim sa medical examination. Kung wala man lang akong kalayaan at
Read more

Kabanata 3287

Ang unang ginawa ni Carmen, na hindi pinapasok, nang bumalik siya sa mansyon ng pamilya Wade ay pumunta at magreklamo kay Lord Wade.Nang makita siya ni Lord Wade, nasorpresa rin siya nang kaunti, at tinanong niya, “Carmen, bakit ang bilis mong bumalik? Tapos na ba ang medical examination para kay Helena?”Sumagot nang hindi masaya si Carmen, “Ayaw ng prinsesa ng Northern Europe na hayaan akong gawin ito. Mabait ko siyang inalok sa medical examination, pero sinabi niya na nilalabag ko ang karapatang pantao niya, at pinalaki niya pa ang maliit na bagay na ito sa antas ng lipunan, moralidad, at politiko. Nakikita ko rin na sobrang determinado siya. Kung ipipilit ko na bigyan siya ng medical examination, siguradong babalik siya sa Northern Europe.”Nang marinig ito ni Jeremiah, hindi niya mapigilan ang pagkunot ng noo niya at binulong niya nang malamig, “Kung tumatanggi si Helena sa medical examination, mas lalo lang ako nakumbinsi sa sinabi ni Charlie. Siguradong may mali sa katawan n
Read more

Kabanata 3288

Si Helena, na namomroblema, ay nalungkot nang sobra.Naghanda pa si Helena para sa pinaka malalang mangyayari. Kung aatras talaga ang pamilya Wade sa kasal, wala siyang magagawa kundi bumalik sa Northern Europe at magmakaawa sa pinsan niya, kay Olivia. Magmamakaawa siya kay Olivia na bigyan siya at ang kanyang ina ng daan palabas para mabuhay dahil sa pinagsamahan nila.Pero, habang nakatulala siya, isang ideya na medyo balintuna ang biglang lumitaw sa kanyang isipan.Inisip niya, ‘Maaari bang isa talagang eksperto sa medisina si Charlie Wade? Kung nakita niya at nasuri niya ang sakit ko sa isang tingin, marahil ay may abilidad din siya na gamutin ang sakit ko…’Nang maisip niya ito, naramdaman ni Helena na tila ba nakita niya na ang huling tagapagligtas ng buhay niya. Inisip niya, ‘Pagpunta ko sa mansyon ng pamilya Wade bukas, kailangan kong mag-isip ng paraan para makipagkita sa kanya at tanungin siya sa pribado kung may abilidad siya na iligtas ako o hindi.’Sa sandaling ito, u
Read more

Kabanata 3289

Hindi mapakalma nang matagal ni Charlie ang puso niya pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Yule.Nang maisip niya kung paano umalis ang kanyang ama sa Eastcliff habang mabigat ang kalooban, nadidismaya, at malungkot bago siya namatay sa ibang lugar, naramdaman ni Charlie na tila ba may sumasaksak sa puso niya.Dati, ayaw ni Charlie na makipag-ugnayan nang sobra sa pamilya Wade dahil alam niya nag ang relasyon ng kanyang ama sa pamilya Wade ay nagtapos nang patas. Naramdaman niya rin na may responsibilidad ang pamilya Wade sa pagkamatay ng mga magulang niya.Dahil dito, iniiwasan palagi ni Charlie ang pamilya Wade at sinusubukan niya na huwag masyadong makipag-ugnayan sa kanila hangga’t maaari.Naintindihan niya sa mga sinabi ni Yule na ang kanyang ama, sa totoo lang, ay may sama at bigat ng loob sa pamilya Wade!Ito ay dahil dati, tinalikuran siya ng pamilya Wade! Tinalikuran nila ang pagsisikap niya! Tinalikuran nila ang sa maunlad na mga taon niya!Tulad ng sinabi ni Yule, nama
Read more

Kabanata 3290

Nagalit siya nang sobra at sumakit ang ulo niya dahil sa pagkabigo at pagkatalo ni Zayne at ng mahigit sampung libong sundalo ng Ten Thousand Armioes sa Syria, pero habang papalapit nang papalapit ang April 5, hindi na niya iniisip ang buhay o kamatayan ni Zayne o ang pagkalugi ng Ten Thousand Armies dahil sa pagkatalo na iyon.Sa ngayon, ang gusto na lang ni Porter ay ipaghiganti ang mga magulang niya para makapag pahinga nang payapa ang mga magulang niya.Sa aspetong ito, si Porter ay katulad ni Charlie. Pareho silang tapat na anak na dala-dala ang malalim na galit at poot ng mga magulang nila, at pareho silang may malakas na determinasyon para pabagsakin ang lahat at bawiin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga magulang nila.Sa sandaling ito, lumabas si Porter sa kanyang kwarto at tumayo sa courtyard habang tumingin siya sa dose-dosenang mumurahin na kabaong sa courtyard. Puno ng nakamamatay na layunin ang mga mata niya.Sa sandaling ito, ang kanyang kanang kamay, si Hunter, ay luma
Read more
PREV
1
...
327328329330331
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status