Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3301 - Chapter 3310

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3301 - Chapter 3310

5702 Chapters

Kabanata 3301

Nang marinig ni Director Zo na iba ang utos ni Felix sa utos ni Jeremiah, napatanong siya, “Eldest Young Master, gusto mo bang kumpirmahin ko muna ang bagay na ito kay Lord Wade?”“Hindi na kailangan!” Bulalas ni Felix, “Kailangan mong magmadali at iligtas ang buhay niya! Siguraduhin mong gagamitin niyo ang lahat ng rescue measures na pwede! Kung may sisisihin si Lolo sa nangyari, ako na ang bahalang umako ng lahat!”Nang marinig ito ni Director Zo, pinag-isipan niya ang lahat ng sinabi ni Felix. Natatakot siyang kapag hindi nila sinubukan ang lahat ng kanilang makakaya, magiging dahilan ito para pagbantaan sila ng kabilang panig. Kaya, agad siyang tumango, “Sige, Eldest Young Master. Sisimulan agad namin ang resuscitation measures ngayon din!”Napatitig si Helena kay Felix habang malumbay ang mga mata. Gusto niyang magsalita para kundenahin ito, pero nang dumating ang mga salita sa kanyang labi, agad niya itong nilunok.Alam niyang gusto lang ni Felix na masigurong malinis ang pam
Read more

Kabanata 3302

Nagitla ang babaeng doktor. Hindi niya inaakalang magkakaroon ng ganyang klase ng lakas at bilis ang isang pasyenteng mamamatay na.Habang nagdududa, bigla siyang napasulyap sa monitor na nasa tabi niya at napabulalas siya sa gulat, “Director! Naging stable ang blood pressure, heart rate, at iba pang vital signs ng pasyente!”Nang marinig ng lahat ang sinabi ng babaeng doktor, napalingon sila nang hindi nila namamalayan sa monitor.Sa monitor, makikitang mula sa 45/30, bumalik na ang blood pressure ni Helena sa 120/70. Masyadong mabilis ang lahat!Mula sa humigit kumulang na 20 beats per minute, naging 72 beats per minute na ang heart rate ni Helena!Umabot rin ng 95% ang kanyang blood oxygen index mula sa 60% lamang kanina.Natigilan si Director Zo habang nakatitig sa monitor, “Ito… Ito… niloloko yata tayo ng machine na ito, hindi ba? Sira na ba ito? Pakitignan niyo naman kung may mali sa koneksyon ng pasyente at ng machine! Masyado naman yata itong nakakagulat!”Agad na tinign
Read more

Kabanata 3303

Sa pagkakataong ito, kinakabahang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Wade pati na rin ang mga attendants ni Helena sa labas ng resuscitation room.Iniisip ng lahat na mamamatay na si Helena kaya hinihintay na lamang nila ang malinaw na mensahe mula sa loob.Inutusan rin ni Jeremiah si Felix na agad na ipadala ang video sa butler ng Northern European royal family sa pagkakataong magkaroon sila ng anunsyo na patay na si Helena. Sa ganitong paraan, magiging malinaw ang nangyari.Subalit, nakaramdam ng panghihinayang si Felix!Matapos ang lahat, nakamamangha ang ganda ni Helena at hinahangaan siya ng maraming lalaki.Subalit, hindi pa nakakalapit si Felix sa kanya at hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makuha ang loob nito. Sa huli, wala rin pala siyang makukuha. Sayang lang ang lahat.Ganoon din, tila ba may naisip si Carme at sikreto niyang tinanong si Jeremiah, “Papa, baka pwede nating papuntahin si Charlie dito? Dati, sinasabing si Charlie ang nagpagaling kay Yule. Si
Read more

Kabanata 3304

Habang napapaisip siya kung ano ang nangyayari, bigla niyang nakita ang bakat ng mga ngipin at dugo sa dulo ng daliri ni Helena. Bigla siyang nagkaroon ng realisasyon!‘Bakit ko naman nakalimutan ang sinabi ni Felix sa akin nang magreklamo siya noong nakaraang araw?! Sinabihan ni Charlie si Helena na kagatin nang malakas ang dulo ng kanyang daliri sa kanang kamay kapag pakiramdam niya nasa kritikal na punto siya ng kanyang buhay. Mukhang hindi nga talaga kalokohan ang sinasabi ni Charlie!’‘Iyon nga lang… Masyado namang nakamamangha ang lahat! Bakit kailangan lang kagatin ni Helena ang dulo ng kanyang gitnang daliri sa kanang kamay para mapagaling ang malala niyang heart disease kahit dumating pa sa puntong muntik na siyang mabawian ng buhay?’‘Hindi ako makapaniwalang may ganitong klase ng physical therapy! Kung biglang magkakaroon ng heart attack ang isang tao, kalimutan na natin ang dulo ng gitnang daliri. Kahit pa putulin niya ang buo niyang gitnang daliri, imposibleng magkakaro
Read more

Kabanata 3305

Nang makita ni Helena na pumayag si Jeremiah sa kanyang alok, nakaramdam siya ng matinding tuwa, at tumugon siya nang walang pag-aalangan, “Maraming salamat, Lord Wade! Babalik na ako para magbihis at maghanda!”Pagkatapos itong sabihin, napatitig si Helena sa dalawa niyang attendants saka siya bumulalas, “Bilisan niyo at bumalik na tayo sa hotel!”Sa pagkakataong iyon, saka lamang nakabalik sa kanilang mga huwisyo ang dalawang attendants. Wala na silang oras para isipin kung ano ang nangyari pero agad na lang silang tumango, “Masusunod, Your Royal Highness!”Nakita ni Felix na mabuti na ang kalagayan ni Helena kaya muling lumitaw sa kanyang isip ang ilang mga nakakahalay na bagay. Kanina, hindi niya mapigilang manghinayang dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na malapitan si Helena at pagsamantalahan ito, pero hindi niya naman inaakalang mabibiyayaan siya ng isa pang pagkakataon.Kaya, agad siyang nagsalita na tila ba nag-aalala, “Darling, hayaan mo akong ihatid ka.”Ngumiti
Read more

Kabanata 3306

“Bukod dito, naniniwala ako na ang dahilan kung bakit gusto niya na sundan niyo akong dalawa ay hindi lang para bantayan ako, ito ay para rin maligtas niyo ang buhay ko kung sakaling atakihin ako sa puso para maiwasan na madiskubre ito ng pamilya Wade. Kaya, kung malalaman ni Olivia ang tungkol dito, siguradong sisisihin niya kayong dalawa dahil hindi niyo ako tinulungan na pagtakpan ito. ‘Magiging responsable kayong dalawa pagdating ng panahon.”“Kaya, bakit hindi tayo magkunwaring tatlo na hindi nangyari ang bagay na ito para hindi na rin kayo magpasan ng responsibilidad? Kung gano’n, magkakaroon din ako ng pagkakataon na lumaban ulit. Ano sa tingin niyo?”Tumingin sa isa’t isa ang dalawang babae. Pagkatapos, nagsalita ang Oskian na babae, “Princess Helena, hindi kami nagkaroon ng oras para kausapin si Princess Olivia kanina. Buburahin namin ang video sa cellphone namin mamaya at magpapanggap na walang nangyari!”“Mabuti!” Huminga nang maluwag si Helena at tumango. “Kulang na tayo
Read more

Kabanata 3307

Hindi na sinabihan ni Yule nag kahit sino na sundan siya. Mag-isa siyang tumayo at pumunta sa entrance.Sa sandaling nakita niya si Stephen, umabante siya nang nagmamadali at nakipagkamay sa kanya habang ngumiti at sinabi, “Stephen! Matagal na tayong hindi nagkita! Nandito ka sa Eastcliff, pero hindi mo ako binibisita nang madalas!”Sinabi nang magalang ni Stephen, “Chairman Golding! Sobrang abala ako sa mga nagdaang panahon. Matagal kitang hindi nabisita, at mas lalong gumanda ang kulay ng balat mo!”Tumango si Yule at tumawa habang sinabi, “Dahil ito kay Charlie. Kung hindi, sa libingan mo na ako bibisitahin.”“Oo!” Tumango nang mabigat si Stephen at sinabi, “Hanggang ngayon, hindi talaga maarok ang mga abilidad ni Young Master Charlie!”Bumuntong hininga si Yule. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Stephen habang sinabi nang seryoso, “Stephen, ang lahat ng ito ay dahil sa pagprotekta mo kay Charlie sa loob ng napakaraming taon. Ako, si Yule Golding, ay hinding-hindi malilimuta
Read more

Kabanata 3308

Tumango nang taimtim si Yule. “Tulad ng sinabi mo, unang hakbang pa lang ang pagiging pinuno ni Charlie sa pamilya Wade. Ang pangwakas na layunin ay ipaghiganti sina Curtis at Ashley, at pangunahan ang pamilya Wade sa rurok ng mundo! Sa sandaling iyon, ako, si Yule Golding, ay itatalaga ang lahat ng mayroon ang pamilya Golding at dalhin ang palanquin para kay Charlie!” Nang marinig ito ni Stephen, lumuhod agad siya sa isang tuhod at nagpasalamat, “Chairman Golding, sobrang tuwid at tapat mo kay Master Curtis. Mangyaring tanggapin mo ang lubos na paggalang ko!”Nagmamadali siyang tinulungan ni Yule at sinabi nang seryoso, “Stephen, hindi mo na kailangan na maging sobrang pormal sa akin. Magkakampi na tayo simula ngayon! Kailangan nating magtulungan nang sobra para tanggalin ang lahat ng harang upang mamana ni Charlie ang pamilya Wade!”Tumango nang mabigat si Stephen. “Naiintindihan ko! Dalawampung taon ko nang hinihintay ang araw na ito!”Tumango si Yule at ngumiti habang sinabi,
Read more

Kabanata 3309

Dahil naghanda ang pamilya Wade at ang pamilya Golding ng convoy, nagpasya si Yule na hayaan ang convoy ng pamilya Golding na sumama sa kanila para tulungan si Charlie na magkaroon ng maganda at malakas na impresyon.Si Stephen mismo ang nagmaneho para kay Charlie papunta sa lumang mansyon ng pamilya Wade. Sa daan, binigyan niya rin ng detalyadong ulat si Charlie sa nangyari kay Helena.May tatlong naramdaman si Charlie sa puso niya pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Stephen.Una, may masamang hangarin gna si Helena dahil tinago niya ang katotohanan sa pamilya Wade.Pangalawa, medyo walang hiya nga ang pamilya Wade sa kung paano nila gustong lumayo sa responsibilidad. Pangatlo, ang katotohanan na kayang magkasundo ni Helena at ng pamilya Wade sa ganitong bagay ay pinapatunayan na may malawak na karanasan ang dalawa at hindi sila madaling pakitunguhan.Bukod dito, nahihinuha rin ni Charlie na ang kasalukuyang sitwasyon ni Helena ay isa ng dead end.Sa panig ng Oskia, mahihirapa
Read more

Kabanata 3310

Lumabas na si Stephen sa harap ng kotse, at pumunta siya sa labas ng pinto kung saan nakaupo si Charlie. Pagkatapos ay nagkusa siyang buksan ang pinto at sinabi niya nang magalang, “Young Master Charlie, nandito na tayo.”Tumango nang marahan si Charlie.Hindi pa siya nagmamadali na lumabas sa kotse. Sa halip, sinabi niya kay Quinn, na nasa kotse, “Nana, salamat sa pag-aabala na ihatid ako dito.”Ngumiti nang matamis si Quinn at sinabi, “Kuya Charlie, bakit sobrang galang mo pa rin sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, maauna na ako. Hindi mo kailangan na pumunta at sunduin ako mamayang gabi. Sasabihan ko si Mr. Thompson na ihatid ako pauwi pagkatapos ko dito.”“Okay.” Sinabi nang nagmamadali ni Quinn, “Hihintayin kita sa bahay kung gano’n.”Tumango si Charlie bago siya lumabas sa Rolls-Royce.Sa sandaling ito, halos mamatay na si Felix sa galit.Hininaan niya ang boses niya at nagreklamo sa kanyang ama, kay Clayton, na nasa tabi niya, “Hindi ko alam kung bakit
Read more
PREV
1
...
329330331332333
...
571
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status