Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 5701 - Chapter 5710

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 5701 - Chapter 5710

5894 Chapters

Kabanata 5701

Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Read more

Kabanata 5702

Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Read more

Kabanata 5703

Gumaan din ang pakiramdam ni Vera nang makita niya na kampante si Charlie. Tumingin siya sa oras at sinabi, “Young Master, halos alas otso na ngayon. Kailan mo balak umuwi?”Sinabi ni Charlie, “Karaniwan ay pumupunta ang biyenan na lalaki ko sa Calligraphy and Painting Association ng alas nuwebe. Medyo malapit ito sa bahay. Miss Lavor, hindi mo na ako kailangan ihatid pauwi. Masyadong maingay ang helicopter sa downtown area, kaya babalik na lang ako nang mag-isa.”Pinilit ni Vera, “Young Master, paano ko magagawang pabalikin ka nang mag-isa? Bakit hindi na lang ako magmaneho?”Nagmamadaling tumanggi si Charlie, “Hindi na talaga ito kailangan. Kaya kong maglakad nang mag-isa.”Bumuntong hininga nang malambot si Vera, “Young Master, kung aalis ka nang ganito at dadaan sa courtyard sa ibaba, marahil ay mali ang isipin ng mga katulong kapag nakita ka nilang umalis sa courtyard ko sa umaga.”Tinanong nang hindi akma ni Charlie, “Kung gano’n, Miss Lavor, ano sa tingin mo ang angkop?”S
Read more

Kabanata 5704

Tumango nang sabik si Mr. Raven at sinabi, “Miss, makasisiguro ka. Naiintindihan ko! Naiintindihan ko nang buo!”Nang sinabi niya ito, hindi niya maiwasan na tumingin kay Charlie at sabihin sa sabik na tono, “Mr. Wade, kung maaari akong maging matapang para magsalita, ikaw lang ang nag-iisang tagalabas na talagang pinagbuksan ng puso ni Miss sa nakaraang tatlong daang taon…”Nang mapagtanto ni Mr. Raven na hindi tama ang tunog ng mga sinabi niya, ipinaliwanag niya nang mabilis, “Ang ibig kong sabihin, ikaw lang ang nag-iisang tao na nasa hustong gulang na pinagbuksan ng puso ni Miss sa mga nagdaang taon. Pinalaki at pinagsilbihan namin si Miss simula noong bata pa kami, at unti-unting sinabi ni Miss ang mga sikreto niya sa amin pagkatapos makita ang magandang ugali at katapatan namin.”Ngumiti nang nahihiya si Charlie. Hindi siya sigurado kung paano sasagot, kaya iniba niya ang paksa, at sinabi, “Mr. Raven, hindi mo kailangan na tawagin ang sarili mo bilang isang katulong sa harap k
Read more

Kabanata 5705

Nang marinig ang mga sinabi ni Mr. Raven, nagulat nang sobra sina Logan at Emmett sa punto na hindi sila makapagsalita. Tumayo sila nang hindi namamalayan, at tumingin si Emmett kay Mr. Raven at sinabi, “Mr. Raven, sinabi mo na na-inlove si Miss. Kanino siya na-inlove?”Binulong ni Mr. Raven, “Naaalala mo pa ba kung ano ang pinakamalaking hiling natin dati?”Sumagot si Logan nang walang pag-aatubili, “Syempre! Ito ay para mahanap ni Miss ang totoong mahal niya, mabuhay nang payapa, at hindi na maging mag-isa sa buong buhay niya!”Bumuntong hininga si Emmett at sinabi, “Tama! Sa mga nagdaang dekada, iniisip ko na bago tayo maging 10 years old, nakipaglaro si Miss sa atin. Noong nasa pagitan tayo ng 10 at 20s, nakipaglaro tayo kay Miss, at kahit sa pagtanda natin, nanatiling 17 years old si Miss. Umaasa tayo na sana, balang araw, makahanap siya ng katuwang niya sa buhay. Pagkatapos, nang umalis tayo sa tabi ni Miss, sa maraming taon, kahit hindi alam kung nasaan siya, patuloy ko pa ri
Read more

Kabanata 5706

May parehong pagkatao silang tatlo, mabuting ugali, at mga mabuting asal. Kahit na pinili nila ang iba’t ibang landas, lumaki sila nang sama-sama sa paligid ni Vera simula pagkabata. Mas lumalim ang samahan nila dahil dito, at pakiramdam nila na parang magkakapatid sila.May mga mataas na posisyon si Emmett dati, at minana ni Logan ang isang malaking kayamanan. Sobrang matagumpay nilang dalawa sa buhay.Sa kabilang dako, nanatili si Mr. Raven sa tabi ni Vera bilang butler niya nang halos siyamnapung taon. Parang wala itong tagumpay, pero hinahangaan siya nang sobra nina Emmett at Logan.Sa mga nagdaang taon, maraming inampon na bata si Vera, pero sobrang kaunti lang ang maaaring manatili sa tabi niya.Ipinahayag nina Emmett at Logan ang kagustuhan nila na manatili sa tabi ni Vera, pero hindi siya pumayag dito at sa kalaunan ay pinalayo sila. Kinuha ni Logan ang negosyo ni Vera sa Southeast Asia, habang nakita ni Vera ang makabansang sigla ni Emmett at sinuportahan ang pagbabalik ni
Read more

Kabanata 5707

Makalipas ang ilang minuto, bumalik sa kwarto nila ang lahat ng katulong ng Scarlet Pinnacle Manor. Si Mr. Raven, na sobrang maasikaso, ay sinabihan pa si Logan na pansamantalang isara ang lahat ng surveillance sa villa. Dahil, tungkol ito sa reputasyon ng young lady, kaya natural na hindi dapat siya mag-iwan ng kahit anong panganib.Sa sandaling naayos na ang lahat, tinawagan ni Mr. Raven si Vera para mag-ulat sa kanya. Pagkatapos ay sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, naihanda na ni Mr. Raven at ng iba ang lahat. Dapat na ba tayong bumaba?”Tumango nang magalang si Charlie at sinabi, “Salamat, Miss Lavor.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Young Master, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin.”Pagkatapos itabi ang painting na may kaligrapiya na, lumabas si Charlie sa itaas na courtyard ng villa kasama si Vera. Habang papunta sila sa gate ng courtyard, nakita niya ang tatlong matandang tao na nakatayo nang magalang nang magkakatabi sa dulo ng mahabang ha
Read more

Kabanata 5708

Kaya, nagsalita siya at sinabi, “Mga ginoo, may mga mahalagang bagay pa ako na kailangan gawin ngayong araw. Pagkatapos kong ayusin ang mga ito, bibisitahin ko ulit kayo. Sa sandaling iyon, maghahanda ako ng ilang pill para umunlad ang kalusugan niyo. Naniniwala ako na makakatulong ito sa inyo.”Natulala nang kaunti ang tatlong lalaki. Wala silang masyadong alam tungkol kay Charlie at ang alam lang nila ay siya ang mahiwagang benefactor na binanggit ni Vera. Kaya, hindi nila alam ang mga epekto ng pill ni Charlie.Sa sandaling ito, si Vera, na nasa gilid nila, ay ngumiti at sinabi, “Mr. Sandsor, sinabi ko sayo dati na nasa Aurous Hill ang pagkakataon mo. Mukhang ang lahat ay nakadepende kay Mr. Wade. Bakit hindi ka magmadali at ipahayag ang pasasalamat mo kay Mr. Wade para sa pagligtas sa buhay mo?”Biglang lumaki ang mga mata ni Emmett habang may hindi makapaniwalang ekspresyon. Humarap naman si Vera sa dalawa at sinabi, “Mr. Raven, Mr. Carrick, binibigyan din kayo ni Mr. Wade ng p
Read more

Kabanata 5709

Nang bumalik si Charlie sa Thompson First, nakikipagtalo si Jacob kay Elaine.Kapapasok lang ni Charlie hawak-hawak ang scroll ng painting ni Marcius nang marinig niyang nagreklamo si Jacob, “Wala kang ginagawa buong araw, at hindi ka man lang naghanda ng almusal. Ayos lang kung ayaw mong magluto, pero kahit papaano ay umorder ka man lang ng ilang pagkain para sa akin nang umorder ka para sayo. Hindi ka nagtira para sa akin pagkatapos mong kumain. Nagmamadali akong pumunta sa association. Hindi mo ako pwedeng hayaan na magutom, tama?”Sumagot nang kampante si Elaine, “Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan na ‘Hindi kakain ang mga hindi nagtatrabaho’? Bakit hindi ka gumising nang maaga at maghanda ng almusal para sa akin, kung gano’n? Nangangarap ka siguro kung gusto mo na magluto ako para sayo. At saka, sa tingin mo ba ay hindi ko kailangan ng pera para umorder ng pagkain? Kung bibigyan mo ako ng 80 o 100 thousand dollars kada buwan bilang baon, siguradong mag-aayos ako ng tatlong p
Read more

Kabanata 5710

May malungkot at nag-aalalang ekspresyon si Jacob habang sinabi niya kay Charlie, “Mahal kong manugang, medyo mahirap nga ang kasalukuyang sitwasyon ko. Maraming tsismis na umiikot sa association. Maraming tao ang nagsasabi na wala akong totoong talento at ang dahilan lang kung bakit ako naging vice president ay dahil sa suporta ni Mr. Bay. Nasa mahirap na posisyon din si Mr. Bay.”Hininaan ni Jacob ang boses niya at nagpatuloy, “Naghapunan kami ni Mr. Bay kahapon at binigyan niya ako ng kaunting maliit na pahiwatig. Ang punto ay maraming tao ang lumalapit sa kanya kailan lang, at marami sa kanila ay gusto akong patalsikin. Kung wala akong magagawa ngayon, mahihirapan ako na kumbinsihin ang lahat…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Madali lang ito malulutas, Pa. Nagkataon na may sinuri akong Feng Shui ng isang kliyente ngayong araw, at napansin ko na may ilang painting siya sa bahay. Dahil nagbabalak ng exhibition ang calligraphy and painting association mo, hiniling ko n
Read more
PREV
1
...
569570571572573
...
590
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status