“Bukod dito, naniniwala ako na ang dahilan kung bakit gusto niya na sundan niyo akong dalawa ay hindi lang para bantayan ako, ito ay para rin maligtas niyo ang buhay ko kung sakaling atakihin ako sa puso para maiwasan na madiskubre ito ng pamilya Wade. Kaya, kung malalaman ni Olivia ang tungkol dito, siguradong sisisihin niya kayong dalawa dahil hindi niyo ako tinulungan na pagtakpan ito. ‘Magiging responsable kayong dalawa pagdating ng panahon.”“Kaya, bakit hindi tayo magkunwaring tatlo na hindi nangyari ang bagay na ito para hindi na rin kayo magpasan ng responsibilidad? Kung gano’n, magkakaroon din ako ng pagkakataon na lumaban ulit. Ano sa tingin niyo?”Tumingin sa isa’t isa ang dalawang babae. Pagkatapos, nagsalita ang Oskian na babae, “Princess Helena, hindi kami nagkaroon ng oras para kausapin si Princess Olivia kanina. Buburahin namin ang video sa cellphone namin mamaya at magpapanggap na walang nangyari!”“Mabuti!” Huminga nang maluwag si Helena at tumango. “Kulang na tayo
Hindi na sinabihan ni Yule nag kahit sino na sundan siya. Mag-isa siyang tumayo at pumunta sa entrance.Sa sandaling nakita niya si Stephen, umabante siya nang nagmamadali at nakipagkamay sa kanya habang ngumiti at sinabi, “Stephen! Matagal na tayong hindi nagkita! Nandito ka sa Eastcliff, pero hindi mo ako binibisita nang madalas!”Sinabi nang magalang ni Stephen, “Chairman Golding! Sobrang abala ako sa mga nagdaang panahon. Matagal kitang hindi nabisita, at mas lalong gumanda ang kulay ng balat mo!”Tumango si Yule at tumawa habang sinabi, “Dahil ito kay Charlie. Kung hindi, sa libingan mo na ako bibisitahin.”“Oo!” Tumango nang mabigat si Stephen at sinabi, “Hanggang ngayon, hindi talaga maarok ang mga abilidad ni Young Master Charlie!”Bumuntong hininga si Yule. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Stephen habang sinabi nang seryoso, “Stephen, ang lahat ng ito ay dahil sa pagprotekta mo kay Charlie sa loob ng napakaraming taon. Ako, si Yule Golding, ay hinding-hindi malilimuta
Tumango nang taimtim si Yule. “Tulad ng sinabi mo, unang hakbang pa lang ang pagiging pinuno ni Charlie sa pamilya Wade. Ang pangwakas na layunin ay ipaghiganti sina Curtis at Ashley, at pangunahan ang pamilya Wade sa rurok ng mundo! Sa sandaling iyon, ako, si Yule Golding, ay itatalaga ang lahat ng mayroon ang pamilya Golding at dalhin ang palanquin para kay Charlie!” Nang marinig ito ni Stephen, lumuhod agad siya sa isang tuhod at nagpasalamat, “Chairman Golding, sobrang tuwid at tapat mo kay Master Curtis. Mangyaring tanggapin mo ang lubos na paggalang ko!”Nagmamadali siyang tinulungan ni Yule at sinabi nang seryoso, “Stephen, hindi mo na kailangan na maging sobrang pormal sa akin. Magkakampi na tayo simula ngayon! Kailangan nating magtulungan nang sobra para tanggalin ang lahat ng harang upang mamana ni Charlie ang pamilya Wade!”Tumango nang mabigat si Stephen. “Naiintindihan ko! Dalawampung taon ko nang hinihintay ang araw na ito!”Tumango si Yule at ngumiti habang sinabi,
Dahil naghanda ang pamilya Wade at ang pamilya Golding ng convoy, nagpasya si Yule na hayaan ang convoy ng pamilya Golding na sumama sa kanila para tulungan si Charlie na magkaroon ng maganda at malakas na impresyon.Si Stephen mismo ang nagmaneho para kay Charlie papunta sa lumang mansyon ng pamilya Wade. Sa daan, binigyan niya rin ng detalyadong ulat si Charlie sa nangyari kay Helena.May tatlong naramdaman si Charlie sa puso niya pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Stephen.Una, may masamang hangarin gna si Helena dahil tinago niya ang katotohanan sa pamilya Wade.Pangalawa, medyo walang hiya nga ang pamilya Wade sa kung paano nila gustong lumayo sa responsibilidad. Pangatlo, ang katotohanan na kayang magkasundo ni Helena at ng pamilya Wade sa ganitong bagay ay pinapatunayan na may malawak na karanasan ang dalawa at hindi sila madaling pakitunguhan.Bukod dito, nahihinuha rin ni Charlie na ang kasalukuyang sitwasyon ni Helena ay isa ng dead end.Sa panig ng Oskia, mahihirapa
Lumabas na si Stephen sa harap ng kotse, at pumunta siya sa labas ng pinto kung saan nakaupo si Charlie. Pagkatapos ay nagkusa siyang buksan ang pinto at sinabi niya nang magalang, “Young Master Charlie, nandito na tayo.”Tumango nang marahan si Charlie.Hindi pa siya nagmamadali na lumabas sa kotse. Sa halip, sinabi niya kay Quinn, na nasa kotse, “Nana, salamat sa pag-aabala na ihatid ako dito.”Ngumiti nang matamis si Quinn at sinabi, “Kuya Charlie, bakit sobrang galang mo pa rin sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, maauna na ako. Hindi mo kailangan na pumunta at sunduin ako mamayang gabi. Sasabihan ko si Mr. Thompson na ihatid ako pauwi pagkatapos ko dito.”“Okay.” Sinabi nang nagmamadali ni Quinn, “Hihintayin kita sa bahay kung gano’n.”Tumango si Charlie bago siya lumabas sa Rolls-Royce.Sa sandaling ito, halos mamatay na si Felix sa galit.Hininaan niya ang boses niya at nagreklamo sa kanyang ama, kay Clayton, na nasa tabi niya, “Hindi ko alam kung bakit
Nalungkot nang sobra si Clayton pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie.Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Charlie. Ang ibig niyang sabihin ay simula ngayon, kahit mananatili siya sa lumang mansyon ng pamilya Wade o manatili siya sa Eastcliff o hindi, siya, si Charlie Wade, ay opisyal nang bumalik sa pamilya Wade.Nanumpa si Clayron sa puso niya, ‘Nakakainis ang batang ito kapag ginagawa niya ito…’Pero, hindi nangahas si Clayton na magsabi ng kahit ano sa harap ni Jeremiah.Kaya, ngumiti na lang siya at sinabi, “Mabuti! Mabuti! Mabuti at nakabalik ka na!”Pagkatapos ay tumalikod si Lord Wade at ipinakilala kay Charlie ang pangatlong tito niya, si Caleb, ang pang-apat na tito niya, si Carlisle, ang tita Carmen niya, at ang pinakabatang tita niya, si Charlotte.Habang ipinapakilala niya si Carmen kay Charlie, mayroong sobrang maasikasong ekspresyon si Carmen sa kanyang mukha habang sinabi niya nang sabik, “Charlie, napakaraming taon ka nang hinihintay ni Tita na umuwi. S
Nang makita ni Jeremiah na nakita at nakilala na ni Charlie ang lahat, tumingin siya sa oras at sinabi nang masaya, “Mabuti na bumalik na si Charlie. Pumasok na tayo ,umupo, at mag usap-usap. Darating na ang mga dayuhan nating kamag-anak para magbigay ng paggalang mamaya.”Nang makita ng lahat na binigay na ni Lord Wade ang utos niya, lumipat sila sa main hall ng lumang mansyon ng pamilya Wade.Nakasunod si Helena sa tabi ni Felix, at naghahanap siya ng pagkakataon para makausap niya nang mag-isa si Charlie. Pero, nang makita niya na hindi angkop para sa kanya na gawin ito sa ngayon, sumuko muna siya pansamantala.Sa sandaling ito, sa main hall ng lumang mansyon ng pamilya Wade.Ilang upuan na na gawa sa Lexington wood ang nakakalat sa isang hugis pamaypay ayon sa utos ng mga ninuno sa gitna ng malaking main hall.Ang upuan ni Lord Wade ay nasa gitna ng hugis pamaypay, at may mahigit sampung upuan sa kaliwa at kanang posisyon ng upuan niya.Ito ang mga upuan ng mga direktang miye
Walang nag-aakala na uupo siya doon sa kalmado at kaswal na paraan.Tila ba sa simula pa lang ay sa kanya na ang upuan na itoSi Caleb, nananakawan ng upuan, ay galit na galit sa punto na namumula na ang kanyang mukha. sa una ay Akala niya na dahil bago ni Charlie siguradong nagpipigil siya ng kaunti. kahit na opo siya ni Lord wait sa posisyon na iyon, akala ni Caleb na siguradong magkukusa si Charlie na tumanggi at gumaling at ibalik ang upuan kay Caleb.Sinong nag-akala na direktang uupo si Charlie?!Dahil dito napamura si Caleb sa kanyang puso, ‘Letse! Sobrang ignorante at hindi sumusunod sa tuntunin si Charlie! Wala ba siyang natutunan tungkol sa paggalang at pagiging mapagpakumbaba?! Kababalik niya lang sa pamilya, at ninakaw niya na ang upuan ng pangatlong tito niya. Balak niya bang tapakan ang ulo ko para marating ang tuktok?!’Ang pinakamatandang anak ni Jeremiah, si Clayton, ay sumama rin ng sobra ang kalooban.Sa una ay akala niya na magpipigil nang kaunti at magigin
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon