Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3321 - Kabanata 3330

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3321 - Kabanata 3330

5702 Kabanata

Kabanata 3321

Nang marinig ng mga miyembro ng pamilya Wade na sinabi ni Hunter na pumunta siya dito sa ilalim ng utos ng lord ng Ten Thousand Armie, natakot sila nang sobra.Akala nila na sobrang hirap na para sa kanila na nagalit ang Ten Thousand Armies, ngunit sinong nag-aakala na ang taong nagalit nila ay ang lord ng Ten Thousand Armies?!Ito ang pinuno ng mga mercenary na may sampu-sampung libong elite mercenary sa ilalim niya!Hindi ba’t wala na silang paraan para mabuhay kung ginalit nila siya?Sa sandaling ito, sinabi nang malamig ni Hunter, “Ang pangalan ng lord ng Ten Thousand Armies ay Porter Waldron! Siya lang ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang sina, Leonardo Waldron at Amelia Macleod!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Hunter kay Jeremiah at tinanong niya, “Tanda! Naaalala mo pa ba ang pangalan ni Leonardo Waldron?!”Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, namutla agad ang mukha ni Jeremiah!Kilala niya si Leonardo at ang asawa niya!Pero, hinding-hindi inaakala ni Je
Magbasa pa

Kabanata 3322

Kahit na kailangan niyang magbayad ng sampu-sampung bilyon bilang kabayaran, gagawin niya pa rin ito kahit ano pa ang presyo.Nang marinig ito ni Hunter, sinabi niya nang nanghahamak, “Tanda, ang pinakamalaking layunin ng lord namin sa nakaraang dalawampung taon ay pagbayarin ang pamilya Wade mo para sa utang na dugo na ito. Sa tingin mo ba talaga ay maaayos mo ang ganitong walang humpay na paghihiganti gamit lang ang 10 billion dollars?!”Alam din ni Jeremiah na malabo para sa kabila na sumang-ayon dito. Pero, sa isang negosasyon, ang alok ay hinding-hindi tatanggapin sa isang hakbang. Kaya, sinabi agad ni Jeremiah, “Kung hindi sapat ang 10 billion dollars para sa lord mo, bakit hindi ka mag-isip ng numero? Handa akong sumang-ayon dito basta’t sakop ito ng abilidad ng pamilya Wade!”Tumawa si Hunter at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na ang isang matandang lalaki na katulad mo ay medyo magaling sa negosasyon.”Pagkatapos itong sabihin, suminghal si Hunter bago siya nagsalita, “
Magbasa pa

Kabanata 3323

Sobrang bihira at wala pang nakakaranas ng tatlong kondisyon na ibinigay ni Porter!Gusto niya ang libingan ng mga ninuno ng pamilya Wade at gusto niyang iwan ang kabaong nina Curtis at ng asawa niya, gusto niyang magsuot ang pamilya Wade ng damit para sa pagluluksa upang ilibing ang mga magulang niya, at gusto niya ang kalahati ng asset ng pamilya Wade!Sabi niya na mayroon siyang tatlong kondisyon, pero apat talaga ito.At ang kahit isa sa apat na kondisyon na ito ay para labanan ang limitasyon ng pamilya Wade. Sinusubukan niya lang hilahin ang imahe at reputasyon ng pamilya Wade pababa sa sahig upang tapak-tapakan ito.Hindi lamang iyon, ngunit ang apat na kondisyon na ito ay magkakapatong. Hindi lang na gusto niyang tapak-tapakan ang imahe at reputasyon ng pamilya Wade, ngunit gusto niya ring magsuot ng sapatos na may mga pako sa ilalim habang ginagawa ito. Sa parehong oras, gusto niyang dumura ng ilang plema sa kanila, tanggalin ang pinagkakakitaan ng pamilya Wade para wala si
Magbasa pa

Kabanata 3324

Naniniwala rin si Jeremiah na hindi lang nagyayabang si Porter dahil naghintay na siya ng dalawampung taon para sa araw na ito.Pero, masyadong malupit nga ang mga kondisyon ni Porter.Hindi ito pagpili sa pagitan ng buhay o kamatayan. Sa halip, pagpili ito sa pagpapahaba ng mahinang buhay ng isang tao o hindi nagmamadaling kamatayan.Kung tatanggapin ni Jeremiah ang mga kondisyon ni Porter, siguradong mapapantali ng pamilya Wade ang mga buhay nila.Pero, mawawala na ang lahat ng dignidad ng pamilya Wade.At hangga’t buhay pa ang pamilya Wade, magiging katawa-tawa sila sa iba, at lalaitin at kukutyain din sila kahit pagkatapos nilang mamatay.Kaya, bilang resulta, hindi alam ni Jeremiah ang gagawin dahil pinipilit siyang gawin ang pinakamahirap na desisyon sa buhay niya.Biglang hindi na niya alam ang dapat niyang gawin.Para naman sa mga miyembro ng pamilya Wade sa likod niya, lahat sila ay nagulat at natakot sa sandaling ito.Karamihan ng tao sa pamilya Wade ay walang totoon
Magbasa pa

Kabanata 3325

Naramdaman ni Clayton na nanginig ang buong katawan niya nang binigyan siya ng nakamamatay na tingin in Jeremiah. Sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, naramdaman ko lang na… Pagdating dito… Walang mas mahalaga kumpara sa kaligtasan at buhay natin…”Habang nagsasalita siya, patuloy na binenta ni Clayton ang ideya niya kay Jeremiah habang sinabi, “Bukod dito, may mahigit one trillion dollars na asset ang pamilya Wade, tama? Kahit na ilabas natin ang kalahati ng asset ng pamilya natin, mabubuhay pa rin tayo sa karangyaan at luho gamit ang kalahati ng asset na matitira sa atin. Dahil, ang mga bagay tulad ng pera ay hindi isang bagay na madadala natin kapag namatay tayo. Hindi mahalaga kung gusto nating magtago ng naparami…”“Bukod dito, marahil ay makabangon pa ang pamilya Wade sa hinaharap sa mga kamay ko, o kahit sa mga kamay ni Felix. Pagdating ng oras, mababawi natin ang lahat ng mawawala sa atin ngayong araw!”Tinitigan siya ni Jeremiah at tinanong niya nang malamig, “Makabangon ulit
Magbasa pa

Kabanata 3326

Hindi inaakala ni Jeremiah na wala ni isa sa kanyang mga anak ang handang unahin ang dignidad ng kanilang pamilya.Lahat sila, iniisip lang nila kung paano sila mabubuhay.Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding lungkot.Nang maisip ito, nagkaroon ng hinanakit sa kanyang mukha habang nagsasalita, “Pinipilit niyo akong lahat na pumayag sa kondisyon nila, pero naisip niyo na ba ang katotohanang gusto nilang tangayin ang puntod ni Curtis?! Kapatid niyo si Curtis. Paano niyo nagagawang hayaan ang iba na lapastanganin ang sarili niyong kadugo?! Kung iyan ang kaso, kahit mabuhay pa kayo ng ilang taon o ilang dekada, kapag dumating na kayo sa kabilang buhay, paano niyo na lang haharapin si Curtis?!”Bumuga ng usok si Hunter habang naninigarilyo. Pagkatapos, humikab siya saka siya ngumiti, “Hay. Nakamamangha naman ang galing ng matandang ito. Tama ka, totoo ngang balak ng Lord namin na wasakin ang mga abo at buto ni Curtis!”Nang marinig ang mga salitang ito, nagkaroon si Charlie ng
Magbasa pa

Kabanata 3327

Alam ni Jeremiah na ang natatanging paraan para mailigtas nila ang pamilya Wade ay umasa kay Charlie.Maliban kay Charlie, wala ibang posibilidad na magkakaroon ng taong magliligtas sa kanila at magbabaliktad ng sitwasyon sa loob lang ng isang araw.Subalit, hindi alam ni Jeremiah kung magagawang asikasuhin ni Charlie ang Ten Thousand Armies.Higit sa lahat, hindi binanggit ni Charlie kung ano ang posisyon niya mula sa simula.Kaya, napapaisip si Jeremiah kung ano ang magiging opinyon ni Charlie ngayon.Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga si Charlie saka siya sumagot, “Gusto mong malaman kung ano sa tingin ko ang dapat nating gawin?”Nang mabanggit ito, inangat ni Charlie ang kanyang ulo saka siya napatitig kay Hunter nang walang emosyon. Napakayabang ni Hunter kaya hindi niya mapigilang magngitngit ang kanyang ngipin. Sumunod, napabulalas si Charlie, “Sa tingin ko dapat kumilos na tayo agad para pugutan ng ulo ang lalaking iyan!”Subalit, wala pa ang may-ari ng asong ito. Ku
Magbasa pa

Kabanata 3328

Napatitig si Hunter kay Charlie nang may pagkamuhi. Ganoon pa man, wala na siyang sinabing iba pa. Sa halip, tumalikod na lang siya saka siya sumigaw para bigyan ng utos ang mga tauhan niyang nasa labas, “Brothers, pakibaba ang mga kabaong na ipinadala ng Lord natin at pakibigay ito sa mga miyembro ng pamilya Wade!”Nang marinig ang utos ni Hunter, ilang dosenang three-star martial artists ang nagmadaling tumungo sa flatbed transporter saka nila pinagsisisipa ang mga kabaong papunta sa lapag. Hindi rin ito nakatali nang maayos kaya nang bumagsak ito, nawasak at naging mga tabla na lamang ito ng kahoy.Pagkatapos, napatitig si Hunter sa mga miyembro ng pamilya Wade at napasinghal siya, “Tandaan niyo, kapag hindi nakita ng Lord namin ang gusto niyang makita sa Mount Wintry bukas ng umaga, mamamatay kayong lahat! Pagkatapos niyong pumanaw, pwede kayong magsama-sama at dito na lang kayo humimlay sa mga kabaong na ito!”Pagkatapos itong sabihin, muling humiyaw si Hunter, “Tara na!”Gano
Magbasa pa

Kabanata 3329

Nang sumigaw si Jeremiah nang ganito, lahat ng gustong magsalita napatikom na lang ng bibig.Kahit hindi nila matanggap na ipapasa nila ang tadhana nila kay Charlie, alam nilang may paraan si Lord Wade para ilabas sila mula sa sitwasyong ito.Kaya, sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahalagang bagay na dapat nilang gawin ay huwag tumutol nang harapan kay Lord Wade.Kung hindi, kapag napagpasyahan ni Lord Wade na tanggapin ang kondisyon ng kabilang panig, natural na hahanapin niya kung sino ang mga taong tumutol sa kanya sa diskusyon at babawian niya ito hanggang sa mawalan na ito ng kakayahang lumaban.Kahit ang panganay na anak ni Jeremiah na si Clayton, sumuko na rin. Siya na ang nagkaroon ng inisyatibo na humakbang para sampalin nang malakas si Felix, “Wala ka talagang pinag-aralang bata ka! Sino ang nagsabi na pwede mong kausapin ng ganyan ang lolo mo?! Bilisan mo at humingi ka agad ng tawad ngayon din!”Alam ni Felix na hindi niya nagawang kumbinsihin ang iba gamit ang mga sa
Magbasa pa

Kabanata 3330

Subalit, sa pagkakataong ito, biglang ring inangat ni Jeremiah ang kanyang kamay saka niya sinampal ulit si Felix. Galit na bumulalas ang matanda, “Tarantado ka! Hindi ka hihigit sa kahit sinong walang kayang makamit sa buhay na ito! Hindi mo ba susundin ang mga salitang kabibitaw ko lang? Kung ayaw mong sumunod, lumayas ka na sa pamilyang ito ngayon din! Matinding krisis ang kinakaharap ng pamilya Wade ngayon at may kinalaman ito sa buhay at kamatayan natin! Hindi ako maaawa sa kahit sinong magdudulot ng dagdag na gulo, kahit pa sa sarili kong anak!”Naisip ni Felix na makipagtalo kay Charlie ngayon lang, pero hindi niya naman inaasahang makakatanggap siya ng isa pang sampal galing sa mismo niyang lolo. Sa pagkakataong ito, masyadong mabigat ang loob ni Felix. Tumulo na ang luha sa kanyang mga pisngi pero hindi siya naglakas loob na magsabi ng kahit ano.Habang nasa tabi, nagitla si Hugh sa kanyang nakita kaya agad siyang kumilos, “Lolo, pupunta na ako ngayon!”Nang makita ni Clayt
Magbasa pa
PREV
1
...
331332333334335
...
571
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status