Alam ni Jeremiah na ang natatanging paraan para mailigtas nila ang pamilya Wade ay umasa kay Charlie.Maliban kay Charlie, wala ibang posibilidad na magkakaroon ng taong magliligtas sa kanila at magbabaliktad ng sitwasyon sa loob lang ng isang araw.Subalit, hindi alam ni Jeremiah kung magagawang asikasuhin ni Charlie ang Ten Thousand Armies.Higit sa lahat, hindi binanggit ni Charlie kung ano ang posisyon niya mula sa simula.Kaya, napapaisip si Jeremiah kung ano ang magiging opinyon ni Charlie ngayon.Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga si Charlie saka siya sumagot, “Gusto mong malaman kung ano sa tingin ko ang dapat nating gawin?”Nang mabanggit ito, inangat ni Charlie ang kanyang ulo saka siya napatitig kay Hunter nang walang emosyon. Napakayabang ni Hunter kaya hindi niya mapigilang magngitngit ang kanyang ngipin. Sumunod, napabulalas si Charlie, “Sa tingin ko dapat kumilos na tayo agad para pugutan ng ulo ang lalaking iyan!”Subalit, wala pa ang may-ari ng asong ito. Ku
Napatitig si Hunter kay Charlie nang may pagkamuhi. Ganoon pa man, wala na siyang sinabing iba pa. Sa halip, tumalikod na lang siya saka siya sumigaw para bigyan ng utos ang mga tauhan niyang nasa labas, “Brothers, pakibaba ang mga kabaong na ipinadala ng Lord natin at pakibigay ito sa mga miyembro ng pamilya Wade!”Nang marinig ang utos ni Hunter, ilang dosenang three-star martial artists ang nagmadaling tumungo sa flatbed transporter saka nila pinagsisisipa ang mga kabaong papunta sa lapag. Hindi rin ito nakatali nang maayos kaya nang bumagsak ito, nawasak at naging mga tabla na lamang ito ng kahoy.Pagkatapos, napatitig si Hunter sa mga miyembro ng pamilya Wade at napasinghal siya, “Tandaan niyo, kapag hindi nakita ng Lord namin ang gusto niyang makita sa Mount Wintry bukas ng umaga, mamamatay kayong lahat! Pagkatapos niyong pumanaw, pwede kayong magsama-sama at dito na lang kayo humimlay sa mga kabaong na ito!”Pagkatapos itong sabihin, muling humiyaw si Hunter, “Tara na!”Gano
Nang sumigaw si Jeremiah nang ganito, lahat ng gustong magsalita napatikom na lang ng bibig.Kahit hindi nila matanggap na ipapasa nila ang tadhana nila kay Charlie, alam nilang may paraan si Lord Wade para ilabas sila mula sa sitwasyong ito.Kaya, sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahalagang bagay na dapat nilang gawin ay huwag tumutol nang harapan kay Lord Wade.Kung hindi, kapag napagpasyahan ni Lord Wade na tanggapin ang kondisyon ng kabilang panig, natural na hahanapin niya kung sino ang mga taong tumutol sa kanya sa diskusyon at babawian niya ito hanggang sa mawalan na ito ng kakayahang lumaban.Kahit ang panganay na anak ni Jeremiah na si Clayton, sumuko na rin. Siya na ang nagkaroon ng inisyatibo na humakbang para sampalin nang malakas si Felix, “Wala ka talagang pinag-aralang bata ka! Sino ang nagsabi na pwede mong kausapin ng ganyan ang lolo mo?! Bilisan mo at humingi ka agad ng tawad ngayon din!”Alam ni Felix na hindi niya nagawang kumbinsihin ang iba gamit ang mga sa
Subalit, sa pagkakataong ito, biglang ring inangat ni Jeremiah ang kanyang kamay saka niya sinampal ulit si Felix. Galit na bumulalas ang matanda, “Tarantado ka! Hindi ka hihigit sa kahit sinong walang kayang makamit sa buhay na ito! Hindi mo ba susundin ang mga salitang kabibitaw ko lang? Kung ayaw mong sumunod, lumayas ka na sa pamilyang ito ngayon din! Matinding krisis ang kinakaharap ng pamilya Wade ngayon at may kinalaman ito sa buhay at kamatayan natin! Hindi ako maaawa sa kahit sinong magdudulot ng dagdag na gulo, kahit pa sa sarili kong anak!”Naisip ni Felix na makipagtalo kay Charlie ngayon lang, pero hindi niya naman inaasahang makakatanggap siya ng isa pang sampal galing sa mismo niyang lolo. Sa pagkakataong ito, masyadong mabigat ang loob ni Felix. Tumulo na ang luha sa kanyang mga pisngi pero hindi siya naglakas loob na magsabi ng kahit ano.Habang nasa tabi, nagitla si Hugh sa kanyang nakita kaya agad siyang kumilos, “Lolo, pupunta na ako ngayon!”Nang makita ni Clayt
Ilang minuto ang makalipas, isang nakagugulantang na balita ang biglang kumalat sa top families ng buong Eastcliff!May anak pala si Leonardo Waldron—ang alalay ni Sheldon na nagpumilit na kalabanin si Curtis at sa huli nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang gusali matapos mabigo!At ang anak niya pala ay si Porter, ang Lord ng Ten Thousand Armies na kilalang-kilala sa ibang bansa!Ang mas nakagugulantang pa ay ang katotohanang nagpadala si Porter ng isang grupo ng kanyang mga tauhan sa mansyon ng pamilya Wade at pinatay pa nila ang chief bodyguard ng mga ito. Maliban dito, nagpadala rin si Porter ng ilang daang kabaong sa mansyon ng pamilya Wade!Hindi ito ang talagang ikinatindig balahibo ng lahat.Kundi, hindi nila mapigilang makaramdam ng takot dahil gumawa ng magkakasunod na matindi at hindi makataong mga kilos si Porter para lang ipaghiganti ang kanyang mga magulang!Higit sa lahat, binigyan niya lang ng isang araw ang pamilya Wade para magpasya!Ang mas nak
Agad na nagsalita si Yule, “Huwag mo munang tawagan si Charlie! Nasa mansyon siya ng pamilya Wade ngayon, sigurado akong importante ang pinag-uusapan nila ngayon. Hindi ka ba makakadagdag lang sa abala kung iiyak ka at tatawagan mo siya ngayon? Kung may gusto kang itanong kay Charlie, hintayin mo siyang bumalik ngayong gabi bago ka magsalita!”Hindi nagtagal, agad na nagdagdag si Yule, “Maghintay muna kayong dalawa dito sa bahay. Lalabas ako para kumausap ng ilang tao. Titignan ko kung makakahanap ako ng mga taong handang tumulong sa atin!”Nagsalita rin si Rachel, “Tatawagan ko rin ang pamilya ko para malaman natin kung pwede silang magpadala ng mga taong pwedeng tumulong!”“Hindi na kailangan.” Umiling si Yule at seryoso siyang nagsalita, “Hindi ako makakatanggi kung gusto mong sumama sa akin papunta ng Mount Wintry. Matapos ang lahat, mag-asawa tayong dalawa at pareho tayong nakatanggap ng malaking pabor mula kay Curtis at Charlie. Maging sa emosyonal o lohikal mang aspeto, natur
Hindi alam ni Jasmine kung ano ang nakasisindak na sitwasyon sa Eastcliff sa pagkakataong ito.Pagkatapos ibaba ang tatawag ni Nanako, agad namang tinawagan ni Jasmine si Charlie.Sa pagkakataong ito, sinusuri pa ni Charlie ang huling mga hakbang sa ancestor worship ceremony kasama ang mag miyembro ng pamilya Wade.Nang matanggap niya ang tawag mula sa kay Jasmine, agad siyang umalis ng main hall at tumungo siya sa isang hindi okupadong kwarto sa tabi. Sinagot niya ang tawag saka siya nagtanong nang nakangiti, “Jasmine, may dahilan ba kung bakit mo ako tintawagan?”Nakaramdam ng kaunting kaba si Jasmine at agad siyang tumugon, “Master wade, ilang araw ka nang binabanggit ng lolo ko, sinasabi niyang gusto ka na niyang makita. Dahil diyan, gusto sana kitang tanungin kung bakante ka ba ngayong araw at kung pwede ka bang pumunta sa bahay namin para sa isang simpleng tanghalian o kaya hapunan lang?”Hindi nagduda si Charlie sa mga salita ni Jasmine at ngumiti lang siya, “Pasensya na, J
Samantala, napatulala naman si Jasmine sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa loob ng ilang sandali.Pagkatapos ng ilang minuto, dinampot ni Jasmine ang kanyang cellphone at tatawagan niya na sana si Nanako. Bilang resulta, bigla siyang nakatanggap ng isang text message mula sa entrepreneur na may apelyidong Hawley at miyembro ng isa sa mga South Region group chats niya sa WhatsApp. Ang laman ng text: [Breaking news! Breaking news! Gustong maghiganti ng Ten Thousand Armies, isang international mercenary organization, sa pamilya Wade! Hindi ]Nang makita ito ni Jasmine, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at nagpadala siya ng voice message para magtanong: “Chairman Hawley, ano ang ibig mong sabihin sa text message mo? Ano ang nangyari sa pamilya Wade?”Agad na tumugon ang kabilang gamit rin ang isang voice message: “Chairman Moore, hindi pa ba nakakarating sayo ang balita? Pumunta ang Ten Thousand Armies sa lu
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon