Share

Kabanata 3328

Author: Lord Leaf
Napatitig si Hunter kay Charlie nang may pagkamuhi. Ganoon pa man, wala na siyang sinabing iba pa. Sa halip, tumalikod na lang siya saka siya sumigaw para bigyan ng utos ang mga tauhan niyang nasa labas, “Brothers, pakibaba ang mga kabaong na ipinadala ng Lord natin at pakibigay ito sa mga miyembro ng pamilya Wade!”

Nang marinig ang utos ni Hunter, ilang dosenang three-star martial artists ang nagmadaling tumungo sa flatbed transporter saka nila pinagsisisipa ang mga kabaong papunta sa lapag. Hindi rin ito nakatali nang maayos kaya nang bumagsak ito, nawasak at naging mga tabla na lamang ito ng kahoy.

Pagkatapos, napatitig si Hunter sa mga miyembro ng pamilya Wade at napasinghal siya, “Tandaan niyo, kapag hindi nakita ng Lord namin ang gusto niyang makita sa Mount Wintry bukas ng umaga, mamamatay kayong lahat! Pagkatapos niyong pumanaw, pwede kayong magsama-sama at dito na lang kayo humimlay sa mga kabaong na ito!”

Pagkatapos itong sabihin, muling humiyaw si Hunter, “Tara na!”

Gano
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3329

    Nang sumigaw si Jeremiah nang ganito, lahat ng gustong magsalita napatikom na lang ng bibig.Kahit hindi nila matanggap na ipapasa nila ang tadhana nila kay Charlie, alam nilang may paraan si Lord Wade para ilabas sila mula sa sitwasyong ito.Kaya, sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahalagang bagay na dapat nilang gawin ay huwag tumutol nang harapan kay Lord Wade.Kung hindi, kapag napagpasyahan ni Lord Wade na tanggapin ang kondisyon ng kabilang panig, natural na hahanapin niya kung sino ang mga taong tumutol sa kanya sa diskusyon at babawian niya ito hanggang sa mawalan na ito ng kakayahang lumaban.Kahit ang panganay na anak ni Jeremiah na si Clayton, sumuko na rin. Siya na ang nagkaroon ng inisyatibo na humakbang para sampalin nang malakas si Felix, “Wala ka talagang pinag-aralang bata ka! Sino ang nagsabi na pwede mong kausapin ng ganyan ang lolo mo?! Bilisan mo at humingi ka agad ng tawad ngayon din!”Alam ni Felix na hindi niya nagawang kumbinsihin ang iba gamit ang mga sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3330

    Subalit, sa pagkakataong ito, biglang ring inangat ni Jeremiah ang kanyang kamay saka niya sinampal ulit si Felix. Galit na bumulalas ang matanda, “Tarantado ka! Hindi ka hihigit sa kahit sinong walang kayang makamit sa buhay na ito! Hindi mo ba susundin ang mga salitang kabibitaw ko lang? Kung ayaw mong sumunod, lumayas ka na sa pamilyang ito ngayon din! Matinding krisis ang kinakaharap ng pamilya Wade ngayon at may kinalaman ito sa buhay at kamatayan natin! Hindi ako maaawa sa kahit sinong magdudulot ng dagdag na gulo, kahit pa sa sarili kong anak!”Naisip ni Felix na makipagtalo kay Charlie ngayon lang, pero hindi niya naman inaasahang makakatanggap siya ng isa pang sampal galing sa mismo niyang lolo. Sa pagkakataong ito, masyadong mabigat ang loob ni Felix. Tumulo na ang luha sa kanyang mga pisngi pero hindi siya naglakas loob na magsabi ng kahit ano.Habang nasa tabi, nagitla si Hugh sa kanyang nakita kaya agad siyang kumilos, “Lolo, pupunta na ako ngayon!”Nang makita ni Clayt

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3331

    Ilang minuto ang makalipas, isang nakagugulantang na balita ang biglang kumalat sa top families ng buong Eastcliff!May anak pala si Leonardo Waldron—ang alalay ni Sheldon na nagpumilit na kalabanin si Curtis at sa huli nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang gusali matapos mabigo!At ang anak niya pala ay si Porter, ang Lord ng Ten Thousand Armies na kilalang-kilala sa ibang bansa!Ang mas nakagugulantang pa ay ang katotohanang nagpadala si Porter ng isang grupo ng kanyang mga tauhan sa mansyon ng pamilya Wade at pinatay pa nila ang chief bodyguard ng mga ito. Maliban dito, nagpadala rin si Porter ng ilang daang kabaong sa mansyon ng pamilya Wade!Hindi ito ang talagang ikinatindig balahibo ng lahat.Kundi, hindi nila mapigilang makaramdam ng takot dahil gumawa ng magkakasunod na matindi at hindi makataong mga kilos si Porter para lang ipaghiganti ang kanyang mga magulang!Higit sa lahat, binigyan niya lang ng isang araw ang pamilya Wade para magpasya!Ang mas nak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3332

    Agad na nagsalita si Yule, “Huwag mo munang tawagan si Charlie! Nasa mansyon siya ng pamilya Wade ngayon, sigurado akong importante ang pinag-uusapan nila ngayon. Hindi ka ba makakadagdag lang sa abala kung iiyak ka at tatawagan mo siya ngayon? Kung may gusto kang itanong kay Charlie, hintayin mo siyang bumalik ngayong gabi bago ka magsalita!”Hindi nagtagal, agad na nagdagdag si Yule, “Maghintay muna kayong dalawa dito sa bahay. Lalabas ako para kumausap ng ilang tao. Titignan ko kung makakahanap ako ng mga taong handang tumulong sa atin!”Nagsalita rin si Rachel, “Tatawagan ko rin ang pamilya ko para malaman natin kung pwede silang magpadala ng mga taong pwedeng tumulong!”“Hindi na kailangan.” Umiling si Yule at seryoso siyang nagsalita, “Hindi ako makakatanggi kung gusto mong sumama sa akin papunta ng Mount Wintry. Matapos ang lahat, mag-asawa tayong dalawa at pareho tayong nakatanggap ng malaking pabor mula kay Curtis at Charlie. Maging sa emosyonal o lohikal mang aspeto, natur

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3333

    Hindi alam ni Jasmine kung ano ang nakasisindak na sitwasyon sa Eastcliff sa pagkakataong ito.Pagkatapos ibaba ang tatawag ni Nanako, agad namang tinawagan ni Jasmine si Charlie.Sa pagkakataong ito, sinusuri pa ni Charlie ang huling mga hakbang sa ancestor worship ceremony kasama ang mag miyembro ng pamilya Wade.Nang matanggap niya ang tawag mula sa kay Jasmine, agad siyang umalis ng main hall at tumungo siya sa isang hindi okupadong kwarto sa tabi. Sinagot niya ang tawag saka siya nagtanong nang nakangiti, “Jasmine, may dahilan ba kung bakit mo ako tintawagan?”Nakaramdam ng kaunting kaba si Jasmine at agad siyang tumugon, “Master wade, ilang araw ka nang binabanggit ng lolo ko, sinasabi niyang gusto ka na niyang makita. Dahil diyan, gusto sana kitang tanungin kung bakante ka ba ngayong araw at kung pwede ka bang pumunta sa bahay namin para sa isang simpleng tanghalian o kaya hapunan lang?”Hindi nagduda si Charlie sa mga salita ni Jasmine at ngumiti lang siya, “Pasensya na, J

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3334

    Samantala, napatulala naman si Jasmine sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa loob ng ilang sandali.Pagkatapos ng ilang minuto, dinampot ni Jasmine ang kanyang cellphone at tatawagan niya na sana si Nanako. Bilang resulta, bigla siyang nakatanggap ng isang text message mula sa entrepreneur na may apelyidong Hawley at miyembro ng isa sa mga South Region group chats niya sa WhatsApp. Ang laman ng text: [Breaking news! Breaking news! Gustong maghiganti ng Ten Thousand Armies, isang international mercenary organization, sa pamilya Wade! Hindi ]Nang makita ito ni Jasmine, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at nagpadala siya ng voice message para magtanong: “Chairman Hawley, ano ang ibig mong sabihin sa text message mo? Ano ang nangyari sa pamilya Wade?”Agad na tumugon ang kabilang gamit rin ang isang voice message: “Chairman Moore, hindi pa ba nakakarating sayo ang balita? Pumunta ang Ten Thousand Armies sa lu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3335

    Sa pagkakataong ito, nailabas na ni Yahiko ang anunsyo ng kanyang pagreretiro at ang pagbibigay niya ng controlling rights ng pamilya Ito sa kanyang anak na si Nanako.Subalit, hindi si Yahiko ang tipo ng tao na wala nang ginagawa dahil lang inabot niya ang lahat ng trabaho sa kanyang anak.Sa halip, umalis siya sa kanyang posisyon bilang head ng pamilya Ito at siya ang naging assistant sa likod ni Nanako. Siya ang nagbibigay ng tulong at suporta rito pagdating sa paghusga ng mga resources na makakatulong sa kanilang negosyo.Subalit, magaling si Nanako sa kanyang trabaho. Kaya, madalas, nananatili na lang si Yahiko sa bahay kahit siya ang assistant ng kanyang anak.Sa pagkakataong ito, nasa courtyard siya ng kanyang mansyon sa Tokyo, inaasikaso niya ang ilang mga Japanese potted plants niya kasama ang kanyang katiwala na si Tanaka.Ganoon din, isang tagapagsilbi ang bumulalas habang natataranta ang ekspresyon, “Master! Biglang pinatawag ng eldest young lady ang lahat ng four ninj

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3336

    Tinikom ni Nanako ang mga labi niya, at agad siyang napaiyak habang sinabi niya nang nabubulunan, “Otosan… si Charlie-kun, may… may problema siya…”“Ano?!” Napabulalas si Yahiko, “May problema si Mr. Wade? Wala naman sigurong totoong problema ang isang tao na may napakalakas at dakilang kapangyarihan tulad ni Mr. Wade, tama?”Hindi na napigilan ni Nanako ang mga luha niya habang humikbi siya at sinabi, “Ngayon, si Charlie-kun… ay pinuntahan ng Ten Thousand Armies, ang top mercenary organization sa buong mundo… Sinasabi na may awayan ng dugo ang pamilya Wade sa lord ng Ten Thousand Armies. Pumunta na ang kabila sa lumang mansyon ng pamilya Wade para maghiganti…”“Ten Thousand Armies?!” Nakaramdam ng kaunting pagkahilo si Yahiko sa utak niya habang sinabi niya, “Paano nakalaban ng pamilya Wade ang Ten Thousand Armies?!”Umiling si Nanako at sinabi, “Hindi ko alam ang mga tiyak na detalye. Ang alam ko lang ay pumunta na ang Ten Thousand Armies sa lumang mansyon ng pamilya Wade ngayong

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status