Tinikom ni Nanako ang mga labi niya, at agad siyang napaiyak habang sinabi niya nang nabubulunan, “Otosan… si Charlie-kun, may… may problema siya…”“Ano?!” Napabulalas si Yahiko, “May problema si Mr. Wade? Wala naman sigurong totoong problema ang isang tao na may napakalakas at dakilang kapangyarihan tulad ni Mr. Wade, tama?”Hindi na napigilan ni Nanako ang mga luha niya habang humikbi siya at sinabi, “Ngayon, si Charlie-kun… ay pinuntahan ng Ten Thousand Armies, ang top mercenary organization sa buong mundo… Sinasabi na may awayan ng dugo ang pamilya Wade sa lord ng Ten Thousand Armies. Pumunta na ang kabila sa lumang mansyon ng pamilya Wade para maghiganti…”“Ten Thousand Armies?!” Nakaramdam ng kaunting pagkahilo si Yahiko sa utak niya habang sinabi niya, “Paano nakalaban ng pamilya Wade ang Ten Thousand Armies?!”Umiling si Nanako at sinabi, “Hindi ko alam ang mga tiyak na detalye. Ang alam ko lang ay pumunta na ang Ten Thousand Armies sa lumang mansyon ng pamilya Wade ngayong
Nang nagtipon-tipon ang mga ninja mula sa apat na major ninja clan sa Japan at naghahanda silang pumunta sa Eastcliff, maraming tao rin sa Aurous Hill ang naging abala.Sa Shangri-La hotel.Si Rosalie, na natanggap din ang balita, ay naging disidido sa sandaling narinig niya ang balita, at sinabi niya sa kanyang ina, kay Yashita, “Ma, gusto ko ring pumunta sa Eastcliff at tulungan si Mr. Wade!”Sinabi nang nagmamadali ni Yashita, “Rosalie, nakalimutan mo na ba ang utos sayo ni Mr. Wade? Masyadong sensitibo ang pagkakakilanlan mo ngayon, at hinahanap ka pa rin ng mga Japanese. Hiniling pa nila sa Interpol na maglabas ng wanted warrant para sayo! Kung pupunta ka sa Eastcliff sa sandaling ito, malaki ang posibilidad na maaaresto ka bago mo pa matulungan si Mr. Wade!”Pagkatapos nito, sinabi naman ni Yashita, “Rosalie, makinig ka sa akin. Manatili ka lang dito nang payapa. Para naman sa sitwasyon ni Mr. Wade, pupunta ako ngayon sa Eastcliff para hanapin ang lolo mo, at siguradong pupun
“Tama.” Tumango si Helen. “Masasabi na sobrang bait at mapagbigay ang ama mo sa pamilya Waldron.”“Magaling!” Sabik na sinabi ni Sophie, “Nagkataon na balak dalhin ng benefactor ang maa ko sa Mount Wintry para magsisi at aminin niya ang mga pagkakamali niya sa harap ng libingan ng mga magulang ng benefactor ko. Dahil sobrang bait at mapagbigay ng ama ko sa pamilya Waldron, kung gagamitin ng benefactor ang ama ko bilang kondisyon pagdating ng oras, siguradong mapipilit niya si Porter Waldron na umatras…”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang balisa ni Sophie, “Hindi. Kailangan ko ring pumunta sa Eastcliff! Aakyat ako sa Mount Wintry at maghihintay doon bukas ng umaga. Kung gano’n, mahihikayat ko si Papa kung ayaw niyang makipagtulungan sa benefactor ko!”Tumango si Helen sa pagsang-ayon bago sinabi, “Nagpakita nga ng maraming bait at kabutihan ang ama mo sa pamilya Waldron. Kung handa talagang makipagkasundo ang ama mo, marahil ay may lugar pa para magkasundo sila sa bagay na ito!”
Gabi.Habang iniisip ng buong Eastcliff na isang gabi na lang ang natitira para sa pamilya Wade, natapos na ni Charlie ang pagtukoy sa buong proseso ng ancestor worship ceremony kasama ang pamilyang Wade.Kahit na natataranta ang lahat ng miyembro ng pamilya Wade, wala silang nagawa kundi ipagpatuloy na lang ito.Pagkatapos ayusin ang lahat ng proseso, tumayo si Charlie at sinabi, “Maaga kayong magpahinga ngayong gabi. Kailangan nating sundin ang bawat hakbang ng proseso bukas. Kung may mangahas na magkamali sa ganito kahalagang bagay, huwag niyo akong sisihin sa pagiging bastos ko sa inyo!"Hindi napigilan ni Clayton na pigain ang kanyang pulso habang sinabi, “Hindi problema ang ancestor worship ceremony, ang pangunahing punto ay kung ano ang dapat nating gawin kay Porter Waldron?! Aakyat siya sa Mount Winter sa alas-otso ng umaga bukas. Paano natin siya lalabanan?"Sinabi ni Charlie nang kalmado at mahinahon, “Hindi mo kailangang mag-alala kung paano mo siya lalabanan. Kayong la
Hinawakan ni Felix ang kanyang kamay habang may hindi makapaniwalang hitsura sa kanyang mukha.Pagkatapos, mas lalong nagalit ang ekspresyon sa kanyang mukha. Sumugod siya at nilabanan si Hugh habang minura niya sa galit, “Kahit ikaw ay nangahas na sampalin ako?! Lalabanan kitang g*go ka!”Nang makita ni Charlie na nag-aaway sila, umabante siya agad, direktang kinaladkad si Felix, at sinipa siya na parang isang goalkeeper na umiskor ng malaking goal.Nahilo si Felix at nalito pagkatapos siyang masipa. Kahit na may malay pa siya, nanakit siya nang sobra sa punto na hindi na siya makagalaw.Bago pa siya makapagsalita, tinuro siya ni Charlie at sinabi nang malamig, “Kung maglalakas-loob ka pang magsalita, mag-aayos ako ng eroplano para ipadala ka sa Syria ngayon mismo! Ako, si Charlie Wade, ay may isang salita! Kung nangahas akong sabihin ito, gagawin ko ito!”Ayaw na talaga ni Felix na magpasikat ulit sa harap ni Charlie sa sandaling ito.Hindi niya alam kung ipapadala talaga siya
Nang makina ng babae ang mabagsik na reaksyon ni Helena, nagkaroon siya ng natatarantang hitsura sa kanyang mukha, at nagmamadali niyang ipinaliwanag, “Princess Helena, mali ang pagkakaintindi mo… Iniisip lang ni Princess Olivia na hindi na matutuloy ng royal family ang marriage alliance kasama ang pamilya Wade ayon sa sitwasyon ngayon, kaya gusto ka niyang umuwi at magpahinga.”“Hindi ako naniniwala!” Tumanggi agad nang malakas si Helena, “Imposible na umalis ako kasama ka. Pwede kayong umalis kung gusto niyo!”Sinabi agad ng babae, “Princess Helena, kung tatanggi kang sumunod sa utos ng royal family, tatanggalin ka sa royal family sa hinaharap! Pag-isipan mo sana ito nang mabuti!”Sinabi ni Helena nang walang pag-aatubili, “Tanggalin niyo na lang ako sa royal family, kung gano’n! Kahit ano pa, hindi ako sasama sa iyo!”Nang makita nila na malinaw na nakabantay si Helena, tumingin agad ang dalawang babae sa isa’t isa.Pagkatapos, agresibo silang sumugod sa magkabilang bahagi ni H
Malinaw na nabigla ang dalawang babae, at tinanong ng Oskian na babae, “Mr. Wade, maaari bang iniisip mo na hindi pa sapat ang mga kaaway mo, at iniisip mo pang labanan din ang royal family ng Northern Europe?”Ngumiti si Charlie at tumango, “Tama ka nga! Kailanman ay hindi ako natakot na labanan ang mga tao, at kapag mas marami akong kaaway, mas nananabik ako!”Habang sinasabi niya ito, mayroon siyang mahigpit na hitsura sa kanyang mukha habang tinanong niya nang malamig, “Sabihin o. Saan ba talaga balak ipadala ni Princess Olivia si Helena?”Sinabi ng babae, “Wala itong kinalaman sa iyo! Hayaan mo kaming umalis. Kung hindi, marahil ay maging diplomatikong problema ito!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi niya nang walang interes, “Huwag kang mag-alala. Hindi makakalabas sa pinto ng pamilya Wade ang tungkol dito! Kung tatanggi kayong sabihin ang totoo, hindi niyo na kailangan isipin pa na makakaalis kayo. Maraming kabaong sa labas, at pwede kayong pumili para sa inyo. Ako mi
Nang makita ni Charlie na natakot siya, sinabi niya kay Albert, “Huwag mo muna siyang patayin. Hayaan mo siyang magsalita.”Sinabi nang nagmamadali ng babae, “Sinabihan kami ni Princess Olivia na dalhin si Princess Helena… sa St. Petersburg sa Russia.”Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Bakit niyo siya dadalhin sa St. Petersburg?”Sumagot nang tapat ang babae, “Dadalhin namin si Princess Helena sa St. Petersburg para ibigay siya sa local energy oligarch, kay Aman Ramovic…”Nang marinig ni Helena ang pangalan na ito, bigla siyang nagkaroon ng takot na takot na ekspresyon sa kanyang mukha.“Aman Ramovic?” Sumimangot si Charlie at tinanong, “Anong ginagawa ng binatang ito?”Si Isaac, na nsa tabi, ay nagsalita at sinabi, “Young Master, hindi na binata si Aman Ramovic, matandang lalaki na siya. Mahigit fifty years old na siguro siya ngayon. Isa siyang Russian energy oligarch, at halos 20 billion US dollars ang halaga niya.”Tumango si Charlie at tinanong ang Oskian na babae, “B
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon