Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2371 - Chapter 2380

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2371 - Chapter 2380

5678 Chapters

Kabanata 2371

Isang walang pag-asa na Edmund ang kinaladkad ng mga tauhan ni Isaac at nilaba sa hospital.Pagkatapos niyang umalis, ang lahat ng CCTV footage niya ay tuluyang tinanggal ng mga tauhan ni Isaac.Bilang resulta, walang mahahanap na footage ni Edmund sa Aurous Hill. Mas imposible na hanapin ang bakas ng mga ginagawa niya.Kapag napagtanto ng pamilya ni Edmund na nawawala siya at pumunta sa Aurous Hill para hanapin siya, mapapansin lang nila na naglaho sa hangin ang taong ito.Habang umaalis sila, sinabihan ni Charlie si Isaac na magpadala ng mga dalubhasa para matikman ni Edmund ang paboritong niyang mercury dichloride at maghintay sila hanggang sa magkasakit siya tulad ng ama ni Doris at ilagay siya sa dialysis.Ito ang ibig sabihin ni Charlie sa ‘gawin sa kanya ang ginagawa niya sayo’.Sa mga sobrang samang halimaw na mga ito, ganitong paraan lang matuturuan ng totoong leksyon si Edmund.Si Doris, na nasa gilid, ay nakita kung paano inayos ni Charlie ang bagay na ito at kung paa
Read more

Kabanata 2372

Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Tita, para sa karamihan ng doktor, hindi na nga maibabalik ang kidney failure. Pero, may naitagong magandang reseta ang ninuno ko. Hindi mahirap na gamutin ito.”“Talaga?!” Hindi napigilan ni Faith ang pagkasabik niya, at sumagot siya habang may bukol sa kanyang lalamunan, “Kung gano’n, Mr. Wade, mangyaring makialam ka at iligtas mo ang aking asawa… Sa buong buhay niya, naging mabait na guro siya at marangal na tao. Kailanman ay hindi siya gumawa ng masamang bagay at hindi dapat siya nagkaganito…”Habang nagsasalita siya, tumingin si Faith kay Doris, na nasa tabi niya. Hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ni Doris, at iniyak, “Mahigit dalawampung taon ng buhay niya ang ginamit niya para palakihin si Doris. Hindi niya pa nakikita sa wedding gown si Doris at ikasal siya. Hindi niya pa rin nararanasan ang masayang pamilya na may tatlong henerasyon. Kung aalis siya nang ganito, wala talagang mata ang Diyos…”Habang tumatango, sinabi nang taimtim ni
Read more

Kabanata 2373

Pagkatapos ipakain ang kalahati ng medisina sa ama ni Doris, nasorpresa ang mag-ina nang makita nila na agad nagkaroon ng buhay ang maputlang mukha ni Corwin. Ito ang tinatawag sa Oskian medisina na kulay ng dugo!Kapag malakas ang Qi at dugo ng isang tao, magkakaroon ng malarosas na kulay ang kanilang hitsura. Kapag kulang ang Qi at dugo, magiging maputla sila.Ang pangunahing dahilan kung bakit maputla ang mga terminally ill na pasyente at kulang sa kulay ang mga labi nila ay dahil sa kakulangan sa dugo at Qi sa kanilang katawan.Ganito nga ang ama ni Doris.Napunta sa panganib ang buhay niya dahil sa severe kidney failure.Ang buong hitsura niya ay parang isang halaman na malapit nang malanta, nasa bingit na ng kamatayan.Gayunpaman, sa sandaling nainom ang medisina, nagbago nang sobra ang kanyang katawan.Tila ba nanonood ang mag-ina ng isang dokumentaryo sa telebisyon tungkol sa nalantang halaman sa taglamig at pagsibol nito sa tagsibol dahil sa eksenang ito.Ang video a
Read more

Kabanata 2374

Tumango si Charlie at ngumiti. “Huwag kang mag-alala. Magandang ideya rin na hayaan ang doktor na magbigay ng check-up.”Tinanong ni Doris sa malambot na tono, “Paano naman ang medisina? Kung magtatanong ang doktor tungkol dito, anong isasagot namin? Dahil, sa mga mata ng doktor, sobrang lala na ng kidney problem ng ama ko at walang gamot para dito…”Tumawa si Charlie habang sumagot, “Huwag kang mag-alala. Nakakita na ng mas nakakamanghang milagro ang doktor ng Silverwing Hospital dati.”Dati, nabunggo ng kotse ang biyenan na lalaki ni Charlie at naging paraplegic siya. Noong ipinadala siya sa hospital, ang opinyon ng lahat ng doktor ay habang buhay na siyang nakaratay sa kama dahil wala na siyang mararamdaman sa ibaba ng kanyang leeg, lalo na ang makagalaw.Pero, sa tulong ng healing pill, naligtas ni Charlie ang kanyang biyenan na lalaki. Tila ba bumalik ang buhay sa katawan niya, puno siya ng sigla at nakagalaw agad siya.Sa sandaling iyon, itinuring iyon na himala sa medisina.
Read more

Kabanata 2375

Ang creatinine sa dugo ay isang mahalagang tagapag pahiwatig sa pagsusuri ng laki ng pinsala sa kidney.Kung mas mataas ang dami ng creatinine na makikita sa dugo, mas malaki ang pinsala sa kidney.Para sa isang normal na tao, ang laki ng creatinine sa dugo ay mas mababa sa 135. Kung mas mataas dito, ang ibig sabihin ay may ilang pinsala na ang kidney.Sa sandaling lumampas ang creatinine sa 450, masasabi na isa na itong renal failure. Kung mas mataas sa 700, ang ibig sabihin ay uremia na ito.Kaninang tanghali, ipinapakita ng blood monitor ni Corwin na ang blood creatinine index niya ay lampas 1500 na!Kaya, para malaman kung gumaling na siya sa saki niya, ang pinakamahalaga na dapat suriin ay ang blood creatinine index.Hindi matagal, nagmamadaling pumasok ang nurse.Nang makita ang biglaang masiglang hitsura ni Corwin, nagulat ang nurse at hindi siya makapaniwala. Halos hindi siya makapagsalita, at bumalik lang siya sa diwa pagkatapos siyang paalalahanan ni Dr. Spears, at mab
Read more

Kabanata 2376

Dati, sinubukang maghanap ng mga magulang ni Doris ng lalaking magugustuhan ng kanilang anak. Gusto pa ngang ipakilala ni Corwin ang paborito niyang estudyante kay Doris, subalit hindi man lang binigyan ng tsansa ni Doris ang lalaki.Sa ngayon, napagtanto ni Doris na mukhang maganda ang impresyon ni Charlie sa kanyang ina. Iyan ang siguro ang dahilan kung bakit gusto ni Faith na maiwan si Charlie para tanungin ito ng ilang mga personal na bagay o kaya alamin ang relasyon ni Charlie kay Doris.Kaya, agad na nagsalita si Doris, “Mama, bata pa si Charlie. May generation gap kayong dalawa, wala kayong masyadong mapag-uusapan. Huwag niyo na siyang abalahin pa!”Agad na tumugon si Faith, “Ano ang sinasabi mo? Kahit mas matanda kami ng papa mo, marami pa rin naman kaming alam sa mga kabataan.”Sa puntong ito, ngumiti si Charlie, “Ayos lang, Doris. Bilhin mo na ang kailangan mong bilhin. Huwag na nating patagalin ang hapunan ni Uncle. Ako na muna ang bahala sa mama at papa mo.”Hiyang-hiy
Read more

Kabanata 2377

Hindi maunawaan ni Charlie kung ano ang nais iparating ni Faith sa puntong ito, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya.Matapos ang lahat, empleyado niya si Doris.Kahit siya ang may-ari ng Emgrand Group, mula sa operations, management hanggang development, si Doris ang nag-aasikaso ng lahat.Kasalungat nito, nagbibigay lamang ng utos si Charlie at hindi niya ito personal na ginagawa.Kung, ayon sa mga salita ni Faith, aalis si Doris sa trabaho niya para maghanap ng lalaking magugustuhan niya at lilibutin nila ang mundo, magiging katumbas ito ng pagkasira ng Emgrand Group.Sa loob ng kanyang puso, ayaw ni Charlie na mangyari ang bagay na ito. Sino naman ang nasa tamang pag-iisip para hayaang umalis ang pinaka-pinagkakatiwalaan nilang empleyado para lang lumibot sa mundo?Subalit, alam niyang simpleng kuwentuhan lamang ito kasama ang mga magulang ni Doris. Kailangan niyang sumang-ayon sa lahat ng sasabihin nila.Kaya, ngumiti siya, “Aunty, totoo ang sinasabi niyo. Sa totoo
Read more

Kabanata 2378

Baka sa puntong ito, naakyat niya na ang Mount Everest, nasubukan niya na sana ang skiing sa Alps, o kaya magbakasyon sa France, o pwede ring mapadpad siya ng Antarctic, o ang masubukan ang diving sa Tahiti.Subalit, nag-iba ang direksyon ng kanyang buhay dahil sa iisang aksidente.Dati, siya ang pinakamayamang bata sa mundo. Sa anim o pitong bilyon na tao sa mundo, hindi hihigit sa isang daan ang maipapanganak sa isang napakarangyang pamilya na gaya ng mayroon siya.Subalit, noong walong taong gulang na siya, siya ang naging pinaka nakakaawa at pinakamiserableng bata sa mundo.Kumpara sa ibang ulila, mas mahirap ang buhay niya.Sabay na nawala ang pareho niyang mga magulang at napuwersa rin siyang manirahan kasama ang iba pang mga ulila sa isang welfare institute. Kailangan niyang tiisin ang sakit ng pagkawala ng kanyang mga magulang pati na rin dalhin ang hindi matitinag na galit sa kanyang puso. Dagdag pa ang biglaang pagbabago ng kanyang paligid, para bang ipinadala sa impyern
Read more

Kabanata 2379

“45 na lang?!”Nang marinig ang mga numero, hindi mapigilang malito ni Dr. Spears.Bumaba ang creatinine count ng pasyente mula sa isang libo at naging 45 na lang ito?! Masyado naman yatang nakamamangha ang nangyari!Bukod kay Dr. Spears, mas sensitibo ang pamilya Young sa mga count na ito.Matapos ang lahat, ilang taon ang nakararaan, dumanas ng uremia si Corwin. Dahil sa tagal ng kanyang sakit, nasanay na sila Doris at Faith rito sa puntong alam na rin nila kung ano ang dahilan ng sakit at mga bagay na pwedeng makapagpalala rito.Malinaw sa kanila kung ano ang creatinine count na sakto para sa isang tao. Base sa count nito, masasabi kung anong stage na ang kidney failure. Maalam silang tatlo sa aspetong ito.Para sa creatinine count, dapat nasa pagitan lamang ito ng 40 hanggang 130.Kaya, nang marinig nilang banggitin ng nars na 45 na lang ang count, napabulalas sa sabik ang buong pamilya Young!Biglang may naalala si Doris kaya agad niyang tinanong si Dr. Spears, “Dr. Spears
Read more

Kabanata 2380

Ang maganda sa pagiging intelektwal, kahit hindi nauunawaan ni Faith ang ibang bagay tungkol sa medisina, kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matalas ang kanyang isip at mas marami siyang nalalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.Humakbang rin si Doris para tulungang tumayo ang kanyang ina. Umiiyak siya habang nagsasalita, “Mama, huwag kang mag-alala. Iniligtas ni Charlie si Papa kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran siya sa kahit anong paraan…”Tumango nang bahagya si Faith. Nasamid siya pero nagawa niya pa ring magsalita, “Charlie, mula sa araw na ito, ikaw ang tagapagligtas namin…”Habang nakahiga sa kama, hindi mapigilang mamula ng mga mata ni Corwin. Nagsalita siya sa seryosong tono, “Charlie, iniligtas mo ang buhay ko. Kung may kakailanganin ka sa hinaharap, sabihan mo lang ako at hindi ako mag-aalangang tulungan ka.”Ngumiti si Charlie. Umiling siya nang bahagya at seryoso rin ang kanyang boses nang sumagot siya, “Uncle, Aunty, masyado kayong mabuti. Kaibigan ko si Doris
Read more
PREV
1
...
236237238239240
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status