Share

Kabanata 2379

Author: Lord Leaf
“45 na lang?!”

Nang marinig ang mga numero, hindi mapigilang malito ni Dr. Spears.

Bumaba ang creatinine count ng pasyente mula sa isang libo at naging 45 na lang ito?! Masyado naman yatang nakamamangha ang nangyari!

Bukod kay Dr. Spears, mas sensitibo ang pamilya Young sa mga count na ito.

Matapos ang lahat, ilang taon ang nakararaan, dumanas ng uremia si Corwin. Dahil sa tagal ng kanyang sakit, nasanay na sila Doris at Faith rito sa puntong alam na rin nila kung ano ang dahilan ng sakit at mga bagay na pwedeng makapagpalala rito.

Malinaw sa kanila kung ano ang creatinine count na sakto para sa isang tao. Base sa count nito, masasabi kung anong stage na ang kidney failure. Maalam silang tatlo sa aspetong ito.

Para sa creatinine count, dapat nasa pagitan lamang ito ng 40 hanggang 130.

Kaya, nang marinig nilang banggitin ng nars na 45 na lang ang count, napabulalas sa sabik ang buong pamilya Young!

Biglang may naalala si Doris kaya agad niyang tinanong si Dr. Spears, “Dr. Spears
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2380

    Ang maganda sa pagiging intelektwal, kahit hindi nauunawaan ni Faith ang ibang bagay tungkol sa medisina, kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matalas ang kanyang isip at mas marami siyang nalalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.Humakbang rin si Doris para tulungang tumayo ang kanyang ina. Umiiyak siya habang nagsasalita, “Mama, huwag kang mag-alala. Iniligtas ni Charlie si Papa kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran siya sa kahit anong paraan…”Tumango nang bahagya si Faith. Nasamid siya pero nagawa niya pa ring magsalita, “Charlie, mula sa araw na ito, ikaw ang tagapagligtas namin…”Habang nakahiga sa kama, hindi mapigilang mamula ng mga mata ni Corwin. Nagsalita siya sa seryosong tono, “Charlie, iniligtas mo ang buhay ko. Kung may kakailanganin ka sa hinaharap, sabihan mo lang ako at hindi ako mag-aalangang tulungan ka.”Ngumiti si Charlie. Umiling siya nang bahagya at seryoso rin ang kanyang boses nang sumagot siya, “Uncle, Aunty, masyado kayong mabuti. Kaibigan ko si Doris

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2381

    Hindi naakala ni Charlie na iimbitahan siya ni Faith sa kanilang bahay para kumain.Nag-iisip siya ng palusot para tumanggi pero hindi man lang hinintay ni Faith ang kanyang tugon “Nagkataon ring Sabado bukas. Walang trabaho si Doris. Pwede kang pumunta sa bahay para makakain tayo ng masarap na pagkain.”Habang nakahiga sa kama, nagsalita rin si Corwin, “Oo nga, Charlie. Kumain tayo sa bahay! Isipin mo na lang na paraan rin iyan para mas magkakilala tayo.”Halata namang hindi alam ni Corwin na nakapunta na si Charlie sa bahay nila.Nang makitang parehong nagsalita si Faith at Corwin, hindi alam ni Charlie ang gagawin.Gusto niyang tumanggi sa imbitasyong ito, pero pakiramdam niya mahirap tanggihan ang kabutihan ng isang tao.Habang nahihirapan siyang magpasya kung ano ang dapat gawin, agad na nagsalita si Doris, “Mama, hindi ako bakante bukas. Kailangan kong mag-overtime sa trabaho. Pwede bang sa ibang araw na lang?”“Ah? Kailangan mong mag-overtime bukas?” Kita ang dismaya sa b

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2382

    Hanggang sa pinto lang hinatid ni Doris si Charlie. Nang makitang niyang nakaalis na si Charlie, tumalikod na siya sa pinto.Pagkapasok niya sa ward, agad na lumapit si Faith. Hinawakan niya ang kamay ni Doris saka siya nagtanong, “Doris, ano ang relasyon mo kay Charlie?”Agad na tumugon si Doris, “Magkaibigan lang kami.”“Magkaibigan lang kayo?” Hindi makapaniwala si Faith nang marinig ito, “Kung gano’n, may nararamdaman ka ba para sa kanya? Kahit ano, mayroon ba?”Natatarantang sumagot si Doris, “Huh? Ako? W…wala?!”Umiling si Faith. Hindi makapaniwala ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Sa tingin mo ba mahuhulog ako sa sinasabi mo? Akala mo ba hindi ko mababasa ang kasinungalingan mo? Mula pa lang sa mukha mo, halata namang may nararamdaman ka para sa kanya!”Hindi alam ni Doris kung paano niya sasagutin ang kanyang ina.Sa loob ng kanyang puso, totoo nga namang may nararamdaman siya kay Charlie. Malalim pa nga ito.Umigting pa ito lalo ngayong pinarusahan ni Charlie si Edmund

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2383

    Nakaramdam ng lumbay si Doris nang marinig ang sinabi ng kanyang ina.Syempre, totoo namang nahulog ang kanyang loob kay Charlie, pero sa kasamaang palad, alam niyang wala na siyang tsansa.Ang magagawa niya na lang ay magtrabaho nang mabuti sa Emgrand Group at dalhin ang kumpanya sa mas mataas na lebel para pasalamatan ang kabutihan ni Charlie habang tinatago ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso.Tila ba namimilipit ang puso ni Faith sa katahimikan ng kanyang anak. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Doris at seryoso siyang nagsalita, “Anak, alam kong lagi kitang pinagsasabihan na magpakasal na, pero nauunawaan kong hindi kita pwedeng pilitin na mangyari ang ganitong klase ng bagay. Kaya, sana magtrabaho at mabuhay ka ayon sa mga kagustuhan mo. Hindi na kita pagsasabihan kung ano ang dapat gawin.”Bumuntong hininga si Corwin, “Doris, tama ang mama mo! Dati, lagi kaming nangingialam sa mga problema mo sa buhay nang hindi tinitignan ang perspektibo mo. Hindi ka nami

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2384

    Sa puntong iyon, wala ng ibang hinihiling si Doris kundi balang araw dumating rin ang pagkakataong maunawaan siya ng mga magulang niya. Hindi niya naman inaakalang magiging totoo talaga ito!Nang maisip ito, naantig si Doris hanggang sa mamula ang kanyang mga mata at malapit nang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.Para hindi makita ng mga magulang niya ang luha sa kanyang mukha, agad siyang nagsalita, “Mama, Papa, hintayin niyo ako rito. Aayusin ko lang ang discharge procedures ni papa para makauwi na tayo!”***Habang inaasikaso ni Doris ang discharge procedures sa ospital, nahuli na ni Isaac at Albert si Edmund pati na rin ang mga kasabwat nito saka nila ito inilagay sa establisyemento na pinaglalagyan nila ng mga aso.Hindi lamang nakalaan para sa pag-aalaga ng mga breed dogs na sumasali sa mga kompetisyon ang gusaling iyon, kundi ginagamit rin ito ni Albert para sa mga illegal niyang negosyo. Iyan ang dahilan kung bakit metikuloso ang pagkakagawa sa disenyo at istruktura ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2385

    “Mercury dichloride?!”Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Edmund nang marinig niya ito!Lumuhod siya sa sahig at agad siyang nagmakaawa kay Isaac habang lumuluha, “Pasensya na! Pasensya na talaga! Pakiusap, nagmamakaawa ako, magpadala kayo ng doktor para bigyan ako ng stomach lavage! Magiging huli na ang lahat kapag hindi kayo nagmadali…”“Stomach lavage?” Suminghal si Isaac, “Edmund, natatakot ka na ba ngayon? Bakit hindi mo inisip ang mararamdaman ng biktima mo nang gawin mo ito sa kanila? Ngayon, oras mo na pero natatakot ka? Sa tingin mo ba mareresolbahan mo ang sitwasyon sa pamamagitan ng simpleng pagmamakaawa? Ako na ang magsasabi sa’yo, imposible!”Naglupasay si Edmund habang umiiyak, “Pakitawag si Mr. Wade! Ako na mismo ang hihingi ng tawad sa kanya! Pasensya na talaga! Gagawin ko ang lahat para ayusin ang mga pagkakamali ko basta patawarin niya lang ako!”Suminghal ulit sa panunuya si Isaac. “Sa tingin mo ba kwalipikado ka para sabihin ang bagay na iyan?”“Totoo ang s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2386

    Sumagot si Albert habang nakangiti, “Kobayashi Jiro, mabilis ka naman palang nakakaintindi.”Naglakad si Jiro papalapit kay Albert at magalang siyang yumuko saka siya napabulalas, “Don Albert! Maraming salamat sa pagkilala niyo! Talagang hindi ako susuko at patuloy akong magtatrabaho nang mabuti!”Tumango si Albert bilang indikasyon ng tuwa, “Mabuti naman, Jiro. Dahil sa ipinapakita mong sipag kamakailan, kakausapin ko ang mga cooks mamaya para sabihan silang bigyan ka ng dagdag na pakpak ng manok bawat araw simula ngayon!”Agad namang nagmakaawa si Jiro, “Don Albert, p-pwede niyo bang pakiusapan ang cook na bigyan na lang ako ng drumstick? Nagpapakahirap ako bawat araw pero masyadong kaunti ang kinakain ko. Pakiramdam ko pumapayat ako…”Napangisi si Albert nang makita ang dugyot na itsura ni Jiro. “Jiro, magaling kang tumawad.”Agad na nagpaliwanag si Jiro, “Hindi naman sa ganoon, Don Albert. Hindi ko naman binabalak na tumawad sa inyo. Pakiusap, huwag niyong isipin iyan. Pakiram

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2387

    Hindi nagtagal, nagsimula na ring umepekto ang mercury dichloride na ibinuhos sa bibig ni Edmund kanina. Nakaramdam na siya ng pananakit na namumuo sa kanyang loob.Alam niyang nagsisimula nang mag-malfunction ang kidneys niya!Sa puntong ito, saka lamang napagtanto ni Edmund kung anong klase ng malaking gulo ang pinasok niya.Dati, akala niya sa estado, posisyon, at family background na mayroon siya, kaya niyang maghari-harian saan mang bahagi ng mundo.Matapos ang lahat, maraming bagay ang napakamura sa kanyang mga mata kumpara sa assets ng kanilang pamilya na nagkakahalaga ng sampung bilyon.Marami siyang nagawang masama sa United States, pero kahit makapatay pa siya ng tao, maaasikaso niya ito sa pamamagitan lamang ng ilang milyong dolyar. Hindi niya na kailangang isipin pa kung ano ang resulta ng ginawa niya.Kung nilason niya si Corwin sa United States at naihayag ang bagay na ito, agad siyang makakatakas sa pamamagitan lamang ng pagbabayad ng taong magpapanggap na salarin.

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5678

    Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5677

    Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5676

    Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5675

    Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5674

    Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5673

    Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status