Hindi nagtagal, nagsimula na ring umepekto ang mercury dichloride na ibinuhos sa bibig ni Edmund kanina. Nakaramdam na siya ng pananakit na namumuo sa kanyang loob.Alam niyang nagsisimula nang mag-malfunction ang kidneys niya!Sa puntong ito, saka lamang napagtanto ni Edmund kung anong klase ng malaking gulo ang pinasok niya.Dati, akala niya sa estado, posisyon, at family background na mayroon siya, kaya niyang maghari-harian saan mang bahagi ng mundo.Matapos ang lahat, maraming bagay ang napakamura sa kanyang mga mata kumpara sa assets ng kanilang pamilya na nagkakahalaga ng sampung bilyon.Marami siyang nagawang masama sa United States, pero kahit makapatay pa siya ng tao, maaasikaso niya ito sa pamamagitan lamang ng ilang milyong dolyar. Hindi niya na kailangang isipin pa kung ano ang resulta ng ginawa niya.Kung nilason niya si Corwin sa United States at naihayag ang bagay na ito, agad siyang makakatakas sa pamamagitan lamang ng pagbabayad ng taong magpapanggap na salarin.
Hindi nagdala ng kahit anong sensasyon ang pagkawala ni Edmund at ng mga kasama niya sa Aurous Hill. Sa sampung milyong populasyon ng lugar, wala man lang ni isa ang nakapansin ng pangyayari.Natulog si Charlie na para bang isang sanggol sa gabing iyon. Dahil si Elaine ang nag-aasikaso ng almusal, tulog pa si Charlie sa oras na ito.Samantala, mag-isa namang nagmaneho si Helen mula sa mansyon ng pamilya nila papunta sa dating tinitirahan ni Curtis.Simula nang dumating siya sa Aurous Hill, bawat gabi, napapanaginipan niya si Curtis. Espesyal ang panaginip niya kagabi. Sa ilusyong ito, siya ang naging asawa ni Curtis at tinangay siya nito mula sa Eastcliif papunta sa Aurous Hill. Naging masaya ang pamumuhay nila sa mansyong pupuntahan niya ngayon.Dahil sa panaginip na ito, hindi niya mapigilang bumisita ulit para muling silipin ang panaginip niya kagabi.Ipinarada ni Helen ang kanyang kotse sa labas, itinulak niya ang lumang gate para buksan ito saka siya humakbang papasok sa loob
Isa pang iskandalosong balita ang muling sumabog sa buong Eastcliff sa katapusang ng linggong iyon.Si Helen Dunn, ang asawa ni Sheldon Schulz ay tumungo sa Aurous Hill kahit hindi pa sila hiwalay ni Sheldon!Bukod pa roon, pumunta siya sa Aurous Hill para kay Curtis Wade, isang lalaking yumao na sa loob ng dalawang deakda!Ang mas nakakagulantang pa sasali si Helen sa auction sa susunod na Lunes para sa bidding ng lumang mansyon na tinirahan ni Curtis dati!Ginawa niya ba ang bagay na ito para sa halaga ng nakaraan sa kanya?Ganyan niya ba talaga kamahal si Curtis?Kung hindi, bakit nanatili pa rin ang kanyang nararamdaman para kay Curtis sa kabila ng mga nakalipas na taon pagkatapos nitong pumanaw?Bukod pa roon, mula sa litrato, malungkot ang kanyang itsura at tila ba nasasaktan siya. Kung gagamitin ang zoom function ng camera, makikita ang mga luhang tumutulo sa magandang pisngi niya.Sa ikinikilos ni Helen, agad na napagtanto ng mga elitista sa Eastcliff na baliw na baliw
Sa opinyon ni Cadfan, si Sheldon ang may kasalanan ng lahat kung bakit dumaranas ng paghihirap ang pamilya Schulz ngayon!Kaya, sa mga mata niya, hindi lamang nawalan ng kwalipikasyon si Sheldon para manahin ang posisyon ng pagiging head ng pamilya, kundi wala na rin siyang karapatan na manahin ang pangalan ng pamilya!Ang magmamana ng posisyon ng pagiging head ng pamilya ang siyang magiging patriarch ng Schulz, samantalang ang matitira naman ang mga magmamana ng pangalan ng pamilya — basta ba nanalaytay ang dugo ng Schulz sa kanila, bahagi pa rin sila ng pamilya.Ngayon, hindi lamang naramdaman ni Cadfan na hindi karapat-dapat si Sheldon sa posisyon ng patriarch, kundi wala rin itong karapatan na manahin ang dangal ng kanilang pamilya!Galit siyang nagsalita at naging malamig ang kanyang boses, “Steven! Tawagan mo si Sheldon ngayon! Sabihan mo siyang pigilan si Helen na sumali sa auction sa Lunes kahit anong mangyari! Hindi ko hahayaan ang babaeng iyon na ipahiya ang pamilya Schul
“Ano?!”Nainis nang sobra si Sheldon at sa tingin niya ay nawawalan na siya ng kontrol, at galit niyang sinumpa, “Sumosobra na si Helen! Sino ba ako sa tingin niya?!”“Oo, Sheldon!” Nagmamadaling nanggatong si Steven at sinabi, “Hindi pa kayo divorced ni Helen. Sumosobra na siya sa pag-alala sa dati niyang mahal na lalaki mula sa pamilya Wade na mahigit 20 taon nang patay!”Nagngalit si Sheldon sa galit at sinabi, “Steven, sa amin na ito. Huwag ka nang makialam!”Kahit na galit at naiinis si Sheldon sa ginawa ni Helen, matalas pa rin siya at alam niya ang tama sa mali. Alam niya na tinawagan siya ni Steven dahil may masamang hangarin siya! Gusto niya siyang inisin, pero sa kabilang dako, gusto niya ring gumawa ng gusot sa pagitan nila ni Helen! Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita nang maayos kay Steven.Sadyang bumuntong hininga nang nagsisisi si Steven at sinabi, “Hoy, Sheldon! Asawa mo si Helen! Kailangan may gawin ka dito! Kahit papaano, pilitin mo siya na huwa
Tuwang-tuwa si Steven na gumana ang panunukso niya, pero naglabas siya ng seryosong ekspresyon at galit na sinabi sa cellphone, “Sheldon, anong ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na si Papa ang responsable para sa lahat ng ito? May sasabihin ako sayo! Ginawa ni Papa ang lahat para sa pamilya natin at pinagtakpan ka na may anak sa labas! Kung hindi ka nagloko at ginawa si Rosalie, paano tayo mapupunta sa sitwasyon na ito?”Sa galit, sinigaw ni Sheldon, “Manahimik ka!”Sumigaw pabalik ang galit na si Steven, “Ikaw ang manahimik!”Wala nang masabi si Sheldon sa puntong ito, habang mas dumidilim ang hitsura ni Cadfan.Patuloy na nanukso si Steven, “Sheldon! Hindi ako tumawag para makipagtalo sayo, at ayoko rin. Gusto ko lang kitang payuhan na tanggapin ang realidad!”Tinanong nang hindi masaya ni Sheldon, “Anong realidad?”Malamig na sinabi ni Steven, “Ang unang realidad ay walang respeto si Helen sa pamilya natin!”Pagkatapos, nagpatuloy siya nang agresibo, “Ang pangalawang realidad
Sa mga mata ni Cadfan, siya lang ang nag-iisang tao na pwedeng ipahiya ang pamilya Schulz o pawalain ang imahe at reputasyon ng pamilya Schulz. Walang ibang tao ang may ganitong pribilehiyo!Siya ang nagpasya na pagtaksilan si Rosalie. Kahit na nalipat niya ang sisi kay Sheldon at pinilit siyang kunin ang lahat ng responsibilidad, nawalan pa rin ng dangal ang pamilya Schulz dahil dito. Pero, sa halip na magmuni-muni siya sa sarili niya, patuloy siyang kumilos nang malaya hangga’t gusto niya habang sakal-sakal ang lahat at hindi sila binibigyan ng kalayaan.Kahit na hindi pa opisyal na divorced si Helen kay Sheldon, si Sheldon ang unang nagloko sa kasal nila. Kahit na magloko si Helen sa kasal niya tulad ni Sheldon, walang karapatan ang pamilya Schulz na punahin siya, lalo na ang punahin siya sa pagbili ng dating mansyon kung saan nakatira si Curtis dati.Pero, hindi ganito mag-isip si Cadfan.Naramdaman niya kahit na ang anak niya ang nagloko, bilang manugang na babae ng pamilya Sc
Ito ang pangalawang pagkakataon ngayong araw na binabaan si Sheldon at iniwan siya sa kabilang linya.Sa sandaling ito, galit na galit at masama ang loob ni Sheldon.Tinapon niya ang kanyang cellphone sa sahig, at nagkapira-piraso ang kanyang cellphone habang sinigaw niya, “Helen Dunn! Hindi ko maintindihan kung ano ba ang napakagaling kay Curtis? Bakit hindi mo pa rin siya makalimutan kahit maraming taon na ang lumipas? Huwag mong kalimutan na hindi ka niya pinili simula una hanggang sa huli! Palagi ka niyang sinukuan, at sinukuan ka nia hanggang sa kamatayan niya!”Habang nagagalit siya, mabilis na lumapit ang isang katulong na may hawak-hawak na cellphone at sinabi nang maingat, “Mr. Sheldon, may tumatawag… si Lord Schulz…”Dito lang napagtanto ni Sheldon na sinira niya ang cellphone niya.Kinuha niya ang cellphone sa kamay ng katulong habang pinigilan niya ang kanyang galit at sinabi, “Pa, ano pa ang ibang utos mo?”Malamig na tinanong ni Cadfan, “Bakit hindi ko matawagan ang
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl