Ito ang pangalawang pagkakataon ngayong araw na binabaan si Sheldon at iniwan siya sa kabilang linya.Sa sandaling ito, galit na galit at masama ang loob ni Sheldon.Tinapon niya ang kanyang cellphone sa sahig, at nagkapira-piraso ang kanyang cellphone habang sinigaw niya, “Helen Dunn! Hindi ko maintindihan kung ano ba ang napakagaling kay Curtis? Bakit hindi mo pa rin siya makalimutan kahit maraming taon na ang lumipas? Huwag mong kalimutan na hindi ka niya pinili simula una hanggang sa huli! Palagi ka niyang sinukuan, at sinukuan ka nia hanggang sa kamatayan niya!”Habang nagagalit siya, mabilis na lumapit ang isang katulong na may hawak-hawak na cellphone at sinabi nang maingat, “Mr. Sheldon, may tumatawag… si Lord Schulz…”Dito lang napagtanto ni Sheldon na sinira niya ang cellphone niya.Kinuha niya ang cellphone sa kamay ng katulong habang pinigilan niya ang kanyang galit at sinabi, “Pa, ano pa ang ibang utos mo?”Malamig na tinanong ni Cadfan, “Bakit hindi ko matawagan ang
“Princess Diana?”May gulat na ekspresyon si Steven sa kanyang mukha sa sandaling naisip niya ang kakaibang tadhana ng maalamat na prinsesa. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng kanyang ama, at sinabi niya, “Pa, se… seryoso ka ba?”May madilim na ekspresyon si Cadfan sa kanyang mukha habang sinabi, “Hindi ko titiisin ang kahit anong kalokohan o biro pagdating sa reputasyon ng pamilya Schulz. Kahit ano pa, hinding-hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon at dangal ng pamilya Schulz sa mga kamay ng isang babae!”Habang nagsasalita siya, nagngalit si Cadfan habang sinabi niya nang malamig, “Kahit na hindi maharlikang pamilya sa Europe ang pamilya Schulz, ang kahalagahan ng reputasyon at dangal ng pamilya Schulz ay hindi mas mababa sa mga maharlika sa Europe! Kung may mangangahas na insultuhin ang reputasyon ng pamilya namin, hindi dapat nila kami sisihin sa pagiging walang awa! Handa akong gawin ang kahit ano at ang lahat para ipagtanggol ang reputasyon ng pamilya Schulz!”T
Habang nagsasalita siya, nagpatuloy siya, “Naalala mo pa ba ang kilalang director na may malabong relasyon sa iba dati? Hindi nagalit ang asawa niya, at sinabi niya pa na nagkaroon ng benepisyo ang asawa niya? Pero, kung babae ang nagloko, siguradong papagalitan at iinsultuhin siya sa mga public forum!”Bahagyang ngumiti si Helen bago sinabi, “Uncle Walters, masyado kang nag-aalala. Gusto ko lang bilhin ang lumang mansyon na dating tinirahan ni Curtis dahil ito ang paraan ko sa pag-aalala sa kanya sa alaala ko. Maliban doon, hindi ako magkakaroon ng kahit anong scandal o relasyon sa ibang lalaki. Kung hindi man lang ito matitiis o maiintindihan ng publiko, hindi ko rin kailangan ng pagtitiis nila o pang-unawa.”Balisang sumagot ang matandang butler, “Miss Helen, hindi ito ang ibig kong sabihin… ang gusto kong sabihin ay ayos lang para sayo na bilhin ang lumang mansyon na ito. Pero, medyo espesyal ang sitwasyon ngayon…”“Dahil hindi pa kayo opisyal na divorced ni Sheldon, sa tingin k
Sa sandaling narinig ni Finn na sinabi ni Isaac na pupunta si Charlie sa auction sa Treasure Pavilion, naging sabik na sabik agad siya.Agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na ihanda ang pinakamalaki at pinakamagandang private room para kay Charlie. Sa parehong oras, tinawagan niya rin si Charlie.Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi niya nang magalang, “Master Wade, ako si Finn Baxendale. Narinig ko na pupunta ka sa auction sa Treasure Pavilion sa Lunes ng umaga. Nagreserba na ako ng pinakamagandang VIP room sa Treasure Pavilion para sayo!”Bahagyang humuni si Charlie bago siya sumagot nang walang interes, “Mr. Baxendale, maalalahanin ka talaga. Pero, huwag mong ilantad sa kahit sino ang pagkakakilanlan ko, lalo na ang hayaan ang iba na pupunta ako sa physical auction.”Hindi nag-alangan si Finn habang sinabi, “Huwag kang mag-alala, Master Wade. Ako mismo ang mamamahala sa seguridad bukas. Pipigilan ko ang kahit sinong kahina-hinalang tao na makapasok sa venue, at ang mga
Naramdaman ng ibang tao na hindi pupunta si Helen dahil naniniwala sila na siguradong pipilitin ng pamilya Schulz si Helen tungkol dito. Kahit ano pa, hinding-hindi nila hahayaan na ipahiya niya ang pamilya Schulz.Sa parehong oras, naramdaman ng ibang tao na pumunta si Helen sa Aurous Hill para bisitahin ang dating bahay ni Curtis, at dahil nag-register siya sa auction, ayon sa ugali niya, kahit na bantaan siya, siguradong pupunta siya sa auction.Kaya, nagpustahan pa ang mga tao sa Eastcliff kung pupunta ba si Helen sa auction o hindi.Sa mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill.Nakahanda na si Helen.Nagpasya na siya na pupunta siya sa auction. Kaya, kahit na may malaking opinyon ang pamilya Schulz tungkol dito, determinado pa rin siya na umalis.Ang magkapatid, sina Jaime at Sophie, ay nakatayo na sa pinto ni Helen sa umaga. Sa sandaling binuksan ni Helen ang pinto, agad nakita ng magkapatid ang kanila ina, na may pormal na suot.Nabalisa agad si Jaime, at sinabi niya, “Ma! P
Ilang segundo ang nakalipas, iniisip pa ni Sophie ang dangal at reputasyon ng pamilya Schulz.Pero sa sandaling ito, biglang may napagtanto si Sophie, “Kahit na miyembro rin ako ng pamilya Schulz, babae rin ako! Kung hindi ko kakamphan nang matatag ang aking ina kapag may ganito siyang problema, kung ikakasal ako at magkaroon din ng ganitong problema sa hinaharap, wala ring kakampi sa akin kapag nangyari iyon!”“Ang ugat na dahilan ng bagay na ito ay hindi tungkol sa dangal at reputasyon ng pamilya Schulz, ngunit ang prinsipyo ng isang tao!”“Dahil tungkol sa prinsipyo ito, ang lahat ng ito ay kung ano ang tama o mali. Ang tama, ay palaging magiging tama, at ang mali, ay mali talaga. Hindi dapat maghirap ang isang babae at maltratuhin dahil lang ang taong nagkamali ay ang lalaki!”“Kaya, kahit ano pa, kailangan kitang samahan na pumunta sa auction ngayong araw, Ma!”Walang nagawa si Jaime nang makita niya ito.Bilang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya Schulz, nakikita niya a
Bahagyang ngumiti si Helen bago sinabi, “Hindi ito mahalaga. Pwede kang bumalik sa Aurous Hill sa hapon pagkatapos umalis sa private jet sa alas diyes ng umaga. Ang mas mahalaga ay ipakita mo sa lahat ang saloobin mo at kung saan ka kakampi.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ulit ni Helen, “Naiintindihan mo ba ang nakataya? Nilinaw ko na ang lahat. Matalino kang bata, kaya huwag mo na ipaulit ito sa akin.”Kinagat ni Jaime ang kanyang labi bago siya tumango nang walang magawa at sinabi, “Okay, Ma. Mag-iimpake lang ako bago ako pumunta sa airport kasama si Lolo Walters.”***Makalipas ang mga dalawampung minuto, dalawang itim na kotse ang lumabas sa mansyon ng pamilya Dunn.Ang isa sa itim na kotse ay papunta sa Treasure Pavilion sa siyudad, habang ang isang itim na kotse ay papuinta Aurous Airport.Nakaupo sina Helen at Sophie sa unang kotse.May kaparehong hitsura ang mag-ina, at maituturing silang dalawa na may natatanging kagandahan.Dati, kilala si Helen bilang top beaut
Sa parehong oras, sa mansyon ng pamilya Schulz sa Eastcliff.Inulat ni Steven kay Lord Schulz, “Pa! Sinama ng Hipag si Sophie sa auction site!”“Ano?!” Biglang naging sobrang lamig at higpit ng ekspresyon sa mukha ni Cadfan!Nagngalit siya at sinabi, “Sumosobra na talaga ang Helen Dunn na iyon!”Tinanong nang nagmamadali ni Steven, “Pa, ano nang gagawin natin ngayon?”Nagngalit si Lord Schulz habang sinabi niya nang matalas, “Dahil ayaw bigyan ng dangal ni Helen ang pamilya Schulz, hindi niya dapat akong sisihin dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon!”Pagkatapos nito, galit niyang sinabi, “Hindi binago ng European princess na iyon ang mga kilso niya kahit na paulit-ulit siyang tinuruan! Hindi lamang siya humanap ng isang boyfriend na may ibang relihiyon, ngunit sinabi pa na buntis siya sa lalaking iyon. Alam mo ba kung gaano niya pinahiya ang royal family? Kung hindi niya kinalaban ang royal family, bakit siya aatakihin ng royal family? Sa huli, hiningi niya ito!”Binabaan
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang