Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2351 - Kabanata 2360

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2351 - Kabanata 2360

5678 Kabanata

Kabanata 2351

Para kay Charlie, ordinary lamang ang Healing Pill at hindi naman ito malaking bagay sa kanya.Subalit, hindi ito ang nararamdaman ng iba. Kahit hindi mapapahaba ng pili na ito ang buhay nila, kahit papaano, magagawa pa rin nitong iligtas ang kanilang buhay sa isang kritikal na pagkakataon.Kung may healing pill sila, para bang katumbas ito ang pagkakaroon ng isa pang buhay sa kabila ng peligro.Si Jasmine ang pinakamagandang halimbawa nito.Kung hindi niya dala ang binigay na pill ni Charlie sa kanya, matagal na siyang naging bangkay sa isang dayuhang bansa gaya ng mga kasama niya nang malaglag ang sinasakyan nila sa bangin sa Nishitama District ng Japan.Kaya, hindi mapigilang makaramdam ng mga naroroon ng matinding sabik at saya.Ipinamahagi ni Charlie ang pills isa-isa saka siya nagsalita, “Siguraduhin niyong dala niyo lagi ang pill niyo. Iyon lang naman. Magpatuloy na tayo sa pagkain!”Marahang inilagay ng mga bisita ang kahon na naglalaman ng pill sa kanilang bulsa saka si
Magbasa pa

Kabanata 2352

Nakaramdam ng pasasalamat si Doris, “Maraming salamat, Young Master!”Muling ngumiti si Charlie saka siya nagsalita, “Ayos lang. Gaya ng sabi ko, hindi mo kailangang maging pormal sa akin.”Habang nag-uusap silang dalawa, gusto na sanang magpaalam ni Charlie para hindi niya na maabala si Doris sa mga kinakaharap nitong problema sa bahay. Ayaw niya nang patagalin ang usapan nila, pero sa pagkakataong ito, narinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.“Miss Young, nahanap na namin ang pinagmulan ng lason na nasa katawan ng papa mo!”Sa pagkakataong ito, hawak pa rin ni Doris ang cellphone sa kanyang kamay. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Waylon, tuluyan niyang nakalimutan na magkausap pa sila ni Charlie, agad siyang napabulalas habang may kaba sa boses, “Captain Skitter, saan nanggaling ang lason?!”Habang suot ang isang latex na guwantes, hawak-hawak ni Waylon ang isang mabigat na libro sa kanyang kamay, “Nadiskubre ng criminal investigators namin na bawat pahi
Magbasa pa

Kabanata 2353

Nasa Aurous Hill ang salarin?!”Nang marinig ito ni Doris, hindi mapigilang magngitngit ng ngipin niya!Sumunod, nagsalita siya sa isang galit at malamig na boses, “Mukhang ginagawa ng taong ito ang lahat para saktan ang ama ko. Hindi ko alam kung ano ang mga intensyon niya! Captain Skitter, pakiusap, tulungan mo akong mabigyan ng hustisya ang ginawa niya sa tatay ko!”Tumango nang bahagya si Waylon saka siya seryosong nagsalita, “Isang malaki at importanteng kaso ang kinakaharap natin ngayon. Attempted murder ito! Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para resolbahan ito!”Sumunod, bumuntong hininga si Waylon, “Hay. Pero, hindi ko pa rin mapapangako na mareresolbahan ko agad ito. Maiksi lang ang oras natin at kakaunti lang rin ang impormasyong nasa kamay natin.”Tumango nang bahagya si Doris, “Nauunawaan ko naman ang bagay na iyan…”Muling nagtanong si Waylon, “Nga pala, Miss Young, pwede mo bang subukang alalahanin kung kailan natanggap ng pamilya niyo ang package? Pwede na
Magbasa pa

Kabanata 2354

Nakuha na nila ang mahalagang ebidensya na kailangan nila. Ngayon, kailangan na nilang magsimulang maghanap ng iba pang mga bakas. Hindi na sila pwedeng magsayang ng oras sa villa ni Doris.Bago sila umalis, kinausap ni Waylon si Doris, “Miss Young, pinapayuhan kitang umalis na agad ng bahay niyo ngayon at dumiretso ka na sa Silverwing Hospital.”Tumango si Doris at seryoso siyang nagsalita, “Maraming salamat, Captain Skitter. Mag-iimpake lang ako ng ilang gamit saka ako magmamaneho papunta roon.”Tumugon si Waylon, “Sige. Babalik na ako sa Police Department para magpatawag ng task force meeting. Kasabay nito, kapag nagkaroon kami ng usad sa imbestigasyon, sasabihan agad kita. Pero, dapat niyo rin kaming tulungan ng mama mo na alalahanin ang ibang mga detalye ng pangyayari. Sabihan niyo agad kami kung may naalala kayo o nahanap na impormasyon.”“Oo naman! Walang problema! Maraming salamat ulit, Captain Skitter!” Pagkatapos ang paulit-ulit na pasasalamat, hinatid na ni Doris ang gru
Magbasa pa

Kabanata 2355

Nang marinig ito ni Doris, hindi niya namalayang napayuko siya.Sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang mapabuntong hininga sa kanyang sarili, ‘Totoo naman ang sinasabi ng young master. Ito talaga ang sitwasyon ni papa ngayon… pabilis nang pabilis ang pagbagsak ng kalusugan niya bawat araw... Para bang wala na kaming pag-asa…’‘Si Edmund na lamang ang natitirang daan namin para makahanap kidney source sa United States…’‘Pero, insult naman sa pagkatao ko ang mga kondisyon ni Edmund sa akin…’‘Pero, kung tatanggihan ko si Edmund, kailangang maging handa ako na tanggapin ang katotohanang pwedeng malagutan ng hininga si Papa kahit kailan.’Nang maisip ito, nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Doris.Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya ito mapigilan at bumabagsak na ito sa sahig na kinatatayuan niya ngayon.Sa pagkakataong ito, lumabas na ang lahat ng negatibong emosyon na iniipon at pinipigilan ni Doris sa mga nakaraang araw. Marahan siyang
Magbasa pa

Kabanata 2356

Sa parehong pagkakataon, habang nasa Aurous International Hotel, nakatanggap si Edmund ng tawag mula sa isa sa mga tauhan niya.Nang masagot niya ang tawag, nagmamadaling magsalita ang kabilang panig, “Boss, narinig ko mula sa inner division ng Aurous Hill Police Department na nahanap na raw nila ang librong naglalaman ng mercury dichloride sa bahay ni Doris! Nagpatawag na rin sila ng special task force para magsimula sa kanilang imbestigasyon sa kaso!”“Ano?!” Napabulalas si Edmund, “Bakit naman masyadong mabilis kumilos ang mga pulis sa Aurous Hill?”Sumagot ang kabilang panig, “Hindi rin namin inaakalang masyadong mabilis ang kilos nila.”Nag-alangan si Edmund sa loob ng ilang sandali, “May naiwan ba kayong mga bakas nang magpanggap kayo na courier habang hinahatid niyo ang package?”Napaisip ng sandali ang lalaking nasa kabilang linya saka siya sumagot, “Wala naman. Wala dapat. Hindi lisensyado ang sasakyang ginamit namin. Imposibleng makakuha sila ng impormasyon. Nakasuot rin
Magbasa pa

Kabanata 2357

Nasa city center ang Aurous International Hotel at malapit lamang ito sa Silvering Hospital kumpara sa villa ni Doris.Kaya, nang sumakay si Edmund sa kanyang Rolls Royce papunta ng ospital, nasa kalahati pa lamang ng biyahe si Charlie at Doris papunta ng Silverwing.Nang iparada ni Charlie ang kotse at naglakad sila papunta sa inpatient building ng Silverwing Hospital, kararating lang rin ni Edmund sa parking lot dala ang kanyang Rolls Royce.Sabik na sabik si Doris at kinakabahan rin siya sa parehong pagkakataon. Hindi niya mapigilang bilisan ang kanyang lakad. Binilisan rin ni Charlie ang kanyang mga hakbang para masundan si Doris papunta sa ward.Nang buksan nila ang pinto ng ward, nakasandal si Faith, ang ina ni Doris, sa hospital bed habang napapahinga.Kahit nasa 50s pa lang ang edad ni Faith, mukha na siyang pagod na pagod sa puntong ito.Tila ba walang pinagkaiba ang mental na kondisyon niya mula sa isang matanda na nasa 60s o 70s na.Nang marinig niya ang mga yapak na
Magbasa pa

Kabanata 2358

Napangisi si Charlie saka siya nagsalita, “Masyado naman yatang mapagmataas ang tono mo. Saan ka kumukuha ng lakas para magsalita ng ganyan sa unang beses nating magkita?”Suminghal si Edmund. Arogante pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Ako si Edmund Whittaker. Bata, narinig mo na ba kung anong klase ng pamilya ang mga Whittaker sa United States?”Ngumiti si Charlie nang walang emosyon saka siya sumagot, “Pasensya na pero hindi ko pa naririnig ang pamilya Whittaker na sinasabi mo.”Malamig na sumagot si Edmund, “Ako na lang ang magsasabi sa’yo. Isang malaki at kilalang real estate developer ang pamilya namin sa United States. Hindi lamang United States ang sakop ng negosyo namin kundi may malalaking industriya rin kami sa Canada, United Kingdom, Germany, at France! May sarili rin kaming gusali na nakapangalan mismo sa pamilya Whittaker sa Manhattan, New York!”Napakurba ang labi ni Charlie saka siya ngumiti, “Ang lakas ng loob mong pumunta sa lugar na ito para lang magyabang
Magbasa pa

Kabanata 2359

Sa totoo lang, marami pang ibang kailangan si Edmund kay Doris. Balak niyang gamitin ang babae para tulungan siyang pabagsakin ang Emgrand Group.Hindi lang binanggit ni Edmund ang bagay na ito sa harap ni Charlie.Kahit patago ang pahiwatig ni Edmund sa kanyang mga salita at hindi niya binanggit ang ilang mga bagay na nakakainsulto, galit na galit pa rin si Charlie sa puntong hindi niya na kayang tiisin ang sitwasyon.SInunggab ni Charlie ang kuwelyo ni Edmund saka niya hinampas ng malakas ang mukha nito gamit ang kabila niyang kamay!Halos mahilo si Edmund sa lakas ng tama sa kanya. Hindi lamang isang bahagi ng pisngi niya ang namamaga, kundi dumudugo na rin ang kanyang ilong at labi.Habang nakararamdam siya ng hilo at nanginginig ang kanyang tuhod, nagsalita si Charlie sa isang malamig na boses, “Tandaan mo, hindi mo pwedeng insultuhin ng ganyan lang ang isang babae!”Tinakpan ni Edmund ang kanyang mukha dahil sa sakit saka siya galit na nagmura, “G*go ka! Ang lakas ng loob m
Magbasa pa

Kabanata 2360

Hindi pa rin binibitawan ni Charlie ang kamao ni Edmund. Sa puntong ito, suminghal siya, “Bakit? Inaamin mong talo ka na dahil hindi mo ako kayang labanan? Ito ba ang estilo ng pamilya Whittaker?”Hindi inaakala ni Edmund na magpapatuloy pa rin si Charlie sa pagpapahiya ng pamilya niya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding galit.Subalit, alam niya ang agwat ng lakas niya at ni Charlie. Masyado silang malayo. Para mabawasan ang pinsalang matatamo niya, mas mabuting umamin siya na talo siya sa puntong ito.Para naman sa reputasyong nawala sa kanya sa araw na ito, hindi na ito mahalaga sa kanya. Ilang libong beses niya itong mababawi kung magkakaroon lang siya ng oportunidad!Nang maisip ito, agad na tumawa si Edmund, “Master Wade, gaya ng sinabi mo, makapangyarihan at maimpluwensya lang ang pamilya Whittaker sa United States, pero hind isa Oskia. Ito ang Aurous Hill kaya wala akong karapatan at kakayahang maging mapagmataas sa lugar na ito…”Pagkatapos magsalita, nagpangga
Magbasa pa
PREV
1
...
234235236237238
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status