Nang marinig ito ni Doris, hindi niya namalayang napayuko siya.Sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang mapabuntong hininga sa kanyang sarili, ‘Totoo naman ang sinasabi ng young master. Ito talaga ang sitwasyon ni papa ngayon… pabilis nang pabilis ang pagbagsak ng kalusugan niya bawat araw... Para bang wala na kaming pag-asa…’‘Si Edmund na lamang ang natitirang daan namin para makahanap kidney source sa United States…’‘Pero, insult naman sa pagkatao ko ang mga kondisyon ni Edmund sa akin…’‘Pero, kung tatanggihan ko si Edmund, kailangang maging handa ako na tanggapin ang katotohanang pwedeng malagutan ng hininga si Papa kahit kailan.’Nang maisip ito, nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Doris.Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya ito mapigilan at bumabagsak na ito sa sahig na kinatatayuan niya ngayon.Sa pagkakataong ito, lumabas na ang lahat ng negatibong emosyon na iniipon at pinipigilan ni Doris sa mga nakaraang araw. Marahan siyang
Sa parehong pagkakataon, habang nasa Aurous International Hotel, nakatanggap si Edmund ng tawag mula sa isa sa mga tauhan niya.Nang masagot niya ang tawag, nagmamadaling magsalita ang kabilang panig, “Boss, narinig ko mula sa inner division ng Aurous Hill Police Department na nahanap na raw nila ang librong naglalaman ng mercury dichloride sa bahay ni Doris! Nagpatawag na rin sila ng special task force para magsimula sa kanilang imbestigasyon sa kaso!”“Ano?!” Napabulalas si Edmund, “Bakit naman masyadong mabilis kumilos ang mga pulis sa Aurous Hill?”Sumagot ang kabilang panig, “Hindi rin namin inaakalang masyadong mabilis ang kilos nila.”Nag-alangan si Edmund sa loob ng ilang sandali, “May naiwan ba kayong mga bakas nang magpanggap kayo na courier habang hinahatid niyo ang package?”Napaisip ng sandali ang lalaking nasa kabilang linya saka siya sumagot, “Wala naman. Wala dapat. Hindi lisensyado ang sasakyang ginamit namin. Imposibleng makakuha sila ng impormasyon. Nakasuot rin
Nasa city center ang Aurous International Hotel at malapit lamang ito sa Silvering Hospital kumpara sa villa ni Doris.Kaya, nang sumakay si Edmund sa kanyang Rolls Royce papunta ng ospital, nasa kalahati pa lamang ng biyahe si Charlie at Doris papunta ng Silverwing.Nang iparada ni Charlie ang kotse at naglakad sila papunta sa inpatient building ng Silverwing Hospital, kararating lang rin ni Edmund sa parking lot dala ang kanyang Rolls Royce.Sabik na sabik si Doris at kinakabahan rin siya sa parehong pagkakataon. Hindi niya mapigilang bilisan ang kanyang lakad. Binilisan rin ni Charlie ang kanyang mga hakbang para masundan si Doris papunta sa ward.Nang buksan nila ang pinto ng ward, nakasandal si Faith, ang ina ni Doris, sa hospital bed habang napapahinga.Kahit nasa 50s pa lang ang edad ni Faith, mukha na siyang pagod na pagod sa puntong ito.Tila ba walang pinagkaiba ang mental na kondisyon niya mula sa isang matanda na nasa 60s o 70s na.Nang marinig niya ang mga yapak na
Napangisi si Charlie saka siya nagsalita, “Masyado naman yatang mapagmataas ang tono mo. Saan ka kumukuha ng lakas para magsalita ng ganyan sa unang beses nating magkita?”Suminghal si Edmund. Arogante pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Ako si Edmund Whittaker. Bata, narinig mo na ba kung anong klase ng pamilya ang mga Whittaker sa United States?”Ngumiti si Charlie nang walang emosyon saka siya sumagot, “Pasensya na pero hindi ko pa naririnig ang pamilya Whittaker na sinasabi mo.”Malamig na sumagot si Edmund, “Ako na lang ang magsasabi sa’yo. Isang malaki at kilalang real estate developer ang pamilya namin sa United States. Hindi lamang United States ang sakop ng negosyo namin kundi may malalaking industriya rin kami sa Canada, United Kingdom, Germany, at France! May sarili rin kaming gusali na nakapangalan mismo sa pamilya Whittaker sa Manhattan, New York!”Napakurba ang labi ni Charlie saka siya ngumiti, “Ang lakas ng loob mong pumunta sa lugar na ito para lang magyabang
Sa totoo lang, marami pang ibang kailangan si Edmund kay Doris. Balak niyang gamitin ang babae para tulungan siyang pabagsakin ang Emgrand Group.Hindi lang binanggit ni Edmund ang bagay na ito sa harap ni Charlie.Kahit patago ang pahiwatig ni Edmund sa kanyang mga salita at hindi niya binanggit ang ilang mga bagay na nakakainsulto, galit na galit pa rin si Charlie sa puntong hindi niya na kayang tiisin ang sitwasyon.SInunggab ni Charlie ang kuwelyo ni Edmund saka niya hinampas ng malakas ang mukha nito gamit ang kabila niyang kamay!Halos mahilo si Edmund sa lakas ng tama sa kanya. Hindi lamang isang bahagi ng pisngi niya ang namamaga, kundi dumudugo na rin ang kanyang ilong at labi.Habang nakararamdam siya ng hilo at nanginginig ang kanyang tuhod, nagsalita si Charlie sa isang malamig na boses, “Tandaan mo, hindi mo pwedeng insultuhin ng ganyan lang ang isang babae!”Tinakpan ni Edmund ang kanyang mukha dahil sa sakit saka siya galit na nagmura, “G*go ka! Ang lakas ng loob m
Hindi pa rin binibitawan ni Charlie ang kamao ni Edmund. Sa puntong ito, suminghal siya, “Bakit? Inaamin mong talo ka na dahil hindi mo ako kayang labanan? Ito ba ang estilo ng pamilya Whittaker?”Hindi inaakala ni Edmund na magpapatuloy pa rin si Charlie sa pagpapahiya ng pamilya niya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding galit.Subalit, alam niya ang agwat ng lakas niya at ni Charlie. Masyado silang malayo. Para mabawasan ang pinsalang matatamo niya, mas mabuting umamin siya na talo siya sa puntong ito.Para naman sa reputasyong nawala sa kanya sa araw na ito, hindi na ito mahalaga sa kanya. Ilang libong beses niya itong mababawi kung magkakaroon lang siya ng oportunidad!Nang maisip ito, agad na tumawa si Edmund, “Master Wade, gaya ng sinabi mo, makapangyarihan at maimpluwensya lang ang pamilya Whittaker sa United States, pero hind isa Oskia. Ito ang Aurous Hill kaya wala akong karapatan at kakayahang maging mapagmataas sa lugar na ito…”Pagkatapos magsalita, nagpangga
Inisip ni Edmund na nakatakas na siya. Sa hindi inaasahan, biglang may gustong itanong si Charlie sa sandaling ito.Kaya, tumibok nang malakas ang kanyang puso, at nagmamadali siyang lumingong habang ngumiti at tinanong, “Master Wade… anong ibang utos mo para sa akin?”Tiningnan siya ni Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Hindi naman ito mahalaga. May gusto lang ako itanong sayo.”Huminga nang maluwag si Edmund bago sinabi, “Master Wade, itanong mo lang!”Bahagyang tumango si Charlie bago siya ngumiti at tinanong, “Alam mo ba kung ano ang mercury dichloride?”Nagulantang saglit si Edmund, at may nasorpresang hitsura siya sa kanyang mukha, “Hindi… hindi ko alam kung ano iyon… ano ang mercury dichloride?”Habang nagsasalita siya, biglang naramdaman ni Edmund na tumitibok nang sobra-sobra ang kanyang puso!Dahil may magaling na psychological control siya, kaya niyang siguraduhin na hindi masyadong halata ang ekspresyon sa kanyang mukha.Pero, napansin agad ni Charlie ang hindi h
Ngumiti si Charlie bago sinabi, “Ayos lang. Kung malulugi talaga ang pamilya mo, babayaran ko lang ang pamilya mo sa mga nalugi nila! Madali lang ako kausap at tuwid akong tao. Pera lang naman ito, tama? Pwede kang magtanong sa Aurous Hill. Kailan pa ako, si Charlie Wade, nagkulang sa pera?”Gusto pang maghanap ng palusot si Edmund para sagutin ang mga sinabi ni Charlie, pero tinutok na ni Charlie ang harap na camera ng iPhone kay Edmund.Sobrang daling gamitin ng facial recognition function sa mga cellphone.Kahit na namamaga na nang sobra ang mga pisngi ni Edmund, mabubuksan agad ang cellphone sa pamamagitan lang ng pag-scan sa kanyang mukha.English ang lenggwahe sa cellphone ni Edmund, pero wala itong problema para kay Charlie.Kahit na hindi siya pumasok sa university, nakatanggap siya ng top-notch international education noong bata pa siya. Lumaki si Charlie sa multilingual na paligid simula noong bata pa siya, tulad ng mga international school ngayon.Lalo na sa ina ni Cha
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl