Sa totoo lang, marami pang ibang kailangan si Edmund kay Doris. Balak niyang gamitin ang babae para tulungan siyang pabagsakin ang Emgrand Group.Hindi lang binanggit ni Edmund ang bagay na ito sa harap ni Charlie.Kahit patago ang pahiwatig ni Edmund sa kanyang mga salita at hindi niya binanggit ang ilang mga bagay na nakakainsulto, galit na galit pa rin si Charlie sa puntong hindi niya na kayang tiisin ang sitwasyon.SInunggab ni Charlie ang kuwelyo ni Edmund saka niya hinampas ng malakas ang mukha nito gamit ang kabila niyang kamay!Halos mahilo si Edmund sa lakas ng tama sa kanya. Hindi lamang isang bahagi ng pisngi niya ang namamaga, kundi dumudugo na rin ang kanyang ilong at labi.Habang nakararamdam siya ng hilo at nanginginig ang kanyang tuhod, nagsalita si Charlie sa isang malamig na boses, “Tandaan mo, hindi mo pwedeng insultuhin ng ganyan lang ang isang babae!”Tinakpan ni Edmund ang kanyang mukha dahil sa sakit saka siya galit na nagmura, “G*go ka! Ang lakas ng loob m
Hindi pa rin binibitawan ni Charlie ang kamao ni Edmund. Sa puntong ito, suminghal siya, “Bakit? Inaamin mong talo ka na dahil hindi mo ako kayang labanan? Ito ba ang estilo ng pamilya Whittaker?”Hindi inaakala ni Edmund na magpapatuloy pa rin si Charlie sa pagpapahiya ng pamilya niya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding galit.Subalit, alam niya ang agwat ng lakas niya at ni Charlie. Masyado silang malayo. Para mabawasan ang pinsalang matatamo niya, mas mabuting umamin siya na talo siya sa puntong ito.Para naman sa reputasyong nawala sa kanya sa araw na ito, hindi na ito mahalaga sa kanya. Ilang libong beses niya itong mababawi kung magkakaroon lang siya ng oportunidad!Nang maisip ito, agad na tumawa si Edmund, “Master Wade, gaya ng sinabi mo, makapangyarihan at maimpluwensya lang ang pamilya Whittaker sa United States, pero hind isa Oskia. Ito ang Aurous Hill kaya wala akong karapatan at kakayahang maging mapagmataas sa lugar na ito…”Pagkatapos magsalita, nagpangga
Inisip ni Edmund na nakatakas na siya. Sa hindi inaasahan, biglang may gustong itanong si Charlie sa sandaling ito.Kaya, tumibok nang malakas ang kanyang puso, at nagmamadali siyang lumingong habang ngumiti at tinanong, “Master Wade… anong ibang utos mo para sa akin?”Tiningnan siya ni Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Hindi naman ito mahalaga. May gusto lang ako itanong sayo.”Huminga nang maluwag si Edmund bago sinabi, “Master Wade, itanong mo lang!”Bahagyang tumango si Charlie bago siya ngumiti at tinanong, “Alam mo ba kung ano ang mercury dichloride?”Nagulantang saglit si Edmund, at may nasorpresang hitsura siya sa kanyang mukha, “Hindi… hindi ko alam kung ano iyon… ano ang mercury dichloride?”Habang nagsasalita siya, biglang naramdaman ni Edmund na tumitibok nang sobra-sobra ang kanyang puso!Dahil may magaling na psychological control siya, kaya niyang siguraduhin na hindi masyadong halata ang ekspresyon sa kanyang mukha.Pero, napansin agad ni Charlie ang hindi h
Ngumiti si Charlie bago sinabi, “Ayos lang. Kung malulugi talaga ang pamilya mo, babayaran ko lang ang pamilya mo sa mga nalugi nila! Madali lang ako kausap at tuwid akong tao. Pera lang naman ito, tama? Pwede kang magtanong sa Aurous Hill. Kailan pa ako, si Charlie Wade, nagkulang sa pera?”Gusto pang maghanap ng palusot si Edmund para sagutin ang mga sinabi ni Charlie, pero tinutok na ni Charlie ang harap na camera ng iPhone kay Edmund.Sobrang daling gamitin ng facial recognition function sa mga cellphone.Kahit na namamaga na nang sobra ang mga pisngi ni Edmund, mabubuksan agad ang cellphone sa pamamagitan lang ng pag-scan sa kanyang mukha.English ang lenggwahe sa cellphone ni Edmund, pero wala itong problema para kay Charlie.Kahit na hindi siya pumasok sa university, nakatanggap siya ng top-notch international education noong bata pa siya. Lumaki si Charlie sa multilingual na paligid simula noong bata pa siya, tulad ng mga international school ngayon.Lalo na sa ina ni Cha
Habang natataranta si Edmund, nagkataon, nakatanggap siya ng mensahe sa kanyang cellphone.Ang taong nagpadala ng mensahe ay isang Oskian na palayaw, Samson.Sa mga listahan, makikita lang ang isang litrato na ipinadala ni Samson. Kaya, binuksan ni Charlie ang mensahe.Nang tiningnan niya ito nang mabuti, ang litrato na ipinadala ni Samson ay isang bangkay na bumubula ang bibig!Sa sandaling ito, nakasandala ng bangkay sa upuan ng isang kotse. Malaki ang mga mata nito, na may mabagsik na ekspresyon. Sa isang tingin lang, makikita na nilason ang taong ito hanggang sa mamatay siya.Habang nabigla si Charlie, nagpadala ulit ng isa pang mensahe si Samson sa English. Ganito ang ibig sabihin niya: [Boss, pinatay ko na si Zayden. Mamaya, itatapon ko siya sa isang malalim na ilog. Makasisiguro ka na talagang masisira ang bakas na ito!]Nag-scroll up agad si Charlie para makita ang buong pag-uusap nina Samson at Edmund.Hindi masyadong mahaba ang pag-uusap nila. Karamihan sa mga salita a
Si Edmund ang nag-utos kay Samson na pumatay ng tao. Kaya, makakasuhan siya ng voluntary manslaughter. Wala siyang takas!Dahil, sa batas ng Oskia, ang nag-utos sa iba na gumawa ng krimen ay itinuturing na pangunahing salarin!Inutusan ni Edmund ang kanyang tauhan na pumatay. Kahit na hindi siya ang gumawa nito, sa sandaling malaman ito sa korte, ang pinakamababang parusa ay makulong siya habang buhay!Kung idadagdag ang krimen na panlalason sa ama ni Doris, maaaring umangat ito sa death penalty…Nang maisip ito, nagkaroon ng emotional breakdown si Edmund. Bumagsak siya sa sahig at iniya, “Patawarin mo ako. Ang kapusukan ko ang dahilan sa lahat ng problema na ito. Hindi ko ito sinasadya… hindi ko ito sinasadya…”Sinampal siya nang malakas ni Charlie at hinarap siya, “Inutusan mo ang tauhan mo na pumatay ng tao pero nangahas ka na sabihin na hindi mo ito sinasadya?! Niloloko mo ba ako?!”Habang tinatakpan ang kanyang mukha, umiyak si Edmund at sumagot, “Ma… masyado akong nahumalin
Kaharap ang pagpupunyagi ni Edmund, sinabi nang kalmado ni Charlie, “Edmund, huwag kang mag-alala. Kahit wala ang kidney, hindi mamamatay ang ama ni Doris!”Umiling si Edmund at sumagot nang kumpiyansa, “Imposible! Mahirap makahanap ng RH negative na kidney. Kung wala ang sakin, maghihintay lang siya ng kamatayan!”Pagkatapos, mabilis siyang lumuhod sa harap ni Doris at iniyak, “Doris, nagmamakaawa ako sayo. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon at hindi mo ako ibibigay sa pulis, bibigyan kita ng isang daang milyong dolyar! Huwag mo sana akong ibigay sa pulis! Kung hindi, tapos na ang buhay ko…”Nang tatanggihan na siya ni Doris, si Charlie, na nasa tabi, ay tumawa at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Edmund. Siguradong hindi kita ibibigay sa pulis!”Akala ni Edmund na may epekto ang pangako niya na isang daang milyong dolyar. Kaya, nagmamadali niyang sinabi, “Master Wade! Basta’t hahayaan mo akong makaalis sa Aurous Hill, magpapadala ako sayo ng isang cheque ng isang daang milyong doly
Kaya, hinala ni Charlie na may kinalaman ang pamilya Rothschild sa pagkamatay ng mga magulang niya.Dahil dito, nang marinig niya na mag kamag-anak ang pamilya Whittaker at pamilya Rothschild, hindi niya maiwasang managhoy sa puso niya, ‘Hinding-hindi ko inaakala na mabilis na darating ang pagtatagpo namin ng pamilya Rothschild.”Kaya, tinanong nang mausisa ni Charlie kay Isaac: “Gaano kalapit ang pamilya Whittaker sa pamilya Rothschild?”Inilarawan ni Isaac: “Malayong mag kamag-anak sila… Dahil, lumaki na nang napakaraming taon ang pamilya Whittaker at pamilya Rothschild. May mahigit sampung libong tao ang may apelyido na Rothschild. Bukod dito, marami ring malayong kamag-anak na may ibang apelyido.”“Ang ibig sabihin ay galing sa pamilya Rothschild ang lola ni Edmund. Pero, hindi mahalaga ang panig ng lola niya sa pamilya Rothschild. Para siyang isang prinsesa sa Golden Age, na pinaka marginalized sa mga maharlikang kamag-anak.”Ngumiti si Charlie at sumagot: “Naiintindihan ko…”
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl