Kaharap ang pagpupunyagi ni Edmund, sinabi nang kalmado ni Charlie, “Edmund, huwag kang mag-alala. Kahit wala ang kidney, hindi mamamatay ang ama ni Doris!”Umiling si Edmund at sumagot nang kumpiyansa, “Imposible! Mahirap makahanap ng RH negative na kidney. Kung wala ang sakin, maghihintay lang siya ng kamatayan!”Pagkatapos, mabilis siyang lumuhod sa harap ni Doris at iniyak, “Doris, nagmamakaawa ako sayo. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon at hindi mo ako ibibigay sa pulis, bibigyan kita ng isang daang milyong dolyar! Huwag mo sana akong ibigay sa pulis! Kung hindi, tapos na ang buhay ko…”Nang tatanggihan na siya ni Doris, si Charlie, na nasa tabi, ay tumawa at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Edmund. Siguradong hindi kita ibibigay sa pulis!”Akala ni Edmund na may epekto ang pangako niya na isang daang milyong dolyar. Kaya, nagmamadali niyang sinabi, “Master Wade! Basta’t hahayaan mo akong makaalis sa Aurous Hill, magpapadala ako sayo ng isang cheque ng isang daang milyong doly
Kaya, hinala ni Charlie na may kinalaman ang pamilya Rothschild sa pagkamatay ng mga magulang niya.Dahil dito, nang marinig niya na mag kamag-anak ang pamilya Whittaker at pamilya Rothschild, hindi niya maiwasang managhoy sa puso niya, ‘Hinding-hindi ko inaakala na mabilis na darating ang pagtatagpo namin ng pamilya Rothschild.”Kaya, tinanong nang mausisa ni Charlie kay Isaac: “Gaano kalapit ang pamilya Whittaker sa pamilya Rothschild?”Inilarawan ni Isaac: “Malayong mag kamag-anak sila… Dahil, lumaki na nang napakaraming taon ang pamilya Whittaker at pamilya Rothschild. May mahigit sampung libong tao ang may apelyido na Rothschild. Bukod dito, marami ring malayong kamag-anak na may ibang apelyido.”“Ang ibig sabihin ay galing sa pamilya Rothschild ang lola ni Edmund. Pero, hindi mahalaga ang panig ng lola niya sa pamilya Rothschild. Para siyang isang prinsesa sa Golden Age, na pinaka marginalized sa mga maharlikang kamag-anak.”Ngumiti si Charlie at sumagot: “Naiintindihan ko…”
“Pero mamaya, magkakaroon sila!”Si Edmund, na nasa gilid, ay nagulantang, at bumulong siya sa sarili niya…Pagkatapos, hinulaan niya sa pagkalita nito, ‘Anong ibig sabihin niya na ‘magkakaroon kami’?! Pambihira ang Wade na ito… Kinamumuhian ko talaga ang mga Oskian na malabo ang mga sinasabi…’Habang wala siyang ideya sa ibig sabihin ni Charlie, sinabi ni Charlie kay Isaac: “Isa pa, Isaac, hanapan mo ako ng mercury dichloride. Balak ko itong gamitin.”Nang sinabi ito ni Charlie, naramdaman ni Edmund na tila ba tinamaan siya ng kidlat!‘Ah?! Anong balak ng Wade na ito sa mercury dichloride?!’‘At saka, bakit siya humingi ng dialysis equipment?!’‘At! Sinabihan niya ang tauhan niya na maghanda ng dialysis equipment at sinabi pa na ‘maya-maya magkakaroon sila’... anong ‘maya-maya’? Ano iyon?!”‘Ngayon, gusto niya ng mercury dichloride, ito… gusto niya bang ipakain ito sa akin?!’Nang maisip ito, naramdaman ni Edmund na tila ba babagsak na siya.Hbaang nakaluhod sa harap ni Char
Sa sandaling ito, napagtanto na niya na malaking gulo ang ginawa niya!Kaya, habang nakatingin kay Doris, umiyak si Edmund at nagmakaawa, “Doris! Nagmamakaawa ako sayo na ibigay mo ako sa pulis! Hayaan mong harapin ko ang legal sanctions at ang trial lang, pakiusap. Nagmamakaawa ako sayo, Doris! Maawa ka sana sa akin, Doris!”Alam ni Edmund na kahit na nakakatakot na makulong, kahit papaano, malusog siyang makakapasok sa kulungan.Kung mapupunta siya sa mga kamay ni Charlie at paglalaruan siya, hindi niya lang mararanasan ang iba’t ibang masasakit na pagpapahirap, marahil ay mamatay pa siya nang malupit sa dog farm sa huli.Kaya, kung ikukumpara, mas mabuting mapunta sa kulungan.Kinutya siya ni Charlie, “Edmund, ang bilis mo talaga magbago. Hindi ba’t nagmakaawa ka kay Doris kanina na huwag kang ibigay sa pulis? Ilang minuto lang ang lumipas, at nagmamakaawa ak na sa kanya na ibigay ka sa pulis?”Umiyak nang nasasaktan si Edmund at sumagot, “Master Wade… Master Wade, maawa ka sa
Mabilis kumilos ang mga tauhan nina Isaac at Albert.Sa loob ng sampung minuto, lahat ng tauhan ni Edmund sa Aurous Hill, kasama si Samson, na naghahanda nang itapon ang bangkay, ay hinuli ng mga tauhan nina Isaac at Albert.Si Isaac mismo ang pumunta sa Silverwing Hospital.Nagdala ng mga baril ang mga tauhan niya at pinalibutan ang dalawang sasakyan ng mga tauhan ni Edmund. Sa sandaling tinutok ang mga baril sa limang lalaki, sumuko agad sila nang walang laban.Pagkatapos, dinala ang limang lalaki na ito sa modified na minibus.Ang mga kotse nila, ang Rolls-Royce at Buick, ay kinuha ng mga tauhan ni Albert.Ipapadala ang dalawang kotse na ito sa car recycling factory ni Albert at pagpipira-pirasuhin ngayong gabi, dudurugin, at itatapon sa steelmaking furnace.Sa ibang salita, pagkatapos ngayong gabi, kahit ang Diyos ay hindi na mahahanap ang dalawang kotse na ito.Pagkatapos, tinawagan ni Isaac si Charlie at ipinaalam sa kanya, “Young Master, nahuli na namin ang limang lalaki
‘Ang abilidad ng pamilya Wade ay dosenang mas malakas kumpara sa pamilya Rothschild!’ Nang maisip ito, doon lang napagtanto ni Edmund kung gaano siya kaawa-awa at katanga.Akala niya na sa pagpunta sa Aurous Hill, magagawa niya ang lahat ng gusto niya sa pagtago kay Isaac. Pero, hinding-hindi niya inaakala na magagalit niya agad ang Young Master ng pamilya Wade!”Kaya, sinampal niya ang sarili niya nang malakas at iniyak, “Young Master Wade, may mga mata ako pero hindi ako makakita. Hindi ko inaasahan na galitin ka. Hindi ko alam na kaibigan mo si Doris! Kung alam ko lang, kahit na bugbugin ako hanggang sa mamatay ako, hinding-hindi ako magkakaroon ng pagnanasa sa kanya…”Tumawa si Charlie, “Alam mo ba na sa akin din ang Emgrand Group?”“Eh?!” Lumaki ang mga mata ni Edmund, at sinabi niya, “Ito… ito… hindi ko talaga ito alam, Young Master Wade… kung alam ko lang, hindi ako mangangahas na pagbalakan ng masama ang Emgrand Group kahit na bigyan mo ako ng tapang na gawin ito…”Bago du
Isang walang pag-asa na Edmund ang kinaladkad ng mga tauhan ni Isaac at nilaba sa hospital.Pagkatapos niyang umalis, ang lahat ng CCTV footage niya ay tuluyang tinanggal ng mga tauhan ni Isaac.Bilang resulta, walang mahahanap na footage ni Edmund sa Aurous Hill. Mas imposible na hanapin ang bakas ng mga ginagawa niya.Kapag napagtanto ng pamilya ni Edmund na nawawala siya at pumunta sa Aurous Hill para hanapin siya, mapapansin lang nila na naglaho sa hangin ang taong ito.Habang umaalis sila, sinabihan ni Charlie si Isaac na magpadala ng mga dalubhasa para matikman ni Edmund ang paboritong niyang mercury dichloride at maghintay sila hanggang sa magkasakit siya tulad ng ama ni Doris at ilagay siya sa dialysis.Ito ang ibig sabihin ni Charlie sa ‘gawin sa kanya ang ginagawa niya sayo’.Sa mga sobrang samang halimaw na mga ito, ganitong paraan lang matuturuan ng totoong leksyon si Edmund.Si Doris, na nasa gilid, ay nakita kung paano inayos ni Charlie ang bagay na ito at kung paa
Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Tita, para sa karamihan ng doktor, hindi na nga maibabalik ang kidney failure. Pero, may naitagong magandang reseta ang ninuno ko. Hindi mahirap na gamutin ito.”“Talaga?!” Hindi napigilan ni Faith ang pagkasabik niya, at sumagot siya habang may bukol sa kanyang lalamunan, “Kung gano’n, Mr. Wade, mangyaring makialam ka at iligtas mo ang aking asawa… Sa buong buhay niya, naging mabait na guro siya at marangal na tao. Kailanman ay hindi siya gumawa ng masamang bagay at hindi dapat siya nagkaganito…”Habang nagsasalita siya, tumingin si Faith kay Doris, na nasa tabi niya. Hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ni Doris, at iniyak, “Mahigit dalawampung taon ng buhay niya ang ginamit niya para palakihin si Doris. Hindi niya pa nakikita sa wedding gown si Doris at ikasal siya. Hindi niya pa rin nararanasan ang masayang pamilya na may tatlong henerasyon. Kung aalis siya nang ganito, wala talagang mata ang Diyos…”Habang tumatango, sinabi nang taimtim ni
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro