Pagkatapos ipakain ang kalahati ng medisina sa ama ni Doris, nasorpresa ang mag-ina nang makita nila na agad nagkaroon ng buhay ang maputlang mukha ni Corwin. Ito ang tinatawag sa Oskian medisina na kulay ng dugo!Kapag malakas ang Qi at dugo ng isang tao, magkakaroon ng malarosas na kulay ang kanilang hitsura. Kapag kulang ang Qi at dugo, magiging maputla sila.Ang pangunahing dahilan kung bakit maputla ang mga terminally ill na pasyente at kulang sa kulay ang mga labi nila ay dahil sa kakulangan sa dugo at Qi sa kanilang katawan.Ganito nga ang ama ni Doris.Napunta sa panganib ang buhay niya dahil sa severe kidney failure.Ang buong hitsura niya ay parang isang halaman na malapit nang malanta, nasa bingit na ng kamatayan.Gayunpaman, sa sandaling nainom ang medisina, nagbago nang sobra ang kanyang katawan.Tila ba nanonood ang mag-ina ng isang dokumentaryo sa telebisyon tungkol sa nalantang halaman sa taglamig at pagsibol nito sa tagsibol dahil sa eksenang ito.Ang video a
Tumango si Charlie at ngumiti. “Huwag kang mag-alala. Magandang ideya rin na hayaan ang doktor na magbigay ng check-up.”Tinanong ni Doris sa malambot na tono, “Paano naman ang medisina? Kung magtatanong ang doktor tungkol dito, anong isasagot namin? Dahil, sa mga mata ng doktor, sobrang lala na ng kidney problem ng ama ko at walang gamot para dito…”Tumawa si Charlie habang sumagot, “Huwag kang mag-alala. Nakakita na ng mas nakakamanghang milagro ang doktor ng Silverwing Hospital dati.”Dati, nabunggo ng kotse ang biyenan na lalaki ni Charlie at naging paraplegic siya. Noong ipinadala siya sa hospital, ang opinyon ng lahat ng doktor ay habang buhay na siyang nakaratay sa kama dahil wala na siyang mararamdaman sa ibaba ng kanyang leeg, lalo na ang makagalaw.Pero, sa tulong ng healing pill, naligtas ni Charlie ang kanyang biyenan na lalaki. Tila ba bumalik ang buhay sa katawan niya, puno siya ng sigla at nakagalaw agad siya.Sa sandaling iyon, itinuring iyon na himala sa medisina.
Ang creatinine sa dugo ay isang mahalagang tagapag pahiwatig sa pagsusuri ng laki ng pinsala sa kidney.Kung mas mataas ang dami ng creatinine na makikita sa dugo, mas malaki ang pinsala sa kidney.Para sa isang normal na tao, ang laki ng creatinine sa dugo ay mas mababa sa 135. Kung mas mataas dito, ang ibig sabihin ay may ilang pinsala na ang kidney.Sa sandaling lumampas ang creatinine sa 450, masasabi na isa na itong renal failure. Kung mas mataas sa 700, ang ibig sabihin ay uremia na ito.Kaninang tanghali, ipinapakita ng blood monitor ni Corwin na ang blood creatinine index niya ay lampas 1500 na!Kaya, para malaman kung gumaling na siya sa saki niya, ang pinakamahalaga na dapat suriin ay ang blood creatinine index.Hindi matagal, nagmamadaling pumasok ang nurse.Nang makita ang biglaang masiglang hitsura ni Corwin, nagulat ang nurse at hindi siya makapaniwala. Halos hindi siya makapagsalita, at bumalik lang siya sa diwa pagkatapos siyang paalalahanan ni Dr. Spears, at mab
Dati, sinubukang maghanap ng mga magulang ni Doris ng lalaking magugustuhan ng kanilang anak. Gusto pa ngang ipakilala ni Corwin ang paborito niyang estudyante kay Doris, subalit hindi man lang binigyan ng tsansa ni Doris ang lalaki.Sa ngayon, napagtanto ni Doris na mukhang maganda ang impresyon ni Charlie sa kanyang ina. Iyan ang siguro ang dahilan kung bakit gusto ni Faith na maiwan si Charlie para tanungin ito ng ilang mga personal na bagay o kaya alamin ang relasyon ni Charlie kay Doris.Kaya, agad na nagsalita si Doris, “Mama, bata pa si Charlie. May generation gap kayong dalawa, wala kayong masyadong mapag-uusapan. Huwag niyo na siyang abalahin pa!”Agad na tumugon si Faith, “Ano ang sinasabi mo? Kahit mas matanda kami ng papa mo, marami pa rin naman kaming alam sa mga kabataan.”Sa puntong ito, ngumiti si Charlie, “Ayos lang, Doris. Bilhin mo na ang kailangan mong bilhin. Huwag na nating patagalin ang hapunan ni Uncle. Ako na muna ang bahala sa mama at papa mo.”Hiyang-hiy
Hindi maunawaan ni Charlie kung ano ang nais iparating ni Faith sa puntong ito, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya.Matapos ang lahat, empleyado niya si Doris.Kahit siya ang may-ari ng Emgrand Group, mula sa operations, management hanggang development, si Doris ang nag-aasikaso ng lahat.Kasalungat nito, nagbibigay lamang ng utos si Charlie at hindi niya ito personal na ginagawa.Kung, ayon sa mga salita ni Faith, aalis si Doris sa trabaho niya para maghanap ng lalaking magugustuhan niya at lilibutin nila ang mundo, magiging katumbas ito ng pagkasira ng Emgrand Group.Sa loob ng kanyang puso, ayaw ni Charlie na mangyari ang bagay na ito. Sino naman ang nasa tamang pag-iisip para hayaang umalis ang pinaka-pinagkakatiwalaan nilang empleyado para lang lumibot sa mundo?Subalit, alam niyang simpleng kuwentuhan lamang ito kasama ang mga magulang ni Doris. Kailangan niyang sumang-ayon sa lahat ng sasabihin nila.Kaya, ngumiti siya, “Aunty, totoo ang sinasabi niyo. Sa totoo
Baka sa puntong ito, naakyat niya na ang Mount Everest, nasubukan niya na sana ang skiing sa Alps, o kaya magbakasyon sa France, o pwede ring mapadpad siya ng Antarctic, o ang masubukan ang diving sa Tahiti.Subalit, nag-iba ang direksyon ng kanyang buhay dahil sa iisang aksidente.Dati, siya ang pinakamayamang bata sa mundo. Sa anim o pitong bilyon na tao sa mundo, hindi hihigit sa isang daan ang maipapanganak sa isang napakarangyang pamilya na gaya ng mayroon siya.Subalit, noong walong taong gulang na siya, siya ang naging pinaka nakakaawa at pinakamiserableng bata sa mundo.Kumpara sa ibang ulila, mas mahirap ang buhay niya.Sabay na nawala ang pareho niyang mga magulang at napuwersa rin siyang manirahan kasama ang iba pang mga ulila sa isang welfare institute. Kailangan niyang tiisin ang sakit ng pagkawala ng kanyang mga magulang pati na rin dalhin ang hindi matitinag na galit sa kanyang puso. Dagdag pa ang biglaang pagbabago ng kanyang paligid, para bang ipinadala sa impyern
“45 na lang?!”Nang marinig ang mga numero, hindi mapigilang malito ni Dr. Spears.Bumaba ang creatinine count ng pasyente mula sa isang libo at naging 45 na lang ito?! Masyado naman yatang nakamamangha ang nangyari!Bukod kay Dr. Spears, mas sensitibo ang pamilya Young sa mga count na ito.Matapos ang lahat, ilang taon ang nakararaan, dumanas ng uremia si Corwin. Dahil sa tagal ng kanyang sakit, nasanay na sila Doris at Faith rito sa puntong alam na rin nila kung ano ang dahilan ng sakit at mga bagay na pwedeng makapagpalala rito.Malinaw sa kanila kung ano ang creatinine count na sakto para sa isang tao. Base sa count nito, masasabi kung anong stage na ang kidney failure. Maalam silang tatlo sa aspetong ito.Para sa creatinine count, dapat nasa pagitan lamang ito ng 40 hanggang 130.Kaya, nang marinig nilang banggitin ng nars na 45 na lang ang count, napabulalas sa sabik ang buong pamilya Young!Biglang may naalala si Doris kaya agad niyang tinanong si Dr. Spears, “Dr. Spears
Ang maganda sa pagiging intelektwal, kahit hindi nauunawaan ni Faith ang ibang bagay tungkol sa medisina, kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matalas ang kanyang isip at mas marami siyang nalalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.Humakbang rin si Doris para tulungang tumayo ang kanyang ina. Umiiyak siya habang nagsasalita, “Mama, huwag kang mag-alala. Iniligtas ni Charlie si Papa kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran siya sa kahit anong paraan…”Tumango nang bahagya si Faith. Nasamid siya pero nagawa niya pa ring magsalita, “Charlie, mula sa araw na ito, ikaw ang tagapagligtas namin…”Habang nakahiga sa kama, hindi mapigilang mamula ng mga mata ni Corwin. Nagsalita siya sa seryosong tono, “Charlie, iniligtas mo ang buhay ko. Kung may kakailanganin ka sa hinaharap, sabihan mo lang ako at hindi ako mag-aalangang tulungan ka.”Ngumiti si Charlie. Umiling siya nang bahagya at seryoso rin ang kanyang boses nang sumagot siya, “Uncle, Aunty, masyado kayong mabuti. Kaibigan ko si Doris
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago