Dati, sinubukang maghanap ng mga magulang ni Doris ng lalaking magugustuhan ng kanilang anak. Gusto pa ngang ipakilala ni Corwin ang paborito niyang estudyante kay Doris, subalit hindi man lang binigyan ng tsansa ni Doris ang lalaki.Sa ngayon, napagtanto ni Doris na mukhang maganda ang impresyon ni Charlie sa kanyang ina. Iyan ang siguro ang dahilan kung bakit gusto ni Faith na maiwan si Charlie para tanungin ito ng ilang mga personal na bagay o kaya alamin ang relasyon ni Charlie kay Doris.Kaya, agad na nagsalita si Doris, “Mama, bata pa si Charlie. May generation gap kayong dalawa, wala kayong masyadong mapag-uusapan. Huwag niyo na siyang abalahin pa!”Agad na tumugon si Faith, “Ano ang sinasabi mo? Kahit mas matanda kami ng papa mo, marami pa rin naman kaming alam sa mga kabataan.”Sa puntong ito, ngumiti si Charlie, “Ayos lang, Doris. Bilhin mo na ang kailangan mong bilhin. Huwag na nating patagalin ang hapunan ni Uncle. Ako na muna ang bahala sa mama at papa mo.”Hiyang-hiy
Hindi maunawaan ni Charlie kung ano ang nais iparating ni Faith sa puntong ito, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya.Matapos ang lahat, empleyado niya si Doris.Kahit siya ang may-ari ng Emgrand Group, mula sa operations, management hanggang development, si Doris ang nag-aasikaso ng lahat.Kasalungat nito, nagbibigay lamang ng utos si Charlie at hindi niya ito personal na ginagawa.Kung, ayon sa mga salita ni Faith, aalis si Doris sa trabaho niya para maghanap ng lalaking magugustuhan niya at lilibutin nila ang mundo, magiging katumbas ito ng pagkasira ng Emgrand Group.Sa loob ng kanyang puso, ayaw ni Charlie na mangyari ang bagay na ito. Sino naman ang nasa tamang pag-iisip para hayaang umalis ang pinaka-pinagkakatiwalaan nilang empleyado para lang lumibot sa mundo?Subalit, alam niyang simpleng kuwentuhan lamang ito kasama ang mga magulang ni Doris. Kailangan niyang sumang-ayon sa lahat ng sasabihin nila.Kaya, ngumiti siya, “Aunty, totoo ang sinasabi niyo. Sa totoo
Baka sa puntong ito, naakyat niya na ang Mount Everest, nasubukan niya na sana ang skiing sa Alps, o kaya magbakasyon sa France, o pwede ring mapadpad siya ng Antarctic, o ang masubukan ang diving sa Tahiti.Subalit, nag-iba ang direksyon ng kanyang buhay dahil sa iisang aksidente.Dati, siya ang pinakamayamang bata sa mundo. Sa anim o pitong bilyon na tao sa mundo, hindi hihigit sa isang daan ang maipapanganak sa isang napakarangyang pamilya na gaya ng mayroon siya.Subalit, noong walong taong gulang na siya, siya ang naging pinaka nakakaawa at pinakamiserableng bata sa mundo.Kumpara sa ibang ulila, mas mahirap ang buhay niya.Sabay na nawala ang pareho niyang mga magulang at napuwersa rin siyang manirahan kasama ang iba pang mga ulila sa isang welfare institute. Kailangan niyang tiisin ang sakit ng pagkawala ng kanyang mga magulang pati na rin dalhin ang hindi matitinag na galit sa kanyang puso. Dagdag pa ang biglaang pagbabago ng kanyang paligid, para bang ipinadala sa impyern
“45 na lang?!”Nang marinig ang mga numero, hindi mapigilang malito ni Dr. Spears.Bumaba ang creatinine count ng pasyente mula sa isang libo at naging 45 na lang ito?! Masyado naman yatang nakamamangha ang nangyari!Bukod kay Dr. Spears, mas sensitibo ang pamilya Young sa mga count na ito.Matapos ang lahat, ilang taon ang nakararaan, dumanas ng uremia si Corwin. Dahil sa tagal ng kanyang sakit, nasanay na sila Doris at Faith rito sa puntong alam na rin nila kung ano ang dahilan ng sakit at mga bagay na pwedeng makapagpalala rito.Malinaw sa kanila kung ano ang creatinine count na sakto para sa isang tao. Base sa count nito, masasabi kung anong stage na ang kidney failure. Maalam silang tatlo sa aspetong ito.Para sa creatinine count, dapat nasa pagitan lamang ito ng 40 hanggang 130.Kaya, nang marinig nilang banggitin ng nars na 45 na lang ang count, napabulalas sa sabik ang buong pamilya Young!Biglang may naalala si Doris kaya agad niyang tinanong si Dr. Spears, “Dr. Spears
Ang maganda sa pagiging intelektwal, kahit hindi nauunawaan ni Faith ang ibang bagay tungkol sa medisina, kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matalas ang kanyang isip at mas marami siyang nalalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.Humakbang rin si Doris para tulungang tumayo ang kanyang ina. Umiiyak siya habang nagsasalita, “Mama, huwag kang mag-alala. Iniligtas ni Charlie si Papa kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran siya sa kahit anong paraan…”Tumango nang bahagya si Faith. Nasamid siya pero nagawa niya pa ring magsalita, “Charlie, mula sa araw na ito, ikaw ang tagapagligtas namin…”Habang nakahiga sa kama, hindi mapigilang mamula ng mga mata ni Corwin. Nagsalita siya sa seryosong tono, “Charlie, iniligtas mo ang buhay ko. Kung may kakailanganin ka sa hinaharap, sabihan mo lang ako at hindi ako mag-aalangang tulungan ka.”Ngumiti si Charlie. Umiling siya nang bahagya at seryoso rin ang kanyang boses nang sumagot siya, “Uncle, Aunty, masyado kayong mabuti. Kaibigan ko si Doris
Hindi naakala ni Charlie na iimbitahan siya ni Faith sa kanilang bahay para kumain.Nag-iisip siya ng palusot para tumanggi pero hindi man lang hinintay ni Faith ang kanyang tugon “Nagkataon ring Sabado bukas. Walang trabaho si Doris. Pwede kang pumunta sa bahay para makakain tayo ng masarap na pagkain.”Habang nakahiga sa kama, nagsalita rin si Corwin, “Oo nga, Charlie. Kumain tayo sa bahay! Isipin mo na lang na paraan rin iyan para mas magkakilala tayo.”Halata namang hindi alam ni Corwin na nakapunta na si Charlie sa bahay nila.Nang makitang parehong nagsalita si Faith at Corwin, hindi alam ni Charlie ang gagawin.Gusto niyang tumanggi sa imbitasyong ito, pero pakiramdam niya mahirap tanggihan ang kabutihan ng isang tao.Habang nahihirapan siyang magpasya kung ano ang dapat gawin, agad na nagsalita si Doris, “Mama, hindi ako bakante bukas. Kailangan kong mag-overtime sa trabaho. Pwede bang sa ibang araw na lang?”“Ah? Kailangan mong mag-overtime bukas?” Kita ang dismaya sa b
Hanggang sa pinto lang hinatid ni Doris si Charlie. Nang makitang niyang nakaalis na si Charlie, tumalikod na siya sa pinto.Pagkapasok niya sa ward, agad na lumapit si Faith. Hinawakan niya ang kamay ni Doris saka siya nagtanong, “Doris, ano ang relasyon mo kay Charlie?”Agad na tumugon si Doris, “Magkaibigan lang kami.”“Magkaibigan lang kayo?” Hindi makapaniwala si Faith nang marinig ito, “Kung gano’n, may nararamdaman ka ba para sa kanya? Kahit ano, mayroon ba?”Natatarantang sumagot si Doris, “Huh? Ako? W…wala?!”Umiling si Faith. Hindi makapaniwala ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Sa tingin mo ba mahuhulog ako sa sinasabi mo? Akala mo ba hindi ko mababasa ang kasinungalingan mo? Mula pa lang sa mukha mo, halata namang may nararamdaman ka para sa kanya!”Hindi alam ni Doris kung paano niya sasagutin ang kanyang ina.Sa loob ng kanyang puso, totoo nga namang may nararamdaman siya kay Charlie. Malalim pa nga ito.Umigting pa ito lalo ngayong pinarusahan ni Charlie si Edmund
Nakaramdam ng lumbay si Doris nang marinig ang sinabi ng kanyang ina.Syempre, totoo namang nahulog ang kanyang loob kay Charlie, pero sa kasamaang palad, alam niyang wala na siyang tsansa.Ang magagawa niya na lang ay magtrabaho nang mabuti sa Emgrand Group at dalhin ang kumpanya sa mas mataas na lebel para pasalamatan ang kabutihan ni Charlie habang tinatago ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso.Tila ba namimilipit ang puso ni Faith sa katahimikan ng kanyang anak. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Doris at seryoso siyang nagsalita, “Anak, alam kong lagi kitang pinagsasabihan na magpakasal na, pero nauunawaan kong hindi kita pwedeng pilitin na mangyari ang ganitong klase ng bagay. Kaya, sana magtrabaho at mabuhay ka ayon sa mga kagustuhan mo. Hindi na kita pagsasabihan kung ano ang dapat gawin.”Bumuntong hininga si Corwin, “Doris, tama ang mama mo! Dati, lagi kaming nangingialam sa mga problema mo sa buhay nang hindi tinitignan ang perspektibo mo. Hindi ka nami
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m