Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2391 - Chapter 2400

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2391 - Chapter 2400

5678 Chapters

Kabanata 2391

“Ano?!”Nainis nang sobra si Sheldon at sa tingin niya ay nawawalan na siya ng kontrol, at galit niyang sinumpa, “Sumosobra na si Helen! Sino ba ako sa tingin niya?!”“Oo, Sheldon!” Nagmamadaling nanggatong si Steven at sinabi, “Hindi pa kayo divorced ni Helen. Sumosobra na siya sa pag-alala sa dati niyang mahal na lalaki mula sa pamilya Wade na mahigit 20 taon nang patay!”Nagngalit si Sheldon sa galit at sinabi, “Steven, sa amin na ito. Huwag ka nang makialam!”Kahit na galit at naiinis si Sheldon sa ginawa ni Helen, matalas pa rin siya at alam niya ang tama sa mali. Alam niya na tinawagan siya ni Steven dahil may masamang hangarin siya! Gusto niya siyang inisin, pero sa kabilang dako, gusto niya ring gumawa ng gusot sa pagitan nila ni Helen! Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita nang maayos kay Steven.Sadyang bumuntong hininga nang nagsisisi si Steven at sinabi, “Hoy, Sheldon! Asawa mo si Helen! Kailangan may gawin ka dito! Kahit papaano, pilitin mo siya na huwa
Read more

Kabanata 2392

Tuwang-tuwa si Steven na gumana ang panunukso niya, pero naglabas siya ng seryosong ekspresyon at galit na sinabi sa cellphone, “Sheldon, anong ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na si Papa ang responsable para sa lahat ng ito? May sasabihin ako sayo! Ginawa ni Papa ang lahat para sa pamilya natin at pinagtakpan ka na may anak sa labas! Kung hindi ka nagloko at ginawa si Rosalie, paano tayo mapupunta sa sitwasyon na ito?”Sa galit, sinigaw ni Sheldon, “Manahimik ka!”Sumigaw pabalik ang galit na si Steven, “Ikaw ang manahimik!”Wala nang masabi si Sheldon sa puntong ito, habang mas dumidilim ang hitsura ni Cadfan.Patuloy na nanukso si Steven, “Sheldon! Hindi ako tumawag para makipagtalo sayo, at ayoko rin. Gusto ko lang kitang payuhan na tanggapin ang realidad!”Tinanong nang hindi masaya ni Sheldon, “Anong realidad?”Malamig na sinabi ni Steven, “Ang unang realidad ay walang respeto si Helen sa pamilya natin!”Pagkatapos, nagpatuloy siya nang agresibo, “Ang pangalawang realidad
Read more

Kabanata 2393

Sa mga mata ni Cadfan, siya lang ang nag-iisang tao na pwedeng ipahiya ang pamilya Schulz o pawalain ang imahe at reputasyon ng pamilya Schulz. Walang ibang tao ang may ganitong pribilehiyo!Siya ang nagpasya na pagtaksilan si Rosalie. Kahit na nalipat niya ang sisi kay Sheldon at pinilit siyang kunin ang lahat ng responsibilidad, nawalan pa rin ng dangal ang pamilya Schulz dahil dito. Pero, sa halip na magmuni-muni siya sa sarili niya, patuloy siyang kumilos nang malaya hangga’t gusto niya habang sakal-sakal ang lahat at hindi sila binibigyan ng kalayaan.Kahit na hindi pa opisyal na divorced si Helen kay Sheldon, si Sheldon ang unang nagloko sa kasal nila. Kahit na magloko si Helen sa kasal niya tulad ni Sheldon, walang karapatan ang pamilya Schulz na punahin siya, lalo na ang punahin siya sa pagbili ng dating mansyon kung saan nakatira si Curtis dati.Pero, hindi ganito mag-isip si Cadfan.Naramdaman niya kahit na ang anak niya ang nagloko, bilang manugang na babae ng pamilya Sc
Read more

Kabanata 2394

Ito ang pangalawang pagkakataon ngayong araw na binabaan si Sheldon at iniwan siya sa kabilang linya.Sa sandaling ito, galit na galit at masama ang loob ni Sheldon.Tinapon niya ang kanyang cellphone sa sahig, at nagkapira-piraso ang kanyang cellphone habang sinigaw niya, “Helen Dunn! Hindi ko maintindihan kung ano ba ang napakagaling kay Curtis? Bakit hindi mo pa rin siya makalimutan kahit maraming taon na ang lumipas? Huwag mong kalimutan na hindi ka niya pinili simula una hanggang sa huli! Palagi ka niyang sinukuan, at sinukuan ka nia hanggang sa kamatayan niya!”Habang nagagalit siya, mabilis na lumapit ang isang katulong na may hawak-hawak na cellphone at sinabi nang maingat, “Mr. Sheldon, may tumatawag… si Lord Schulz…”Dito lang napagtanto ni Sheldon na sinira niya ang cellphone niya.Kinuha niya ang cellphone sa kamay ng katulong habang pinigilan niya ang kanyang galit at sinabi, “Pa, ano pa ang ibang utos mo?”Malamig na tinanong ni Cadfan, “Bakit hindi ko matawagan ang
Read more

Kabanata 2395

“Princess Diana?”May gulat na ekspresyon si Steven sa kanyang mukha sa sandaling naisip niya ang kakaibang tadhana ng maalamat na prinsesa. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng kanyang ama, at sinabi niya, “Pa, se… seryoso ka ba?”May madilim na ekspresyon si Cadfan sa kanyang mukha habang sinabi, “Hindi ko titiisin ang kahit anong kalokohan o biro pagdating sa reputasyon ng pamilya Schulz. Kahit ano pa, hinding-hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon at dangal ng pamilya Schulz sa mga kamay ng isang babae!”Habang nagsasalita siya, nagngalit si Cadfan habang sinabi niya nang malamig, “Kahit na hindi maharlikang pamilya sa Europe ang pamilya Schulz, ang kahalagahan ng reputasyon at dangal ng pamilya Schulz ay hindi mas mababa sa mga maharlika sa Europe! Kung may mangangahas na insultuhin ang reputasyon ng pamilya namin, hindi dapat nila kami sisihin sa pagiging walang awa! Handa akong gawin ang kahit ano at ang lahat para ipagtanggol ang reputasyon ng pamilya Schulz!”T
Read more

Kabanata 2396

Habang nagsasalita siya, nagpatuloy siya, “Naalala mo pa ba ang kilalang director na may malabong relasyon sa iba dati? Hindi nagalit ang asawa niya, at sinabi niya pa na nagkaroon ng benepisyo ang asawa niya? Pero, kung babae ang nagloko, siguradong papagalitan at iinsultuhin siya sa mga public forum!”Bahagyang ngumiti si Helen bago sinabi, “Uncle Walters, masyado kang nag-aalala. Gusto ko lang bilhin ang lumang mansyon na dating tinirahan ni Curtis dahil ito ang paraan ko sa pag-aalala sa kanya sa alaala ko. Maliban doon, hindi ako magkakaroon ng kahit anong scandal o relasyon sa ibang lalaki. Kung hindi man lang ito matitiis o maiintindihan ng publiko, hindi ko rin kailangan ng pagtitiis nila o pang-unawa.”Balisang sumagot ang matandang butler, “Miss Helen, hindi ito ang ibig kong sabihin… ang gusto kong sabihin ay ayos lang para sayo na bilhin ang lumang mansyon na ito. Pero, medyo espesyal ang sitwasyon ngayon…”“Dahil hindi pa kayo opisyal na divorced ni Sheldon, sa tingin k
Read more

Kabanata 2397

Sa sandaling narinig ni Finn na sinabi ni Isaac na pupunta si Charlie sa auction sa Treasure Pavilion, naging sabik na sabik agad siya.Agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na ihanda ang pinakamalaki at pinakamagandang private room para kay Charlie. Sa parehong oras, tinawagan niya rin si Charlie.Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi niya nang magalang, “Master Wade, ako si Finn Baxendale. Narinig ko na pupunta ka sa auction sa Treasure Pavilion sa Lunes ng umaga. Nagreserba na ako ng pinakamagandang VIP room sa Treasure Pavilion para sayo!”Bahagyang humuni si Charlie bago siya sumagot nang walang interes, “Mr. Baxendale, maalalahanin ka talaga. Pero, huwag mong ilantad sa kahit sino ang pagkakakilanlan ko, lalo na ang hayaan ang iba na pupunta ako sa physical auction.”Hindi nag-alangan si Finn habang sinabi, “Huwag kang mag-alala, Master Wade. Ako mismo ang mamamahala sa seguridad bukas. Pipigilan ko ang kahit sinong kahina-hinalang tao na makapasok sa venue, at ang mga
Read more

Kabanata 2398

Naramdaman ng ibang tao na hindi pupunta si Helen dahil naniniwala sila na siguradong pipilitin ng pamilya Schulz si Helen tungkol dito. Kahit ano pa, hinding-hindi nila hahayaan na ipahiya niya ang pamilya Schulz.Sa parehong oras, naramdaman ng ibang tao na pumunta si Helen sa Aurous Hill para bisitahin ang dating bahay ni Curtis, at dahil nag-register siya sa auction, ayon sa ugali niya, kahit na bantaan siya, siguradong pupunta siya sa auction.Kaya, nagpustahan pa ang mga tao sa Eastcliff kung pupunta ba si Helen sa auction o hindi.Sa mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill.Nakahanda na si Helen.Nagpasya na siya na pupunta siya sa auction. Kaya, kahit na may malaking opinyon ang pamilya Schulz tungkol dito, determinado pa rin siya na umalis.Ang magkapatid, sina Jaime at Sophie, ay nakatayo na sa pinto ni Helen sa umaga. Sa sandaling binuksan ni Helen ang pinto, agad nakita ng magkapatid ang kanila ina, na may pormal na suot.Nabalisa agad si Jaime, at sinabi niya, “Ma! P
Read more

Kabanata 2399

Ilang segundo ang nakalipas, iniisip pa ni Sophie ang dangal at reputasyon ng pamilya Schulz.Pero sa sandaling ito, biglang may napagtanto si Sophie, “Kahit na miyembro rin ako ng pamilya Schulz, babae rin ako! Kung hindi ko kakamphan nang matatag ang aking ina kapag may ganito siyang problema, kung ikakasal ako at magkaroon din ng ganitong problema sa hinaharap, wala ring kakampi sa akin kapag nangyari iyon!”“Ang ugat na dahilan ng bagay na ito ay hindi tungkol sa dangal at reputasyon ng pamilya Schulz, ngunit ang prinsipyo ng isang tao!”“Dahil tungkol sa prinsipyo ito, ang lahat ng ito ay kung ano ang tama o mali. Ang tama, ay palaging magiging tama, at ang mali, ay mali talaga. Hindi dapat maghirap ang isang babae at maltratuhin dahil lang ang taong nagkamali ay ang lalaki!”“Kaya, kahit ano pa, kailangan kitang samahan na pumunta sa auction ngayong araw, Ma!”Walang nagawa si Jaime nang makita niya ito.Bilang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya Schulz, nakikita niya a
Read more

Kabanata 2400

Bahagyang ngumiti si Helen bago sinabi, “Hindi ito mahalaga. Pwede kang bumalik sa Aurous Hill sa hapon pagkatapos umalis sa private jet sa alas diyes ng umaga. Ang mas mahalaga ay ipakita mo sa lahat ang saloobin mo at kung saan ka kakampi.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ulit ni Helen, “Naiintindihan mo ba ang nakataya? Nilinaw ko na ang lahat. Matalino kang bata, kaya huwag mo na ipaulit ito sa akin.”Kinagat ni Jaime ang kanyang labi bago siya tumango nang walang magawa at sinabi, “Okay, Ma. Mag-iimpake lang ako bago ako pumunta sa airport kasama si Lolo Walters.”***Makalipas ang mga dalawampung minuto, dalawang itim na kotse ang lumabas sa mansyon ng pamilya Dunn.Ang isa sa itim na kotse ay papunta sa Treasure Pavilion sa siyudad, habang ang isang itim na kotse ay papuinta Aurous Airport.Nakaupo sina Helen at Sophie sa unang kotse.May kaparehong hitsura ang mag-ina, at maituturing silang dalawa na may natatanging kagandahan.Dati, kilala si Helen bilang top beaut
Read more
PREV
1
...
238239240241242
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status