Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2401 - Chapter 2410

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2401 - Chapter 2410

5678 Chapters

Kabanata 2401

Sa parehong oras, sa mansyon ng pamilya Schulz sa Eastcliff.Inulat ni Steven kay Lord Schulz, “Pa! Sinama ng Hipag si Sophie sa auction site!”“Ano?!” Biglang naging sobrang lamig at higpit ng ekspresyon sa mukha ni Cadfan!Nagngalit siya at sinabi, “Sumosobra na talaga ang Helen Dunn na iyon!”Tinanong nang nagmamadali ni Steven, “Pa, ano nang gagawin natin ngayon?”Nagngalit si Lord Schulz habang sinabi niya nang matalas, “Dahil ayaw bigyan ng dangal ni Helen ang pamilya Schulz, hindi niya dapat akong sisihin dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon!”Pagkatapos nito, galit niyang sinabi, “Hindi binago ng European princess na iyon ang mga kilso niya kahit na paulit-ulit siyang tinuruan! Hindi lamang siya humanap ng isang boyfriend na may ibang relihiyon, ngunit sinabi pa na buntis siya sa lalaking iyon. Alam mo ba kung gaano niya pinahiya ang royal family? Kung hindi niya kinalaban ang royal family, bakit siya aatakihin ng royal family? Sa huli, hiningi niya ito!”Binabaan
Read more

Kabanata 2402

Naging sobrang pangit agad ang ekspresyon sa mukha ni Lord Schulz.Napagtanto niya sa mga sinabi ni Steven na kung aatakihin niya si Helen, ang kanyang pinakamatandang anak, si Sheldon, at ang buong pamilya niya, ay siguradong lalabanan siya!Pero, alam din ni Lord Schulz na kung hindi niya paparusahan si Helen, masisira ang dangal at reputasyon ng pamilya Schulz!Kahit ano pa, hinding-hindi niya hahayaan si Helen na maging mapangahas.Paano mapapanatili ng pamilya Schulz ang kanilang katayuan at dignidad kung hahayaan nila ang babaeng ito na tapakan ang kanilang dangal at reputasyon?Nang maisip niya ito, sinabi niya nang malamig, “Pagkatapos nito, ipadala mo si Jaime sa Australia para samahan ang kuya mo. Hindi na dapat sila bumalik sa hinaharap!”Hindi maiwasang masabik nang sobra ni Steven nang marinig niya ito!‘Pinapapunta ni Papa si Jaime sa Australia para makipagkita kay kuya! Para bang ipinatapon niya na siya. Wala nang pagkakataon ang mag-ama na ito na makipaglaban sa
Read more

Kabanata 2403

Bahagyang tumango si Charlie.Disidido rin siya na bilhin ang dating bahay ng mga magulang niya.Dahil, ang lumang mansyon na ito ang may laman ng huling alaala nila ng mga magulang niya, at sobrang mahalaga ito sa kanya.Habang unti-unting nabenta ang mga kotse, pumasok na sa real estate section ang auction.May labintatlong ari-arian ang nasa judicial auction, pero sa labintatlong ari-arian, ang bahay na may pinakamurang presyo ay ang lumang mansyon kung saan dating nakatira ang mga magulang ni Charlie.Ang pangunahing dahilan ay dahil itinuturing na bilang isang historical heritage site sa siyudad ang lumang mansyon. Kaya, pinagbabawalan ang bagong may-ari ng mansyon na ipag-iba ito o ipa-renovate ang mansyon.Ang pinakamahalaga, kung sinuman ang bibili sa lumang mansyon na ito ay may obligasyon na protektahan ito.Sobrang luma na ng mansyon, at hindi ito pwedeng ipag-iba o ipa-renovate para mas lumaki ang halaga nito. Hindi man lang pwedeng ipatayo muli ng bagong may-ari ang
Read more

Kabanata 2404

Kahit na kaunti lang ang pera ng driver ni Isaac, inutusan na siya ni Isaac na kunin ang mansyon kahit anong mangyari. Hindi mahalaga kung aabot ito sa walumpung milyong dolyar, lalo na ang walong milyong dolyar.Kaya, hindi siya matalo at agad niyang itinaas ang kanyang presyo at sinabi, “Walong milyon at walong daang libong dolyar!”$8,800,000 ay sampung beses ng starting price na $880,000.Pero, kasisimula lang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa.Ayaw na ni Helen na taas nang paunti-unti ang presyo. Kaya, direkta niyang itinaas ang kanyang kamay at sinabi, “Sampung milyong dolyar.”Nagkagulo ulit ang lahat ng tao sa auction hall.Sa sandaling ito, sa private room, binulong ni Isaac sa tainga ni Charlie, “Young Master, mukhang disidido ang second lady ng pamilya Dunn na manalo sa bid.”Tumango si Charlie bago siya bumuntong hininga at sinabi, “Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan ng tita na ito. Mukhang wala siyang solidong relasyon sa ama ko dati. K
Read more

Kabanata 2405

Hindi talaga inaasahan ni Isaac na pipiliin ni Charlie na isuko ang lumang mansyon na determinado siyang kunin pagkatapos maghintay nang napakatagal.Hindi maiwasan ni Isaac na mabalisa para kay Charlie habang sinabi niya, “Young Master, matagal mo nang pinag-iisipan na bilhin ang mansyon an ito. Nandito na ito sa harap natin, at makukuha na natin ito. Hindi ka dapat sumuko nang ganito lang! Kung hindi, wala kang magagawa para malampasan ang pagsisisi mo sa desisyon mo ngayong araw…”Bumuntong hininga nang malambot si Charlie bago siya kumaway at sinabi nang seryoso, “Ayos lang. Hindi ko na ito gustong makuha. Mukhang mas kailangan ni Tita Dunn ang mansyon kaysa sa akin.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi nang emosyonal ni Charlie, “Ito ang lumang mansyon kung saan kami dating tumira ng mga magulang ko, pero wala man lang akong tapang na pumunta at umupo sa auction hall para sumali sa auction nang personal. Sa kabilang dako, kaya ni Tita Dunn na umupo sa labas sa auction hall para
Read more

Kabanata 2406

Halos 30 na taon na rin ang nakararaan. Subalit, walang ibang iniwan si Curtis sa kanya maliban na lamang sa mga lumang larawan at mga alaala na hindi niya kayang kalimutan.Bukod pa roon, wala namang kahit anong bagay na iniwan ni Curtis ang pwedeng makaalis ng kanyang lumbay. Kahit ang simpleng pagbisita ng libingan ni Curtis ay hindi sasapat. Dagdag pa roon, hindi naman ganoon kadali na bisitahin ang puntod ng lalaki.Sa ngayon, pwede niya na ring mabili ang lumang mansyon na tinirahan ni Curtis. Kaya, pakiramdam ni Helen, may mapaglalagyan na siya ng lahat ng kanyang emosyon at nararamdaman sa loob ng ilang dekada.Samantala, halo-halo naman ang nararamdaman ni Sophie nang makita niyang lumuluha nang ganito ang kanyang ina.Naaawa siya sa kanyang nanay dahil may iba itong mahal sa loob nang maraming taon, pero sa parehong pagkakataon, nakaramdam rin siya ng simpatya sa kanyang ama na kinakasama ang isang maling babae buong buhay niya.Subalit, nang maalala niyang may ibang nag
Read more

Kabanata 2407

Mabilis na nagmaneho si Isaac papalapit. Nang papasok na sana si Charlie sa loob ng kotse, agad na tumakbo ang may-ari ng Treasure Pavilion na si Finn. Kinakabahan siyang nagtanong, “Master Wade, bakit aalis na kayo agad?”Kalmadong sumagot si Charlie, “May biglaan akong kailangang asikasuhin, hindi na ako pwedeng magtagal.”Muling nagtanong si Finn, “Master Wade, hindi ka ba natuwa sa serbisyo ng Treasure Pavilion?”Kumaway si Charlie saka siya sumagot, “Hindi naman, wala itong kinalaman sa Treasure Pavilion.”Nakahinga nang maluwag si Finn saka siya nagtanong, “Nga pala, Master Wade, interesado ka ba sa kahit anong items na nasa auction namin ngayon? Kung may gusto ka, sabihan mo lang ako! Gagawin ko ang makakaya ko para tulungan kang makuha ito!”Umiling si Charlie saka siya ngumiti, “Wala naman akong gustong item sa auction. Pumunta lang ako rito para makisali sa saya. Hindi mo kailangang mag-alala masyado.”Ganoon din, itinuro ni Charlie ang Rolls-Royce sa kanyang harap saka
Read more

Kabanata 2408

Pinunasan ng staff ang kanyang pawis habang nagpapaliwanag siya, “Madam, ang starting price ng mansyong binili mo ay $880,000 lang. Ang pinakamataas nitong market price ay aabot lang ng $1,300,000. Sa kasalukuyan, nagbabayad ka ng 50 beses na higit sa pinakamataas nitong market value. Sigurado ka ba talagang hindi mo na ito kailangang pag-isipan ulit?”Umiling si Helen at determinado siyang sumagot, “Malinaw ko nang pinag-isipan ang bagay na ito. Hindi ko na kailangang mag-isip pa. Pakiusap, tulungan niyo na lang agad akong tapusin ang mga proseso.”Nagpalitan ng tingin ang mga staff hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, tumuloy na tayo sa proseso ng pagbabayad. Sapat ba ang balanse mo sa bangko?”Tumango si Helen. “Oo.”“Sige po.” Nilakasan ng staff ang kanyang loob nang ilabas niya ang POS machine, “Madam, pakisigurong kakayanin ito ng single-day transaction limit ng bank card niyo. Marami ang mga card users na nasa $1,000,000 lamang ang limit ng withdrawa
Read more

Kabanata 2409

Si Steven ang tipo ng taong walang moralidad o kahit anong kabutihan.Para naman kay Cadfan, kahit wala siyang mga prinsipyo at moralidad, kahit papaano, marunong siyang magplano nang mabuti bago kumilos.Ang mga gaya ni Cadfan ang magaling magpanggap na mabuting tao sa harap ng publiko, pero sila talaga ang tunay na maiitim ang budhi.Subalit, ang punto, walang makapagsasabi na sila talaga ang patapon ng lipunan.Buong buhay ni Lord Schulz, marami na siyang nagawang masasama at malulupit na bagay, pero nagbulilyaso lamang ang lahat nang maihayag sa publiko ang ginawa niya kay Rosalie. Ito lamang ang pagkakataon na nagkulang siya ng pag-iingat.Madalas, napakagaling magpanggap ni Lord Schulz. Walang makapagsasabi ng tunay niyang pagkatao.Sa pagkakataong ito, tinuturing niya na si Steven na tagapagmana niya kaya nagbigay siya ng payo, Steven, kailangan mong maintindihan ang mga patakaran kung paano ka makakaligtas sa mundong ito. Dapat alam mo ang mga bawal at pwede. Sa madaling
Read more

Kabanata 2410

Kagaya rin ito ng mga nangyayari sa mga martial art sects. Laging ipinapasa ng head of the sect ang lahat ng kanyang core martial arts skills at techniques sa kanyang magiging tagapagmana, pero hindi sa iba niyang mga apprentices. Ginagawa ang ganitong bagay para masigurong magiging mas malakas ang susunod sa yapak ng head kumpara sa ibang mga martial artist sa kanyang henerasyon.Dati, inilaan ni Lord Schulz ang lahat ng kanyang oras para ituro ang mga ganitong taktika at estratehiya sa kanyang pinakamatandang anak na si Sheldon. Para sa iba niyang mga anak, walang siyang tinurong kahit ano.Pero ngayon, tuluyan nang inabandona ni Lord Schulz ang kanyang panganay na si Sheldon.Pagkatapos alisin ang kanyang panganay, ang susunod na tagapagmana ng pamilya Schulz sa loob ng kanyang puso ay wala ng iba kundi ang pangalawa niyang anak na si Steven.Kaya, simula sa araw na ito, balak niyang ilagay sa training si Steven.Sa pagkakataong ito, napaisip si Lord Schulz, ‘May sampu hanggang
Read more
PREV
1
...
239240241242243
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status