Share

Kabanata 2406

Penulis: Lord Leaf
Halos 30 na taon na rin ang nakararaan. Subalit, walang ibang iniwan si Curtis sa kanya maliban na lamang sa mga lumang larawan at mga alaala na hindi niya kayang kalimutan.

Bukod pa roon, wala namang kahit anong bagay na iniwan ni Curtis ang pwedeng makaalis ng kanyang lumbay. Kahit ang simpleng pagbisita ng libingan ni Curtis ay hindi sasapat. Dagdag pa roon, hindi naman ganoon kadali na bisitahin ang puntod ng lalaki.

Sa ngayon, pwede niya na ring mabili ang lumang mansyon na tinirahan ni Curtis. Kaya, pakiramdam ni Helen, may mapaglalagyan na siya ng lahat ng kanyang emosyon at nararamdaman sa loob ng ilang dekada.

Samantala, halo-halo naman ang nararamdaman ni Sophie nang makita niyang lumuluha nang ganito ang kanyang ina.

Naaawa siya sa kanyang nanay dahil may iba itong mahal sa loob nang maraming taon, pero sa parehong pagkakataon, nakaramdam rin siya ng simpatya sa kanyang ama na kinakasama ang isang maling babae buong buhay niya.

Subalit, nang maalala niyang may ibang nag
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2407

    Mabilis na nagmaneho si Isaac papalapit. Nang papasok na sana si Charlie sa loob ng kotse, agad na tumakbo ang may-ari ng Treasure Pavilion na si Finn. Kinakabahan siyang nagtanong, “Master Wade, bakit aalis na kayo agad?”Kalmadong sumagot si Charlie, “May biglaan akong kailangang asikasuhin, hindi na ako pwedeng magtagal.”Muling nagtanong si Finn, “Master Wade, hindi ka ba natuwa sa serbisyo ng Treasure Pavilion?”Kumaway si Charlie saka siya sumagot, “Hindi naman, wala itong kinalaman sa Treasure Pavilion.”Nakahinga nang maluwag si Finn saka siya nagtanong, “Nga pala, Master Wade, interesado ka ba sa kahit anong items na nasa auction namin ngayon? Kung may gusto ka, sabihan mo lang ako! Gagawin ko ang makakaya ko para tulungan kang makuha ito!”Umiling si Charlie saka siya ngumiti, “Wala naman akong gustong item sa auction. Pumunta lang ako rito para makisali sa saya. Hindi mo kailangang mag-alala masyado.”Ganoon din, itinuro ni Charlie ang Rolls-Royce sa kanyang harap saka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2408

    Pinunasan ng staff ang kanyang pawis habang nagpapaliwanag siya, “Madam, ang starting price ng mansyong binili mo ay $880,000 lang. Ang pinakamataas nitong market price ay aabot lang ng $1,300,000. Sa kasalukuyan, nagbabayad ka ng 50 beses na higit sa pinakamataas nitong market value. Sigurado ka ba talagang hindi mo na ito kailangang pag-isipan ulit?”Umiling si Helen at determinado siyang sumagot, “Malinaw ko nang pinag-isipan ang bagay na ito. Hindi ko na kailangang mag-isip pa. Pakiusap, tulungan niyo na lang agad akong tapusin ang mga proseso.”Nagpalitan ng tingin ang mga staff hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, tumuloy na tayo sa proseso ng pagbabayad. Sapat ba ang balanse mo sa bangko?”Tumango si Helen. “Oo.”“Sige po.” Nilakasan ng staff ang kanyang loob nang ilabas niya ang POS machine, “Madam, pakisigurong kakayanin ito ng single-day transaction limit ng bank card niyo. Marami ang mga card users na nasa $1,000,000 lamang ang limit ng withdrawa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2409

    Si Steven ang tipo ng taong walang moralidad o kahit anong kabutihan.Para naman kay Cadfan, kahit wala siyang mga prinsipyo at moralidad, kahit papaano, marunong siyang magplano nang mabuti bago kumilos.Ang mga gaya ni Cadfan ang magaling magpanggap na mabuting tao sa harap ng publiko, pero sila talaga ang tunay na maiitim ang budhi.Subalit, ang punto, walang makapagsasabi na sila talaga ang patapon ng lipunan.Buong buhay ni Lord Schulz, marami na siyang nagawang masasama at malulupit na bagay, pero nagbulilyaso lamang ang lahat nang maihayag sa publiko ang ginawa niya kay Rosalie. Ito lamang ang pagkakataon na nagkulang siya ng pag-iingat.Madalas, napakagaling magpanggap ni Lord Schulz. Walang makapagsasabi ng tunay niyang pagkatao.Sa pagkakataong ito, tinuturing niya na si Steven na tagapagmana niya kaya nagbigay siya ng payo, Steven, kailangan mong maintindihan ang mga patakaran kung paano ka makakaligtas sa mundong ito. Dapat alam mo ang mga bawal at pwede. Sa madaling

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2410

    Kagaya rin ito ng mga nangyayari sa mga martial art sects. Laging ipinapasa ng head of the sect ang lahat ng kanyang core martial arts skills at techniques sa kanyang magiging tagapagmana, pero hindi sa iba niyang mga apprentices. Ginagawa ang ganitong bagay para masigurong magiging mas malakas ang susunod sa yapak ng head kumpara sa ibang mga martial artist sa kanyang henerasyon.Dati, inilaan ni Lord Schulz ang lahat ng kanyang oras para ituro ang mga ganitong taktika at estratehiya sa kanyang pinakamatandang anak na si Sheldon. Para sa iba niyang mga anak, walang siyang tinurong kahit ano.Pero ngayon, tuluyan nang inabandona ni Lord Schulz ang kanyang panganay na si Sheldon.Pagkatapos alisin ang kanyang panganay, ang susunod na tagapagmana ng pamilya Schulz sa loob ng kanyang puso ay wala ng iba kundi ang pangalawa niyang anak na si Steven.Kaya, simula sa araw na ito, balak niyang ilagay sa training si Steven.Sa pagkakataong ito, napaisip si Lord Schulz, ‘May sampu hanggang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2411

    Nang marinig ang mga sinabi ni Lord Schulz, nasabik si Steven at hindi niya mapigilang magtanong, “Papa, may magagandang ideya ka ba kung paano natin gagawing perpketo ang pagkamatay ni Helen?”Malamig na tumawa si Lord Schulz, “Pinakiusapan ko ang mga tauhan ko na maghanap ng isang A-class criminal na nakagawa na ng capital crime. Babayaran natin ang pamilya niya ng sampung milyon at bibigyan rin natin siya allowance para tumakas papunta ng Aurous Hill.”Agad na nagtanong si Steven, “Papa, balak mo bang gamitin ang kriminal na ito para patayin si Helen?”Sumagot si Lord Schulz nang walang emosyon, “Oo, balak kong gamitin ang kriminal na iyon. Pero, hindi magiging simple ang lahat gaya ng inakaala mo.”Nagpatuloy si Lord Schulz sa kanyang sinasabi, “Inutusan ko rin ang mga tauhan ko na ipaabot ang impormasyon sa local police ng Aurous Hill. Hindi magtatagal, naniniwala akong tutugisin ng pulis ang kriminal na ito. Matapos ang lahat, marami na siyang napatay. Kapag nahuli siya, sigu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2412

    Napatitig si Lord Schulz sa oras saka siya nagsalita, “Kung walang nangyaring kakaiba, dapat nasa auction site na ang kriminal sa loob ng sampung minuto.””Agad na napatanong si Steven, “Papa, sampung minuto talaga… hindi ba makakaalis na si Helen niyan?”“Hindi!” Malamig na tawa ni Lord Schulz, “Inaasikaso pa dapat ni Helen ang change of property ownership. Matagal ang prosesong ito at hindi ito natatapos sa isang gabi lang. Dahil desperado siyang makuha ang mansyong ito at ngayong nagtagumpay na siyang mabili ito mula sa auction, siguradong magiging seryoso siya at ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapadali ang proseso.”Tumango si Steven. Nakahinga siya nang maluwag.Subalit, bigla siyang may naalala, “Papa! Kasama ni Helen si Sophie! Magkakaroon ba tayo ng mga hindi inaasahang insidente?”Alam ni Steven na mahal ni Lord Schulz ang kanyang apo na si Sophie. Hindi nag-aalala si Steven sa kaligtasan ni Sophie, pero baka matigil ang plano dahil sa kanyang minamahal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2413

    Sa pagkakataong ito, sa Aurous Hill.Isang lalaking nakasuot ng mask ang nagpakita sa subway station malapit sa Treasure Pavilion.Maraming security cameras ang subway station. May iilan na kumukuha ng security footage, at may iba namang para sa Skynet monitoring ng siyudad. May bago ring mga mamahaling cameras na may facial recognition ability.Sa paglipas ng taon, sa tulong ng pagbulusok ng teknolohiya, tuluyan nang naging matagumpay ang facial recognition sa pagpasok sa buhay ng mga normal na tao kahit dati nakikita lang natin ang mga ganito sa science fiction na mga palabas.Hindi lamang mga cellphones ang may facial recognition ngayong araw, higit sa lahat, may data rin ang pulis na maihahalintulad sa facial recognition system.Ang pinakamagandang bagay sa ganitong system ay ang bilis nitong magsagawa ng mass screening.Halimbawa, may isang daang taong naglalakad at may isang kriminal mula sa kanila. Kung aasa lang tayo sa iisang pulis na susuri sa bawat taong nasa camera, m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2414

    Matapos ang lahat, pagod na siyang gugulin ang kanyang mga araw sa pagtatago. Sa madaling salita, wala siyang rason para tanggihan ang kabilang panig matapos itong mag-alok ng sampung milyon sa pamilya niya. Bukod pa roon, gusto niya ring umasa sa pagkakataong makalaya nang tuluyan.Kaya, pumunta siya sa Aurous Hill kahapon para maghandang sumugal!Mula sa pabor ng kliyente, kailangan niyang ihayag ang kanyang pagkatao sa harap ng security cameras. Pagkatapos, tatakas siya papunta sa isang lugar na tinatawag na Treasure Pavilion.Sa puntong ito, inilantad niya na sa pulis ng Aurous Hill kung nasaan siya!Ganoon din, sa Aurous Hill Police Chief Command Office.Biglaang maririnig ang alarm ng police facial recognition system sa buong opisina. Napasulyap naman ang isang pulis sa screen at natigilan siya sa pagkakataong iyon!Makikita sa computer screen ang isang mensahe: [Through the facial recognition system identification, the A-class criminal, Zakir Luiz, has appeared in the city

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status