Mula sa pananaw ng pulis, bilang resulta ng paghahabol nila, natataranta si Zakir kaya napatakbo ito papunta sa loob ng Treasure Pavilion.Subalit, sa katotohanan, ito talaga ang balak puntahan ni Zakir — ang Treasure Pavilion.Sa pagkakataong ito, sa Treasure Pavilion.Sa loob ng malaking hall, patuloy pa rin ang auction, at pumipirma pa ng iba’t ibang dokumento si Helen.Dumating si Zakir sa harap ng entrance. Nang papasok na siya sa loob, pinigilan siya ng security guard, “Sir, dapat niyo munang ipakita ang auction entry code niyo. Pagkatapos ng beripikasyon, saka ka lang namin mapapapasok sa loob.”Lumingon si Zakir at napagtanto niyang malapit na siyang mahabol ng mga pulis sa likod. Ganoon din, agad niyang inilabas ang kanyang baril at itinutok niya ito sa ulo ng security guard saka siya malamig na nagsalita, “Kung may kag*guhan ka pang sasabihin, babarilin kita!”Sa puntong ito, napansin ng mga pulis na may dalang baril si Zakir. Nagulantang sila kaya inilabas rin nila ang
Sa pagkakataong ito, narinig ni Helen at Sophie ang isang putok ng baril. Agad nilang napagtanto na may nangyayaring kakaiba sa loob ng Treasure Pavilion. Hinatak agad ni Helen si Sophie saka siya bumulalas, “Sophie, tar ana!”Alam rin ni Sophie na may mali kaya agad niyang sinundan ang kanyang ina nang walang pag-aalangan saka siya tumakbo.Subalit, nang magsisimula na sana silang tumakbo, nakita nilang nagkakagulo ang mga tao sa pasilyo habang sinusubukan nitong maghanap ng daan palabas.Ganoon din, nagpakita si Zakir sa entrance ng pasilyo habang hawak-hawak ang isang baril. Itinutok niya ito sa direksyon ng lalaking nagmamadaling tumakas. Sa isang putok lang, dumanak ang dugo mula sa likod ng ulo ng lalaki!Bilang resulta, napahiga sa sahig ang lalaking sumusubok na tumakas kanina. Nataranta agad ang masa at napatili ang marami.Malamig na nagsalita si Zakir, “Makinig kayo sa akin. Pumunta kayong lahat sa hall. Huwag niyong susubukang tumakas! Kung hindi, magiging katulad kayo
Madalas, pinupuntirya ng pulis ang mga kriminal na nakagawa ng mga malalalang krimen. Kaya, para sa isang gaya ni Zakir Luiz na laging pinaghahabol ngunit hindi nahuhuli, matalas ang kanyang panramdam. Alam niya kung paano magtago.Kaya, nang mapunta ang kanyang mga mata kay Helen Schulz, walang pagbabago sa ekspresyon sa kanyang mukha sa kabila ng sabik na kanyang nararamdaman.Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang baril saka siya malamig na nagsalita, “Sa mga mababagal maglakad, bilisan niyo. Huwag kayong tumulala!”Walang napansing kakaiba si Helen at Sophie. Binilisan na lamang nila ang kanilang lakad papunta sa auction hall.Nang makitang nasa ilalim na ng kanyang kontrol si Helen, hindi na pumunta si Zakir para suriin ang ibang kwarto. Sa halip, hinintay niya na lamang na makapasok ang lahat sa loob ng auction hall saka siya sumunod at isinara niya nang mahigpit ang pinto.Sa puntong ito, higit sa isang daang tao ang nasa loob ng hall. May mga lalaki, babae, at mga bata. Kina
Matapos ang lahat, kahit pa barilin ni Zakir ang kanyang sarili at tuluyan siyang mawalan ng malay, mangangatal pa rin ang kanyang katawan sa loob ng ilang minuto. Sa ganitong kaso, kahit patay na siya, malaki pa rin ang tsansa na mapindot niya ang switch.Kaya, wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na sumugal lalo na at marami ang naririto.Nang makitang natigilan ang lahat sa kanyang sinabi, nakahinga nang maluwag si Zakir.Kahit isang malupit na tao si Zakir, nag-aalala siyang mangyari ang ilang mga aksidenteng hindi niya inaasahan.Matapos ang lahat, kahit isa siya ng kriminal, hindi naman ibig sabihin na hindi siya natatakot sa kamatayan. Kung tutuusin, gusto niyang makapuslit palabas ng bansa at magsimula ng bagong buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang misyon.Ngayong siya na ang may kontrol ng buong sitwasyon sa loob ng auction hall at gulat na gulat pa rin ang 100 hostages niya sa kanyang sinabi, alam niyang malapit na siyang magtagumpay.Ang kailanga
Nang marinig ito ni Zakir, nakaramdam siya ng matinding pananabik at halos mapatawa siya nang malakas.Nagpatuloy siya sa kanyang tanong, “Talaga bang ganyan lang kasimple ang kondisyon?”Sa kabilang bahagi ng linya, kampanteng nagsalita ang asawa, “Oo naman. Iyan lang ang hinihingi nila!”“Mabuti naman!” Sabik na tugon ni Zakir, “Masyadong madali ang kondisyong dinagdag nila!”Matapos ang lahat, matagal niya nang tinignan ang impormasyon nila Helen, Jaime, at Sophie. Kahit wala si Jaime, sa nakamamanghang ganda nila Helen at Sophie, matagal niya nang napansin ang dalawa sa isang sulyap lang.Ngayon, kasama ang mag-inang ito sa halos isang daang hostages niya sa loob ng auction hall. Basta ba makuha niya na ang kotse mula sa mga pulis, hahatakin niya lamang sila Helen at Sophie palayo!Noong una, sampung milyon lang sana ang matatanggap niya sa pagpatay sa isa, pero ngayong dalawa na sila, 30 milyon na ang kikitain niya!Hindi pa nakakatanggap si Zakir ng ganitong klase ng malak
Naisip ni Zakir sa kanyang sarili, “Maswerte nga talaga ako sa araw na ito! Kapag nadala ko na ang dalawang babaeng ito, papatayin ko na sila sa lokasyong sinabi ng kliyente ko. Pagkatapos, tatakas na ako papunta sa ibang bansa gamit ang isang barko! Magiging malaya na rin ako sa hinaharap!”Nang maisip ito, napasulyap nang palihim si Zakir kay Helen at Sophie. Hindi niya mapigilang mapabulong sa sarili niya, “Maganda nga talaga ang dalawang babaeng ito! Hindi pa ako nakakakita ng ganyang klase ng mga babae sa buong buhay ko! Mature at nakakaakit tignan ang ganda ni Helen, pero maikukumpara ang kanyang ganda sa mga artista ng Hong Kong noong 90s! Samantala, bata at napakarilag tignan ni Sophie. Masasabing siya ang pinakamaganda sa lahat ng mga binibing naririto! Sayang naman kung papatayin ko lang sila!”Ganoon din, nagsalita ang pulis gamit ang isang loudspeaker mula sa labas, “Makinig sa akin, Zakir. Napapalibutan ka ng pulis! Tumigil ka na sa panlalaban at sumuka ka na. Mas magigi
Totoo, hindi kayang bumili ng Rolls Royce ng lahat.Nasa sampu-sampung Rolls Royce lang ang mayroon sa Aurous Hill.Bukod dito, karamihan sa kanila ay maraming taon nang ginagamit.Ang isang Rolls Royce na maraming beses nang ginamit ay hindi talaga gano’n kamahal. Maraming beses na silang inilipat sa iba’t ibang may-ar, at sa huli ay naging wedding car sila para maipagyabang ng mga nakababata.Kaya, kaunti lang talaga ang kayang bumili ng maayos na Rolls Royce.Dati ay inisip ni Chief Whiteford na gumamit ng Rolls Royce mula sa isang wedding studio.Dahil, kung may mangyari man sa kotse, hindi masyadong mahal ang babayaran niya.Pero kung iisipin, nagbago ulit ang kanyang isipan at inisip niya, ‘Si Zakir ay isang pugante na alam na siya ay nasa ilalim ng imbestigasyon. Kaya, hindi siya dapat loko-lokohin. Ang pinakamahalagang bagay ay palabasin ang malas na iyon sa Treasure Pavilion. Kung pwede, sa buong Aurous Hill! Kung mas mabilis siyang aalis, mas mabuti. At saka, mas magan
Ngumiti si Isaac at sinabi, “Huwag mo na itong banggitin. Matagal na tayong magkakilala. Sabihin mo na. Anong problema?”Ipinaliwanag sa kanya ni Chief Whiteford, “Isaac, may malaking nangyari sa Treasure Pavilion. Isang A-class fugitive ang may hostage na mahigit isang daang tao. Bukod dito, nababalot ng bomba ang taong iyon. Ngayon, nanghihingi siya ng Rolls Royce para makatakas. Kailangan naming tuparin ang hiling niya!”Nagpatuloy si Chief Whiteford, “Kaunti lang ang may Rolls Royce sa Aurous Hill. Ikaw lang ang may maraming Rolls Royce, kaya, gusto kong humingi ng tulong sa iyo na ayusin ang mahalagang problema na ito!”Sinabi ni Isaac sa gulat, “Treasure Pavilion? Sigurado ka na sa Treasure Pavilion ito?”“Oo!” Sumagot nang nagmamadali si Chief Whiteford, “Nasa labas ako ng Treasure Pavilion ngayon. Pinadala na ng siyudad ang karamhian ng pulis dito ngayon…”Hindi maiwasang sabihin ni Isaac, “Kalalabas ko lang sa Treasure Pavilion mga sampu o dalawampung minuto na ang lumipa
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang