Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Nagulat talaga nang sobra si Fleur sa paglabas ni Charlie ng portrait ni Marcius sa Aurous Hill, sa punto na ang pinakamalaking inaalala niya sa pagpunta sa Oskia ngayon ay ang mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Sa opinyon niya, ang mga batang camper siguro sa malapit ay mga estudyante na nasa eskwelahan pa. Hindi siya nag-aalala na may banta sa kaligtasan niya ang mga taong ito. Pero, narinig niya ang usapan nina Charlie at Vera at alam niya na marahil ay kaduda-duda ang kilos niya sa iba. Sa sitwasyon na ito, nag-atubili talaga siya nang kaunti.Napunta rin sa ibang direksyon ang atensyon niya dahil kay Charlie. Ngayon, nag-aalala na lang siya na paghihinalaan siya ng iba at hindi niya pinaghinalaan ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na ito.Habang nag-aatubili si Fleur, isang ginintuang ilaw ang kumalat, at sumikat na ang araw mula sa silangan. Agad nanabik ang mga kabataan na nagpuyat buong gabi kasama si Charlie nang makita nila ang ilaw na ito. Nagsaya sila nagn malakas haban
Pagkatapos buksan ang camera, tumalikod nang hindi nag-iisip ang dalawa, nakatalikod sa papasikat na araw at nakatalikod kay Fleur bago sila kumuha ng picture.Pagkatapos kunin ang litrato, mabilis itong pinalaki ni Charlie. Dahil sa high-pixel na front camera, medyo malinaw ang mukha ni Fleur sa litrato.Pagkatapos ayusin ang posisyon nila, kumuha pa ng mas maraming litrato sina Charlie at Vera, patuloy na kumuha ng mga larawan kasama si Fleur sa likod gamit ang front camera.Sa kasamaang-palad, naglaho si Fleur sa gubat, at walang zoom function ang front camera. Malabo na kunan siya ng litrato sa sitwasyon na ito.Kaya, itinabi ni Charlie ang cellphone niya at patuloy na nagpanggap na hinahangaan nilla ang pagsikat ng araw kasama si Vera.Pero, maingat niya pa ring pinapanood si Fleur mula sa sulok ng paningin niya.Pagkatapos maghanap nang ilang sandali sa gubat, pinili ni Fleur ang medyo bukas na lugar, pagkatapos ay naglabas ng isang martilyo at isang silindrikong bagay na g
Maraming taon nang hindi nabibisita ni Fleur ang libingan ni Elijah para magbigay galang. Kahit na ilang siglo na simula noong huli siyang pumunta dito, kaya niya pa ring tukuyin kung nasaan ang libingan ni Elijah.Sa kabila ng pagsira niya sa lapida at pagkawala ng mga puntod sa paglipas ng panahon, kaya niya pa ring hanapin ang libingan ni Elijah. Kahit na alam niya na hindi nakalibing dito ang katawan ni Elijah, itinuturing pa rin ni Fleur ang lugar na ito bilang pinakamalapit na lugar na kaugnay kay Elijah.Ang kasalukuyang pakiramdam niya magkakahalong lungkot, pagsisisi, at kaunting sama ng loob pa.Habang nilalamon siya ng mga emosyon, dumaloy sa isipan niya ang mga dating alaala niya na parang isang alon.Dati, inatake ni Fleur si Elijah nang hindi nag-iisip dahil sa pagmamahal at galit. Pagkatapos maglaho ni Elijah sa harap ng mga mata niya sa isang iglap, hula niya na dinala siguro siya kay Vera ng singsing na binigay ng master niya kay Elijah. Kaya, nagmamadali siyang um
“Kaya, kahit na kailangan kong bunutin ang ispada ko at labanan ang Qing army nang harapan, gagawin ko ito nang walang pag-aatubili. Ito ang naisip ko, at ito ang ginawa ko hanggang sa huli.”“Ako ang naging pangatlong miyembro ng Qing Eliminating Society simula noong itinatag niyo ng kuya ko ang Qing Eliminating Society. Sa oras na iyon, tinutulan niyo nang sobra ng kuya ko ang pagsali ko, pero determinado ako at nagpumilit ako na lumaban sa tabi niyong dalawa kahit ano pa ito.”“Dati, sinabi ko na para ito sa hustisya sa bansa, pero sa totoo lang, isa lang akong ordinaryong babae na walang pakialam sa kapalaran ng bansa o sa mga namumuno dito. Gusto ko lang manatili sa tabi mo para makasama ko ang lalaking mahal ko.”“Kung sasabihin mo na ito ang bansa natin at dapat nating ipagtanggol ang bansa at hari natin, bubunutin ko ang ispada ko at mananatili ako sa tabi mo para labanan ang Qing army hanggang sa huli. Kung sasabihin mo na gusto mo lang mabuhay nang payapa kahit sino pa ang
Pagkatapos umalis ni Fleur nang walang napapansin na kakaiba, sa wakas ay huminga na nang maluwag sina Charlie at Vera.Napapagod na rin ang mga taong nagpuyat buong gabi, at ang ilan ay nahihirapan nang buksan pa ang mga mata nila.Isa-isang bumalik sa mga tolda ang ilang tao para magpahinga. Hindi na rin ito kinaya ni Leni at sinabi kina Charlie at Vera, “Medyo matagal na simula noong nagpuyat ako. Hindi na talaga ito kaya ng katawan ko. Siguradong pagod na rin kayong dalawa. Bakit hindi muna tayo bumalik sa tolda natin para magpahinga at maghabol ng tulog bago pumunta sa Wick Cliff, na halos labinlimang kilometro ang layo, ngayong hapon? Gusto niyo bang sumama sa amin?”Umiling si Charlie, “Hindi kami sasama. Balak pa naming magmaneho at maglibot.”Tinanong nang mausisa ni Shermaine, “Saan niyo balak pumunta?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Balak naming pumunta sa Londel ng ilang araw.”Sa totoo lang, ang sunod na destinasyon na balak puntahan nina Charlie at Vera ay ang tim
Tumingin si Vera na parang natalo habang tinitingnan ang tatlong piraso ng insensong sandalwood na malapit nang maubos. Parang nalilito siya nang sabihin kay Charlie, “Kaya nilang mahulaan ang mga huling minutong plano natin. Sino sila?!”Umiling si Charlie. “Hindi ko rin alam. Parang may nakakaalam ng lahat ng mangyayari, parang may Diyos na pananaw.”Pagkatapos nito, naglakad siya papunta sa main hall, na may layuning maglibot sa likod ng courtyard, ngunit napansin niya ang isang kahoy na pinto sa likod na kanto ng main hall.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at natagpuan ang isang maliit na silid na mga limang o anim na metro kwadrado. Tumingin siya sa paligid pero wala siyang nakita maliban sa isang simpleng kahoy na upuan at isang maliit na kahoy na mesa na hindi hihigit sa kalahating metro ang lapad. Ngunit may kakaibang amoy sa silid, isang amoy na nakakapagpasigla at nagpapalakas ng katawan.Habang tinitingnan niya ng mabuti, napansin ni Charlie ang isang kwintas na may
Tumango si Charlie at sinabi, “Sige. Akyatin muna natin at tingnan natin.”-Nang dumating ang dalawa sa pintuan ng Quiant Monastery, mahigpit na nakasarado ang pangunahing gate. Ngunit nang dahan-dahang itulak ito ni Charlie, bumukas ito ng may mahinang tunog.Pumasok si Charlie, tumingin sa matibay na kahoy sa likod ng gate, at napakunot-noo habang sinabi, “Mukhang alam nila na darating tayo, kaya’t sadyang iniwan nilang bukas ang gate para sa atin.”Halatang gulat si Vera nang marinig ito at bumulong, “Bawat hakbang na gagawin natin, pinagplanuhan nila…”Tumawa nang mahina si Charlie, at sinabi nang may pagpapakumbaba, “Tama ka. Akala ko na magaling tayo magtago, pero mukhang alam nila ang lahat. Ang pinakaimportante, kaya nilang hulaan ang lahat ng mangyayari. Hindi ko talaga ito maisip.”Bumuntong-hininga si Vera, at medyo nawalan ng pag-asa habang sinabi, “Mahigit tatlong daang taon kong ipinagmamalaki ang talino ko, pero ngayon, parang wala akong laban sa kanila.”Ngumiti
Medyo naging maingat si Charlie dahil sa sinabi ni Vera. Hindi niya napigilang tanungin siya, “Sa tingin mo ba may kakaiba sa pagkatao niya?”Bahagyang tumango si Vera at kinumpirma, “Nakilala ko na noon ang ilang mongheng tunay na bihasa sa Buddhism. Mahigpit silang sumusunod sa mga turo ng Buddha, palaging may binabanggit na scriptures at ginagamit ang karunungan ng Buddhism sa araw-araw na buhay at mga pag-uusap. Sa madaling salita, kahit sa simpleng bagay, laging nakakabit sa Buddhism ang pananaw nila. Pero para sa abbess na ikyon, bukod sa pagbanggit ng ‘Amitabha’, bihira siyang magsalita tungkol sa Buddhism. Kaya bigla kong naisip, baka hindi talaga siya tunay na abbess.”Naging alerto si Charlie at sinabi, “Kung hindi siya tunay na abbess, ibig sabihin, nagpapanggap lang siya para lang hintayin tayo dito. Kaaway man siya o kakampi, mukhang may isa pang puwersang gumagalaw sa likod niya bukod sa Qing Eliminating Society.”Tumango si Vera at seryosong sinabi, “Pero huwag kang m
Kahit halatang malungkot pa rin si Charlie, nagpasya si Vera na aliwin siya. Kaya marahan niyang hinawakan ang braso ni Charlie at saka siya inakay pabalik sa daan na kanilang dinaanan. Habang naglalakad sila, nakayuko lang si Charlie, at si Vera nama’y nag-iisip kung paano niya mapapagaan ang kalooban niya. Pagkatapos ay tinanong niya siya nang medyo sabik, “Young Master, sa tingin mo ba, nagkaroon na ng mga bagong usbong na dahon ang Mother of Pu’er Tea nitong mga nakaraang araw?”Kaswal na sumagot si Charlie, “Siguro ay lumago na siya nang kaunti, at kung tungkol naman sa mga dahon, mukhang okay lang naman kung may tumubong ilang malalambot na usbong.”Ngumiti si Vera at sinabi, “Kung gano’n, pagbalik natin, pipitas ako ng ilang bagong usbong na dahon, patutuyuin ko, at magtitimpla ako ng tsaa para matikman mo.”Tinanong ni Charlie nang mausisa, “Hindi ba komplikado ang paggawa ng Pu’er tea? Di ba dapat iniimbak at pinapa-ferment muna iyon?”Napatawa si Vera at ipinaliwanag niya
Samantala, sa paanan ng bundok kung saan matatagpuan ang Quiant Monastery, hindi pa rin makapagdesisyon si Charlie na itigil ang paglalakbay. Kung aalis siya nang ganito, siguradong mabibitin siya.Pero may punto rin ang paliwanag ni Vera. Kung may isang tao na nag-abala para bigyan sila ng babala, masyado namang mayabang kung ipipilit pa rin nila ang paglalakbay. Bigla niyang napagtanto na baka nga nagiging mayabang na siya, at naalala niyang kulang pa ang lakas niya para harapin ang hindi pa niya alam.Matapos mag-isip sandali, napabuntong-hininga siya at inamin, “Tama siguro ang abbess. Mas mahina pa ako kay Fleur. Hindi dapat ako masyadong kampante. At saka, alam niya ang impormasyon natin at mga kilos, kaya hindi siya isang ordinaryong tao.”Habang nagsasalita, seryosong tumingin si Charlie kay Vera at sinabi, “Miss Lavor, mas matalino ka kaysa sa akin, mas malalim kang mag-isip at mas malinaw mong nakikita ang mga bagay. Dahil ikaw mismo ang nagsasabing itigil muna natin ito,
Sinabi ni Charlie, “Pareho pa tayong hindi sigurado kung sino talaga ang kabila. Hindi ko pwedeng isuko ang lahat ng pinlano natin dahil lang sa sinabi niya.”Nag-aalalang sinabi ni Vera, “Young Master, may nakakaalam na paparating tayo rito at kinalkula pa ang ruta natin para abangan tayo. Ibig sabihin, kilalang-kilala tayo ng taong iyon. Kahit wala siyang masamang balak, kailangan pa rin nating amining nalantad na ang mga pagkakakilanlan natin. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon, kaaway man siya o kakampi, malaki ang posibilidad na mapahamak tayo.”Sandaling natulala si Charlie sa mga sinabi ni Vera. Napaisip siyang muli sa buong sitwasyon. Gaya ng sabi ni Vera, kaibigan man o kaaway ang abbess, totoo nang nalantad na sila. Kung alam na sila ng abbess, baka may iba pang nakakaalam. Kung ipipilit niyang magpatuloy, bukod sa posibleng panganib, paano kung may ibang tao pang makaalam ng tunay niyang pagkatao? Paano kung makarating pa ito sa Qing Eliminating Society? Ano na l
Nahulaan na ni Vera ang ibig sabihin ng mga sinabi ng abbess, kaya agad siyang nagtanong, “Master, ang ibig n’yo po bang sabihin ay nakadepende kay Mr. Wade kung muling mabubuhay si Master Marcius Stark?”Sinabi nang walang ekspresyon ng abbess, “Marami na akong nasabi. Subukan mong pag-isipan na lang muna ang ilang bagay, pero tandaan mo, huwag mong ipapaalam kay Mr. Wade ang tungkol dito.”Nang makita ni Vera na ayaw na talagang magsalita pa ng abbess, agad siyang nagtanong, “Master, may iba pa po ba kayong bilin?”Magalang na pinagdaup ng abbess ang mga kamay niya at sinabi, “Wala na. Matagal ko nang naring ang tungkol sayo, Miss Lavor. Ngayon na nakita kita, natupad na ang isa sa mga hangarin ko. Naghihintay pa si Mr. Wade sa paanan ng bundok, kaya bumaba ka na at subukang kumbinsihin siyang bumalik sa Aurous Hill.”Hindi pa rin sumusuko si Vera kaya agad siyang nagtanong, “Master, ano po ba ang dapat gawin ni Mr. Wade? Kung hindi siya makakausad ngayon, baka mapahamak siya. Sa
Pagkasabi nito, luluhod na sana si Vera.Nang makita ito, mabilis siyang umabante, sinuportahan ang katawan ni Vera bago pa siya makaluhod, at sinabi, “Nakita na ni Miss Lavor ang mga malalaking pagbabago sa mundo sa loob ng daang-daang taon. Hindi ako mangangahas na sumobra sa harap mo. Sana ay huwag mong gawin ang engrandeng kilos na ito.”Habang sinuportahan niya si Vera, nagpatuloy siya, “Miss Lavor, siguradong alam mo ang mga misteryo ng tadhana. Kahit sa Book of Changes at Eight Diagrams, ang pinakamaliit na pagbabago ay maaaring humantong sa napakalaking kaibahan ng resulta. Kung masyadong marami ang masasabi ko, may panganib na magkaroon ng pagkontra. Kung gusto mo talagang tulungan si Mr. Wade, mas mabuti na paliitin ang ganitong panganib. Masasabi ko sayo nang malinaw na may mga panganib para kay Mr. Wade, at kailangan mo lang siguraduhin na susukuan ni Mr. Wade ang pagpunta doon. Ito ang pinakamagandang resulta. Kung masyadong marami kayong alam ni Mr. Wade, mas malaki ang
Nang marinig ang tanong ni Vera, ipinaliwanag nang tapat ng abbess, “Sa totoo lang, Miss Lavor, ang lugar na gusto niyong puntahan ni Mr. Wade ay limampung milya lang. Pero, Miss Lavor, kahit na pwede kang pumunta doon at kahit pwedeng pumunta doon si Fleur Griffin, hindi pwedeng pumunta doon si Mr. Wade.”“Master, kilala mo si Fleur?”Nang marinig ni Vera na binanggit ng abbess si Fleur, mas lalo siyang nagulat.Hindi niya maintindihan ang katauhan ng abbess na ito, lalo na kung bakit may pambihirang abilidad siya. Isang bagay na alam niya ang tungkol sa kanila ni Charlie, pero alam niya rin ang tungkol kay Fleur.Dahil nabanggit niya ang pangalan ni Fleur, pinapatunayan nito na may alam siya sa buhay ni Fleur.Sa ibang salita, alam niya siguro na mahigit tatlong daang taon nang nabubuhay si Fleur hanggang ngayon.Palihim na natakot si Vera sa puso niya habang nakatingin siya sa abbess, iniisip niya, ‘Alam niya ang mga sikreto ni Fleur, kaya alam niya rin siguro ang sikreto ko?’