Ngumiti si Isaac at sinabi, “Huwag mo na itong banggitin. Matagal na tayong magkakilala. Sabihin mo na. Anong problema?”Ipinaliwanag sa kanya ni Chief Whiteford, “Isaac, may malaking nangyari sa Treasure Pavilion. Isang A-class fugitive ang may hostage na mahigit isang daang tao. Bukod dito, nababalot ng bomba ang taong iyon. Ngayon, nanghihingi siya ng Rolls Royce para makatakas. Kailangan naming tuparin ang hiling niya!”Nagpatuloy si Chief Whiteford, “Kaunti lang ang may Rolls Royce sa Aurous Hill. Ikaw lang ang may maraming Rolls Royce, kaya, gusto kong humingi ng tulong sa iyo na ayusin ang mahalagang problema na ito!”Sinabi ni Isaac sa gulat, “Treasure Pavilion? Sigurado ka na sa Treasure Pavilion ito?”“Oo!” Sumagot nang nagmamadali si Chief Whiteford, “Nasa labas ako ng Treasure Pavilion ngayon. Pinadala na ng siyudad ang karamhian ng pulis dito ngayon…”Hindi maiwasang sabihin ni Isaac, “Kalalabas ko lang sa Treasure Pavilion mga sampu o dalawampung minuto na ang lumipa
Nang marinig ang pagsusuri ni Charlie, tumango si Isaac at sinabi, “Kakaiba nga ito. Karaniwan, dapat tatakas sa malayo ang mga normal na tao, at tanga lang ang tatakbo sa isang building habang hinahabol.”Tumango si Charlie at sinabi, “Dahil matagal nang tumatakbo si Zakir sa most wanted list, imposible para sa kanya na magkamali nang ganito, o matagal na siyang nahuli. Iyon ang dahilan kung bakit sa tingin ko ay sadya siyang pumasok sa Treasure Pavilion!”“Sadya niyang gustong pumasok sa Treasure Pavilion…” Binulong ni Isaac sa sarili niya nang nalilito. “Anong gusto niyang gawin doon? Wala silang malaking auction, judicial auction lang ngayong araw, mga bahay, kotse, at iba pa. Hindi makatwiran na nakawin niya ang mga iyon!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag mong kalimutan na pumasok siya sa Treasure Pavilion pagkatapos habulin ng pulis, o sa ibang salita, sadya siyang pumasok sa Treasure Pavilion dahil hinahabol siya ng pulis. Kaya, malabong pinupuntirya niya ang mga bagay sa
Kinakabahan si Hansen at ang mga kasama niyang pulis habang hinihintay nilang dumating ang Rolls Royce ni Isaac. Kahit na pumunta si Isaac sa lalong madaling panahon, hindi nila maiwasang mabalisa dahil kritikal ang sitwasyon ngayon.Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Cameron, salamat sa Diyos at nandito ka na! Sa tingin mo ba ay ayos lang para sa iyo na pumasok? Kung ayos lang, mangyaring dumiretso ka sa main entrance ng Treasure Pavilion. Kung hindi, ako na ang magmamaneho.”Lumingon si Isaac at tinanong sa mahinang boses, “Mr. Wade, ano sa tingin mo?”Gusto pumasok ni Charlie at tingnan kung ano ang nangyayari, kaya sinabi niya, “Dumiretso ka na sa loob.”Sinabi agad ni Isaac kay Hansen, “Chief Whiteford, ako na ang magmamaneho.”“Okay!” Tumagno si Hansen at mabilis na tinanong, “Mr. Cameron, gaano karaming fuel pa ang natitira sa kotse? Gusto ni Zakir na full tank ito. Kung hindi ito puno, mangyaring sabihan mo ang iba na kumuha ng fuel sa ibang kotse para punuin ang say
Habang inutusan ni Zakir sina Isaac at Charlie na umalis, ang unang pumasok sa isipan ni Isaac ay, ‘Aalis kaya ang young master?’‘Bukod dito, direkta siya bang kikilos at paparusahan si Zakir? Sa bilidad niya, madali niyang mapapatay si Zakir gamit ang Thunder Order.’‘Kahit na ayaw niyang kumilos sa harap ng maraming tao, gamit ang banal at makapangyarihang abilidad niya, madali niyang mapaparusahan si Zakir, tama?’Kaya, tumingin ada siya kay Charlie, gusto niyang malaman kung ano ang desisyon ni Charlie.Sa sorpresa niya, kumaway lang si Charlie sa kanya at sinabi, “Bilisan mo at umalis na tayo dito.”Pagkatapos nito, tumalikod siya at nauna na siyang naglakad paalis.Nanigas si Isaac sa pagkabigla bago siya bumalik sa kanyang diwa at nagmamadaling sinundan si Charlie.Pagkatapos nilang umalis sa Treasure Pavilion, lumapit sa kanya si Hansen at sinabi nang nagpapasalamat, “Oh, Mr. Cameron, maraming salamat! Magpadala ba ako ng tao para ihatid kayo ng ginoo na ito pabalik?”
Kung hindi sasagot ang kabila, mananatili lang si Zakir sa Treasure Pavilion. Aalis lang siya kapag natanggap niya ang “Amen” na sagot mula sa kabila.Ngayong sumagot sila nang malinaw, wala nang intensyon si Zakir na maantala pa ang mga bagay-bagay. Tumingin siya sa mga tao na hawak-hawak ang mga ulo nila at nakaupo, at sinabi niya nang malamig, “Hinanda na nila ang kotse na hiniling ko, kaya oras na para umalis ako. Salamat sa kooperasyon niyo. Makakalaya kayo pag-alis ko.”Huminga nang maluwag ang nasa isang daang tao sa sandaling narinig nila ito. Lumitaw sa mukha nila ang mga panatag na ngiti.Magaling ang seguridad ng Oskia kaya halos imposible na mangyari ito sa karamihan ng tao. Kahit na mangyari tio, malaking bagay na para sa kanila na makalabas nang walang sugat.Kaya, sa sandaling ito, naging relax na ang lahat at balisang naghintay na umalis na ang mabangis na kriminal na ito. Pagkatapos, ay ligtas silang makakalabas sa krisis na ito.Sa sandaling ito, sinabi ulit bigl
Sa sandaling inanunsyo ni Zakir ang kapalaran nina Helen at Sophie, sa wakas ay huminga na nang maluwag ang lahat.Ligtas na sila ngayon!Pero, napasailalim sa sobrang desperasyon si Sophie. Hindi niya maintindihan kung bakit pipiliin ni Zakir silang mag-ina sa mahigit isang daang tao dito.Pero, hindi niya maiwasang isipin, ‘Hindi sa pagmamayabang, pero kung titingnan niya ang lahat ng tao dito pagdating sa hitsura at ganda, talagang kami ni Mama ang namumukod-tangi sa kanilang lahat…’‘Hindi lang mukhang matatag ang Zakir na ito, ngunit medyo malaswa rin siya. Makatwiran na piliin niya kami ni Mama sa lahat ng tao dito..,’‘Pero, hindi ko alam kung may iba pa siyang masamang hangarin sa pagpili sa amin bilang hostage…’Sa puntong ito, tumingin siya nang kinakabahan sa kanyang ina.Nang makita ang tingin ng kanyang anak, marahan na tinapik ni Helen ang kanyang kamay at binulong nang marahan, “Sophie, huwag kang mag-alala, kasama mo ako. Poprotektahan kita kahit anong mangyari.”
Kasama ang isang malakas na putok, isang madugong butas ang lumitaw sa noo ng babae.Pagkatapos, agad siyang bumagsak paatras habang nakadilat ang mga mata.Isang malaking pool ng dugo ang dumaloy sa sahig, at napuno ng amoy ng mala-kalawang na amoy ng preskong dugo ang sahig.Natakot nang sobra ang lahat sa hall, at umalingawngaw agad ang malalakas na sigawan sa hall. Walang nag-aakala na sobrang malupit si Zakir.Nagsalita lang ang babae, at talagang nilagyan niya ng bala ang kanyang ulo!Sa totoo lang, hindi pinatay ni Zakir ang babae dahil naiirita siya sa kanya, ngunit dahil gusto niyang manaig kina Helen at Sophie.Kailangan niyang bugbugin ang aso sa harap ng liyon para maging masunurin sila nang taos puso sa kanya. Doon lang niya matutupad ang kanyang plano at makukuha silang dalawa.Kaya, tumingin siya sa namumutlang si Helen at tinanong sa naintrigang tono, “Ano sa tingin mo, sweetie? Gusto mo pa rin ba akong tawaran?”Umiling agad si Helen sa takot.Alam niya na ma
Hindi nasorpresa si Charlie nang makita niyang lumabas sina Helen at Sophie sa Treasure Pavilion.Matagal na niyang naramdaman na hindi simple ang bagay na ito.Ngayon, mas lalong tumatag ang pananaw niya tungkol dito dahil lumabas sina Helen at Sophie sa pamimilit ni Zakir.Pero, hindi niya pa nalalaman kung sino ang gagawa ng ganito at gagawa ng eksena para lang galawin ang dalawang babae.Sa sandaling ito, nakalabas na sina Helen at Sophie sa Treasure Pavilion habang nakasunod si Zakir sa likod nila hawak-hawak ang baril sa isang kamay, at ang detonator sa kabila.Tumingin siya sa paligid ng mga malalaking building, ngumisi, at sinabi sa mga pulis, “Alam ko na may mga sniper kayo sa paligid na handa akong barilin, pero payo ko sa inyo na pag-isipan nang mabuti ang mga kilos niya dahil hawak-hawak ko ang detonator. Kahit na nasa kamay ng isang taong gulang ang detanor na ito, agad sasabog ang bomba kapag nadaplisan ito! Kung gusto niyong mamatay dito kasama ako, sige at hayaan n
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang