Share

Kabanata 2404

Author: Lord Leaf
Kahit na kaunti lang ang pera ng driver ni Isaac, inutusan na siya ni Isaac na kunin ang mansyon kahit anong mangyari. Hindi mahalaga kung aabot ito sa walumpung milyong dolyar, lalo na ang walong milyong dolyar.

Kaya, hindi siya matalo at agad niyang itinaas ang kanyang presyo at sinabi, “Walong milyon at walong daang libong dolyar!”

$8,800,000 ay sampung beses ng starting price na $880,000.

Pero, kasisimula lang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa.

Ayaw na ni Helen na taas nang paunti-unti ang presyo. Kaya, direkta niyang itinaas ang kanyang kamay at sinabi, “Sampung milyong dolyar.”

Nagkagulo ulit ang lahat ng tao sa auction hall.

Sa sandaling ito, sa private room, binulong ni Isaac sa tainga ni Charlie, “Young Master, mukhang disidido ang second lady ng pamilya Dunn na manalo sa bid.”

Tumango si Charlie bago siya bumuntong hininga at sinabi, “Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan ng tita na ito. Mukhang wala siyang solidong relasyon sa ama ko dati. K
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2405

    Hindi talaga inaasahan ni Isaac na pipiliin ni Charlie na isuko ang lumang mansyon na determinado siyang kunin pagkatapos maghintay nang napakatagal.Hindi maiwasan ni Isaac na mabalisa para kay Charlie habang sinabi niya, “Young Master, matagal mo nang pinag-iisipan na bilhin ang mansyon an ito. Nandito na ito sa harap natin, at makukuha na natin ito. Hindi ka dapat sumuko nang ganito lang! Kung hindi, wala kang magagawa para malampasan ang pagsisisi mo sa desisyon mo ngayong araw…”Bumuntong hininga nang malambot si Charlie bago siya kumaway at sinabi nang seryoso, “Ayos lang. Hindi ko na ito gustong makuha. Mukhang mas kailangan ni Tita Dunn ang mansyon kaysa sa akin.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi nang emosyonal ni Charlie, “Ito ang lumang mansyon kung saan kami dating tumira ng mga magulang ko, pero wala man lang akong tapang na pumunta at umupo sa auction hall para sumali sa auction nang personal. Sa kabilang dako, kaya ni Tita Dunn na umupo sa labas sa auction hall para

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2406

    Halos 30 na taon na rin ang nakararaan. Subalit, walang ibang iniwan si Curtis sa kanya maliban na lamang sa mga lumang larawan at mga alaala na hindi niya kayang kalimutan.Bukod pa roon, wala namang kahit anong bagay na iniwan ni Curtis ang pwedeng makaalis ng kanyang lumbay. Kahit ang simpleng pagbisita ng libingan ni Curtis ay hindi sasapat. Dagdag pa roon, hindi naman ganoon kadali na bisitahin ang puntod ng lalaki.Sa ngayon, pwede niya na ring mabili ang lumang mansyon na tinirahan ni Curtis. Kaya, pakiramdam ni Helen, may mapaglalagyan na siya ng lahat ng kanyang emosyon at nararamdaman sa loob ng ilang dekada.Samantala, halo-halo naman ang nararamdaman ni Sophie nang makita niyang lumuluha nang ganito ang kanyang ina.Naaawa siya sa kanyang nanay dahil may iba itong mahal sa loob nang maraming taon, pero sa parehong pagkakataon, nakaramdam rin siya ng simpatya sa kanyang ama na kinakasama ang isang maling babae buong buhay niya.Subalit, nang maalala niyang may ibang nag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2407

    Mabilis na nagmaneho si Isaac papalapit. Nang papasok na sana si Charlie sa loob ng kotse, agad na tumakbo ang may-ari ng Treasure Pavilion na si Finn. Kinakabahan siyang nagtanong, “Master Wade, bakit aalis na kayo agad?”Kalmadong sumagot si Charlie, “May biglaan akong kailangang asikasuhin, hindi na ako pwedeng magtagal.”Muling nagtanong si Finn, “Master Wade, hindi ka ba natuwa sa serbisyo ng Treasure Pavilion?”Kumaway si Charlie saka siya sumagot, “Hindi naman, wala itong kinalaman sa Treasure Pavilion.”Nakahinga nang maluwag si Finn saka siya nagtanong, “Nga pala, Master Wade, interesado ka ba sa kahit anong items na nasa auction namin ngayon? Kung may gusto ka, sabihan mo lang ako! Gagawin ko ang makakaya ko para tulungan kang makuha ito!”Umiling si Charlie saka siya ngumiti, “Wala naman akong gustong item sa auction. Pumunta lang ako rito para makisali sa saya. Hindi mo kailangang mag-alala masyado.”Ganoon din, itinuro ni Charlie ang Rolls-Royce sa kanyang harap saka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2408

    Pinunasan ng staff ang kanyang pawis habang nagpapaliwanag siya, “Madam, ang starting price ng mansyong binili mo ay $880,000 lang. Ang pinakamataas nitong market price ay aabot lang ng $1,300,000. Sa kasalukuyan, nagbabayad ka ng 50 beses na higit sa pinakamataas nitong market value. Sigurado ka ba talagang hindi mo na ito kailangang pag-isipan ulit?”Umiling si Helen at determinado siyang sumagot, “Malinaw ko nang pinag-isipan ang bagay na ito. Hindi ko na kailangang mag-isip pa. Pakiusap, tulungan niyo na lang agad akong tapusin ang mga proseso.”Nagpalitan ng tingin ang mga staff hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, tumuloy na tayo sa proseso ng pagbabayad. Sapat ba ang balanse mo sa bangko?”Tumango si Helen. “Oo.”“Sige po.” Nilakasan ng staff ang kanyang loob nang ilabas niya ang POS machine, “Madam, pakisigurong kakayanin ito ng single-day transaction limit ng bank card niyo. Marami ang mga card users na nasa $1,000,000 lamang ang limit ng withdrawa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2409

    Si Steven ang tipo ng taong walang moralidad o kahit anong kabutihan.Para naman kay Cadfan, kahit wala siyang mga prinsipyo at moralidad, kahit papaano, marunong siyang magplano nang mabuti bago kumilos.Ang mga gaya ni Cadfan ang magaling magpanggap na mabuting tao sa harap ng publiko, pero sila talaga ang tunay na maiitim ang budhi.Subalit, ang punto, walang makapagsasabi na sila talaga ang patapon ng lipunan.Buong buhay ni Lord Schulz, marami na siyang nagawang masasama at malulupit na bagay, pero nagbulilyaso lamang ang lahat nang maihayag sa publiko ang ginawa niya kay Rosalie. Ito lamang ang pagkakataon na nagkulang siya ng pag-iingat.Madalas, napakagaling magpanggap ni Lord Schulz. Walang makapagsasabi ng tunay niyang pagkatao.Sa pagkakataong ito, tinuturing niya na si Steven na tagapagmana niya kaya nagbigay siya ng payo, Steven, kailangan mong maintindihan ang mga patakaran kung paano ka makakaligtas sa mundong ito. Dapat alam mo ang mga bawal at pwede. Sa madaling

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2410

    Kagaya rin ito ng mga nangyayari sa mga martial art sects. Laging ipinapasa ng head of the sect ang lahat ng kanyang core martial arts skills at techniques sa kanyang magiging tagapagmana, pero hindi sa iba niyang mga apprentices. Ginagawa ang ganitong bagay para masigurong magiging mas malakas ang susunod sa yapak ng head kumpara sa ibang mga martial artist sa kanyang henerasyon.Dati, inilaan ni Lord Schulz ang lahat ng kanyang oras para ituro ang mga ganitong taktika at estratehiya sa kanyang pinakamatandang anak na si Sheldon. Para sa iba niyang mga anak, walang siyang tinurong kahit ano.Pero ngayon, tuluyan nang inabandona ni Lord Schulz ang kanyang panganay na si Sheldon.Pagkatapos alisin ang kanyang panganay, ang susunod na tagapagmana ng pamilya Schulz sa loob ng kanyang puso ay wala ng iba kundi ang pangalawa niyang anak na si Steven.Kaya, simula sa araw na ito, balak niyang ilagay sa training si Steven.Sa pagkakataong ito, napaisip si Lord Schulz, ‘May sampu hanggang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2411

    Nang marinig ang mga sinabi ni Lord Schulz, nasabik si Steven at hindi niya mapigilang magtanong, “Papa, may magagandang ideya ka ba kung paano natin gagawing perpketo ang pagkamatay ni Helen?”Malamig na tumawa si Lord Schulz, “Pinakiusapan ko ang mga tauhan ko na maghanap ng isang A-class criminal na nakagawa na ng capital crime. Babayaran natin ang pamilya niya ng sampung milyon at bibigyan rin natin siya allowance para tumakas papunta ng Aurous Hill.”Agad na nagtanong si Steven, “Papa, balak mo bang gamitin ang kriminal na ito para patayin si Helen?”Sumagot si Lord Schulz nang walang emosyon, “Oo, balak kong gamitin ang kriminal na iyon. Pero, hindi magiging simple ang lahat gaya ng inakaala mo.”Nagpatuloy si Lord Schulz sa kanyang sinasabi, “Inutusan ko rin ang mga tauhan ko na ipaabot ang impormasyon sa local police ng Aurous Hill. Hindi magtatagal, naniniwala akong tutugisin ng pulis ang kriminal na ito. Matapos ang lahat, marami na siyang napatay. Kapag nahuli siya, sigu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2412

    Napatitig si Lord Schulz sa oras saka siya nagsalita, “Kung walang nangyaring kakaiba, dapat nasa auction site na ang kriminal sa loob ng sampung minuto.””Agad na napatanong si Steven, “Papa, sampung minuto talaga… hindi ba makakaalis na si Helen niyan?”“Hindi!” Malamig na tawa ni Lord Schulz, “Inaasikaso pa dapat ni Helen ang change of property ownership. Matagal ang prosesong ito at hindi ito natatapos sa isang gabi lang. Dahil desperado siyang makuha ang mansyong ito at ngayong nagtagumpay na siyang mabili ito mula sa auction, siguradong magiging seryoso siya at ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapadali ang proseso.”Tumango si Steven. Nakahinga siya nang maluwag.Subalit, bigla siyang may naalala, “Papa! Kasama ni Helen si Sophie! Magkakaroon ba tayo ng mga hindi inaasahang insidente?”Alam ni Steven na mahal ni Lord Schulz ang kanyang apo na si Sophie. Hindi nag-aalala si Steven sa kaligtasan ni Sophie, pero baka matigil ang plano dahil sa kanyang minamahal

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5678

    Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5677

    Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5676

    Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5675

    Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5674

    Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5673

    Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status