Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2081 - Kabanata 2090

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2081 - Kabanata 2090

5675 Kabanata

Kabanata 2081

Naalerto si Charlie nang marinig ang sinabi ni Yahiko.Napatanong siya agad, “Mr. Ito, magkakilala kayo ng president ng Nippon Steel?”“Oo!” Seryosong sumagot si Yahiko, “Watanabe Shinwa ang pangalan ng president ng Nippon Steel. Malapit rin ako sa kanya.”Tumango si Charlie, “Pwede mo ba siyang tanungin kung may kasosyo na ba silang mga Oskian companies? Kung mayroon na, pwede mo bang tanungin ang pangalan ng kumpanya?”Agad na tumugon si Yahiko, “Sige, Mr. Wade. Tatanungin ko na siya ngayon.”Agad na tinanong ni Jasmine si Charlie, “Master Wade, sa tingin mo ba may mali kay Mr. Watanabe?”Umiling si Charlie saka siya sumagot, “Parehong suspek si Watanabe Shinwa at ang vice president nila na lagi mong nakakausap. Pero, hindi ako sigurado kung sino sa kanila. Pwedeng inosente sila parehas, o kaya pwedeng pareho rin silang may sala.”Marahang tumango si Jasmine at hindi na siya umimik.Malinaw para sa kanya na wala siyang kontrol sa sitwasyon ngayon. Dahil pumunta pa si Charlie
Magbasa pa

Kabanata 2082

Tumango si Charlie nang bahagya saka niya tinitigan si Jasmine na nasa tabi niya. “Kahapon, si Hashimoto ba ang unang tumawag sa iyo para sabihing pipirmahan mo na ang kontrata kasama ang president?”Kampanteng sumagot si Jasmine, “Oo, siya nga. Tinawagan ako ni Hashimoto para sabihing pumunta ako ng Nishitama para pirmahan ang kontrata.”Suminghal si Charlie, “Mukhang na kay Hashimoto ang problema. Siya ang nanloko sa iyo para pumunta ka ng Nishitama. Pagkatapos, gumawa siya ng patibong habang nasa daan kayo.”Nalilitong nagtanong si Jasmine, “Master Wade, hindi ko maintindihan kung bakit gusto akong saktan ni Hashimoto? Wala naman kaming kinalaman sa isa’t isa. Bago pa ito mangyari, hindi kami nagkita kahit kailan. Bakit niya naman ako gustong saktan?”Malamig na sumagot si Charlie, “Maraming mga biktima at kriminal ang hindi magkakilala. Maaaring dahil sa benepisyong makukuha niya kaya niya ito ginawa. Kapag pinatay ka niya, makakakuha siya ng isang pabuya. Iyan siguro ang dahil
Magbasa pa

Kabanata 2083

Walang maisip na kahit sino si Jasmine na gustong pumatay sa kanya.Kahit may kaunti siyang kutob na baka si Reuben at Tyler ito, agad niya itong binalewala.Kasama niyang lumaki si Reuben mula pagkabata. Kaya, imposible namang magkaroon ng masamang intensyon sa kanya ang lalaki.Hindi naman dahil inosente o tanga si Jasmine, pero pakiramdam niya hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang pamilya. Kaya, ayaw niyang pagdudahan o kaya pagsuspetsahan nang kaunti ang kanyang pinsan at uncle.Kita ni Charlie sa ekspresyon ni Jasmine na hindi pinagdududahan ng babae si Reuben. Kaya, hindi na siya umimik.Totoong pinagdududahan ni Charlie si Reuben, pero pakiramdam niya wala muna siyang dapat sabihin kay Jasmine bago sila makahanap ng kongkretong ebidensya.Sumunod, nagsalita si Charlie, “Jasmine, dito ka muna manatili sa bahay ni Mr. Ito sa susunod na dalawang araw. Gaya ng nabanggit ko, huwag mo munang kontakin ang kahit sino. Syempre. Huwag mo ring ipaalam sa kanila na buhay ka. Mag-
Magbasa pa

Kabanata 2084

Dagdag pa roon, talagang nakamamangha ang background ng mga babaeng nagkakagusto kay Charlie.Bukod pa sa Nanakong nasa harap niya na isang Yamato Nadeshiko, sa Aurous Hill pa lang, naririyan si Aurora ng pamilya Quinto at si Xyla na nasa tabi ng isang henyong doktor na si Dr. Simmons. Sino ba sa kanila ang hindi magandang babae?Sino rin ba ang hindi makapagsasabi na ang lahat ng mga babaeng ito ay nakararamdam ng matinding paghanga kay Charlie?Nang maisip ito, napatitig si Jasmine kay Charlie nang may kaunting galit. Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilang maging emosyonal, ‘Buwisit ka! Napapaisip na lang ako kung ilang babae na ang naakit mo. Sa dami ng nagkakagusto sa iyo, hindi ko na lang alam kung paano mo babayaran ang mga utang na loob mo sa hinaharap…’Sa pagkakataong ito, para mapasaya si Charlie, habang nasa tabi, kinausap ni Yahiko si Jasmine, “Miss Moore, maganda ang relasyon ko kay Wanatabe Shinwa, ang president ng Nippon Steel. Kapag naayos na ang isyu at kap
Magbasa pa

Kabanata 2085

Habang gumagawa si Nanako ng tsaa sa tabi, hindi niya mapigilang masabik nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie!Alam niya ang bigat ng pahayag ng lalaki.Sa simula, matindi rin ang pinsalang natanggap ni Nanako. Hindi niya maisip kung paano pa siya gagaling sa buhay na ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tinulungan siya ni Charlie at nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil lang sa isang pill.Hindi lamang iyon, pero nagkaroon rin ng matinding pagbabago ang pisikal niyang kondisyon. Bumuti ito ng higit pa.Kaya, naniniwala si Nanako na basta gugustuhin ni Charlie, siguradong maibabalik nito ang dating kalagayan ng katawan ng ama niya.Syempre, alam niyang hindi maibabalik ni Charlie ang mga paa ni Yahiko, pero kahit papaano, masaya na si Nanako na malamang handa si Charlie na ibalik ang magandang kondisyon ng katawan ng papa niya.Kung iyan ang kaso, maliban na lamang sa pagkawala ng dalawa niyang binti, masasabing magiging malusog ang kanyang ama.Sa tulong
Magbasa pa

Kabanata 2086

Matapos ang lahat, marami ng Rejuvenating Pills si Charlie. Hindi niya na rin ito masyadong kailangan, ganoon pa man, malaki ang maitutulong nito kay Yahiko.Hindi naman magaling si Charlie sa pakikipaglaban at hindi rin siya ganoon katanda. Mas kakailanganin ng iba ang pill. Kahit nga isang kurot lang ng pill na itinimpla sa baso ay sapat na para maibalik ang magandang kondisyon ni Yahiko.Subalit, ang dahilan kung bakit hindi pa binibigay ni Charlie ang pill ngayon ay dahil gusto niyang kontrolin ang sitwasyon.Minsan, mas mahalagang kontrolin ang takbo ng mga bagay-bagay kaysa laging maging mapagbigay sa iba.Kahit magandang ibahagi ang biyaya sa iba, kagaya lang rin ito ng isang medisina. Pwede nitong pagalingin ang isang tao o kaya palalain pa ang kalagayan niya.Halimbawa, sa tuwing may bagong gamot na gagamitin sa injection, kailangan munang malaman ang siyentipiko at makatuwirang administration rate nito ayon sa kakayahan ng gamot pati na rin kondisyon ng pasyente.Hindi
Magbasa pa

Kabanata 2087

Tanghali, sa bulubunduking bahagi ng Nishitama District.Maganda ang panahon sa Tokyo ngayong araw.Maaliwalas ang langit at mataas ang tirik ng araw, nagbibigay ito ng liwanag at init sa buong paligid.Madali lang makita ang mga bagay-bagay sa ganitong klase ng panahon. Kaya, magandang araw ito para gawin ang isang search & rescue.Buong gabing pinaghahanap ng Tokyo Metropolitan Police Department ang mga bakas ni Jasmine pero wala silang nakita kahit isa. Hindi nila mapigilang makaramdam ng kawalan ng pag-asa. Nagiging desperado na rin sila sa sitwasyon.Nakasentro ang search & rescue sa pinangyarihan ng aksidente. Noong una, hanggang limang kilometro palibot ang inimbestigahan nila. Subalit, wala silang nakuhang kahit anong resulta.Kaya, napagpasyahan ng Tokyo Metropolitan Police Department na palawakin ang radius ng search & rescue at sa halip ginawa nila itong 20 kilometro. Kapag hindi pa rin nila nahanap si Jasmine, i-aanunsyo na lang ng Tokyo Metropolitan Police Department
Magbasa pa

Kabanata 2088

Nanginginig na nagsalita si Lord Moore. “Mr. Wade, nagmamakaawa ako sa iyo. Pakiusap, pumunta ka ng Japan. Natatakot akong ikaw lang ang may tsansang iligtas ang apo ko…”Hindi pa sinasabihan ni Charlie ang pamilya Moore na nasa Japan siya.Kaya, akala ni Lord Moore nasa Aurous Hill pa si Charlie.Subalit, dahil binanggit na rin ito ni Lord Moore, ayaw na niyang itago ang katotohanan. Tumugon siya, “Lord Moore, sa totoo lang, nasa Tokyo ako ngayon. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para kay Jasmine.”Nasorpresa si Lord Moore at napatanong siya, “Mr. Wade, nasa… nasa Tokyo ka?! Kailan ka dumating diyan?!”Sumagot nang matapat si Charlie, “Kagabi, narinig kong naaksidente si Jasmine. Kaya, agad kong sinabihan si Isaac ng Shangri-La na kumuha ng ticket para makarating agad ako ng Tokyo sa pinakamabilis na paraan.”Napanatag agad ang ekspresyon ni Lord Moore, “Mr. Wade, napakaswerte talaga ni Jasmine para magkaroon ng isang kaibigan na gaya mo! Nakakamangha ang kakayahan mo, kaya n
Magbasa pa

Kabanata 2089

Nang marinig niyang nasa Tokyo si Charlie, agad na nanginig sa takot ang katawan ni Reuben.Hindi niya inaakalang nasa Tokyo si Charlie!Alam niyang madali niyang maliligpit si Jasmine at ang lolo niya, pero sa kabilang banda, si Charlie… hindi siya isang simpleng tao na pwede niyang maasikaso kahit kailan niya gustuhin!Kaya, nang marinig niya ang balita, natigilan siya dahil sa gulat na naramdaman niya.Sa kabilang linya, hindi mapigilang masorpresa ni Lord Moore sa reaksyon ni Reuben, “Reuben, anong problema mo? Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? May nangyari ba?”Agad na itinago ni Reuben ang tensyong naramdaman niya, kababalik niya lang sa kanyang huwisyo. Sumunod, tumugon siya, “Lolo, bakit pumunta rito si Mr. Wade? Hindi ako makapaniwala. Pumunta ba siya nang marinig niya na may nangyari kay Jasmine?”Sumagot si Lord Moore, “Napakabuting tao ni Mr. Wade. Mabuti na lang, maganda ang relasyon nilang dalawa ni Jasmine. Ngayong may nangyari sa apo ko, nagmadali si Mr. Wade na
Magbasa pa

Kabanata 2090

‘Kung hindi ka sana nakikialam sa mga problema namin, hindi sana mababago ng matanda ang sitwasyon at hindi rin sana magiging si Jasmine ang head ng pamilya Moore! Kung wala ka sana, hindi ko naman papatayin si Jasmine!’Nang maisip ito, napuno ng pagkamuhi ang mga mata ni Reuben. Napabulong siya nang malamig sa sarili niya, “Charlie, huwag mong subukang gumawa ng gulo sa kaso ni Jasmine. Kung hindi, wala akong paki kung sino ka, si Master Wade ka man o kung sinong g*go! Hahanap ako ng paraan para patayin ka!”Pagkatapos itong sabihin, kumalma nang kaunti si Reuben, inilabas niya ang kanyang cellphone saka niya tinawagan si Charlie.Nang masagot ang tawag, narinig ni Reuben ang boses ni Charlie mula sa kabilang linya, “Hello.”Agad siyang sumagot, “Mr. Wade? Ako ito, si Reuben.”Nagsalita si Charlie, “Oh, ikaw pala iyan, Mr. Reuben.”Agad na tumugon si Reuben, “Mr. Wade, tawagin niyo lang akong Reuben. Tinawagan ako ni lolo ngayon lang para sabihing pumunta ka ng Tokyo dahil sa n
Magbasa pa
PREV
1
...
207208209210211
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status