Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2071 - Chapter 2080

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2071 - Chapter 2080

5675 Chapters

Kabanata 2071

Samantala, nasa loob ng meeting room ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben. Nag-aalala ang kanyang ekspresyon.Dahil isang sikat na kumpanya ang Moore Group, pinakitunguhan nang mabuti ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben.Personal pang pumunta ang Superintendent General para lang asikasuhin siya.Nang makita ang nakakaawang itsura ni Reuben, sinubukan siyang aluin ng Superintendent General, “Mr. Moore, ilang batalyon ang naghahanap sa kapatid mo sa Nishitama District. Hindi mo kailangang mag-alala. Kapag may nakuha na kaming impormasyon, agad ko namang ipapaalam sa iyo.”Bumuntong hininga si Reuben at tinakpan niya ang kanyang mukha na naluluha. Habang may bara sa lalamunan, sinubukan niyang magsalita, “Si Jasmine ang nag-iisa kong kapatid. Mahal na mahal ko siya. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para ligtas siyang makabalik!”Tumango ang Superintendent General saka niya sinuguro si Reuben, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Moore. Gagawin namin ang lahat
Read more

Kabanata 2072

Ganoon din, agad na tumayo si Reuben para magtanong, “Nahanap niyo na ba kung nasaan ang kapatid ko? May nakuha ba kayong mahalagang impormasyon?”Agad na umiling ang pulis, “May mga bagay rin kaming hindi maintindihan. Wala kaming makitang mga bakas ni Ms. Moore o kahit anong senyales na may nakaligtas. Hindi rin kami sigurado kung nakaalis ba nang maaga si Miss Moore. Wala kaming alam sa ngayon.”Takot na takot si Reuben at magulo ang kanyang isip.‘Kung patay na si Jasmine, magiging mas madali ang lahat. Kahit malaman pa ng Tokyo Metropolitan Police Department na homicide ang kaso, hindi ko kailangang mag-alala. Matapos ang lahat, hindi naman ako ang pumatay sa kanya. Habang inaasikaso ng Tokyo Metropolitan Police Department ang nangyari, iuuwi ko ang katawan ni Jasmine para sa burol. Pagkatapos saka namin aasikasuhin ang matandang iyon. Magiging sa akin na at kay Papa ang pamilya Moore.’‘Pero, kung buhay pa si Jasmine, masasayang ang lahat! Kahit hindi alam ni Jasmine na ako a
Read more

Kabanata 2073

Umupo si Charlie at Nanako sa helicopter. Pagkatapos lumipad ng halos 30 minuto, paparating na rin sila sa Nishitama.Sa kasalukuyan, sinusundan pa rin ng mga ninja ni Nanako ang bakas ni Jasmine. Samantala, ilang libong pulis rin mula sa Tokyo Metropolitan Police Department ang naghahanap sa babae.Napagpasyahan ni Charlie na pumili ng isang lugar na malapit lang sa mismong pinangyarihan ng aksidente. Limang kilometro ang layo nito at dito niya naisipang lumapag ang helicopter.Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang sakop ng search & rescue ng Tokyo Metropolitan Police Department. Ganoon din, hindi sila masyadong malayo kay Jasmine.Syempre, hindi naman masyadong mabilis ang paglalakad ng babae sa ganitong panahon. Masasabing mula sa aksidente, nakapaglakad na ng limang kilometro si Jasmine.Kaya, kung malas sila Charlie at lumapag sila sa kabilang direksyon, magiging sampung kilometro na ang layo nila kay Jasmine. Masasabing hindi ito madaling tahakin para sa mga normal na tao.
Read more

Kabanata 2074

Subalit, hindi makasabay si Nanako at ang iba pa sa bilis ni Charlie. Kaya, hihintayin na lamang nila ang mensahe ni Charlie.Ayaw gamitin ni Charlie ang helicopter para sunduin si Jasmine dahil maaalerto nito ang iba pang mga naghahanap sa babae.Mas gustong umasa ni Charlie sa kanyang mga binti.Mabuti na lang, hindi masyadong malayo si Charlie kay Jasmine. Mga dalawa o tatlong kilometro lang ang layo nila mula sa isa’t isa.  Pagkatapos ng kalahating oras ng mabilis na paglalakad, nasilayan na rin ni Charlie si Jasmine.Sa puntong ito, nasa ibaba ng lambak si Jasmine, naghahanda na itong umakyat paitaas.Sa wakas, naramdaman ni Jasmine na ligtas na siya at nakalayo na siya mula sa mga gustong manakit sa kanya. Ngayon, balak niyang umakyat para makahanap ng signal at sabihan sila Charlie at ang kanyang pamilya na ligtas siya.Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang kabahan ni Jasmine sa loob ng kanyang puso.‘Kung alam ni Master Wade na ipinadala ko ang voice message habang nas
Read more

Kabanata 2075

Malumanay ang pananalita ni Charlie kay Jasmine dahil ayaw niyang magulat ito sa pamamagitan ng biglaang pagtawag sa kanya, o kaya pagsasabing nasa likod siya nito.Matapos ang lahat, mag-isa lang si Jasmine sa kagubatan mula kanina. Kung biglang magpapakita si Charlie sa harap niya nang hindi handa ang babae, siguradong maaalarma ito.  Kaya, pinili muna ni Charlie na dahan-dahaning ang pagsasabi na naririto siya—una sinabi niya munang nasa Japan siya, sunod Tokyo, at Nishitama naman. Sa huli, sinabi ni Charlie na nasa likod siya. Nang marinig ni Jasmine ang sinabi ng lalaki, agad siyang napalingon!Totoo nga ang narinig niya! Napansin niya agad ang isang pamilyar na anyo, nakatayo ito sampung metro ang layo mula sa kanya.Talaga ngang si Charlie ang nakikita niya, ang kilala niyang Master Wade, ang lalaking gusto niyang masilayan sa kritikal na pagkakataong ito!May pananabik at tuwa sa loob ng puso ni Jasmine!Hindi niya inaakalang biglaang magpapakita si Charlie sa ganitong k
Read more

Kabanata 2076

Isang ideya ang pumasok sa puso niya. Naisip niyang, ‘Mula sa araw na ito, ako, si Jasmine, at handa akong gawin ang kahit ano para kay Master Wade. Kung papakiusapan niya akong isakripisyo ang sarili ko, hindi ako mag-aalangan o magrereklamo!’Hindi alam ni Charlie kung ano ang nasa isip ni Jasmine. Nagsalita lang siya sa isang malumanay na boses, “Jasmine, hindi mo ako kailangang pasalamatan. Hindi mo rin kailangang banggitin ang ginawa ko para sa iyo. Kaibigan kita. Makatuwiran lang na iligtas kita sa mga ganitong pagkakataon. Kalimutan mo na ang nangyari dito sa Japan, kapag nasa panganib ang buhay mo, wala akong ibang sasabihin, basta ililigtas kita.”Gustong iparating ni Charlie na ganyang pagpapahalaga ang nilalagay niya sa pagkakaibigan. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon, sa mga tainga ni Jasmine, ito ang pinaka nakakaantig na pahayag sa buong buhay niya!Sa puntong ito, ilang libong beses niya pang lalong minahal si Charlie. Gusto niyang yakapin nang mahigpit ang lalaki
Read more

Kabanata 2077

Nang marinig ni Jasmine ang bagay na ito mula kay Charlie, desidido siyang sumagot, “Master Wade, papakinggan kita!”Tumango si Charlie, “May mga kakilala ako sa Japan. Mamaya, dadalhin kita sa bahay ng kaibigan ko. Huwag mo munang kausapin ang kahit sino hangga’t hindi pa natin naaayos ang isyu. Kasama na rito ang lolo mo at mga iba pang kamag-anak.”Nagulantang si Jasmine, “Master Wade, bakit hindi ko pwedeng kausapin si lolo? Sigurado akong nag-aalala siya sa kalagayan ko ngayon. Kapag hindi niya pa nalaman na ayos lang ako, natatakot akong maapektuhan ang kalusugan niya dahil sa akin.”Ngumiti si Charlie, “Huwag kang mag-alala. Ininom ng lolo mo ang Rejuvenating Pill dati. Kaya, hindi magkakaroon ng problema ang katawan niya. Huwag mong kalimutan na iniregalo mo sa kanya ang ibinigay kong Rejuvenating Pill sa birthday mo. Sa tulong ng pill, hindi siya magkakaroon ng isyu sa kalusugan niya.”Nagpatuloy si Charlie sa pagpapaliwanag, “Madalas, lumalabas ang sikreto dahil sa mga ta
Read more

Kabanata 2078

Sumagot si Charlie, “Pupunta tayo sa villa nila Nanako para magtago pansamantala. Pagkatapos, mag-aabang na lang tayo kung ano ang mangyayari!”***Sa pagkakataong ito, hinihintay pa rin ni Nanako sa pinaglapagan ng helicopter ang pagdating nila Charlie. Matapos ang lahat, hindi niya kayang sabayan si Charlie. Sa bilis ng paglakad at takbo ng lalaki, mas gugustuhin niyang maiwan.Sa kasalukuyan, pinapalibutan ng mga pulis galing sa Tokyo Metropolitan Police Department ang lugar. Pinaghahanap nila si Jasmine. Kita rin ang mga police helicopters sa itaas ng langit. Dahil dito, pinatay ni Nanako ang helicopter engine nila saka siya naghintay ng balita galing kay Charlie.Ganoon din, biglang nagpadala ng mensahe ang lider ng mga ninjas sa kanya: [Miss, nahanap na ni Mr. Wade si Ms. Moore.]Nakahinga nang maluwag si Nanako at tumigil na rin ang kanyang mga daliri sa pagtapik sa screen ng cellphone niya. Tumugon siya sa mensahe: [Mabuti naman, pakitanong si Charlie-kun kung ano ang su
Read more

Kabanata 2079

Habang patungo sila Charlie at Jasmine ng Tokyo gamit ang helicopter ng pamilya Ito, hindi mapakali si Reuben sa loob ng pasilyo ng Tokyo Metropolitan Police Department.Sa puntong ito, matindi ang kabang nararamdaman niya, ‘Walang nakakaalam kung buhay o patay si Jasmine. Ilang oras na ang nakararaan pero hindi pa rin nila nahahanap kung nasaan siya. Mukhang magpapatuloy ang ganitong sitwasyon. Malapit na ang umaga. Kapag hindi pa rin nila nahanap si Jasmine, magiging komplikado ang lahat!’‘Kung susundin ang lohika, dapat mahahanap namin ang bangkay ni Jasmine sa loob ng sasakyan. Pero, nawawala siya ngayon! Bukod pa roon, wala kaming bakas na mahanap! Buhay pa kaya siya o hindi?’Nag-aalala nang matindi si Reuben. Paano kung buhay pa pala si Jasmine?!Basta ba hindi pa patay ang kanyang kapatid, lalabas ang kasinungalingang ginawa ng vice president ng Nippon Steel na si Hashimoto.Matapos ang lahat, si Hashimoto ang sumubok na magligpit kay Jasmine. Bilang kapalit, masisiguro n
Read more

Kabanata 2080

Bago pa mapunta ang isip ni Nanako sa kung saan-saan, inabot na ni Charlie ang kamay niya para tulungan siyang makababa.Hindi inaakala ni Nanako na aabutan rin siya ni Charlie ng kamay para makababa ng helicopter. Isang matamis na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang puso.Kahit malakas na siya dahil sa Rejuvenating Pill na ininom niya, sa loob niya, isa pa rin siyang babae. Nang makita niyang maginoo ang kilos ni Charlie at nag-aalala rin ito sa kanya, agad siyang namula. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ni Charlie saka siya malumanay na nagsalita, “Maraming salamat, Charlie-kun!”Ngumiti si Charlie saka siya tumugon nang mahina, “Walang problema.”Sa pagkakataong ito, agad na lumapit si Yahiko habang nakaupo sa wheelchair. Emosyonal ang kanyang boses, “Mr. Wade, hindi ko inaakalang magkikita tayo agad!”Ngumisi si Charlie, “Hindi ko rin inaakalang magkikita tayo agad, Mr. Ito. Kumusta na pala kayo?”Habang nakakuyom ang mga palad, magalang na sumagot si Yahiko, “Maganda nam
Read more
PREV
1
...
206207208209210
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status