Isang ideya ang pumasok sa puso niya. Naisip niyang, ‘Mula sa araw na ito, ako, si Jasmine, at handa akong gawin ang kahit ano para kay Master Wade. Kung papakiusapan niya akong isakripisyo ang sarili ko, hindi ako mag-aalangan o magrereklamo!’Hindi alam ni Charlie kung ano ang nasa isip ni Jasmine. Nagsalita lang siya sa isang malumanay na boses, “Jasmine, hindi mo ako kailangang pasalamatan. Hindi mo rin kailangang banggitin ang ginawa ko para sa iyo. Kaibigan kita. Makatuwiran lang na iligtas kita sa mga ganitong pagkakataon. Kalimutan mo na ang nangyari dito sa Japan, kapag nasa panganib ang buhay mo, wala akong ibang sasabihin, basta ililigtas kita.”Gustong iparating ni Charlie na ganyang pagpapahalaga ang nilalagay niya sa pagkakaibigan. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon, sa mga tainga ni Jasmine, ito ang pinaka nakakaantig na pahayag sa buong buhay niya!Sa puntong ito, ilang libong beses niya pang lalong minahal si Charlie. Gusto niyang yakapin nang mahigpit ang lalaki
Nang marinig ni Jasmine ang bagay na ito mula kay Charlie, desidido siyang sumagot, “Master Wade, papakinggan kita!”Tumango si Charlie, “May mga kakilala ako sa Japan. Mamaya, dadalhin kita sa bahay ng kaibigan ko. Huwag mo munang kausapin ang kahit sino hangga’t hindi pa natin naaayos ang isyu. Kasama na rito ang lolo mo at mga iba pang kamag-anak.”Nagulantang si Jasmine, “Master Wade, bakit hindi ko pwedeng kausapin si lolo? Sigurado akong nag-aalala siya sa kalagayan ko ngayon. Kapag hindi niya pa nalaman na ayos lang ako, natatakot akong maapektuhan ang kalusugan niya dahil sa akin.”Ngumiti si Charlie, “Huwag kang mag-alala. Ininom ng lolo mo ang Rejuvenating Pill dati. Kaya, hindi magkakaroon ng problema ang katawan niya. Huwag mong kalimutan na iniregalo mo sa kanya ang ibinigay kong Rejuvenating Pill sa birthday mo. Sa tulong ng pill, hindi siya magkakaroon ng isyu sa kalusugan niya.”Nagpatuloy si Charlie sa pagpapaliwanag, “Madalas, lumalabas ang sikreto dahil sa mga ta
Sumagot si Charlie, “Pupunta tayo sa villa nila Nanako para magtago pansamantala. Pagkatapos, mag-aabang na lang tayo kung ano ang mangyayari!”***Sa pagkakataong ito, hinihintay pa rin ni Nanako sa pinaglapagan ng helicopter ang pagdating nila Charlie. Matapos ang lahat, hindi niya kayang sabayan si Charlie. Sa bilis ng paglakad at takbo ng lalaki, mas gugustuhin niyang maiwan.Sa kasalukuyan, pinapalibutan ng mga pulis galing sa Tokyo Metropolitan Police Department ang lugar. Pinaghahanap nila si Jasmine. Kita rin ang mga police helicopters sa itaas ng langit. Dahil dito, pinatay ni Nanako ang helicopter engine nila saka siya naghintay ng balita galing kay Charlie.Ganoon din, biglang nagpadala ng mensahe ang lider ng mga ninjas sa kanya: [Miss, nahanap na ni Mr. Wade si Ms. Moore.]Nakahinga nang maluwag si Nanako at tumigil na rin ang kanyang mga daliri sa pagtapik sa screen ng cellphone niya. Tumugon siya sa mensahe: [Mabuti naman, pakitanong si Charlie-kun kung ano ang su
Habang patungo sila Charlie at Jasmine ng Tokyo gamit ang helicopter ng pamilya Ito, hindi mapakali si Reuben sa loob ng pasilyo ng Tokyo Metropolitan Police Department.Sa puntong ito, matindi ang kabang nararamdaman niya, ‘Walang nakakaalam kung buhay o patay si Jasmine. Ilang oras na ang nakararaan pero hindi pa rin nila nahahanap kung nasaan siya. Mukhang magpapatuloy ang ganitong sitwasyon. Malapit na ang umaga. Kapag hindi pa rin nila nahanap si Jasmine, magiging komplikado ang lahat!’‘Kung susundin ang lohika, dapat mahahanap namin ang bangkay ni Jasmine sa loob ng sasakyan. Pero, nawawala siya ngayon! Bukod pa roon, wala kaming bakas na mahanap! Buhay pa kaya siya o hindi?’Nag-aalala nang matindi si Reuben. Paano kung buhay pa pala si Jasmine?!Basta ba hindi pa patay ang kanyang kapatid, lalabas ang kasinungalingang ginawa ng vice president ng Nippon Steel na si Hashimoto.Matapos ang lahat, si Hashimoto ang sumubok na magligpit kay Jasmine. Bilang kapalit, masisiguro n
Bago pa mapunta ang isip ni Nanako sa kung saan-saan, inabot na ni Charlie ang kamay niya para tulungan siyang makababa.Hindi inaakala ni Nanako na aabutan rin siya ni Charlie ng kamay para makababa ng helicopter. Isang matamis na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang puso.Kahit malakas na siya dahil sa Rejuvenating Pill na ininom niya, sa loob niya, isa pa rin siyang babae. Nang makita niyang maginoo ang kilos ni Charlie at nag-aalala rin ito sa kanya, agad siyang namula. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ni Charlie saka siya malumanay na nagsalita, “Maraming salamat, Charlie-kun!”Ngumiti si Charlie saka siya tumugon nang mahina, “Walang problema.”Sa pagkakataong ito, agad na lumapit si Yahiko habang nakaupo sa wheelchair. Emosyonal ang kanyang boses, “Mr. Wade, hindi ko inaakalang magkikita tayo agad!”Ngumisi si Charlie, “Hindi ko rin inaakalang magkikita tayo agad, Mr. Ito. Kumusta na pala kayo?”Habang nakakuyom ang mga palad, magalang na sumagot si Yahiko, “Maganda nam
Naalerto si Charlie nang marinig ang sinabi ni Yahiko.Napatanong siya agad, “Mr. Ito, magkakilala kayo ng president ng Nippon Steel?”“Oo!” Seryosong sumagot si Yahiko, “Watanabe Shinwa ang pangalan ng president ng Nippon Steel. Malapit rin ako sa kanya.”Tumango si Charlie, “Pwede mo ba siyang tanungin kung may kasosyo na ba silang mga Oskian companies? Kung mayroon na, pwede mo bang tanungin ang pangalan ng kumpanya?”Agad na tumugon si Yahiko, “Sige, Mr. Wade. Tatanungin ko na siya ngayon.”Agad na tinanong ni Jasmine si Charlie, “Master Wade, sa tingin mo ba may mali kay Mr. Watanabe?”Umiling si Charlie saka siya sumagot, “Parehong suspek si Watanabe Shinwa at ang vice president nila na lagi mong nakakausap. Pero, hindi ako sigurado kung sino sa kanila. Pwedeng inosente sila parehas, o kaya pwedeng pareho rin silang may sala.”Marahang tumango si Jasmine at hindi na siya umimik.Malinaw para sa kanya na wala siyang kontrol sa sitwasyon ngayon. Dahil pumunta pa si Charlie
Tumango si Charlie nang bahagya saka niya tinitigan si Jasmine na nasa tabi niya. “Kahapon, si Hashimoto ba ang unang tumawag sa iyo para sabihing pipirmahan mo na ang kontrata kasama ang president?”Kampanteng sumagot si Jasmine, “Oo, siya nga. Tinawagan ako ni Hashimoto para sabihing pumunta ako ng Nishitama para pirmahan ang kontrata.”Suminghal si Charlie, “Mukhang na kay Hashimoto ang problema. Siya ang nanloko sa iyo para pumunta ka ng Nishitama. Pagkatapos, gumawa siya ng patibong habang nasa daan kayo.”Nalilitong nagtanong si Jasmine, “Master Wade, hindi ko maintindihan kung bakit gusto akong saktan ni Hashimoto? Wala naman kaming kinalaman sa isa’t isa. Bago pa ito mangyari, hindi kami nagkita kahit kailan. Bakit niya naman ako gustong saktan?”Malamig na sumagot si Charlie, “Maraming mga biktima at kriminal ang hindi magkakilala. Maaaring dahil sa benepisyong makukuha niya kaya niya ito ginawa. Kapag pinatay ka niya, makakakuha siya ng isang pabuya. Iyan siguro ang dahil
Walang maisip na kahit sino si Jasmine na gustong pumatay sa kanya.Kahit may kaunti siyang kutob na baka si Reuben at Tyler ito, agad niya itong binalewala.Kasama niyang lumaki si Reuben mula pagkabata. Kaya, imposible namang magkaroon ng masamang intensyon sa kanya ang lalaki.Hindi naman dahil inosente o tanga si Jasmine, pero pakiramdam niya hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang pamilya. Kaya, ayaw niyang pagdudahan o kaya pagsuspetsahan nang kaunti ang kanyang pinsan at uncle.Kita ni Charlie sa ekspresyon ni Jasmine na hindi pinagdududahan ng babae si Reuben. Kaya, hindi na siya umimik.Totoong pinagdududahan ni Charlie si Reuben, pero pakiramdam niya wala muna siyang dapat sabihin kay Jasmine bago sila makahanap ng kongkretong ebidensya.Sumunod, nagsalita si Charlie, “Jasmine, dito ka muna manatili sa bahay ni Mr. Ito sa susunod na dalawang araw. Gaya ng nabanggit ko, huwag mo munang kontakin ang kahit sino. Syempre. Huwag mo ring ipaalam sa kanila na buhay ka. Mag-
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag