Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2051 - Chapter 2060

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2051 - Chapter 2060

5675 Chapters

Kabanata 2051

Mabigat talaga ang loob ni Jasmine sa puntong ito.Hindi niya inaakalang mahirap kausap ang Nippon Steel pagdating sa negosasyon.Dagdag pa roon, lagi siyang nasa mas mababang posisyon habang pinag-uusapan nila ang buong proseso. Naghanda siya ng maraming plano at inihayag niya rin ang alas niya. Pero, sa huli, mukhang hindi magiging matagumpay ang collaboration na ito.Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding pagkadismaya sa loob ng kanyang puso.May kutob siya na mahihirapan siyang makuha ang resultang gusto niya para sa partnership na ito.Siguro, kailangan niyang bumalik nang walang kahit anong nakukuhang benepisyo.Sinabi ni Jasmine ang tungkol sa kanyang iniisip na mangyayari sa group chat ng kanilang pamilya habang pauwi siya ng hotel.Kahit dismayado nang kaunti si Lord Moore, nagpatuloy siya sa paghihikayat kay Jasmine: [Jasmine, hindi mo dapat masyadong pagurin ang sarili mo. Huwag kang ma-pressure sa posibleng collaboration natin sa Nippon Steel. Makakabuti sa at
Read more

Kabanata 2052

Nasorpresa nang kaunti si Jasmine at hindi niya mapigilang magtaka, ‘Bakit ako tinatawagan ni Mr. Hashimoto sa ganitong oras ng gabi?! Hindi kaya… Hindi kaya nakapagdesisyon na sila tungkol sa collaboration at partnership?!’Nang maisip ito, hindi mapigilang kabahan nang kaunti ni Jasmine. Agad niyang sinagot ang tawag saka siya nagtanong, “Mr. Hashimoto, dis-oras na ng gabi. May dahilan ba kung bakit mo ako tinatawagan?”Ngumiti si Kazumi, “Miss Moore, nasabi ko na sa chairman namin ang final proposal mo para sa collaboration ngayong araw. Naantig siya sa katapatan mo at sinabihan niya akong ipaalam sa iyo na pipirmahan niyo na ang kontrata ngayong gabi. Kailangan nating maging epektibo at mabilis para maresolbahan ang kahit anong komplikadong problema na pwedeng lumitaw sa hinaharap!”Hindi inaakala ni Jasmine na maririnig niya ang isang magandang balita na kanina niya pa hinihintay. Gulat siyang nagtanong, “Mr. Hashimoto, totoo ba ang sinasabi mo?!”Tumawa si Kazumi saka siya su
Read more

Kabanata 2053

Agad na bumiyahe paalis ng Tokyo ang kotseng sinasakyan ni Jasmine. Nagpatuloy ito papunta sa bulubunduking bahagi sa kanluran ng Tokyo.Kahit maraming mga bulubundukin sa Japan, ang capital city nila ay matatagpuan sa Kanto Plain. Kaya, nasa kapatagan ang buong Tokyo at walang kahit anong mga bundok sa siyudad. Kapag dadayo lamang ng Nishitama District saka masisilayan ang mga bulubundukin ng Japan. Kailangang bumiyahe ng ilang kilometro sa kanluran ng Tokyo para masaksihan ang senaryong ito.Matarik ang daan patungo sa bulubundukin ng Tokyo, pero maganda naman ang mga kalye. Hindi nahirapan ang driver ni Jasmine na magmaneho sa matarik na daan sa kabila ng dami ng mga liko habang paakyat sila sa itaas.Dahil nasa bundok sila at gabi na, halos wala nang ibang sasakyan na dumadaan sa paliku-likong kalsada na dose-dosenang kilometro ang haba. Kung may titingin man mula sa langit, tanging ang kotseng sinasakyan nila Jasmine ang makikita na nakabukas ang mga ilaw habang bumibiyahe sa m
Read more

Kabanata 2054

Sa lakas ng banggaan, nawasak ang buong engine compartment sa harap ng front seat ng sinasakyan nila Jasmine!Agad na namatay ang driver pati na rin ang isa pang assistant ni Jasmine na nakaupo sa passenger seat!Nakaupo si Jasmine sa gitna ng kotse. Mabuti na lang, nakasuot siya ng seat belt. Kaya, nang bumangga ang trak sa sinasakyan nila, nagawa niyang makahawak nang mabuti sa kanyang inuupuan sa tulong ng seat belt.Subalit, sa lakas ng tama nito sa kanila, apat sa ribs ni Jasmine ang nabali!Sa tabi ni Jasmine, hindi maganda ang kondisyon ni Zahra!Tinamad siya nang kaunti pagkapasok kanina, at pakiramdam niya hindi niya na kailangang magseatbelt dahil nasa likod naman siya ng kotse. Kaya, napalipad si Zahra sa lakas ng bangaan at direktang tumama ang kanyang katawan sa likod ng passenger seat!Sa pagkakataong ito, sugatan ang ulo ni Zahra at malala ang kanyang kalagayan. Agad na nawalan ng malay si Zahra at nacomatose siya.Samantala, matinding sakit naman ang nararamdaman
Read more

Kabanata 2055

Habang gumugulong ang kotse pababa ng bangin, nakaramdam si Jasmine ng matinding kaba.Subalit, lalo pa siyang nagising at naging alerto sa kritikal na punto na magdidikta ng buhay at kamatayan niya.Mabilis ang takbo ng kanyang isip sa pagkakataong ito, at maraming bagay ang pumasok sa kanyang utak.Dahil napakabilis ng isip ni Jasmine ngayon, tila ba bumagal ang takbo ng paligid.Nang tumama ang kotse sa isang bato sa tabi ng bangin, naramdaman ni Jasmine na tuluyang nawasak ang kanyang katawan dahil sa lakas ng banggaan.Mabuti na lang, nakaupo siya sa isang mamahaling kotse. Ligtas at komportable ang kinauupuan niya. Ang pinakamahalaga sa lahat, nakakakapa ng kanyang katawan na napakalambot ng materyal na kinalalagyan niya.Sa tulong ng malalambot na bahagi ng kina-uupuan niya, nabawasan nito ang lakas ng tama sa kanyang katawan. Maihahalintulad ito sa paglalagay ng itlog sa isang kahon na puno ng bulak. Isang safety factor ang pagkakaroon ng kutson.Subalit, kahit iyan ang
Read more

Kabanata 2056

Katulad ito ng isang siyudad na nababalot ng dilim pagkatapos mawalan ng kuryente. Nang muling maayos ang power supply, agad na nagliwanag ang buong siyudad!Kasabay ng mabilis na paggaling ng katawan ni Jasmine, bumagsak na ang kotse sa pinakababa ng bangin.Sa pagkakataong ito, malala ang kondisyon ng kotse at wasak na wasak na ito.Sira na ang harap ng sasakyan at front seats na agad ang makikita. Basag-basag ang lahat ng bintana at ilang mga bato ang siyang nag-iwan ng mga pangit na butas sa metal na katawan ng kotse.Wala na sa tunay nitong hugis ang kotse! Mukha na itong isang lata na napipi pagkatapos matapakan nang matindi!Subalit, sa pagkakataong ito, muli nang bumabalik ang kamalayan ni Jasmine. Ang kanyang mga baling buto, binti, braso, at iba pang mga sugat, pati na rin ang mga sira-sirang niyang lamang-loob ay muling nagkakaroon ng sigla. Nakakilos rin si Jasmine pagkatapos ng ilang sandali.Sinubukan niyang alisin ang suot niyang seat belt, pero dahil nasira na i
Read more

Kabanata 2057

Habang masuwerteng nakaligtas si Jasmine sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Nishitama District sa Tokyo, Japan, naghahanda si Charlie na magbabad sa hot springs sa isang villa ng Champs Elys Spa Resort. Nasa bundok ito at nasa labas ng bayan ng Aurous Hill.Sa tabi niya, naririyan rin si Claire, ang kanyang asawa. Nagbababad rin ang babae sa hot spring.Nakasuot si Charlie ng isang swimming trunks, samantalang nakasuot naman ng isang one-piece swimsuit si Claire. Katulad ito ng pagkakataong dumayo sila ng hot springs kasama si Loreen dati.Hindi mapigilan ni Claire na makaramdam ng kaunting hiya dahil para bang pinapakita niya kay Charlie ang seksi niyang katawan.Sa totoo lang, walang balak ang mag-asawa na sabay na magbabad sa hot springs.Iniisip ni Charlie na papaunahin niya muna si Claire sa hot springs. Subalit, nakita ni Elaine si Claire na naglalakad papunta rito habang nakasuot ng bathrobe. Masyadong mapilit ang matanda. Gusto niyang sabay na magbabad sa hot springs si
Read more

Kabanata 2058

Sa pagkakataong ito, matutulog na sana si Lord Moore.Pagkatapos niyang inumin ang Rejuvenating Pill, lalo pang lumakas ang katawan niya. Sa parehong pagkakataon, mas lalo niyang iningatan ang kanyang kalusugan. Kaya, lagi niyang sinusunod ang konsepto ng pagtulog nang maaga, paggising nang maaga, at pag-eehersisyo bawat araw. Kahit maaga pa, handa na siya para humimbing sa kanyang kama.Ganoon din, biglaan siyang nakatanggap ng tawag galing kay Charlie. Agad na sinagot ni Lord Moore ang cellphone, “Oh! Master Wade, bakit ka napatawag ng ganitong oras? May ipapagawa ka ba sa akin?”Nagsalita si Charlie, “Lord Moore, gusto kitang tanungin kung ano ang sitwasyon ni Jasmine ngayon. Bakit hindi ko siya makontak?”“Si Jasmine?” Nasorpresa si Lord Moore, “Nag-usap kami ni Jasmine kanina lang. Nasa Tokyo siya, sa Japan. Kasalukuyan niyang inaasikaso ang collaboration at partnership contract namin kasama ang Nippon Steel.”Tumugon si Charlie, “Nagpadala si Jasmine sa akin ng voice message
Read more

Kabanata 2059

Napanatag nang kaunti si Lord Moore dahil nag-alok si Reuben na personal na pumunta ng Japan.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Hindi naman tunay na magkapatid si Reuben at Jasmine. Bibihira lang ang ganitong klase ng relasyon. Mukhang talagang nag-aalala si Reuben sa kalagayan ni Jasmine…’Habang iniisip ito, napabuntong hininga si Lord Moore, “Reuben, bilisan mo! Umalis ka na at gawin mo na ang lahat ng paghahandang kailangan. Sasamahan kita!”Agad na sumagot si Reuben, “Lolo, sa tingin ko mas mabuting huwag ka nang sumama sa akin. Matanda ka na at hindi ka rin pamilyar sa lugar na pupuntahan natin kung sakali. Mas lalala ang sitwasyon kapag may nangyari sa iyo. Bukod pa roon, nasa ibang bansa si papa, kailangan natin ng taong mananatili rito para bantayan ang pamilya Moore. Dito ka na lang sa bahay. Sisiguruhin kong makakahanap ako ng paraan para iuwi si Jasmine!”Nag-alangan si Lord Moore sa loob ng ilang sandali. Alam niyang wala naman siyang magagawa kahit pumunta pa siya ng
Read more

Kabanata 2060

Sa pagkakataong ito, kababalik lamang ni Nanako sa Tokyo galing ng Kyoto.Ilang araw ang nakararaan, pansamantala niya munang sinamahan ang kanyang tatay sa Kyoto. Gusto niyang bigyan ng bagong paligid ang kanyang ama para naman makapag-relaks ito. Subalit, marami siyang kailangang asikasuhin sa pamilya, tatlong araw lamang ang itinagal nila sa Kyoto at kinailangan na nilang bumalik ng Tokyo.Nasorpresa nang bahagya si Nanako nang makatanggap siya ng isang tawag galing kay Charlie. Matapos ang lahat, mas nauuna ng isang oras ang Tokyo kaysa sa Oskia. Dahil 10:30 pm na sa Oskia, 11:30 pm na ngayon sa Tokyo.Sabik na sabik na sinagot ni Nanako ang tawag, napatanong siya sa sorpresa, “Charlie-kun, bakit mo ako tinatawagan ng ganitong oras?”Agad na nagtanong si Charlie, “Nanako, nasa Tokyo ka ba ngayon?”“Oo,” sagot ni Nanako. “Umuwi muna kami ni Papa dito kaninang tanghali. Charlie-kun, mukhang kinakabahan ang boses mo. May mali ba?”Tumugon si Charlie, “Biglang naglaho sa Tokyo an
Read more
PREV
1
...
204205206207208
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status