Nang marinig ni Nanako ang sinabi ni Charlie na dapat magarbo ang magsusundo sa kakilala niya, napangiti siya, “Charlie-kun, hindi yata sapat ang chauffeur team namin? Bakit hindi na lang ako magpadala ng ilang mga helicopters!”Napangiti si Charlie, “Nasa Aman Hotel ang taong ito. Para magpadala tayo ng helicopters sa city center… pwede ba ang bagay na ito?”Ngumiti si Nanako at seryoso siyang tumugon, “Charlie-kun, maliit na bagay lamang ito. Para sa pamilya Ito, pwede ang lahat. Kung gusto mo, ako si Nanako, ang bahalang mag-asikaso nito. Hindi kita bibiguin!”Napaisip si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya tumango. Hindi niya mapigilang tumawa, “Sige, kung gano’n, aabalahin kita para sa bagay na ito. Isa lang naman ang layunin ko, kailangan ko siyang gulatin.Napangiti si Nanako, “Charlie-kun, huwag kang mag-alala. Bibigyan natin siya ng magandang leksyon kung ano ang reyalidad!”***Sa Aman Hotel.Pinakiusapan ni Reuben ang maganda niyang babaeng assistant na lagyan
Kalmadong nagsalita ang babaeng nasa kabilang linya, “Kung iyan ang kaso, gusto kong imbitahan si Mr. Reuben na magpunta sa rooftop ngayon.”“Sa rooftop?”Napasimangot si Reuben. “Ano ang gusto mong gawin ko sa rooftop?”Sumagot ang babae, “Hinihintay kayo ng helicopter sa rooftop.”“Helicopter?” Nasorpresa nang bahagya ang ekspresyon ni Reuben. Ganoon din, hindi niya mapigilang makaramdam ng panunuya.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Nakakaawa naman si Charlie at ang kaibigan niya. Bakit naman sila nagpadala ng helicopter sa city center? Dahil lang ba may kakarampot sila na pera at hindi nila alam kung saan nila ito gagastusin? Dahil lang rumenta sila ng helicopter, sa tingin ba nila nakamamangha na sila? Masyado naman yatang mababa ang lebel nila, hindi ba?’Nang maisip ito, napangiti na lamang siya nang mapanuya pero sumagot siya nang magalang, “Sige, pakihintay na lang ako saglit. Pupunta rin ako agad sa rooftop.”“Sige. Hihintayin ko ang pagdating niyo, Mr. Reuben, sa roof
Sa opinyon ni Reuben, napakataas ng estado ng pamilya Ito. Matapos ang lahat, ito ang nangungunang pamilya sa Japan. Nagawa nitong lagpasan ang krisis sa malalaking pamilya ng Tokyo kamakailan lang. Mula pa lamang rito, masasabing walang hanggan ang potensyal ng pamilyang ito.Kaya, hindi naniniwala si Reuben na may kinalaman si Charlie sa pamilya Ito. Sa tingin niya nirentahan ni Charlie at ng kaibigan niya ang helicopter na ito mula sa Ito Aviation.Sumunod, dinala niya ang kanyang assistant papunta sa tapat ng helipad.Isang magandang babae na nakasuot ng kulay asul na uniporme ng flight ang attendant ang nakatayo sa tabi ng helicopter. Nang makita niyang papalapit sina Reuben, magalang siyang bumati, “Kayo siguro si Mr. Moore, tama ba?”Tumango si Reuben at nagsalita siya nang may kaunting yabang, “Oo, ako nga. Kayo ba ang susundo sa akin?”Ngumiti nang magalang ang babae, “Opo, Mr. Moore. Hinihintay na kayo ni Mr. Wade at ng Young Miss namin. Sumakay na lang kayo sa helicopte
Sa pagkakataong ito, marahang umandar ang engine ng helicopter saka bumilis ang takbo nito.Napaisip si Reuben, ‘Dahil naririto na rin ako, dapat ko nang pagsamantalahan ang pagkakataong ito para makita ang Tokyo mula sa langit.’Habang iniisip ito, narinig niya ang boses ng isang babae sa headset, “No. 2 at No. 3, take off. No. 4 and No. 5, paandarin niyo na ang makina niyo. No. 6 at No.7, maghanda na kayo!”Nagtataka si Reuben, ‘Anong kalokohan ito? Ano ang sinasabi niyang No. 2, 3, 4, at 5? Isa ba itong bagong anyo ng kahibangan?’Habang nagtataka, itinuro ng assistant niya ang rooftops ng ibang mga gusali sa labas ng bintana. Nasorpresa ang assistant, “Mr. Moore, dalawang helicopters ang nanggaling sa dalawang gusaling iyon, kapareho ito ng sinasakyan natin ngayon!”Lumingon si Reuben at totoo nga ang sinasabi ng assistant niya!Dalawang magkamukhang helicopters mula sa kanan at kaliwa ang sabay na lumipad.Hindi lamang parehong Super Puma model ang dalawang helicopters na i
Habang pinapanood ni Reuben ang paglipad ng mga helicopters mula sa iba’t ibang gusali, agad na umabot ng 20 ang convoy na nakasunod sa kanya. Hindi niya mapigilang mamangha at magtaka!Hindi niya maunawaan ang nangyayari. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Anong kalokohan ito?! Kailangan ba talaga ng 20 na helicopters para lang sa 15 kilometro na biyahe?! Hindi ako makapaniwala!’‘Sino ba ang kaibigan ni Charlie sa Tokyo? Kakailanganin nila ng maraming pera para rumenta ng ganito karaming mga aircrafts! Bakit ba sila nagwawaldas ng pera?!’Nagulantang ang mga mamamayan ng Tokyo nang makita nila ang convoy sa langit. Natigilan sila sa pagkakataong iyon. Nang tumingala sila, hindi nila mapigilang magtaka kung may magaganap bang isang malaking event o kaya may dumating bang isang bibigating tao sa siyudad nila.Nagsimula nang hindi mapakali si Reuben. Kinakabahan na siya dahil hindi niya maunawaan kung ano ang motibo ni Charlie.Kahit hindi siya malapit kay Charlie at hindi niya rin
Napagtanto na rin ni Reuben ngayon na mukhang nakamamangha ang koneksyon ni Charlie sa Japan!Kasabay nito, lumapag na rin ang helicopter sa bakuran ng villa ng pamilya Ito.Nang lumapag ang helicopter, 20 na lalaking nakasuot ng itim ang agad na lumapit at luminya sa magkabilang gilid ng Super Puma model na sinasakyan ni Reuben.Sa pagkakataong ito, binuksan ng magandang babaeng nakasuot ng uniporme ng flight attendant ang pinto ng helicopter saka siya naunang bumaba, “Mr. Moore, andito na tayo!”Kinakabahang lumunok si Reuben. Napakabilis ng tibok ng puso niya habang bumababa siya mula sa helicopter.Nagsalita ang babae, “Mr. Moore, pakisundan na lang ako. Hinihintay na kayo ni Mr. Wade at Young Miss sa lounge ng villa.”Agad na nagtanong si Reuben sa isang magalang na tono, “Maaari ko bang malaman kung sino ang Young Miss niyo?”Sumagot ang babae habang nakangiti, “Kapag nakita niyo siya mamaya, siguradong sasabihin niya sa inyo kung sino siya.”Pinilit ni Reuben na magpangg
Naramdaman ni Reuben na ang lahat ng kanyang paniniwala, pagpapahalaga, at konsepto sa buhay ay bumaligtad bigla!Hindi niya inaakalang kakilala pala ni Charlie ang young miss ng pamilya Ito!Ano pa ang mas nakasisindak? Habang nakasuot ng kimono si Miss Ito, nakaluhod siya sa harap ni Charlie at magalang niyang pinagsisilbihan ng tsaa ang lalaki na para bang isang waitress.Hindi talaga kapani-paniwala ang eksenang ito!Nagwawala si Reuben sa loob ng kanyang puso habang nakatitig siya sa harap niya.‘Anong kalokohan ito? Naniniwala ba ang mga Japanese sa Feng Shui at metaphysics? Paano naman maloloko ng isang gaya ni Charlie si Ito Nanako?!’Nang malapit nang bumigay ang isip ni Reuben sa gulat at pagkamangha, kinumpas ni Charlie ang kamay niya saka siya ngumisi na para bang nakita niya ang anak ng kanyang kaibigan, “Hoy, Reuben, bilisan mo! Umupo ka rito.”Lalo pang nagtaka si Reuben habang nakatitig sa kalmadong itsura ni Charlie. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Malapit sil
Dahil sa konsensya, agad na ibinaba ni Reuben ang kanyang ulo at nagpatuloy siya sa pagpapanggap habang magalang pa rin ang tono, “Nagpadala ng maraming tao ang Tokyo Metropolitan Police Department para magsagawa ng search & rescue sa Nishitama District, ganoon pa man, hindi pa rin nila nahahanap si Jasmine.”Nagpatuloy siya sa kanyang kuwento, “Sa ngayon, pinapalaki pa nila ang sakop ng kanilang search & rescue. Umaasa akong makahanap na sila ng mahalagang impormasyon, at syempre, sana mahanap na rin nila kung nasaan si Jasmine sa pinakamabilis na paraan.”Kumaway si Charlie at nagsalita siya nang diretso, “Hindi iyan ang tinatanong ko. Gusto kong malaman kung nagbigay na ba ang Tokyo Metropolitan Police Department ng desisyon kung accidental o intentional homicide ito.”Nang marinig ni Reuben ang mga salitang “intentional homicide”, nanlamig ang kanyang mga buto at nataranta ang kanyang puso. Nagsimula siyang magpawis sa likod. Mabuti na lang, nakasuot siya ng jacket kaya hindi it
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl