Share

Kabanata 2096

Author: Lord Leaf
Napagtanto na rin ni Reuben ngayon na mukhang nakamamangha ang koneksyon ni Charlie sa Japan!

Kasabay nito, lumapag na rin ang helicopter sa bakuran ng villa ng pamilya Ito.

Nang lumapag ang helicopter, 20 na lalaking nakasuot ng itim ang agad na lumapit at luminya sa magkabilang gilid ng Super Puma model na sinasakyan ni Reuben.

Sa pagkakataong ito, binuksan ng magandang babaeng nakasuot ng uniporme ng flight attendant ang pinto ng helicopter saka siya naunang bumaba, “Mr. Moore, andito na tayo!”

Kinakabahang lumunok si Reuben. Napakabilis ng tibok ng puso niya habang bumababa siya mula sa helicopter.

Nagsalita ang babae, “Mr. Moore, pakisundan na lang ako. Hinihintay na kayo ni Mr. Wade at Young Miss sa lounge ng villa.”

Agad na nagtanong si Reuben sa isang magalang na tono, “Maaari ko bang malaman kung sino ang Young Miss niyo?”

Sumagot ang babae habang nakangiti, “Kapag nakita niyo siya mamaya, siguradong sasabihin niya sa inyo kung sino siya.”

Pinilit ni Reuben na magpangg
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2097

    Naramdaman ni Reuben na ang lahat ng kanyang paniniwala, pagpapahalaga, at konsepto sa buhay ay bumaligtad bigla!Hindi niya inaakalang kakilala pala ni Charlie ang young miss ng pamilya Ito!Ano pa ang mas nakasisindak? Habang nakasuot ng kimono si Miss Ito, nakaluhod siya sa harap ni Charlie at magalang niyang pinagsisilbihan ng tsaa ang lalaki na para bang isang waitress.Hindi talaga kapani-paniwala ang eksenang ito!Nagwawala si Reuben sa loob ng kanyang puso habang nakatitig siya sa harap niya.‘Anong kalokohan ito? Naniniwala ba ang mga Japanese sa Feng Shui at metaphysics? Paano naman maloloko ng isang gaya ni Charlie si Ito Nanako?!’Nang malapit nang bumigay ang isip ni Reuben sa gulat at pagkamangha, kinumpas ni Charlie ang kamay niya saka siya ngumisi na para bang nakita niya ang anak ng kanyang kaibigan, “Hoy, Reuben, bilisan mo! Umupo ka rito.”Lalo pang nagtaka si Reuben habang nakatitig sa kalmadong itsura ni Charlie. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Malapit sil

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2098

    Dahil sa konsensya, agad na ibinaba ni Reuben ang kanyang ulo at nagpatuloy siya sa pagpapanggap habang magalang pa rin ang tono, “Nagpadala ng maraming tao ang Tokyo Metropolitan Police Department para magsagawa ng search & rescue sa Nishitama District, ganoon pa man, hindi pa rin nila nahahanap si Jasmine.”Nagpatuloy siya sa kanyang kuwento, “Sa ngayon, pinapalaki pa nila ang sakop ng kanilang search & rescue. Umaasa akong makahanap na sila ng mahalagang impormasyon, at syempre, sana mahanap na rin nila kung nasaan si Jasmine sa pinakamabilis na paraan.”Kumaway si Charlie at nagsalita siya nang diretso, “Hindi iyan ang tinatanong ko. Gusto kong malaman kung nagbigay na ba ang Tokyo Metropolitan Police Department ng desisyon kung accidental o intentional homicide ito.”Nang marinig ni Reuben ang mga salitang “intentional homicide”, nanlamig ang kanyang mga buto at nataranta ang kanyang puso. Nagsimula siyang magpawis sa likod. Mabuti na lang, nakasuot siya ng jacket kaya hindi it

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2099

    Nang ideklara ni Nanako ang kanyang determinasyon na tulungan si Charlie, agad na nagsimulang mag-isip si Reuben ng mga plano para sikretong makaalis ng Japan.Alam niyang kapag nakialam ang pamilya Ito, hindi magtatagal, malalaman rin nila ang katotohanan. Kung nasa Japan pa siya sa pagkakataong naibunyag ang totoo, siguradong hindi na siya makakabalik nang buhay sa Oskia dahil alam niyang hindi siya papakawalan ni Charlie!Ang tanging solusyon na pwede niyang gawin ngayon ay umalis agad ng Japan bago pa nila malaman ang katotohanan. Kailangan niyang bumalik agad ng Oskia para alisin si Lord Moore sa posisyon niya sa pamilya para sila na ang mangunguna ng kanyang ama sa Moore Group.Kung magagawa nilang makuha ang assets ng pamilya Moore, pwede nilang malabanan si Charlie. Matapos ang lahat, tinatayang aabot ang assets ng pamilya Moore sa halagang isa o dalawang daang bilyon—walang kakayahan ang isang gaya ni Master Wade para tumbasan ang impluwensya at kapangyarihan nila!Tinitig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2100

    Nang makaalis si Reuben, agad na nagsalita si Nanako, “Charlie-kun, tama ka! Pagkatapos ko siyang makita, ramdam ko rin na may mali kay Reuben Moore!Malamig na sumagot si Charlie, “Kung mahina at nakakaramdam ng konsensya ang isang tao, sigurado akong ibubunyag nila ang sarili nila kahit gaano pa katibay ang kanilang loob. Halata namang kinabahan agad si Reuben nang makita ka niya. Nasisindak siya sa kapangyarihan at kakayahan ng pamilya Ito. Alam niyang kapag nakialam kayo, malalaman rin natin ang katotohanan, kaya sigurado akong nakaramdam siya ng matinding takot sa pagkakataong ito.”Ganoon din, nagpatuloy si Charlie, “Sa tingin ko, susubukan niyang tumakas bago pa natin ibunyag ang katotohanan ng insidente. Kailangan mo siyang ipabantay sa mga ninjas mo. Hindi natin siya pwedeng hayaang tumakas!”Tumango si Nanako, “Huwag kang mag-alala, Charlie-kun. Ginawa ko na ang lahat ng dapat gawin. Ngayon lang, pagdating ni Reuben sa villa, pinadala ko na ang mga ninjas sa Aman Hotel. Ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2101

    Nang malaman ni Tyler na tutulungan ng pamilya Ito si Charlie na hanapin si Jasmine at imbestigahan ang nangyaring insidente, takot na takot siya kahit dalawang libong kilometro naman ang layo niya sa Japan.Walang perpektong krimen sa mundo. Nang planuhin nilang patayin si Jasmine, inisip nilang mag-iwan ng mga bakas sa Japan para isipin ng lahat na namatay si Jasmine sa Japan at walang kinalaman ang iba na wala roon.Subalit, kapag naibunyag ang katotohanan na may kinalaman sila sa pagkamatay ni Jasmine o kaya madiskubre nila Charlie na sila ang nasa likod ng aksidente, siguradong magiging malaking problema ito.Hindi lamang nila haharapin ang galit ni Lord Moore, kundi pati na rin ang lupit ng batas ng kanilang bansa. Kahit nangyari ang krimen sa Japan, isang Oskian ang biktima kaya natural lang magagamit nila ang mga batas ng bansa para arestuhin ang kriminal at paratangan ito ng parusa.Dagdag pa roon, kapag nalaman ng publiko na sila ang nagpautos ng pagpatay kay Jasmine, sig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2102

    Pagkatapos ng ilang segundo, nagpatuloy si Tyler, “Bukod pa roon, alam mo naman ang paraan ng pagtatrabaho ni Jasmine. Hindi mataas ang ambisyon niya sa buhay, kaya binubuhos niya ang lahat ng atensyon niya sa pagpapatatag at pagpapalawak ng kapangyarihan ng pamilya natin. Sa tuwing kumikita ang Moore Group, agad niyang ginagamit ang pera para sa bagong project o kaya expansion. Dahil sa ginagawa niya, hindi nakukuha ng mga kamag-anak natin ang benepisyong gusto nilang matanggap. Syempre, naiirita sila.”Ganoon din, ngumisi si Tyler, “Kapag ako na ang naging head ng pamilya, aalukin ko sila na ibenta ang lahat ng assets saka ito paghatian. Syempre, hindi tatanggi ang mga uncles mo rito. Sa pagkakataong iyon, kukuha ako ng malaking bahagi at sila na ang maghati-hati sa natitira. Hindi sila makakaangal panigurado.”Hindi mapigilang magtanong ni Reuben, “Paano kung aangal sila? Paano kung gusto nilang hatiin natin ng per capita basis? Pagkatapos ng lahat, hindi ba gusto rin nilang makak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2103

    Agad na nakahinga nang maluwag si Reuben nang malaman niyang may solusyon na ang kanyang ama sa sitwasyon.Hindi gusto nila Reuben at Tyler na maging head ng pamilya Moore. Pero, ninanais lamang nila na makuha ang malaking bahagi ng assets ng Moore Group.Pagkatapos alisin si Jasmine sa larawan, ang pinakamagandang sitwasyon ay makontrol nila ang buong pamilya. Subalit, kung hindi nila ito magagawa, masaya na ang mag-amang ito na umatras at makuha na lamang ang mga assets ng pamilya.Kaya, hindi natatakot si Tyler sa katotohanan ng pagkamatay ni Jasmine, natatakot lang siya na maagang maibunyag ang sikreto sa likod nito.Kailangan niya ng oras. Kailangan niya ng sapat na panahon para alisin ang kapangyarihan ni Lord Moore para makuha nila ang lahat ng assets ng pamilya at maibenta ito saka sila tumungo sa United States.Ang pinakamalaking tanong ngayon kung gaano katagal ang imbestigasyon nila Charlie laban sa pag-usad ng plano ni Tyler kay Lord Moore.Matapos ang lahat, aktibong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2104

    Muling nagtanong si Nanako, “Charlie-kun, ano na ang balak mong gawin kung iyan ang kaso?”Ngumiti si Charlie, “Balak kong painumin sila ng sarili nilang medisina.”“Painumin sila ng sarili nilang medisina?” Nasorpresang nagtanong si Nanako, “Charlie-kun, paano mo naman gagawin ang bagay na iyan?”Ngumiti si Charlie saka siya sumagot, “Iniisip ni Reuben at ng ama niya na mababa ang tsansa na buhay pa si Jasmine, hindi ba? Dagdag pa roon, kampante rin silang magkakaroon ng Alzheimer’s si Lord Moore? Kung talagang magtatagumpay sila sa plano nila at magbigay ako ng anunsyo na hindi natin mahanap si Jasmine saan mang sulok ng Tokyo, hindi ba makakaramdam ng panatag sila Reuben at Tyler?”Tumango si Nanako, “Siguradong iyan ang mararamdaman nila. Matutuwa ang mag-amang iyon at baka magpaputok pa sila ng fireworks sa ligaya.”Ngumiti si Charlie, “Kung gano’n, ano na lang ang mangyayari sa kanila kapag nalaman nilang walang dementia si Lord Moore at hindi talaga patay si Jasmine? Sa git

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5666

    “Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5665

    Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5664

    “Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status