Habang gumagawa si Nanako ng tsaa sa tabi, hindi niya mapigilang masabik nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie!Alam niya ang bigat ng pahayag ng lalaki.Sa simula, matindi rin ang pinsalang natanggap ni Nanako. Hindi niya maisip kung paano pa siya gagaling sa buhay na ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tinulungan siya ni Charlie at nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil lang sa isang pill.Hindi lamang iyon, pero nagkaroon rin ng matinding pagbabago ang pisikal niyang kondisyon. Bumuti ito ng higit pa.Kaya, naniniwala si Nanako na basta gugustuhin ni Charlie, siguradong maibabalik nito ang dating kalagayan ng katawan ng ama niya.Syempre, alam niyang hindi maibabalik ni Charlie ang mga paa ni Yahiko, pero kahit papaano, masaya na si Nanako na malamang handa si Charlie na ibalik ang magandang kondisyon ng katawan ng papa niya.Kung iyan ang kaso, maliban na lamang sa pagkawala ng dalawa niyang binti, masasabing magiging malusog ang kanyang ama.Sa tulong
Matapos ang lahat, marami ng Rejuvenating Pills si Charlie. Hindi niya na rin ito masyadong kailangan, ganoon pa man, malaki ang maitutulong nito kay Yahiko.Hindi naman magaling si Charlie sa pakikipaglaban at hindi rin siya ganoon katanda. Mas kakailanganin ng iba ang pill. Kahit nga isang kurot lang ng pill na itinimpla sa baso ay sapat na para maibalik ang magandang kondisyon ni Yahiko.Subalit, ang dahilan kung bakit hindi pa binibigay ni Charlie ang pill ngayon ay dahil gusto niyang kontrolin ang sitwasyon.Minsan, mas mahalagang kontrolin ang takbo ng mga bagay-bagay kaysa laging maging mapagbigay sa iba.Kahit magandang ibahagi ang biyaya sa iba, kagaya lang rin ito ng isang medisina. Pwede nitong pagalingin ang isang tao o kaya palalain pa ang kalagayan niya.Halimbawa, sa tuwing may bagong gamot na gagamitin sa injection, kailangan munang malaman ang siyentipiko at makatuwirang administration rate nito ayon sa kakayahan ng gamot pati na rin kondisyon ng pasyente.Hindi
Tanghali, sa bulubunduking bahagi ng Nishitama District.Maganda ang panahon sa Tokyo ngayong araw.Maaliwalas ang langit at mataas ang tirik ng araw, nagbibigay ito ng liwanag at init sa buong paligid.Madali lang makita ang mga bagay-bagay sa ganitong klase ng panahon. Kaya, magandang araw ito para gawin ang isang search & rescue.Buong gabing pinaghahanap ng Tokyo Metropolitan Police Department ang mga bakas ni Jasmine pero wala silang nakita kahit isa. Hindi nila mapigilang makaramdam ng kawalan ng pag-asa. Nagiging desperado na rin sila sa sitwasyon.Nakasentro ang search & rescue sa pinangyarihan ng aksidente. Noong una, hanggang limang kilometro palibot ang inimbestigahan nila. Subalit, wala silang nakuhang kahit anong resulta.Kaya, napagpasyahan ng Tokyo Metropolitan Police Department na palawakin ang radius ng search & rescue at sa halip ginawa nila itong 20 kilometro. Kapag hindi pa rin nila nahanap si Jasmine, i-aanunsyo na lang ng Tokyo Metropolitan Police Department
Nanginginig na nagsalita si Lord Moore. “Mr. Wade, nagmamakaawa ako sa iyo. Pakiusap, pumunta ka ng Japan. Natatakot akong ikaw lang ang may tsansang iligtas ang apo ko…”Hindi pa sinasabihan ni Charlie ang pamilya Moore na nasa Japan siya.Kaya, akala ni Lord Moore nasa Aurous Hill pa si Charlie.Subalit, dahil binanggit na rin ito ni Lord Moore, ayaw na niyang itago ang katotohanan. Tumugon siya, “Lord Moore, sa totoo lang, nasa Tokyo ako ngayon. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para kay Jasmine.”Nasorpresa si Lord Moore at napatanong siya, “Mr. Wade, nasa… nasa Tokyo ka?! Kailan ka dumating diyan?!”Sumagot nang matapat si Charlie, “Kagabi, narinig kong naaksidente si Jasmine. Kaya, agad kong sinabihan si Isaac ng Shangri-La na kumuha ng ticket para makarating agad ako ng Tokyo sa pinakamabilis na paraan.”Napanatag agad ang ekspresyon ni Lord Moore, “Mr. Wade, napakaswerte talaga ni Jasmine para magkaroon ng isang kaibigan na gaya mo! Nakakamangha ang kakayahan mo, kaya n
Nang marinig niyang nasa Tokyo si Charlie, agad na nanginig sa takot ang katawan ni Reuben.Hindi niya inaakalang nasa Tokyo si Charlie!Alam niyang madali niyang maliligpit si Jasmine at ang lolo niya, pero sa kabilang banda, si Charlie… hindi siya isang simpleng tao na pwede niyang maasikaso kahit kailan niya gustuhin!Kaya, nang marinig niya ang balita, natigilan siya dahil sa gulat na naramdaman niya.Sa kabilang linya, hindi mapigilang masorpresa ni Lord Moore sa reaksyon ni Reuben, “Reuben, anong problema mo? Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? May nangyari ba?”Agad na itinago ni Reuben ang tensyong naramdaman niya, kababalik niya lang sa kanyang huwisyo. Sumunod, tumugon siya, “Lolo, bakit pumunta rito si Mr. Wade? Hindi ako makapaniwala. Pumunta ba siya nang marinig niya na may nangyari kay Jasmine?”Sumagot si Lord Moore, “Napakabuting tao ni Mr. Wade. Mabuti na lang, maganda ang relasyon nilang dalawa ni Jasmine. Ngayong may nangyari sa apo ko, nagmadali si Mr. Wade na
‘Kung hindi ka sana nakikialam sa mga problema namin, hindi sana mababago ng matanda ang sitwasyon at hindi rin sana magiging si Jasmine ang head ng pamilya Moore! Kung wala ka sana, hindi ko naman papatayin si Jasmine!’Nang maisip ito, napuno ng pagkamuhi ang mga mata ni Reuben. Napabulong siya nang malamig sa sarili niya, “Charlie, huwag mong subukang gumawa ng gulo sa kaso ni Jasmine. Kung hindi, wala akong paki kung sino ka, si Master Wade ka man o kung sinong g*go! Hahanap ako ng paraan para patayin ka!”Pagkatapos itong sabihin, kumalma nang kaunti si Reuben, inilabas niya ang kanyang cellphone saka niya tinawagan si Charlie.Nang masagot ang tawag, narinig ni Reuben ang boses ni Charlie mula sa kabilang linya, “Hello.”Agad siyang sumagot, “Mr. Wade? Ako ito, si Reuben.”Nagsalita si Charlie, “Oh, ikaw pala iyan, Mr. Reuben.”Agad na tumugon si Reuben, “Mr. Wade, tawagin niyo lang akong Reuben. Tinawagan ako ni lolo ngayon lang para sabihing pumunta ka ng Tokyo dahil sa n
Nang marinig ni Nanako ang sinabi ni Charlie na dapat magarbo ang magsusundo sa kakilala niya, napangiti siya, “Charlie-kun, hindi yata sapat ang chauffeur team namin? Bakit hindi na lang ako magpadala ng ilang mga helicopters!”Napangiti si Charlie, “Nasa Aman Hotel ang taong ito. Para magpadala tayo ng helicopters sa city center… pwede ba ang bagay na ito?”Ngumiti si Nanako at seryoso siyang tumugon, “Charlie-kun, maliit na bagay lamang ito. Para sa pamilya Ito, pwede ang lahat. Kung gusto mo, ako si Nanako, ang bahalang mag-asikaso nito. Hindi kita bibiguin!”Napaisip si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya tumango. Hindi niya mapigilang tumawa, “Sige, kung gano’n, aabalahin kita para sa bagay na ito. Isa lang naman ang layunin ko, kailangan ko siyang gulatin.Napangiti si Nanako, “Charlie-kun, huwag kang mag-alala. Bibigyan natin siya ng magandang leksyon kung ano ang reyalidad!”***Sa Aman Hotel.Pinakiusapan ni Reuben ang maganda niyang babaeng assistant na lagyan
Kalmadong nagsalita ang babaeng nasa kabilang linya, “Kung iyan ang kaso, gusto kong imbitahan si Mr. Reuben na magpunta sa rooftop ngayon.”“Sa rooftop?”Napasimangot si Reuben. “Ano ang gusto mong gawin ko sa rooftop?”Sumagot ang babae, “Hinihintay kayo ng helicopter sa rooftop.”“Helicopter?” Nasorpresa nang bahagya ang ekspresyon ni Reuben. Ganoon din, hindi niya mapigilang makaramdam ng panunuya.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Nakakaawa naman si Charlie at ang kaibigan niya. Bakit naman sila nagpadala ng helicopter sa city center? Dahil lang ba may kakarampot sila na pera at hindi nila alam kung saan nila ito gagastusin? Dahil lang rumenta sila ng helicopter, sa tingin ba nila nakamamangha na sila? Masyado naman yatang mababa ang lebel nila, hindi ba?’Nang maisip ito, napangiti na lamang siya nang mapanuya pero sumagot siya nang magalang, “Sige, pakihintay na lang ako saglit. Pupunta rin ako agad sa rooftop.”“Sige. Hihintayin ko ang pagdating niyo, Mr. Reuben, sa roof
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl