Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 811 - Kabanata 820

2479 Kabanata

Kabanata 811

Tumingin si Yvette sa mga mata ni Felipe at ngumiti. "Ganito ka ba makipag-usap sa mga babae? Tingin ko do pa tayo nagkikita dahil di pa ako nakakarating ng Glendale bago ako maging girlfriend ni Jeremy." Nang sabihin niya ito, malambing siyang lumapit sa kamay ni Jeremy. Ngumiti si Jeremy at marahang hinawakan ang kamay bi Yvette. Mukhang napakalambing nila sa isa't isa. Tumalikod si Madeline dahil ayaw niyang nakikitang naglalambingan silang dalawa. Tinignan ni Felipe si Yvette at binuksan ang payong nang maglakad siya sa tabi ni Madeline. Nang marinig ni Karen ang hakbang, akala niya na iuuwi ni Jeremy ang girlfriend niya, pero nang itaas niya ang tingin niya, nakita niya si Madeline at Felipe na naglalakad nang magkatabi. Naglaho ang ngiti sa mukha niya sa isang iglap. "Tsk, isang pambihirang bisita." Nagpatuloy si Karen sa panghahamak at sinabi, "Ang isa ay ang tito na gustong sirain si Jeremy habang ang isa naman ay ang pekeng ex-wife na gustong maghiganti kay Jerem
Magbasa pa

Kabanata 812

"Ano? Buntis ka?" Tumingin si Karen kay Madeline sa gulat nang unti-unting nagkaroon ng poot ang tingin niya. "Wow, Ms. Montgomery, ang galing mo talaga. Pagkapanganak ng bata, ano kayang itatawag ko sa kanya." "Di mahalaga kung anong itawag mo dito. Ako ang nanay at tuturuan ko ito. Wala kang kinalaman dito." Kalmado si Madeline. Ngumisi si Karen at tumawa. "Eveline, talagang一" "Kainin mo ang pagkain mo," Sumingit si Jeremy nang may seryosong boses at tumingin kay Madeline. "Dahil nagdadalang-tao ka na Aunty Eveline, pakiusap alagaan mo ang katawan mo," Sinabi niya at inilapag niya ang isang pirasong ribs sa kanyang plato. "Naaalala ko dati na paborito mo ito." "Salamat Mr. Whitman, pero di ko na ito gusto. Ibigay mo na lang ito sa fiancée mo. Di mo kailangang mag-alala sa akin." Nanatiling malamig ang pakikitungo niya dito hanggang sa huli at di ginalaw ang pagkain na kinuha ni Jeremy para sa kanya. Lumingin lang siya para ngumiti kay Felipe. Nang panoorin ni Old Master W
Magbasa pa

Kabanata 813

Nakita ni Madeline ang isang bakas ng pagiging dominante at lakas sa mga mata ni Jeremy. Nababahala siya na baka magwala ito at may gawing masama sa bata sa kanyang tiyan. "Jeremy, sinabi mo na wala nang namamagitan sa ating dalawa. Dahil di mo na ako mahal, wag mo na akong gambalain." Ipinaalala ito ni Madeline at nagpumiglas na makawala sa pagkakahawak niya kasabay nito. Ngunit ngumiti nang malapad at gwapo ang lalaki. "Bakit ka natatakot sa akin? Natatakot ka ba na baka kainin kita?" Ang amoy ng wine na dala niya ay humihip sa kanyang pisngi na nagpainit sa tainga ni Madeline nang ilapag niya ang kanyang kamay sa dibdib niya. Medyo nabigla siya pero sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili para harapin ito nang nagpapanggap na walang pakialam. "Jeremy, pakiusap tandaan mo kung sino ka para sa akin. Ako ang asawa ng uncle mo, kaya ako ang aunt mo…" "Itikom mo ang bibig mo Eveline Montgomery." Bigla siyang sumingit nang may galit na tono nang tawagin siya nito sa
Magbasa pa

Kabanata 814

Nakitang pumapatak ang ulan mula sa langit sa labas ng bintana, pero para sa kanya, para itong isang malakas na ulan. "Kakarating ko lang dito at nakita ko siyang mukhang malungkot nang lumabas siya dito. May nangyari ba?" Pumasok si Yvette sa study room. Habang mukhang nag-aalala, lumapit siya kay Jeremy na di nagsasalita. "Ayos ka lang ba?" "Sinabi niya sa akin na kinamumuhian niya ako sa puntong hinihiling niya na mamatay ako." Itinaas ni Jeremy ang tingin niya na namumula. Ang mata niya ay puno ng inis at lungkot nang sabihin niya, "Ipinagbubuntis niya ang anak ni Felipe. Mukhang talagang hindi na niya ako mahal." "Siguro may pinagdadaanan siya na di niya masabi." Dinamayan siya ni Yvette. "Anong klaseng paghihirap ang mag-uudyok sa kanya na utusan ang napakaraming tao para ipapatay ako?" Ngumisi si Jeremy. Tapos tumalikod siya at idinagdag, "Noong araw na iyon sa F Country, kung hindi dahil sa'yo namatay na siguro ako." "Inililigtas ko ang sarili ko habang nililigtas kit
Magbasa pa

Kabanata 815

Ang oras na nakalagay sa CCTV footage ay ang araw bago niya mapansin si Cathy na papunta sa ospital para magpalaglag. Sa oras na iyon sa ospital, dinampot niya ang report card ng body check-up ni Cathy at nalaman na kaagad na nagpalaglag si Cathy matapos nitong malaman na ipinagbubuntis nito ang anak niya. Sa kasamaang palad, ang katotohanan ay di tulad ng inaakala niya. Noong araw na iyon, gusto niyang tapusin si Jeremy, ngunit biglang nagpakita si Madeline at sinalo ang bala para dito. Nagalit siya dahil dito at naging resulta nito ay ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob niya kay Cathy na dinadamayan siya sa study room. Tinanong niya pa si Cathy kung mahal na siya nito sa puntong ibibigay nito ang buhay nito sa kanya. Sa mga oras na iyon, nagdalawang-isip si Cathy. Akala niya na tumanggi si Cathy. Ngunit matapos panoorin ang CCTV footage na kusa nitong hinahawakan ang tiyan nito, naliwanagan na siya. Hindi sa hindi ito handang ibigay ang bujay niya para sa kanya,
Magbasa pa

Kabanata 816

"Eveline, di na kita mahal. "Ito ang finacée ko, si Yvette. "Ano? Nag-aalala ka ba na baka saktan ko ang anak ni Felipe, Mrs. Whitman?" Naramdaman ni Madeline na sumakit ang puso niya nang ilapag niya ang kamay niya sa sikmura niya. 'Jeremy, ito ang tunay mong anak. 'Sa buong buhay ko, wala akong ibang lalaki maliban sa'yo. 'Pero sa huli, di ka pa rin naniwala sa akin.' Malungkot na ngumiti si Madeline. Bigla niyang naalala na noong nakaraang dalawang araw, may isang di niya kilala na nagsabing di maganda ang kinahantungan ng relasyon niya na nag-add sa kanya sa social media. Sa ngayon, bukod sa di kilalang tao na iyon, wala siyang ibang malalapitan. Kaya tinanggap niya ang request ng estrangherong ito. Kung kailan iniisip niya kung paano babatiin ito, pinadalhan siya nito ng mensahe: [Hello miss, napakasaya ko na in-add mo ako bilang friend.] Sumagot si Madeline: [Ikinagagalak kong makilala ka, stranger.] [Miss, kakatapos lang ng relasyon ko at labis akong nalulu
Magbasa pa

Kabanata 817

Labis na natuliro si Jeremy nang kusa siyang yakapin ni Madeline. Sa gitna ng napakadilim na paligid, pinadaan niya ang daliri niya sa baywang ni Madeline nang kusa at sinabi nang mahina, "Bukod sa kontrata, ano pang dapat nating pag-usapan, Mrs. Whitman?" Di siya masisi ni Madeline na magsalita sa ganitong paraan dahil siya naman ang naunang nagsalita nang may ganitong panghahamak. "Jeremy, talagang may importanteng bagay akong kailangang sabihin sa'yo." Nang may mahinang liawanag, ibinaba ni Jeremy ang tingin niya sa taong hawak niya. "Magsalita ka." Huminga nang malalim si Madeline. Habang nag-iingat, tinignan niya ang pasukan ng conference room para masigurong walang ibang taong nakikinig. Hinawakan niya nang medyo mahigpit ang braso ni Jeremy. "Jeremy, sa totoo lang, ang ating一" Buzz, buzz. Kaunting salita pa lang ang nasasabi ni Madeline nang magsimulang umalog ang cellphone sa sahig. Lumaktaw ng tibok ang puso niya. Tumingin siya sa baba sa umiilaw na screen at
Magbasa pa

Kabanata 818

Narinig ang mahinang boses ni Felipe sa cellphone. "May nangyari kay Lillian." Biglang nagbago ang mukha ni Madeline. "May nangyari kay Lillian? Anong ibig-sabihin mo niyan?!" "Aksidenteng nadulas si Lillian at tumama ang ulo niya. Dumudugo siya nang husto. Ipinadala ko siya sa Royal Hospital para magamot siya," Kalmadong sinabi ni Felipe. Tapos tinanong niya, "Kasama mo ba si Jeremy?" "Di ko siya kasama. Bibili ako ng ticket para pumunta sa F Country ngayon na!" Lumabas si Jeremy ng conference room at nakita niya si Madeline na tumatakbo patungo sa elevator. Nagdilim ang mata niya nang magmukha siyang nagseselos. "Desperadong-desperado ka na makita siya matapos lang niyang tumawag. Eveline, ganyan ka din ba sa akin noon?" Nag-book di Madeline nang flight buong gabi para magmadaling bumalik sa F Country. Pagdating sa ospital, nasa ICU si Lillian para maobserbahan nang maigi. Sa bintana, tinignan ni Madeline ang maputlang mukhang parang manika. Nadurog ang puso niya sa nak
Magbasa pa

Kabanata 819

"Talagang ang lambing ng mga bagong kasal." Ang mga salita niya ay parang isang matalim na espada na tumagos sa puso ni Madeline. Pinigilan niya ang kanyang sarili habang nangangasim ang sikmura niya. Habang nakatitig kay Jeremy at Yvettr na magkahawak ang kamay, ngumiti siya. "Kayo din, Mr. Whitman. Ikaw at ang fiancée mo ay masyadong malambing sa isa't isa." "Malamang." Tumawa si Jeremy. Inilapag niya ang tingin niya sa mahinhin at nakangiting mukha ni Yvette bago sabihin, "Si Vetty ang liwanag sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Lagi ko siyang papahalagahan matapos maging maswerte na makilala ang ganito kabuting babae na tulad ni Vetty sa buhay ko." "Jeremy, di ako kasingbait ng sinasabi mo." Mukhang nahihiya si Yvette habang nakasandal sa balikat ni Jeremy. "Oo nga pala, dalian mo at ibigay mo sa kanila ang invitation card." 'Invitation card?' Nagtaka si Madeline. Kasunod nito, nakita niya si Jeremy na inaabot sa kanya ang isang invitation card na nakahanda para sa
Magbasa pa

Kabanata 820

'Pero paano mo naman ito malalaman Jeremy? Noong oras na iyon, itinaboy kita para iligtas ka. 'Ngayon, iniisip mo na nagbago na ang isip ko at ginagawa kitang katatawanan.' Hinawakan niya ang pangalan sa card habang nakangiti nang namumula ang mata niya. "Jeremy, siguradong magiging masaya ka kapag nalaman mong buhay pa si Lilian." Matapos maisip ang masasakit na bagay na ito, dinampot ni Madeline ang kanyang lapis ulit at iginuhit ang nasa isip niya sa disenyo. Sa susunod na araw, ipinasa niya ang disenyo kay Jeremy. Matagal na oras na ang lumipas ngunut hindi pa rin ito sumagot. Parang ito noong mga araw na binabalewala siya nito. Nang malapit nang maggabi, natanggap na ni Madeline ang sagot ni Jeremy. Sa sagot nito, sinabi niya ang kanyang hindi pagkatuwa at nakiusap sa kanya na gumawa ng bagong disenyo. Habang sinusunod ang ideya ni Jeremy, gumawa ng bagong disenyo si Madeline. Ngunit kahit matapos itong i-edit nang ilang beses, di pa rin masaya di Jeremy. Idiniin n
Magbasa pa
PREV
1
...
8081828384
...
248
DMCA.com Protection Status