Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 831 - Kabanata 840

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 831 - Kabanata 840

2479 Kabanata

Kabanata 831

Naramdaman ni Madeline na lumaktaw ang tibok ng puso niya. Kanina pa ba gising si Jeremy? Nagpapanggap lang na siya na tulog? Narinig niya ba ang lahat ng sinabi niya ngayon lang? Hindi alam ni Madeline kung paano aasikasuhin ang nangyayari ngayon, pero napagtanto niya na nag-iiba lang ng posisyon si Jeremy. Hindi siya nagpapanggap na tulog at di narinig ang sinasabi niya kanina. Nang makita niya ito, nanghinayang si Madeline, pero kasabay nito, medyo natakot din siya. 'Sa totoo lang, umaasa ako na malalaman mo ang katotohanan. 'Pero natatakot ako na baka malagay sa panganib ang anak natin ulit kapag nalaman mo.' Umalis si Madeline sa pagkakayakap ni Jeremy at ginamit ang buong-lakas niya para hilahin ang lalaki para makahiga sa kama. Nang gawin niya ang lahat ng ito, napagod si Madeline. Kaya humiga siya sa tabi ni Jeremy at nakatulog. Nang tignan ang maamong natutulog na mukha nito, itinaas ni Madeline nang marahan ang kamay nito at inilapag ito sa kanyang tiyan. "J
Magbasa pa

Kabanata 832

"Sige." Ika-ika siyang naglakad palapit sa kanya. Di nagkaroon ng pagkakataon si Madeline na magsalita bago siya balewalain. Pero hindi siya kumain ng almusal. Salungat nito, tumingkayad siya papunta sa ikalawang palapag. Pagdating niya sa dulo ng hagdan, narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa kwarto. "Wala tayong sapat na ebidensya ngayon, kaya kailangan kong pumunta sa warehouse para kumuha pa." "Mr. Whitman, masyadong delikado. Bakit di tayo bumalil sa Glendale bago tayo gumawa ng kahit na ano?" "Tingin mo ba pwede na tayong bumalik sa Glendale ngayon?" Alam na alam ni Jeremy na namarkahan na ni Felipe ang kanyang lokasyon. Ang pinakamagandang pruweba ay ang pagbaril nito kay Ken kahapon. Alam na ni Felipe kung nasaan sila. Alam din ni Felipe na kasama nila si Madeline. "Mr. Whitman, ano na pala? Di kita matutulungan kung ganito ako." "Magpaiwan ka muna dito at magpagaling. Di ka niya gugustuhing patayin ngayon kasi ako ang pinakamalaking target niya." Mukhan
Magbasa pa

Kabanata 833

Hindi nagulo si Jeremy nang makita niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Felipe. "Natanggap ko na ang pinakamagandang regalo." Para kay Jeremy, masaya na siya dahil nagawa niyang magpaalam sa pinakamamahal niyang babae bago siya pumunta dito. "Talaga?" May bakas ng pangmamaliit sa mga mata ni Felipe. "Napakatindi ng pagmamahal mo kau Eveline, pero sayang at sa akin na siya ngayon." Nainis si Jeremy nang marinig niya ang mga salitang ito. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na mahal ni Madeline si Felipe. Ayaw din niyang makita ito na dinadala ang anak ng ibang lalaki habang nagdudusa nang sobra. "Anong problema? Galit ka ba? Sisihin mo lang ang sarili mo dahil di mo pinahalagahan si Eveline noon," Sinabi ni Felipe habang dinadampot ang baril sa lamesa. Dahan-dahan niyang pinalitan ang magasin at nilagyan ng mga bagong bala. "Noon, pinatay ng grandpa mo ang mga magulang ko at pagkatapos noon naging ulila ako." "Sa sandaling pinakamahina ako at pinakakailangan ko ng kasama,
Magbasa pa

Kabanata 834

"Jeremy, tingin mo pa rin ba na makakalabas ka dito nang buhay?" Unti-unting kumalat sa mukha ni Felipe ang matagumpay niyang ngiti. Kalmado pa din si Jeremy. "Bakit di tayo magpaligsahan? Tignan natin kung sinong mas mabilis." Pagkatapos niyang sabihin ito, nagbago ang mukha ni Felipe. Di magbibiro si Felipe tungkol sa buhay niya, at hindi niya ibubuwis ito一lalo na kung katapat niya si Jeremy. Habang nagdadalawang-isip ang lalaki, binaril ni Jeremy ang baril palayo sa kamay ni Felipe. Nang malaglag ang baril, naunahan niya si Felipe na damputin ito at itinutok ito sa puso ni Felipe. Napakabilis na nagbago ng sitwasyon na naglaho na ang ngisi sa mukha ni Felipe. "Palabasin mo sila," Iniutos ni Jeremy. Galit na iniutos ni Felipe. "Labas." "Mr. Whitman, kami一" "Layas!" Naiinip silang itinaboy ni Jeremy. Hindi naglakas-loob ang mga bodyguard na suwayin ang utos niya kaya lumabas sila para bantayan sila. Alam nila na kapag nagpadalos-dalos si Jeremy, magpapaputok si
Magbasa pa

Kabanata 835

Ang di natitinag na titig ni Madeline ay parang isang nagyeyelong alon na bumabasa sa puso niya. Ang walang-tigil na lamig ay bumalot sa kanya mula ulo hanggang paa. Handa niyang ibuwis ang buhay niya para kay Felipe. Sumimangot siya at tumitig nang diretso kay Madeline. "Talaga bang ganyan mo siya kamahal?" Tumingin si Madeline sa nasasaktan na mata ni Jeremy at sinabi nang seryoso, "Oo mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang ama ng batang dinadala ko ngayon." Nang makuha ni Jeremy ang sagot na ito, isang di mapipigilang galit ang lumitaw mula sa ilalim ng mga mata niya. Bigla niyang kinalabit ang gatilyo. Tumalsik ang bala nang malakas at tumama sa bintana sa gilid. Nang mabasag ang salamin, nabasag din ang puso ni Jeremy kasabay nito. Tinignan ni Madeline si Jeremy na biglang nagpaputok, at nagwawala ang tibok ng puso niya. Ang mapagbantang mata ng lalaki ay puno ng kagustuhang pumatay at ang buong katawan niya ay naglalabas ng isang nakakakilabot na lamig. Tila ba ka
Magbasa pa

Kabanata 836

Nanlamig ang katawan ni Madeline sa sinabi ni Felipe. Kaagad siyang lumingon at kinakabahang nagtanong, "Anong binabalak mo Felipe? Anong gusto mong gawin kay Jeremy?" Sumimangot wi Felipe. "Di ko hahayaang mabuhay ang kahit sinong gustong sumira sa foundation ko!" Nakaramdam ng sakit si Madeline sa kanyang puso nang marinig niya ito. "Felipe, pamangkin mo si Jeremy! Gusto mo ba talaga siyang patayin?" "Pamangkin?" Sarkastikong ngumisi si Felipe. "Noong pinatay ng matanda ang mga magulang ko, inisip din ba niya na kapatid niya ang tatay ko?" "Hindi yan gagawin ni Grandpa. Malamang isa itong hindi pagkakaunawaan!" Idiniin ni Madeline, pero halatang di makikinig sa kanya si Felipe. Tinignan niya ang nag-aalalang mga mata ni Madeline at ngumisi siya. "Kahit na ganon, hindi nito mapipigilan ang mangyayari kay Jeremy." "Felipe, sabihan mo ang mga tao mo na itigil ito ngayon na!" "Huli na." Ngumiti nang bahagya si Felipe, habang dumidilim ang mga mata niya. Naramdaman ni
Magbasa pa

Kabanata 837

Tumayo doon si Madeline nang hindi gumagalaw sa tapat ng pinto at tinignan ang lalaki na nakatutok ang baril sa kanya. Nagsimulang kumalma ang nagwawala niyang puso. Nakatutok ang baril ni Jeremy sa kanya, at may dugo pa sa kanyang palad. Mayroon ding mga mantsa ng dugo sa kanyang kayumangging leather jacket. Kasinlalim ng gabi ang mga mata niya at puno ng kagustuhang pumatay at malisya. Sa sandaling ito, nakatitig ito nang maigi kay Madeline. Mukha siyang isang demonyo na nanggaling sa isang pagpaslang. Isang kagustuhang pumatay ang lumalabas sa bawat sa kanyang katawan. Kahit na ganon, gwapo pa din siya tignan. Nang makita niya na ang taong pumasol ay si Madeline, ang madilim na aura sa likod ng mata niya ay bahagyang nawala. Ngunit sa halip ay nagsimulang lumabas ang pagiging sarkastiko sa mga mata niya. "Nandito ka ba para tignan kung patay na ako?" Sarkastiko niyang tanong at dahan-dahan siyang lumapit kay Madeline. "Isa kang napakabait na asawa kay Felipe. Di ka lang
Magbasa pa

Kabanata 838

Nilagpasan ng chopper ang mga assassin at naglaho ito sa sandaling lumiko ito sa isang sulok. Nalaman ni Felipe na tumakas si Jeremy kasama ni Madeline kaya inutusan niya ang mga tauhan niya na tugisin sila. Ngunit pagkatapos ng buong umaga, di pa rin nila nahanap si Jeremy. "Jeremy." Binanggit niya ang pangalan nito habang nagkakaskasan ang mga ngipi niya. "Hangga't nasa F Country ka, di ka makakatakas sa kamay ko." … Sa loob ng isang hotel sa labas ng bayan, dinala si Madeline sa isang maliit na kwarto na nasa 60 square feet lamang ang sukat. Gumagawa ng mahinang tunog ang ulan sa bintana, at nababahalang naghihintay si Madeline na bumalik ang lalaki. Hindi alam ni Madeline kung anong gagawin ni Jeremy. Kalahating oras na siyang wala. Kaya nagsimula na siyang mag-alala. Gusto niyang hanapin ito pero ikinandado nito ang pinto bago ito umalis. Sa sandaling ito, narinig niya ang tunog ng pinto na bumubukas, kaya itinaas niya ang kanyang tingin para tignan ito. Pumasok
Magbasa pa

Kabanata 839

Hindi nakapaghanda si Madeline, at dumikit ang ilong niya sa matikas na dibdib ng lalaki. Nanlaki ang mata niya at tinignan ang gwapong lalaking naliligo sa harap niya nang nakatulala. Sa sandaling ito, naramdaman niyang umangat ang init sa dulo ng kanyang ilong. Pumapatak ang tubig mula sa kanyang ulo, at nanlabo ang paningin niya. Gusto niyang tumingala para punasan ang tubig sa kanyang pilikmata. Pero biglang hinawakan ni Jeremy ang braso niya. Tapos ginamit nito ang kanang kamay nito na nakakabit sa lubid para hawakan ang ulo niya. Sa isang iglap, hinalikan siya nito sa labi. Nabigla si Madeline. Naalala lang niyang itulak ito palayo nang basa na ang buong katawan nito. Ngunit nang mahawakan niya ang hubad na katawan nito, naramdaman niyang umiinit ang daliri niya. Nag-aalala siya na mawawala sa sarili ang lalaki kaya sinubukan niyang ilayo ang braso niya nang pwersahan. Ngunit napukaw lang ng pagpumiglas niya ang kagustuhan nitong mangibabaw. Walang magawa si Madeline ku
Magbasa pa

Kabanata 840

Tinignan niya ito at hindi siya pumalag. Sa halip, hinawakan niya ang kamay nito at ipinikit ang mata niya. "Jeremy…" Marahang tinawag ni Madeline ang pangalan niya, ngunit bago pa siya makapagsalita, idiniin ni Jeremy ang labi nito sa kanya nang hindi napipigilan ang sarili nito. Naramdaman ni Madeline na naguguluhan ang puso niya. Nagblangko ang isip niya. Hindi niya maalala kung paano siya nauwi sa kama kasama ang lalaking ito. Dumapo sa mukha niya ang halik ng lalaki, at nang tatanggalin na nito ang damit niya, nakita nito na suot niya ang makulay na kabibe sa leeg niya na parang isang kwintas. Nagsimulang magwala ang tibok ng puso ni Jeremy. Tapos hinalikan niya ang kabibe. Kahit na hindi komportable ang kama nila, para kay Jeremy, higit pa ito sa sapat na makasama si Madeline sa isang maliit at simpleng kwarto. Sa susunod na araw, nagising si Madeline sa braso ni Jeremy. Kaagad na uminit ang mukha niya. Naalala niya ang nangyari kagabi at nagsimula siyang mata
Magbasa pa
PREV
1
...
8283848586
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status