Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 851 - Kabanata 860

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 851 - Kabanata 860

2479 Kabanata

Kabanata 851

Nakita ni Madeline ang isang lalaki na nakahiga sa isang kama sa kanyang harapan. Hindi siya magkakamali sa anyo ng lalaking ito. Sinara niya ang pinto at mabilis na lumapit. May narinig na mga ingay si Jeremy pero wala siyang pakialam. Ngunit, pamilyar ang tunog ng mga yabag na papalapit sa kanya. Lumingon siya at nakita niya si Madeline. Pagkatapos ay nagliwanag ang kanyang mga madidilim na mata. Nang magkita ang kanyang mga mata, nakaramdam ng kirot si Madeline sa kanyang puso. Nakasuot siya ng isang manipis na damit habang nakabalot ng bandages ang kanyang sugat. Pero nakikita niya na may dugong tumatagas mula sa kanyang sugat. Sumama ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang kanyang pagod at maputlang mukha. "Jeremy." Umupo siya sa kama at tinulungan siyang bumangon. "Ayos ka lang ba? Kumusta ang sugat mo?" Pagkatapos makaupo ni Jeremy, nakita ni Madeline ang isang makapal na kadena na nakakabit sa kanang pulso ni Jeremy. Kapag bahagya siyang kumilos ay mahihi
Magbasa pa

Kabanata 852

"Jeremy, noong ipinagbuntis ko sina Jack at Lily, wala kang pakialam at hindi ka nag-aalala sa'kin. Gusto mo ba akong malungkot kagaya sa mga nauna kong pagbubuntis?" Tumayo siya. "Aalis na ako. Wag kang mag-alala. Hindi kita papatayin, pero wag mo nang isiping patayin ang batang nasa loob ko." “Linnie.”Gustong pigilan ni Jeremy si Madeline, pero umalis siya nang hindi man lang lumilingon. Sumakit na naman ang sugat niya, pero hindi ito maikukumpara sa kirot sa kanyang puso. 'Linnie, ang saya na naramdaman ko nang malaman kong magkakaanak tayong muli ay katumbas ng sakit nang malaman kong mawawala sa'kin ang anak ko. 'Pero, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa'yo na nasa puso ko.' Kahit na hindi kayang pabayaan ni Madeline si Jeremy, alam niya na hindi siya pwedeng makita. Tahimik siyang umalis sa basement at tumalikod para makita ang isang bodyguard na papasok. Napakasalbahe ni Felipe. Hindi siya kasing malumanay kagaya ng kanyang itsura. Sa kabaligtaran ay napakat
Magbasa pa

Kabanata 853

Pumasok sa kanyang tainga ang mga sigaw ni Jeremy. Nararamdaman ni Madeline ang matinding inis at galit sa kanyang boses. Siguro hindi nakakatakot ang kamatayan sa isang tao, pero ang hindi niya talaga kayang harapin ay ang mapanood ang babaeng mahal niya na lumapit sa ibang lalaki. Pero tuwang-tuwa si Felipe. Habang mas lalong nasasaktan si Jeremy ay mas lalo siyang sumasaya. Nang makita niya si Madeline na naglalakad papunta sa kanya, iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Madeline. "Eveline Montgomery!" Hindi makayanan ni Jeremy ang panoorin si Madeline na maglakad papunta kay Felipe. Hindi niya pinansin ang kanyang sugat at sinubukang makawala. Ang biglaang pagsabog ng kanyang lakas ay nakasira sa mga kadena sa kanyang braso. Nang mangyari ito ay gulat na gulat si Felipe. Kahit ang mga bodyguard sa likod niya ay nagulat. Paano siyang nakawala sa mga kadena niya? Ngunit, sobrang nakatuon si Jeremy sa gagawin niya na kaagad siyang sumugod papunta k
Magbasa pa

Kabanata 854

"Hindi, hindi ako papayag. Maraming araw na ang nakalipas at kailangan kong iuwi ang asawa ko." Bigla na lang, isang matamis na boses ng isang babae ang narinig mula sa pintuan ng basement. Lumingon si Madeline at nakita niya si Yvette na hindi pinansin ang agresibong bodyguard habang kalmado siyang pumasok. Nakita ni Felipe ang biglaang paglitaw ni Yvette at nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Naramdaman pa niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pinansin ni Yvette ang tingin ni Felipe. Naglakad siya papunta kay Jeremy, at nang nakita niya ang dugo sa kanyang likod ay nagbago ang kanyang ekspresyon. "May sugat ka, Jeremy. Dadalhin na kita sa ospital." Itinayo niya ni Yvette, pero hindi gustong bitawan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. Nang makita ni Madeline ang determinasyon sa kanyang mga mata ay hinila niya ang kanyang kamay papalayo. "Jeremy, umalis ka na. Wag mong pag-alalahin ang fiancée mo." "Tama si Mrs. Whitman. Jeremy, tara na." Tinignan ni Yvette
Magbasa pa

Kabanata 855

Sinusubukan pa rin niyang pilitin ang babaeng ito na aminin ang kanyang pagkatao, pero sa hindi niya inaasahan, ibinuking niya ang kanyang sarili nang walang pag-aalinlangan. Habang tinignan niya ang mapang-akit na mukha sa kanyang harapan, hindi niya mapigilan na isipin ang matamis at kaaya-ayang mukha mula sa kanyang alaala. Pakiramdam ni Felipe ay para bang nahiwa ng kutsilyo ang kanyang puso. Iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang braso ni Cathy at hinila ito papalapit sa kanya. "Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka nagpaplastic surgery? Para lang ba magpanggap kang ibang tao sa harapan ko?" Malamig ang kanyang tono at mukhang nakakalula ang kanyang mga mata. Ngunit wala nang takot sa mga mata ni Cathy. Sa kabilang banda, ngumisi siya sa pagkamuhi. "Mr. Whitman, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Nagpaplastic surgery ako dahil may sumira ng mukha ko." Nanlaki ang mga mata ni Felipe habang lumitaw ang gamit sa kanyang mga mata. "Anong sabi mo? May sumir
Magbasa pa

Kabanata 856

Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi sa ospital, gumanda na ang pakiramadam ni Jeremy. Sa dalawang araw na iyon, sobra siyang nangulila para kay Madeline. Nag-aalala rin siya kung pinagbabantaan ba siya ni Felipe. Ngunit, sa sandaling ito, lumitaw si Madeline sa kanyang harapan. Kasabay nito, nasa tabi niya si Felipe. Ang malambing na titig na ni Jeremy ay kaagad na naging matalim. Hindi niya pinansin ang kanyang sugat at tinanggal ang kumot para bumangon. Tumakbo si Madeline papunta sa kanya at pinigilan siya. "Ingatan mo ang sugat mo." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at nag-aalalang tinignan ang kanyang mukha. "May ginawa ba siya sa'yo?" "Gusto mo ba?" Suminghal si Felipe. "Hindi ko hilig na manakit ng mga babae." Nang marinig iyon ni Jeremy, pakiramdam niya ay nagsasabi ng kalokohan si Felipe. "Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo? Nakalimutan mo na ba ang babaeng nakunan nang dalawang beses at nagpasya na patayin ang kanyang sarili sa kawalan ng pag-as
Magbasa pa

Kabanata 857

Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at nilagay ito sa kanyang tiyan. "Masaya ka na ba sa sagot na to?" Napahinto si Jeremy. Hindi maintindihan ng kanyang utak ang nangyayari sa sandaling ito. Ngunit, unti-unti niyang naintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Madeline. Marahan na hinimas ng kanyang kamay ang maliit na umbok sa kanyang tiyan, at nakaramdam siya ng ligaya na umaakyat sa kanyang dibdib na hindi pa niya nararamdaman noon. 'Ang anak ko. 'Ang anak ko kay Linnie.' Nagsisi si Jeremy na hindi niya siya pinahalagahan o inalagaan noong nagbuntis siya bago ito. Hindi man lang niya hinawakan ang kanyang tiyan noon. Ngunit, nang maisip niya ang kanyang kondisyon, nakaramdam na naman siya ng kirot sa kanyang puso. Pipiliin niya si Madeline nang walang pag-aalinlangan kung kailangan niyang mamili sa kanilang dalawa ng bata. Nagpasya si Jeremy na sabihin kay Madeline ang kanyang kondisyon nang marinig niya siyang magsalita, "Jeremy, wala ka sa tabi ko noong
Magbasa pa

Kabanata 858

"Felipe, hindi na kita mahal." Tumagos sa puso ni Felipe ang mga salitang iyon, at sa isang iglap, nakaramdam siya ng lamig na kumalat sa kanyang likod. Para bang may nabasag sa loob ng kanyang katawan. Itinulak palayo ni Cathy ang kamay ni Felipe nang walang bakas ng pangungulila sa kanyang mga mata. "Felipe, sobra mo akong dinismaya. Babayaran kita para sa pagsuporta mo sa'kin sa nagdaang sampung taon. Mula ngayon, wala nang utang na loob sa pagitan nating dalawa." Gusto niyang tumalikod at umalis nang bigla siyang may naalala. Tinignan niya ang lalaki na nakatayo sa iisang lugar nang may seryosong ekspresyon. "Wag mo nang subukang saktan muli ang fiancé ko. Kung hindi, ipapadala ko ang video sa pulis."Nagdilim ang mga mata ni Felipe nang marinig niya ito. Malamig niyang tinitigan ang likod ni Cathy. "Cathy Jordan, pinagbabantaan mo ba ako para sa ibang lalaki?" Huminto si Cathy at malamig na sumagot, "Hindi ka na mahalaga para sa'kin." Hindi makapaniwalang tinignan ni
Magbasa pa

Kabanata 859

Nang marinig iyon ni Madeline, alam niya na isa itong malaking problema. Ngunit mayroong pagkakaiba sa lakas ng babae at lalaki. Pagkatapos maipasok si Madeline sa loob ng van ay mabilis itong umandar papalayo. Nang makita ito ng mga bodyguard ay kaagad nilang hinabol ang van at tinawagan si Felipe. "Mr. Whitman, may kumidnap kay Ms. Eveline!" "Ano?" Biglang kinabahan si Felipe. Kasabay nito ay nakatanggap siya ng isa pang tawag. Pagkatapos niya itong tignan, naintindihan niya kaagad kung ano ang nangyayari. Sinagot niya ang tawag, at mula sa kabilang linya ay narinig niya ang aroganteng boses ng isang lalaki. "Mr. Whitman, may oras ka ba para uminom ng tsaa kasama ko? Naghanda ako ng pinakamagandang klase ng black tea para sa'yo." "Inutusan mo ba ang mga tao mo na kidnapin si Eveline?" "Inimbitahan ko lang siya na uminom ng tsaa kasama ko. Hindi ba iniimbitahan rin kita, Mr. Whitman?" Arogante pakinggan ang boses ng lalaki. Malamig na nagsalita si Felipe, "Papunta na
Magbasa pa

Kabanata 860

"Mr. Whitman, kung hindi ka papayag sa kasunduan ito, natatakot ako na hindi makakalabas rito ang magandang piyesa ng sining na ito. Tama ba ako, sweetie?" Hindi gustong tulungan ni Madeline ang kahit na sino sa kanila pagkatapos niyang tignan ang aroganteng ekspresyon ng lalaki at ang madilim na mukha ni Felipe. Ang tanging tao na gusto niyang tulungan sa ngayon ay and sarili niya at si Jeremy. Habang nagdadalawang-isip si Felipe ay tumayo si Madeline nang may maliwanag na ngiti. "Sinong may sabing lalabas ako?" Nang sinabi iyon ni Madeline ay nabigla sina Felipe at Fabian. Tinignan ng dalawang lalaki ang kanyang nakangiting mukha, ang kanilang mga mata ay puno ng pagdududa at gulat. "Eveline, anong sinasabi mo? Gusto mo bang manatili rito?" Hindi makapaniwala si Felipe. Malamig na tiningnan ni Madeline si Felipe bago nilipat ang kanyang magagandang mata sa mukha ni Fabian. "Ang ganda ng trato niya sa'kin rito na ayaw ko nang umalis." Nagliwanag ang mga mata ni Fabian
Magbasa pa
PREV
1
...
8485868788
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status