Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 861 - Kabanata 870

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 861 - Kabanata 870

2479 Kabanata

Kabanata 861

Napansin ni Cathy na mayroong mali sa ekspresyon ni Felipe nang sinabi niya iyon. Ngunit, nang maintindihan ng utak niya kung anong nangyayari at itutulak na niya sana siya palayo, binuhat siya ni Felipe sa baywang. "Anong ginagawa mo? Felipe!" Nagpumiglas si Cathy, pero hindi siya manalo kay Felipe pagdating sa lakas. Isang bagyo ang lumitaw sa mga mata ni Felipe nang makita niya ang pagpupumiglas ni Cathy. Hindi niya siya kailanman tinanggihan. Hindi! Malakas niya siyang binato sa sofa. Wala na ang dati niyang kamalumanayan. Napangiwi si Cathy sa sakit at mahigpit na hinawakan ang mga braso ni Felipe. Hindi niya inasahan na gagawin ng lalaking ito ang ganito sa kanya. Tumulo ang luha sa mukha ni Cathy habang nagdilim ang mga mata ni Felipe. Pagkatapos, kinurot niya ang kanyang kaakit-akit na mukha. "Naaalala mo na ba? Hmm?" Pumikit si Cathy at pinigilan tumingin sa mukha na kanya pa ring minamahal. Hindi niya makita ang galit sa likod ng mga mata ni Felipe. Sigu
Magbasa pa

Kabanata 862

Ang kanyang elegante at gwapong mukha ay puno ng madidilim na ulap. "Jeremy, anong ginawa mo kay Cathy? Bakit sinusunod ka niya? Aagawin mo ba ang lahat sa'kin, mula sa babae ko hanggang sa career?" Nakahiga si Jeremy nang hindi man lang kumukurap. "Ang mga bagay na ninakaw, mapa-tao man yan o bagay, ay mawawala rin sa'yo balang araw. Felipe, minahal ka ni Cathy noon pero hindi mo siya pinahalagahan." Para bang nakarinig si Felipe nang isang malaking biro. "Pinahalagahan mo ba si Eveline noon? Bakit hindi pa rin niya gustong iwanan ang isang g*gong kagaya mo pagkatapos niyang muntik mamatay nang dahil sa'yo?" Nanlaki ang mga mata ni Jeremy at tinignan nang malamig si Felipe. "Pareho tayong g*go. Pero ako, nagsisi ako. Eh ikaw? Nakaramdam ka ba ng kahit na konting pagsisisi nang malaman mo na nagpakamatay si Cathy nang dahil sa'yo? Hindi. Kung nagsisi ka, tumigil ka na sana sa panggugulo sa asawa ko." "Asawa mo?" Suminghal si Felipe. "Nasa ibang lalaki na ang asawa mo."Biglang
Magbasa pa

Kabanata 863

Nararamdaman ni Madeline na inuusisa siya ni Jeremy. Kung kaya hinawakan niya ang kanyang kamay. "Jeremy, may tiwala ka ba sa'kin?" "May tiwala ako sa'yo." Hindi siya nagdalawang-isip bago sumagot. Mayroong lambing sa kanyang nga mata. "Pero Linnie, hayaan mong dalhin ko rin ang problema mo." Sinabi sa kanya ni Madeline pagkatapos niyang maramdaman ang kanyang katapatan, "Jeremy, maaayos rin ang lahat. Kailangan mo lang malaman na ang dahilan kung bakit malamig ako sa'yo ay dahil mayroon akong mga problema na kailangan kong ilihim." Naguluhan si Jeremy. Pagkatapos ay nagtanong siya, "Linnie, bakit hindi mo sabihin sa'kin ang totoo?" "Ayaw kong sumugal." Pinigilan ni Madeline ang kagustuhan niyang sabihin na buhay pa si Lilian. "Hindi pwede." Hindi na muling nagtanong si Jeremy pagaktapos niyang makita ang determinasyon sa mga mata ni Madeline. Hinawakan niya ang kamay ni Madeline at nilagay ito sa tapat ng kanyang labi bago ito hinalikan. "Sapat na malaman ko na may ibang d
Magbasa pa

Kabanata 864

Gustong pasayahin ni Madeline ang lalaking ito pagkatapos niyang malaman ang lahat ng paghihirap na kanyang pinagdaanan, pero para bang nawawalan na siya ng kontrol. Binuksan ni Madeline ang kanyang mga mata at hinawakan ang kanyang kamay. "May oras pa tayo, kaya wag nating gawin to ngayon." Hindi makontrol ni Jeremy ang kanyang sarili, pero hindi rin siya makatanggi sa mga hiling ni Madeline. Dahil dito, niyakap niya na lang siya at natulog. …Hindi alam ni Felipe na nasa kwarto ni Jeremy si Madeline. Akala niya ay nasa lugar pa rin ni Fabian si Madeline. Fabian Johnson.Nakaramdam ng matinding pandidiri si Felipe sa lalaking iyon. Hindi lang dahil kinampihan ni Madeline si Fabian, pero dahil sinira ng Stygian Johnsons ang mukha ni Cathy. Binuksan niya ang kanyang drawer at naglabas ng isang album. Ang album ay puno ng mga larawan ni Cathy. Ang lahat ng larawan na ito ay simula noong unang pinag-aral niya siya hanggang sa araw na magtapos siya. Lahat ng kanyang lar
Magbasa pa

Kabanata 865

Alam ni Jeremy na hindi na niya ito maitatago sa kanya. Kahit na ganoon ay hindi siya tumango. Sa halip ay marahan siyang nagpaliwanag, "Linnie, hindi ito ganoon kasama kagaya ng iniisip mo. Iyon nga lang…" "Ano?" "Bumabalik na naman ang mga sintomas mo noon." Nahanap na ni Jeremy ang mga salitang napakahirap na sabihin. Bumabalik? Naalala ni Madeline kung paano siya nagkasakit noong ipinagbuntis niya si Jackson. Sariwa pa rin ang sakit ngayong naisip niya ito. Marahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan at naintindihan na niya kung bakit pinipilit ni Jeremy na ipalaglag ang bata. "Linnie, wag kang masyadong mag-alala. Tinanong ko ang doktor at basta maoperahan ka, ayos na ang lahat. Halos tiyak rin ang tyansa ng paggaling mo." Hinawakan niya ang kanyang kamay at nakaramdam ng pagsisisi. Mayroong pilit na ngiti sa kanyang gwapong mukha. "Linnie, sa totoo lang… Sa totoo lang, ayos lang kahit si Jackson lang ang mayroon tayo. Ayaw na kitang makitang magdusa pang muli. Sa
Magbasa pa

Kabanata 866

Nang ipinagbuntis niya noon si Jackson, mas malala ang kalagayan niya noon kumpara ngayon. Noong nakulong siya dahil sa bagay na hindi niya ginawa, halos hindi niya mabuhay ang bata at pati siya ay halos mamatay sa kulungan. Ngunit, pinadalhan siya ni Daniel ng mga gamot at tinulungan siya nito na ipanganak nang ligtas si Jackson. At saka, nagdusa rin siya habang nasa bingit ng kamatayan nang ilang panahon. Ngunit, interesado siya kung ano ang iniisip ni Jeremy kay Adam. Sa sandaling ito ay nakabalik na si Cathy. Binigay niya ang gamot na nakuha niya mula kay Adam. Mayroong iilang pill sa loob ng maliit at malinaw na bote. Nang makita ito ni Madeline ay kaagad niya itong nakilala. "Ang mga gamot na to…" "Alam ko na hindi ka papayag na ipalaglag ang bata, kaya tinawagan ko si Adam matagal na." Nasagot ng sinabi ni Jeremy ang pagtataka ni Madeline. Pero hindi pa rin niya maintindihan. "Paano mo nalaman na nabuhay ako sa sakit ko nang dahil sa gamot ni Adam noon?" N
Magbasa pa

Kabanata 867

Nang lumapit siya para tignan ito nang maigi ay biglang bumukas ang pinto ng study. Pumasok si Felipe. Nang makita niyang nagpunta sa tamang oras si Cathy, ngumiti siya sa pagkakuntento. Nabigla si Cathy sa kanyang maliit na ngiti at malumanay na itsura. Ngunit, nang maalala niya ang dalawang bata na nawalay sa kanya, naramdaman niyang lumamig ang kanyang puso. "Sa tingin ko handa kang gawin ang lahat para kay Jeremy ngayon," makahulugang sabi ni Felipe habang naglalakad papunta sa harapan ni Cathy. Lumingon palayo si Cathy sa pandidiri. "Si Jeremy ang fiancé ko, kaya syempre handa akong gawin ang lahat para sa kanya." Nawala ang ngiti ni Felipe. Hindi niya gustong marinig na sabihin sa kanya ni Cathy na nag-aalala siya sa ibang lalaki. "Kung talagang nag-aalala ka sa kanya, pasayahin mo ko mula ngayon. Kung hindi, wag ka nang umasa na makakaalis siya ng F Country nang ligtas." Ang mga banta na narinig ni Cathy ay parang mga salita ng demonyo. Muli, dinurog nito ang kan
Magbasa pa

Kabanata 868

"Nawala na ang pagmamahal at obsesyon ko sa'yo sa sandaling nawala sa'kin ang dalawa kong anak." Suminghal si Cathy. "Pinagsisisihan kong minahal ko ang isang lalaking kagaya mo sa unang beses kitang nakita." Suminghal si Felipe. "Tapos ka nang magsisi. Cathy, wag ka nang mag-isip na tumakas mula sa palad ko hanggang sa nabubuhay ka. Sa'kin ka lang habangbuhay." Nabalot siya ng kanyang mapang-angking mga mata at nalamon nito ang titig ni Cathy na puno nang panlalaban. …Sa sumunod na ilang araw, unti-unti nang gumaling ang sugat ni Jeremy, pero matagal-tagal pa rin bago siya gumaling nang tuluyan. Sa mga nagdaang ilang araw, binibisita siya ni Madeline, kakain kasama niya, at papainumin siya ng gamot. Sinabi sa kanya ni Jeremy na hindi nagpunta at nanggulo si Felipe sa nagdaang ilang araw. Tumigil na rin ang mga bodyguard sa pagbabantay sa pintuan. Naramdaman ni Madeline na mayroon kakaiba. Alam niya na hindi hahayaan ni Felipe si Jeremy nang ganoon kadali, kaya naisi
Magbasa pa

Kabanata 869

Mayabang siyang tinignan ni Madeline, "Oo, anak namin ni Jeremy." Kaagad na nagdilim ang mukha ni Felipe. Gusto pa niyang malaman ang tungkol rito nang nagsalita si Madeline, "Felipe, walang kinalaman sa'yo ang bata sa sinapupunan ko. Akala mo may nangyari sa'tin sa gabing iyon, pero ang totoo, naghallucinate ka lang dahil sa aromatherapy kit na ginawa ko para sa'yo."Nananaginip ka lang. Isa lang iyong panaginip na gusto mong mangyari." Naniniwala si Felipe sa kakayahan ni Madeline na maghalo ng mga pabango, pero masyadong matindi ang katotohanan na ito. Sa simula pa lang, naniwala siya na ipinagbubuntis ni Madeline ang anak niya. Akala niya napasakanya na siya. Hindi niya inakala na ang gabi na pinagsamahan nila ay isa lamang panaginip. Nanlumo siya, pero kung iisipin niya, nanaginip nga siya sa gabing iyon. Sa panaginip niya, ang babaeng nakasama niya ay si Cathy. "Felipe, mula ngayon, hindi na ako matatakot sa'yo. Kapag may inutusan ka na saktan si Jeremy, ako mismo ang
Magbasa pa

Kabanata 870

Kaagad itong naintindihan ni Felipe pagaktapos niyang marinig iyon. 'Eveline, ito pala ang dahilan kung bakit kumakampi ka kay Felipe. 'Isa ka nga talagang maganda at matalinong babae. 'Pero, kung sa tingin mo pwede kayong magkabalikan ng pamilya mo nang ganito, masyado ka pang mababaw. 'Siguro oras na para malaman mo kung anong klaseng tao talaga ako.' …Sa ospital. Tinignan ni Cathy ang oras at nagpunta sa manor ayon sa oras na binanggit ni Felipe. Ngunit nang tumalikod siya, nakita niya si Felipe na sumugod sa kanya. Nakakakilabot ang kanyang mukha at mayroong malamig na hangin na nagmumula sa kanyang katawan. Malinaw na hindi maganda ang timpla niya. Nararamdaman niya na narito si Felipe para gumawa ng gulo kay Jeremy. Dahil dito ay hinarangan niya ang pinto. "Anong ginagawa mo rito? Di ba sabi mo basta't pumunta ako sa manor mo sa tamang oras bawat gabi ay di ka pupunta para guluhin si Jeremy?" Pinaalala sa kanya ni Cathy nang may mahinang boses. Nag-aalala si
Magbasa pa
PREV
1
...
8586878889
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status