Mayabang siyang tinignan ni Madeline, "Oo, anak namin ni Jeremy." Kaagad na nagdilim ang mukha ni Felipe. Gusto pa niyang malaman ang tungkol rito nang nagsalita si Madeline, "Felipe, walang kinalaman sa'yo ang bata sa sinapupunan ko. Akala mo may nangyari sa'tin sa gabing iyon, pero ang totoo, naghallucinate ka lang dahil sa aromatherapy kit na ginawa ko para sa'yo."Nananaginip ka lang. Isa lang iyong panaginip na gusto mong mangyari." Naniniwala si Felipe sa kakayahan ni Madeline na maghalo ng mga pabango, pero masyadong matindi ang katotohanan na ito. Sa simula pa lang, naniwala siya na ipinagbubuntis ni Madeline ang anak niya. Akala niya napasakanya na siya. Hindi niya inakala na ang gabi na pinagsamahan nila ay isa lamang panaginip. Nanlumo siya, pero kung iisipin niya, nanaginip nga siya sa gabing iyon. Sa panaginip niya, ang babaeng nakasama niya ay si Cathy. "Felipe, mula ngayon, hindi na ako matatakot sa'yo. Kapag may inutusan ka na saktan si Jeremy, ako mismo ang
Kaagad itong naintindihan ni Felipe pagaktapos niyang marinig iyon. 'Eveline, ito pala ang dahilan kung bakit kumakampi ka kay Felipe. 'Isa ka nga talagang maganda at matalinong babae. 'Pero, kung sa tingin mo pwede kayong magkabalikan ng pamilya mo nang ganito, masyado ka pang mababaw. 'Siguro oras na para malaman mo kung anong klaseng tao talaga ako.' …Sa ospital. Tinignan ni Cathy ang oras at nagpunta sa manor ayon sa oras na binanggit ni Felipe. Ngunit nang tumalikod siya, nakita niya si Felipe na sumugod sa kanya. Nakakakilabot ang kanyang mukha at mayroong malamig na hangin na nagmumula sa kanyang katawan. Malinaw na hindi maganda ang timpla niya. Nararamdaman niya na narito si Felipe para gumawa ng gulo kay Jeremy. Dahil dito ay hinarangan niya ang pinto. "Anong ginagawa mo rito? Di ba sabi mo basta't pumunta ako sa manor mo sa tamang oras bawat gabi ay di ka pupunta para guluhin si Jeremy?" Pinaalala sa kanya ni Cathy nang may mahinang boses. Nag-aalala si
Hindi makapaniwala si Jeremy sa kanyang nakikita kaya inagaw niya ang phone ni Felipe. Pagkatapos niya itong tingnan nang maigi, napansin niya na hindi edited ang video na ito. Malinaw ring nakasulat ang petsa ng video. "Kumusta? Nagulat ka ba?" Kuntentong tinignan ni Felipe ang pagbabago sa ekspresyon ni Jeremy. "Sa tingin mo ba kaya mong ibuwis ang buhay mo para rito?" Hindi pinansin ni Jeremy si Felipe dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kaaya-ayang maliit na anyo sa video. Iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang mala-manyikang mukha sa video habang napuno ng luha ang kanyang mga mata. “Lillian.”"Tuwang-tuwa ka ba ngayong nalaman mo na buhay at ligtas ang anak mo?" Sarkastiko ang tono ni Felipe, at mukhang arogante ang kanyang mga mata. "Noon, nagawa kong pekein ang pagkamatay ni Eveline at dalhin siya sa F Country para pawalain siya sa buhay mo. Ngayon, kaya ko ring 'patayin' si Lilian."Hawak ni Jeremy ang phone at tinaas ang kanyang kilay. "Felipe,
Naiintindihan niya ito. Anak niya si Lilian, kaya paano siyang kakalma habang may nananakit sa kanyang anak? Ngunit, hindi lahat ng ama ay mahal ang kanilang anak. Sarkastikong suminghal si Cathy. Nang maisip niya ang dalawang batang pinatay ni Felipe, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso. Lumabas si Felipe ng kwarto. Nang makita niya si Cathy na nakatulala ay nagdilim ang kanyang mukha. "Sumama ka sa'kin," utos niya. Ngunit, nakita niya lang si Cathy na tinititigan siya nang may pagkamuhi sa kanyang mga mata. "Ano? Natatakot ka ba na hindi makabalik si Jeremy? Alam mo kung sino ang Stygian Johnsons, at ganon na nga, gusto kong hindi na siya makabalik." "Demonyo ka." Napuno nang pagkamuhi ang mga mata ni Cathy. Hinila siya ni Felipe, malamig ang kanyang gwapong mukha. "Utang to sa'kin ng mga Whitman." "Kahit na may kasalanan si Old Master Whitman, hindi mo dapat sisihin si Jeremy. Iniisip mo palagi na may ginawang masama sa'yo ang iba, pero ngayon nalinawa
Habang tinitignan niya ang nag-aalalang mukha sa kanyang harapan, napansin kaagad ni Fabian na mayroong mali. "Oh hindi!" Nagbago ang kanyang ekspresyon habang tumalikod siya para habulin ang Madeline na kumuha kay Lilian. Hindi alam ni Madeline kung anong nangyayari. Narinig niya lang si Fabian na nagsabing 'oh hindi' nang malakas. Alam niya na mapapahamak si Lilian. Dahil dito, kaagad niya siyang hinabol. Ngunit pagkatapos ng ilang hakbang, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puson. Nang maisip niya ang kanyang kondisyon, hindi na siya nagtangkang tumakbo pa. "Fabian, asan ang anak ko?" Sigaw niya sa likod ni Fabian habang nagmamadali siyang tumatakbo. Ngunit para bang hindi siya narinig ni Fabian. Tumingin siya sa direksyon kung saan tumatakbo si Fabian, at sa ilalim ng mga ilaw, nakita niya ang nagtatakang mukha ni Lilian. Sa sandaling ito, isang babae ang may hawak kay Lilian. Pagkatapos, kaagad na nagtawag ng taxi ang babae sa tabi ng kalsada bago sumakay kasab
"Hinahanap mo ang anak mo? Sino ang anak mo?" "Lilian Whitman." Tinaas ni Jeremy ang kanyang malamig na tingin. "Ang apat na taong gulang na babaeng kinuha ninyong Stygian Johnsons mula sa outer courtyard ni Felipe. Sa kanyang pagtataka, Gumilid si Yorick para tahimik na tanungin si Fabian na nakatayo sa kanyang tabi tungkol sa nangyayari. Habang pinapanood ang dalawa na magbulungan, malamig na nag-utos si Jeremy, "Ibalik mo sa'kin ang anak ko." Tinaas ni Yorick ang isa niyang kilay at tumawa. "Hindi naman sa ayaw kong ibalik ang anak mo. Pero, kailangan mo munang magbayad." "Tigil!" Kukunin sana ni Yorick and buhay ni Jeremy nang isang boses ng babae ang bilang nagpahinto sa kanila. Tumagos ang boses niya sa nanlulumong puso ni Jeremy na para bang isang mainit na sinag ng araw. Mabilis siyang lumingon para tignan ang babae na mabilis na naglalakad papunta sa kanya. "Linnie." "Bakit ka nandito, Jeremy?" Tinignan ni Madeline ang lalaki sa kanyang harapan nang may pag-a
Tinignan ni Madeline ang bag na itinapon sa isang tabi. Hindi gaanong malaki ang bag, pero sapat ang laki nito para magkasya ang isang apat na taong gulang bata. Lalo na sa kawalan ng puso ni Meredith, hindi na magugulat si Madeline kung nagawa niya ang ganoong bagay. Tumulala si Madeline sa bag nang ilang segundo bago mabilis na lumapit roon. Pinanood ni Meredith si Madeline na buksan ang bag at naglakad nang nakatingkayad sa likuran ni Madeline. Habang tinaas niya ang pala na kanyang hawak, mabangis ang mga mata ni Meredith. 'Mabulok ka sa impyerno, Eveline!'Sa pagitan nating dalawa, isa lang ang pwedeng mabuhay!' Papatamaan niya ng pala ang likod ng ulo Madeline at inihampas ito gamit ng buo niyang lakas. Magagawa na sana ito ni Meredith nang biglang lumingon si Madeline at iniwasan ang kanyang atake at hinawakan ang kanyang braso. "Sa tingin mo ba hindi ko alam na ako ang taong pinakagusto mong mamatay, Meredith? Sa tingin mo ba magiging pabaya ako kagaya ng dati?
Napalingon siya at sumalubong sa kanya ang nakakatakot na ekspresyon ni Jeremy. “Jer-Jeremy…” Natataranta siyang tumingin sa lalaking palapit sa kanya. Tinulak niya ang kamay ni Madeline, tumalikod siya at tumakbo palayo, subalit biglang may humablot sa kanyang leeg bago pa man siya makalayo. Katatapos lang sakalin ni Madeline si Meredith nang muling makaramdam si Meredith ng may sumasakal sa kanya. Parang yelo ang mga daliri ni Jeremy, nanuot ang lamig sa balat ni Meredith at nanginig siya dahil dito. Pakiramdam niya ay papatayin talaga siya ni Jeremy. Bumugso ang galit ni Jeremy at humigpit ang hawak niya sa leeg ni Meredith. Muling bumuka ang sugat sa balikat ni Jeremy dahil sa higpit ng pagsakal niya kay Meredith. Agad na hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy. "Bitawan mo siya, Jeremy." Pinigilan niya siya hindi dahil sa naaawa siya kay Meredith at hindi rin dahil sa ayaw niyang makasuhan ng murder si Jeremy dahil sa isang taong gaya ni Meredith, kundi dahil sa na