All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 881 - Chapter 890

2479 Chapters

Kabanata 881

Nakaramdam ng matinding sakit si Cathy sa paligid ng kanyang puso. Pagyuko niya, dumulas ang kanyang phone sa mga nanghihina niyang kamay.Plop. Nahulog ang phone sa simento sa kanyang mga paa habang dahan-dahang tumulo sa screen ang kanyang dugo. Maririnig ang natatarantang sigaw ng isang lalaki mula sa phone.“Cathy! Cathy! Sagutin mo ako, Cathy!”Nanginig ang kamay ni Felipe na nakahawak sa manibela habang papunta siya sa istasyon ng pulisya. Dumaan siya sa gitna ng maring tao, tumambad sa kanya ang isang namumutlang babae na naliligo sa sarili niyang dugo.Pakiramdam ni Felipe ay lumubog sa yelo ang kanyang puso at lumamig ang kanyang dugo.“Cathy.” Itinulak niya ang mga tao sa harap niya upang makalapit siya sa babae at lumuhod siya at niyakap niya ang walang malay katawan ni Cathy."Cathy! Gumising ka, Cathy!"Habang hawak niya si Cathy, natataranta niyang tinawag ang pangalan ni Cathy.Gayunpaman, wala ring nangyari.Nanlabo ang paningin ni Felipe, hindi niya alam k
Read more

Kabanata 882

Inangat niya ang duguan niyang mga kamay, ngunit napansin niya na naging kulay pula na ang kulay berdeng hairband na iniingat-ingatan niya.Itinaas niya ang hairband sa tapat ng kanyang labi. "Huwag kang mamamatay. Please, hindi ka pwedeng mamatay."Bumulong siya sa ilalim ng kanyang hininga at namula lalo ang kanyang mga mata."Nangako ka sakin na kukulitin mo ako habambuhay. Hindi mo na pwedeng bawiin ang mga sinabi mo ngayon."Nanginginig ang boses ni Felipe habang inuulit niya ang mga sinasabi niya, hindi niya magawang huminahon sa mga sandaling iyon.Sa mga oras na iyon, bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang isang doktor na nakaputing coat. Agad na tumakbo si Felipe papunta sa kanya. "Professor Quinney, kumusta si Cathy?"Umiling ang professor. "Natanggal ko na ang bala, pero dahil tumama ito sa kanyang puso, hindi ko siya kayang buhayin ulit. Humihingi ako ng paumanhin, ngunit pumanaw na si Ms. Cathy."Napako sa kanyang kinatatayuan si Felipe, pakiramdam niya
Read more

Kabanata 883

Naramdaman ni Felipe na tumigil ang puso niya nang damputin niya ang bagay na nasa loob ng kahon.Hindi niya makakalimutan ang pulang sinulid na ito.Noong makilala niya ang maliit na batang babae na may dimple maraming taon na ang nakakaraan sa may April Hill, siya ang naging liwanag na humila kay Felipe palabas ng kadiliman. Binigyan pa nga siya ng batang babae ng isang shell na maraming kulay.Bilang kapalit, binigyan niya ang batang babae ng isang pulang sinulid.Ang araw na iyon ng taong iyon ang simula ng kanyang inosenteng pagkikita nila ng masigla at palakaibigang si Vetty. Nagkagusto siya agad kay Vetty.Noong paglaki niya, nalaman niya na ang batang babae ay si Madeline.Iyon ang dahilan kung bakit ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang mapasakanya si Madeline.Subalit, bakit nasa mga kamay ni Cathy ang sinulid na binigay niya kay Madeline? Bukod dito, nakatabi itong maigi.Ang isip ni Felipe ay napuno ng mga katanungang hindi niya masagot.Hindi naman sa may h
Read more

Kabanata 884

"Nasaan si Cathy, Felipe?" Muling tinanong ni Madeline si Felipe, ngunit umalis na si Felipe.Habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Felipe, nagpasya si Madeline na halughugin ang mansyon para sa anumang bakas ni Cathy. Pumunta pa siya sa basement, ngunit hindi niya nakita si Cathy.Naguluhan siya, tinanong niya ang mga tagapagsilbi ni Felipe, ngunit wala sa kanila ang nakakaalam kung nasaan si Cathy.Nakarating si Madeline sa silid ni Cathy at nakita niya ang isang photo collage na nakabukas sa kanyang kama. Puno ito ng mga larawang kinunan ni Cathy mula pa noong bata siya. Mukhang may nauna nang nagbuklat sa dito.Tiningnan kaya ito ni Felipe?Nagtaka siya, dinampot niya ang photo collage at nakita niya ang isang piraso ng papel na nakaipit sa ilalim nito.“Certificate of cremation?” Kumabog ang dibdib ni Madeline.Nang basahin niya ito, nakita niya ang pangalan ni Cathy, sinundan ito ng pirma ni Felipe sa pinakailalim.Patay na si Cathy?!… Inakala ni Jeremy na nagpa
Read more

Kabanata 885

"Master Whitman, kakarating lang sa April Hill ng mga tauhan natin. Nagtanong-tanong kami sa paligid, at ayon sa isang matandang lalaki, nakumpirma namin na mayroong isang pamilya noon na may isang anak na babae na nagngangalang Cathy."May maliit na negosyo ang tatay, kaya medyo maganda ang kalagayan ng pamilya nila. Kaso, namatay ang tatay at ang nanay ng babae habang nagdedeliver sila."Kinuha ng mga kamag-anak niya ang bahay niya at pinalayas ang anak niyang babae."Ang kumpirmasyon ng kanyang tauhan."Master Whitman, nakumpirma namin na si Ms. Cathy nga ang babaeng pinalayas ng mga kamag-anak niya pagkamatay ng mga magulang niya. Binigyan nila ako ng isang larawan ni Ms. Cathy noong bata pa siya. Ipapadala ko 'to sayo ngayon."Pagkatapos, natanggap ng phone ni Felipe ang larawan.Makikita sa screen ang isang lumang larawan, isang larawan na naging sanhi ng pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni Felipe.Ito ang parehong ngiti na nakaukit sa kanyang alaala—ang mismong ngiti
Read more

Kabanata 886

"Tama si Eveline. Walang mabuting tao sa mga lalaki sa Whitman family. Kung may isa lang man sana satin na kagaya ni Lolo, siguro hindi masasaktan ng husto ang mga babaeng nagmamahal satin."Tinaas niya ang kanyang nagyeyelo at mabangis na titig."Nagbagong buhay na ako, Felipe. E ikaw? Hindi mo ba susubukang itama ang mga pagkakamali mo? Isusuko mo sa mga pulis ang sarili mo kung mayroon kang kahit kaunting konsensya na natitira. O pwede ka ring maghintay hanggang sa ibigay ko sa mga pulis ang ebidensyang kailangan nila."Seryosong nagbabala si Jeremy at muli siyang tumingin sa puntod ni Cathy, puno ng sakit ang kanyang mga titig. Pagkatapis, tumalikod na siya para umalis.Nakatulala si Felipe at napako siya sa kinatatayuan niya habang hawak niya ang mga abo ni Cathy. Naglabo-labo ang emosyon sa kanyang mga mata."Huwag kang mag-alala. Nangako ako sayo, kaya sisiguraduhin kong tutuparin ko yun. Hintayin mo ako."Umalis siya habang umiihip ang hangin sa kanyang mukha at ang urn s
Read more

Kabanata 887

Inangat ni Jeremy ang braso niya upang yakapin si Madeline."Siya ang asawa ko. Ako, si Jeremy Whitman, ay mayroon at magkakaroon lamang ng isang asawa—si Eveline Montgomery.”Mabigat ang kanyang mga titig, at hindi niya binigyan ng pagkakataon si Karen na sumagot."Inaasahan kong hindi mo tatratuhin ang asawa ko ng gaya ng dati, Mom. Hindi ko inaasahan na maging isa kang mahusay na mother-in-law, pero sana kahit papaano ay tratuhin mo siya ng paggalang.""..." Natulala si Karen, at dumilim ang kanyang ekspresyon. Lumingon siya at nakita niya si Madeline na nakangiti sa kanya at agad na sumiklab ang galit niya dahil dito. "Anong nangyayari, Jeremy? Kakasabi mo lang sakin na magpapakasal ka kay Yvette? Bakit siya nanaman ang kasama mo? Nakalimutan mo na ba ang sinabi niya sayo noon? Ginagawa lang niya ito upang makapaghiganti!" Sumama ang loob nila Madeline at Jeremy nang mabanggit ni Karen si Cathy.Hinigpitan ni Jeremy ang hawak niya sa kamay ni Madeline habang taimtim na nagpa
Read more

Kabanata 888

Pagkatapos nito, medyo nagsisi si Jeremy. Pinagmasdan niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Madeline, kagaya siya ng dating Madeline na maingat lagi sa tuwing magkasama sila."Pasensya ka na, Linnie. Hindi ko dapat binanggit ang tungkol sa mga nangyari noon. Pasensya ka na kung nasaktan nanaman kita."Mahinahon siyang humingi ng tawad, dahan-dahan niyang idiniin ang labi niya sa likuran ng tainga ni Madeline."Dadalhin muna kita kay Adam bukas ng umaga para makasiguro tayo na ayos ka lang. Pagkatapos aasikasuhin ko ang tungkol kay Cathy."Hindi na niya hinintay na tumango si Madeline, yumuko siya upang bitbitin si Madeline."Gabi na. Matulog na tayo."Inunat ni Madeline ang kanyang mga braso at pinulupot ito sa leeg ni Jeremy.Binitbit niya si Madeline papunta sa kwarto nila, naramdaman ni Madeline na bumilis ang tibok ng kanyang puso at pinaalala nito sa kanya ang unang beses na kinasal siya kay Jeremy.Kabado siya, masaya, at umaasa.Habang nakahiga sila, hinawakan ni Jeremy s
Read more

Kabanata 889

Makikita ang sulat kamay ng isang babae sa unang pahina: [Ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay ang nakilala ko si Felipe Whitman]'Ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.'Lumabo ang paningin ni Felipe.‘Hindi, Cathy. Ang makilala ka ang pinakamagandang nangyari sakin.'Walang magandang nangyari nang makilala mo ako.'Habang sumasakit ang kanyang puso, binuklat ni Felipe ang diary at nalaman niya na ang unang entry sa diary ay ang araw na kinumpirma niya ang pagsponsor niya kay Cathy.Ang mga salitang nakasulat dito ay: [Napakaswerte ko na nakilala ko ang batang lalaki na nasa tabi ng bahay ko noong mga panahon na yun. Ah, teka, hindi na siya bata ngayon. Sa kabila ng matagal na panahon, alam kong siya yun noong makita ko siya. Kaso, parang hindi na niya ako nakikilala. (Sobs)[Nasa akin pa rin ang pulang sinulid na ibinigay niya sa akin. Nasa kanya pa rin kaya shell na binigay ko sa kanya?[Lumaki siyang gwapo at maginoo. Ah, paano naging ganun kagwapo ang isang lalak
Read more

Kabanata 890

Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Felipe nang sumimangot siya. "Ako ang asawa ni Cathy." "Ano? Asawa ka ng bwisit na babaeng yun?" "Talaga bang… asawa ka ni Cathy?" Parehong nagulat ang mag-ina. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Felipe sa kanila. "May isang araw kayo para umalis dito." "Ano? Bakit mo kami pinapaalis? Matagal nang umalis dito yung bwisit na babaeng yun, wala na siyang pakialam sa bahay na 'to!" Naghalukipkip ang nanay habang nakatingin siya ng masama kay Felipe. "Akala ko pa naman magaling kumilatis yung bwisit na babaeng yun. Sinong mag-aakala na makakahanap siya ng isang mahirap na batang lalaki. Gusto mong bawiin ang bahay para maging marital home niyo? Mangarap ka na lang! Tingnan mo ang sarili mo. Sino ka sa tingin mo para magpakasal ka kahit na hindi mo naman kayang bumili ng bahay?"Tiningnan ng masama ni Felipe ang babae, isa itong tingin na nakakapangilabot. "May isang araw kayo para umalis, o ako mismo ang magpapalayas sa inyo." “...”Umalis s
Read more
PREV
1
...
8788899091
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status