Alam ni Jeremy na hindi na niya ito maitatago sa kanya. Kahit na ganoon ay hindi siya tumango. Sa halip ay marahan siyang nagpaliwanag, "Linnie, hindi ito ganoon kasama kagaya ng iniisip mo. Iyon nga lang…" "Ano?" "Bumabalik na naman ang mga sintomas mo noon." Nahanap na ni Jeremy ang mga salitang napakahirap na sabihin. Bumabalik? Naalala ni Madeline kung paano siya nagkasakit noong ipinagbuntis niya si Jackson. Sariwa pa rin ang sakit ngayong naisip niya ito. Marahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan at naintindihan na niya kung bakit pinipilit ni Jeremy na ipalaglag ang bata. "Linnie, wag kang masyadong mag-alala. Tinanong ko ang doktor at basta maoperahan ka, ayos na ang lahat. Halos tiyak rin ang tyansa ng paggaling mo." Hinawakan niya ang kanyang kamay at nakaramdam ng pagsisisi. Mayroong pilit na ngiti sa kanyang gwapong mukha. "Linnie, sa totoo lang… Sa totoo lang, ayos lang kahit si Jackson lang ang mayroon tayo. Ayaw na kitang makitang magdusa pang muli. Sa
Nang ipinagbuntis niya noon si Jackson, mas malala ang kalagayan niya noon kumpara ngayon. Noong nakulong siya dahil sa bagay na hindi niya ginawa, halos hindi niya mabuhay ang bata at pati siya ay halos mamatay sa kulungan. Ngunit, pinadalhan siya ni Daniel ng mga gamot at tinulungan siya nito na ipanganak nang ligtas si Jackson. At saka, nagdusa rin siya habang nasa bingit ng kamatayan nang ilang panahon. Ngunit, interesado siya kung ano ang iniisip ni Jeremy kay Adam. Sa sandaling ito ay nakabalik na si Cathy. Binigay niya ang gamot na nakuha niya mula kay Adam. Mayroong iilang pill sa loob ng maliit at malinaw na bote. Nang makita ito ni Madeline ay kaagad niya itong nakilala. "Ang mga gamot na to…" "Alam ko na hindi ka papayag na ipalaglag ang bata, kaya tinawagan ko si Adam matagal na." Nasagot ng sinabi ni Jeremy ang pagtataka ni Madeline. Pero hindi pa rin niya maintindihan. "Paano mo nalaman na nabuhay ako sa sakit ko nang dahil sa gamot ni Adam noon?" N
Nang lumapit siya para tignan ito nang maigi ay biglang bumukas ang pinto ng study. Pumasok si Felipe. Nang makita niyang nagpunta sa tamang oras si Cathy, ngumiti siya sa pagkakuntento. Nabigla si Cathy sa kanyang maliit na ngiti at malumanay na itsura. Ngunit, nang maalala niya ang dalawang bata na nawalay sa kanya, naramdaman niyang lumamig ang kanyang puso. "Sa tingin ko handa kang gawin ang lahat para kay Jeremy ngayon," makahulugang sabi ni Felipe habang naglalakad papunta sa harapan ni Cathy. Lumingon palayo si Cathy sa pandidiri. "Si Jeremy ang fiancé ko, kaya syempre handa akong gawin ang lahat para sa kanya." Nawala ang ngiti ni Felipe. Hindi niya gustong marinig na sabihin sa kanya ni Cathy na nag-aalala siya sa ibang lalaki. "Kung talagang nag-aalala ka sa kanya, pasayahin mo ko mula ngayon. Kung hindi, wag ka nang umasa na makakaalis siya ng F Country nang ligtas." Ang mga banta na narinig ni Cathy ay parang mga salita ng demonyo. Muli, dinurog nito ang kan
"Nawala na ang pagmamahal at obsesyon ko sa'yo sa sandaling nawala sa'kin ang dalawa kong anak." Suminghal si Cathy. "Pinagsisisihan kong minahal ko ang isang lalaking kagaya mo sa unang beses kitang nakita." Suminghal si Felipe. "Tapos ka nang magsisi. Cathy, wag ka nang mag-isip na tumakas mula sa palad ko hanggang sa nabubuhay ka. Sa'kin ka lang habangbuhay." Nabalot siya ng kanyang mapang-angking mga mata at nalamon nito ang titig ni Cathy na puno nang panlalaban. …Sa sumunod na ilang araw, unti-unti nang gumaling ang sugat ni Jeremy, pero matagal-tagal pa rin bago siya gumaling nang tuluyan. Sa mga nagdaang ilang araw, binibisita siya ni Madeline, kakain kasama niya, at papainumin siya ng gamot. Sinabi sa kanya ni Jeremy na hindi nagpunta at nanggulo si Felipe sa nagdaang ilang araw. Tumigil na rin ang mga bodyguard sa pagbabantay sa pintuan. Naramdaman ni Madeline na mayroon kakaiba. Alam niya na hindi hahayaan ni Felipe si Jeremy nang ganoon kadali, kaya naisi
Mayabang siyang tinignan ni Madeline, "Oo, anak namin ni Jeremy." Kaagad na nagdilim ang mukha ni Felipe. Gusto pa niyang malaman ang tungkol rito nang nagsalita si Madeline, "Felipe, walang kinalaman sa'yo ang bata sa sinapupunan ko. Akala mo may nangyari sa'tin sa gabing iyon, pero ang totoo, naghallucinate ka lang dahil sa aromatherapy kit na ginawa ko para sa'yo."Nananaginip ka lang. Isa lang iyong panaginip na gusto mong mangyari." Naniniwala si Felipe sa kakayahan ni Madeline na maghalo ng mga pabango, pero masyadong matindi ang katotohanan na ito. Sa simula pa lang, naniwala siya na ipinagbubuntis ni Madeline ang anak niya. Akala niya napasakanya na siya. Hindi niya inakala na ang gabi na pinagsamahan nila ay isa lamang panaginip. Nanlumo siya, pero kung iisipin niya, nanaginip nga siya sa gabing iyon. Sa panaginip niya, ang babaeng nakasama niya ay si Cathy. "Felipe, mula ngayon, hindi na ako matatakot sa'yo. Kapag may inutusan ka na saktan si Jeremy, ako mismo ang
Kaagad itong naintindihan ni Felipe pagaktapos niyang marinig iyon. 'Eveline, ito pala ang dahilan kung bakit kumakampi ka kay Felipe. 'Isa ka nga talagang maganda at matalinong babae. 'Pero, kung sa tingin mo pwede kayong magkabalikan ng pamilya mo nang ganito, masyado ka pang mababaw. 'Siguro oras na para malaman mo kung anong klaseng tao talaga ako.' …Sa ospital. Tinignan ni Cathy ang oras at nagpunta sa manor ayon sa oras na binanggit ni Felipe. Ngunit nang tumalikod siya, nakita niya si Felipe na sumugod sa kanya. Nakakakilabot ang kanyang mukha at mayroong malamig na hangin na nagmumula sa kanyang katawan. Malinaw na hindi maganda ang timpla niya. Nararamdaman niya na narito si Felipe para gumawa ng gulo kay Jeremy. Dahil dito ay hinarangan niya ang pinto. "Anong ginagawa mo rito? Di ba sabi mo basta't pumunta ako sa manor mo sa tamang oras bawat gabi ay di ka pupunta para guluhin si Jeremy?" Pinaalala sa kanya ni Cathy nang may mahinang boses. Nag-aalala si
Hindi makapaniwala si Jeremy sa kanyang nakikita kaya inagaw niya ang phone ni Felipe. Pagkatapos niya itong tingnan nang maigi, napansin niya na hindi edited ang video na ito. Malinaw ring nakasulat ang petsa ng video. "Kumusta? Nagulat ka ba?" Kuntentong tinignan ni Felipe ang pagbabago sa ekspresyon ni Jeremy. "Sa tingin mo ba kaya mong ibuwis ang buhay mo para rito?" Hindi pinansin ni Jeremy si Felipe dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kaaya-ayang maliit na anyo sa video. Iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang mala-manyikang mukha sa video habang napuno ng luha ang kanyang mga mata. “Lillian.”"Tuwang-tuwa ka ba ngayong nalaman mo na buhay at ligtas ang anak mo?" Sarkastiko ang tono ni Felipe, at mukhang arogante ang kanyang mga mata. "Noon, nagawa kong pekein ang pagkamatay ni Eveline at dalhin siya sa F Country para pawalain siya sa buhay mo. Ngayon, kaya ko ring 'patayin' si Lilian."Hawak ni Jeremy ang phone at tinaas ang kanyang kilay. "Felipe,
Naiintindihan niya ito. Anak niya si Lilian, kaya paano siyang kakalma habang may nananakit sa kanyang anak? Ngunit, hindi lahat ng ama ay mahal ang kanilang anak. Sarkastikong suminghal si Cathy. Nang maisip niya ang dalawang batang pinatay ni Felipe, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso. Lumabas si Felipe ng kwarto. Nang makita niya si Cathy na nakatulala ay nagdilim ang kanyang mukha. "Sumama ka sa'kin," utos niya. Ngunit, nakita niya lang si Cathy na tinititigan siya nang may pagkamuhi sa kanyang mga mata. "Ano? Natatakot ka ba na hindi makabalik si Jeremy? Alam mo kung sino ang Stygian Johnsons, at ganon na nga, gusto kong hindi na siya makabalik." "Demonyo ka." Napuno nang pagkamuhi ang mga mata ni Cathy. Hinila siya ni Felipe, malamig ang kanyang gwapong mukha. "Utang to sa'kin ng mga Whitman." "Kahit na may kasalanan si Old Master Whitman, hindi mo dapat sisihin si Jeremy. Iniisip mo palagi na may ginawang masama sa'yo ang iba, pero ngayon nalinawa