Tinignan niya ito at hindi siya pumalag. Sa halip, hinawakan niya ang kamay nito at ipinikit ang mata niya. "Jeremy…" Marahang tinawag ni Madeline ang pangalan niya, ngunit bago pa siya makapagsalita, idiniin ni Jeremy ang labi nito sa kanya nang hindi napipigilan ang sarili nito. Naramdaman ni Madeline na naguguluhan ang puso niya. Nagblangko ang isip niya. Hindi niya maalala kung paano siya nauwi sa kama kasama ang lalaking ito. Dumapo sa mukha niya ang halik ng lalaki, at nang tatanggalin na nito ang damit niya, nakita nito na suot niya ang makulay na kabibe sa leeg niya na parang isang kwintas. Nagsimulang magwala ang tibok ng puso ni Jeremy. Tapos hinalikan niya ang kabibe. Kahit na hindi komportable ang kama nila, para kay Jeremy, higit pa ito sa sapat na makasama si Madeline sa isang maliit at simpleng kwarto. Sa susunod na araw, nagising si Madeline sa braso ni Jeremy. Kaagad na uminit ang mukha niya. Naalala niya ang nangyari kagabi at nagsimula siyang mata
Kahit na hindi isang doktor si Jeremy, alam niya kung paano magbasa ng mga data at index. Inilabas niya ang kanyang cellphone at kinunan ng larawan ang lahat ng papeles. Tapos ipinadala niya ito kay Adam. Ngayong nasa kamay na niya ang resulta, tumakbo siya patungo sa opisina ng doktor. Tinignan ng doktor ang resulta at kumunot ang noo. "Nagkaroon ba ng tumor ang asawa mo dati sa iisang pwesto? Kung oo, baka isa itong relapse." Naramdaman ni Jeremy na pumipintig ang sentido niya. Tapos naalala niya ang sandaling nasabihan siya na may sakit si Madeline at nasa bingit na ng kamatayan. Hindi niya inaasahang mangyayari ulit ito. "Kapag napagpasyahan niya na subukan ulit ito at iluwal ang batang ito, baka mamatay siya. Dapat magpahanda ka ng surgery hangga't maaga. Nanlulumong lumabas ng clinic si Jeremy. Naniniwala siya nang maigi na ang bata ay anak ni Felipe. Ngunit sa isang dahilan, pagkatapos niyang marinig ang balita, naawa siya kay Madeline. Kasabay nito, nalungkot si
Uminit ang pisngi ni Madeline. Nang magsasalita na siya, narinig niya ang tunog ng mga yabag mula sa pasukan ng eskinita. Listong tumingin si Jeremy at muling hinawakan ang kamay ni Madeline. Nagdikit ang daliri nila nang kaagad siyang tumalikod. "Dito!" Biglang may sumigaw sa likuran nila. Binitawan ni Madeline ang kamay ni Jeremy. "Mauna ka na. Wala silang gagawin sa akin. Pero hindi ka mapapatawad ni Felipe kapag nahuli ka." "Di kita hahayaang bumalik kay Felipe!" Hindi natitinag ang determinasyon ni Jeremy. "Jeremy! Mahal kita! Mahal kita, okay? Bumalik ka na sa Glendale ngayon na!" Sinigawan siya ni Madeline. Ngunit tingin ni Jeremy hindi nagsasabi ng totoo si Madeline. Sa kabilang banda, para siyang nagpapalusot para maitaboy siya. Dumilim ang mukha niya at hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ni Madeline. Tapos kaagad siyang tumawa ng can bago bumalik sa hotel na tinuluyan nila kagabi. Nang makababa si Madeline, nakaramdam siya ng sakit sa ibaba ng sikmura
Nagdilim ang mga mata ni Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Madeline. Ngunit muling lumamig ang mga mata niya. "Alam kong sinasabi mo lang yan para protektahan ang anak ni Felipe, pero Eveline, kailangan mo yang ipalaglag." "Jeremy! Kapag pinilit mo ako na magpalaglag, di kita mapapatawad hangga't buhay ako!" Tinitigan ni Madeline nang masama ang lalaki, at sa sandaling ito, madamdamin siya. "Kapag naglakas-loob ka na saktan ang bata sa loob ko, patayin mo muna ako." Nilagpasan siya ni Madeline habang nanginginig ang kamay nito. Kung hindi pala sana nagtanong, wala na ang anak niya. Kinilabutan siya nang maisip niya ito. Ngunit bago pa siya makalayo, pinigilan siya ni Jeremy. "Bitaw!" Nagpumiglas siya. "Di mo pwedeng iluwal ang batang ito," Idiniin ni Jeremy. Tapos bigla niyang dinala si Madeline sa baywang nito at naglakad papasok ng operating room. Lumubog ang puso ni Madeline. "Ibaba mo ako Jeremy! Di kita hahayaang saktan ang anak ko! Jeremy!" Hinawakan niya
"Makinig ka sa akin Eveline." "Labas!" Nanginginig ang boses ni Madeline at pati ang kamay niya ay nanginginig din. "Ayaw kitang makita. Alis! Bumalik ka na sa Glendale. Wag kang magpapakita sa akin dito!" Tumitig siya nang masama habang pinapalayas ito. Walang-tigil na tumutulo ang luha mula sa mga mata niya. Ayaw niyang isipin na aabot si Jeremy sa puntong papatayin nito ang anak nila. Mas malala pa ito sa sakit na ibinigay niya sa kanya noon. Ayaw ni Jeremy na magptuloy sa paggambala sa kanya nang makita niya itong nasa ganitong kalagayan. "Kumalma ka muna. Maghihintay ako sa labas. Lumabas si Jeremy at isinara ang pinto sa likod niya. Tinignan niya si Madeline mula sa maliit na bintana bago umupo sa isang tabi. Alam niyang nagkamali ng intindi si Madeline sa kanya. Pero di ito nakakapagtaka. Malapit nang maghapon, at bibili na ng tanghalian si Jeremy para kay Madeline kaya umalis siya saglit. Bago siya umalis, pinakiusapan niya ang nurse na bantayan si Madeline.
Nagulat si Felipe. Tumingin siya sa nanlulumo at maputlang tao sa harapan niya at nagtanong, "Pinakawalan ka ba ni Jeremy?" Tumango si Madeline nang walang emosyon sa mukha niya. "Oo, pinakawalan niya ako. Nangako pa siya na hindi ka niya ibubuking, pero sa isang kondisyon, kailangan mo siyang hayaan na malabalik sa Glendale." Nakinig sa kanya si Felipe, tapos nagtanong nang may malumanay na ngiti, "Eveline, kondisyon mo ba yan o kondisyon niya?" "Hindi na mahalaga kung kaninong kondisyon ito. Di mo pwedeng palaging sabihan ang mga tao na tugisin siya." Matindig si Madeline, at may bakas ng pangingibabaw sa kanyang namumulang mata. "Kapag inutusan mo pa ulit ang ibang tao na tugisin siya, wag kang umasa na makakarating nang ligtas sa mundong ito ang bata sa tiyan ko." Pagkatapos niyang sabihin ito, naglaho ang ngiti ni Felipe. Nang sabihin niya ito, pakiramdam ni Madeline parang isang libong kutsilyo ang humihiwa sa puso niya. Kanina pwinersa siyang sumailalim sa pagpapalag
"Gusto mong paniwalaan kita at ang bawat isang salitang sinabi mo, pero nakalimutan mo na ba, Eveline? Ikaw ang nagsabi sa'kin na ang batang nasa sinapupunan mo ay kay Felipe!" “...”Walang masabi si Madeline. Pero pagkatapos ay narinig niya si Jeremy na nagsalita, "Hindi dapat mabuhay ang batang yan sa sinapupunan mo." Pak! Sinampal muli ni Madeline si Jeremy. Dalawang bodyguard ang napadaan habang naninigarilyo sila. Nang marinig nila ang ingay ay naglakad sila papunta sa basement. "May mga ingay mula roon sa baba." "Wala akong narinig." "Tignan ko." "Sasama ako." Naglakad papunta sa pintuan ng basement ang dalawang bodyguard. Pagkatapos nilang mabuksan ang pinto ay pinindot nila ang switch ng ilaw sa kanilang tabi. Ngunit walang kahit na ano sa loob ng kwartong iyon. Wala man lang silang nakitang kahit na isang daga, mas lalo na tao. "Sabi ko sa'yo nagkamali ka lang ng dinig. Dalian mo at ubusin mo na ang sigarilyo mo para makabalik na tayo. Lagot tayo kapag n
Nilingon papalayo ni Madeline ang kanyang mukha at pinakita kay Jeremy ang gilid ng kanyang mukha. "Darating na sj Felipe. Kung hindi ka pa umalis ngayon, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon na gawin yon." Malamig na paalala sa kanya ni Madeline. "Nag-aalala ka ba para sa'kin? Nag-aalala para sa'kin ang ex-wife ko?" May halong bakas ng tawa ang boses ni Jeremy. Pero punong-puno rin ito ng pagiging sarkastiko. Hinawakan ng kanyang maiinit na daliri ang baba ni Madeline at pinilit siyang paharapin sa kanya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang makita niya ang kanyang mapupula at luhaang mata. "Eveline, talaga bang isa akong walang pusong lalaki sa loob mo? Sinasabihan mo ko na paniwalaan ka, pero kailan mo ba ako pinaniwalaan?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ni Madeline na nanginig ang kanyang puso. Sa sandaling ito, narinig nila ang tunog ng isang kotse sa baba. Nakabalik na si Felipe. Naglakad si Jeremy papunta sa bintana para tumingin. Ngunit,