"Gusto mong paniwalaan kita at ang bawat isang salitang sinabi mo, pero nakalimutan mo na ba, Eveline? Ikaw ang nagsabi sa'kin na ang batang nasa sinapupunan mo ay kay Felipe!" “...”Walang masabi si Madeline. Pero pagkatapos ay narinig niya si Jeremy na nagsalita, "Hindi dapat mabuhay ang batang yan sa sinapupunan mo." Pak! Sinampal muli ni Madeline si Jeremy. Dalawang bodyguard ang napadaan habang naninigarilyo sila. Nang marinig nila ang ingay ay naglakad sila papunta sa basement. "May mga ingay mula roon sa baba." "Wala akong narinig." "Tignan ko." "Sasama ako." Naglakad papunta sa pintuan ng basement ang dalawang bodyguard. Pagkatapos nilang mabuksan ang pinto ay pinindot nila ang switch ng ilaw sa kanilang tabi. Ngunit walang kahit na ano sa loob ng kwartong iyon. Wala man lang silang nakitang kahit na isang daga, mas lalo na tao. "Sabi ko sa'yo nagkamali ka lang ng dinig. Dalian mo at ubusin mo na ang sigarilyo mo para makabalik na tayo. Lagot tayo kapag n
Nilingon papalayo ni Madeline ang kanyang mukha at pinakita kay Jeremy ang gilid ng kanyang mukha. "Darating na sj Felipe. Kung hindi ka pa umalis ngayon, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon na gawin yon." Malamig na paalala sa kanya ni Madeline. "Nag-aalala ka ba para sa'kin? Nag-aalala para sa'kin ang ex-wife ko?" May halong bakas ng tawa ang boses ni Jeremy. Pero punong-puno rin ito ng pagiging sarkastiko. Hinawakan ng kanyang maiinit na daliri ang baba ni Madeline at pinilit siyang paharapin sa kanya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang makita niya ang kanyang mapupula at luhaang mata. "Eveline, talaga bang isa akong walang pusong lalaki sa loob mo? Sinasabihan mo ko na paniwalaan ka, pero kailan mo ba ako pinaniwalaan?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ni Madeline na nanginig ang kanyang puso. Sa sandaling ito, narinig nila ang tunog ng isang kotse sa baba. Nakabalik na si Felipe. Naglakad si Jeremy papunta sa bintana para tumingin. Ngunit,
Pagkatapos, nagsimulang maghubad si Madeline sa harapan ni Jeremy. Kasunod nito, nagsuot siya ng bathrobe at nagpanggap na kakatapos niya lang maligo. Niyakap ni Jeremy si Madeline nang makita niya siyang pinatay ang shower at palabas na ng banyo. Ang kanyang malalim na boses ay puno ng pagbabanta. "Wag mo siyang hahayaang mahawakan ka. Kung hindi, hindi ka mapapayapa mamayang gabi." Hindi sinagot ni Madeline si Jeremy. Pagkatapos niya siyang bitawan, lumabas siya at sinara ang pintuan sa kanyang likuran. Narinig ni Felipe si Madeline na lumabas at pinatay niya ang kanyang phone. Pagkatapos ay tinignan niya si Madeline. "Ang sama ng timpla mo ngayon. Anong nangyari?" May pag-aalala sa kanyang tono habang ang kanyang mga mata ay mukhang mabait. Umiling si Madeline. "Ayos lang ako." Iniunat ni Felipe ang kanyang kamay at nilapag ito sa sikmura ni Madeline. "Pinapahirapan ka ba ng batang to? Ang kulit naman ng anak natin." Masyadong biglaan ang kanyang kilos at kaagad na lu
Isinigaw ni Madeline ang pangalan ni Jeremy sa takot. Nang tinignan niya ang nagkalat na dugo, pakiramdam niya ay nagyelo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Kaagad niyang diniinan ang sugat ni Jeremy gamit ng kanyang mga kamay, pero parang hindi ito gumagana. Kaagad na namantsahan ng pula ang kanyang mga kamay at masakit ito sa kanyang mata. "Jeremy, Jeremy." Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Hinawakan ng kanyang mga pulang kamay ang gwapong mukha ni Jeremy habang napuno ng luha ang kanyang mga mata. Kumunot ang noo ni Jeremy at tiniis ang mahapding sakit mula sa kanyang sugat. Pagkatapos, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay para hawakan ang luhaang mukha ni Madeline. "Eveline, wag kang umiyak. Wag kang umiyak para sa isang basurang kagaya ko." Nadudurog ang kanyang puso habang naningkit ang kanyang mga mata. Puno ito ng parehong malalim na pagmamahal na mayroon siya para sa kanya. "Hindi ako mamamatay bago ka makabalik sa'kin." Kahit na nanghihina siyan
Natulala si Felipe sa tanong ni Madeline. Napatalon ang kanyang puso habang hinawakan niya ang hairband na nasa kanyang pulso. Cathy…Dumilim ang gabi. Kanina pa naghihintay si Madeline habang isinasagawa ang operasyon ni Jeremy. Bahagya lang nabawasan ang kaba sa kanyang puso nang sinabi sa kanya ng doktor na hindi na kritikal ang kondisyon ni Jeremy. Alam niya na nabaril lang si Jeremy dahil sinubukan siyang protektahan nito. Palaging malamig sa kanya ang lalaking ito, pero malinaw ang kanyang pag-aalala sa kanya. Makikita na nagbubunton lang siya ng inis noong na-engage siya kay Yvette. Pero, bakit ba masyadong pamilya ang pakiramdam ni Yvette? Nagpatuloy na maghintay si Madeline sa labas ng operating theatre. Pagkatapos nito, hindi niya namalayan ay nakatulog siya. Nang magising siya ay nag-iba na ang araw. Kinumutan siya at mayroong dalawang bodyguards sa kanyang tabi. Mabilis siyang tumayo. "Asan si Jeremy?" "Hinayaan na ni Mr. Whitman si Jeremy kaya wag k
Nakita ni Madeline ang isang lalaki na nakahiga sa isang kama sa kanyang harapan. Hindi siya magkakamali sa anyo ng lalaking ito. Sinara niya ang pinto at mabilis na lumapit. May narinig na mga ingay si Jeremy pero wala siyang pakialam. Ngunit, pamilyar ang tunog ng mga yabag na papalapit sa kanya. Lumingon siya at nakita niya si Madeline. Pagkatapos ay nagliwanag ang kanyang mga madidilim na mata. Nang magkita ang kanyang mga mata, nakaramdam ng kirot si Madeline sa kanyang puso. Nakasuot siya ng isang manipis na damit habang nakabalot ng bandages ang kanyang sugat. Pero nakikita niya na may dugong tumatagas mula sa kanyang sugat. Sumama ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang kanyang pagod at maputlang mukha. "Jeremy." Umupo siya sa kama at tinulungan siyang bumangon. "Ayos ka lang ba? Kumusta ang sugat mo?" Pagkatapos makaupo ni Jeremy, nakita ni Madeline ang isang makapal na kadena na nakakabit sa kanang pulso ni Jeremy. Kapag bahagya siyang kumilos ay mahihi
"Jeremy, noong ipinagbuntis ko sina Jack at Lily, wala kang pakialam at hindi ka nag-aalala sa'kin. Gusto mo ba akong malungkot kagaya sa mga nauna kong pagbubuntis?" Tumayo siya. "Aalis na ako. Wag kang mag-alala. Hindi kita papatayin, pero wag mo nang isiping patayin ang batang nasa loob ko." “Linnie.”Gustong pigilan ni Jeremy si Madeline, pero umalis siya nang hindi man lang lumilingon. Sumakit na naman ang sugat niya, pero hindi ito maikukumpara sa kirot sa kanyang puso. 'Linnie, ang saya na naramdaman ko nang malaman kong magkakaanak tayong muli ay katumbas ng sakit nang malaman kong mawawala sa'kin ang anak ko. 'Pero, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa'yo na nasa puso ko.' Kahit na hindi kayang pabayaan ni Madeline si Jeremy, alam niya na hindi siya pwedeng makita. Tahimik siyang umalis sa basement at tumalikod para makita ang isang bodyguard na papasok. Napakasalbahe ni Felipe. Hindi siya kasing malumanay kagaya ng kanyang itsura. Sa kabaligtaran ay napakat
Pumasok sa kanyang tainga ang mga sigaw ni Jeremy. Nararamdaman ni Madeline ang matinding inis at galit sa kanyang boses. Siguro hindi nakakatakot ang kamatayan sa isang tao, pero ang hindi niya talaga kayang harapin ay ang mapanood ang babaeng mahal niya na lumapit sa ibang lalaki. Pero tuwang-tuwa si Felipe. Habang mas lalong nasasaktan si Jeremy ay mas lalo siyang sumasaya. Nang makita niya si Madeline na naglalakad papunta sa kanya, iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Madeline. "Eveline Montgomery!" Hindi makayanan ni Jeremy ang panoorin si Madeline na maglakad papunta kay Felipe. Hindi niya pinansin ang kanyang sugat at sinubukang makawala. Ang biglaang pagsabog ng kanyang lakas ay nakasira sa mga kadena sa kanyang braso. Nang mangyari ito ay gulat na gulat si Felipe. Kahit ang mga bodyguard sa likod niya ay nagulat. Paano siyang nakawala sa mga kadena niya? Ngunit, sobrang nakatuon si Jeremy sa gagawin niya na kaagad siyang sumugod papunta k