Narinig ang mahinang boses ni Felipe sa cellphone. "May nangyari kay Lillian." Biglang nagbago ang mukha ni Madeline. "May nangyari kay Lillian? Anong ibig-sabihin mo niyan?!" "Aksidenteng nadulas si Lillian at tumama ang ulo niya. Dumudugo siya nang husto. Ipinadala ko siya sa Royal Hospital para magamot siya," Kalmadong sinabi ni Felipe. Tapos tinanong niya, "Kasama mo ba si Jeremy?" "Di ko siya kasama. Bibili ako ng ticket para pumunta sa F Country ngayon na!" Lumabas si Jeremy ng conference room at nakita niya si Madeline na tumatakbo patungo sa elevator. Nagdilim ang mata niya nang magmukha siyang nagseselos. "Desperadong-desperado ka na makita siya matapos lang niyang tumawag. Eveline, ganyan ka din ba sa akin noon?" Nag-book di Madeline nang flight buong gabi para magmadaling bumalik sa F Country. Pagdating sa ospital, nasa ICU si Lillian para maobserbahan nang maigi. Sa bintana, tinignan ni Madeline ang maputlang mukhang parang manika. Nadurog ang puso niya sa nak
"Talagang ang lambing ng mga bagong kasal." Ang mga salita niya ay parang isang matalim na espada na tumagos sa puso ni Madeline. Pinigilan niya ang kanyang sarili habang nangangasim ang sikmura niya. Habang nakatitig kay Jeremy at Yvettr na magkahawak ang kamay, ngumiti siya. "Kayo din, Mr. Whitman. Ikaw at ang fiancée mo ay masyadong malambing sa isa't isa." "Malamang." Tumawa si Jeremy. Inilapag niya ang tingin niya sa mahinhin at nakangiting mukha ni Yvette bago sabihin, "Si Vetty ang liwanag sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Lagi ko siyang papahalagahan matapos maging maswerte na makilala ang ganito kabuting babae na tulad ni Vetty sa buhay ko." "Jeremy, di ako kasingbait ng sinasabi mo." Mukhang nahihiya si Yvette habang nakasandal sa balikat ni Jeremy. "Oo nga pala, dalian mo at ibigay mo sa kanila ang invitation card." 'Invitation card?' Nagtaka si Madeline. Kasunod nito, nakita niya si Jeremy na inaabot sa kanya ang isang invitation card na nakahanda para sa
'Pero paano mo naman ito malalaman Jeremy? Noong oras na iyon, itinaboy kita para iligtas ka. 'Ngayon, iniisip mo na nagbago na ang isip ko at ginagawa kitang katatawanan.' Hinawakan niya ang pangalan sa card habang nakangiti nang namumula ang mata niya. "Jeremy, siguradong magiging masaya ka kapag nalaman mong buhay pa si Lilian." Matapos maisip ang masasakit na bagay na ito, dinampot ni Madeline ang kanyang lapis ulit at iginuhit ang nasa isip niya sa disenyo. Sa susunod na araw, ipinasa niya ang disenyo kay Jeremy. Matagal na oras na ang lumipas ngunut hindi pa rin ito sumagot. Parang ito noong mga araw na binabalewala siya nito. Nang malapit nang maggabi, natanggap na ni Madeline ang sagot ni Jeremy. Sa sagot nito, sinabi niya ang kanyang hindi pagkatuwa at nakiusap sa kanya na gumawa ng bagong disenyo. Habang sinusunod ang ideya ni Jeremy, gumawa ng bagong disenyo si Madeline. Ngunit kahit matapos itong i-edit nang ilang beses, di pa rin masaya di Jeremy. Idiniin n
Habang nakatitig sa nakasimangot niyang mukha, ngumiti si Jeremy. "Ganito ba ako katapang para paglaruan ang aunt ko?" Naglakad ito sa harapan niya. "Kanina pa ako tapos sa meeting ko. Sadyang nakita lang kitang natutulog kaya di magandang gisingin kita." "..." Pagkatapos marinig ang sinabi nito, naramdaman ni Madeline na siya ang may kasalanan. Nang makita si Madeline na tulala, tinitigan ni Jeremy ang kumot na hawak ni Madeline. "Aunty, pakiusap wag mong isipin na ako ang nagbalot sa'yo ng kumot. Ang babae sa front desk ang may gawa nito. Wala itong kinalaman sa akin." Itinanggi niya na may kinalaman sa kanya ang pangyayari. Di nagpakita ng kahit anong pag-aalala sa kanya o pangungulila sa kanya ang mga mata nito. Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kumot at ngumiti. "Mukhang nagkamali nga talaga ako ng intindi. Kung ganon, pwede bang mag-book ka ng appointment Mr. Whitman? Ayaw kong magsayang ng maraming oras sa'yo." "Wala bang ibang mga jewelry designer sa Whitman
"Inaabangan mo ba ang halik ko, Mrs. Whitman?" "..." "Sayang naman. Ngayon, hinahalikan ko na lang ang babaeng mahal ko." Isang pang-aasar ang makikita sa kanyang ngiti habang kumikislap ang mga mata niya nang may panghahamak. Nalungkot si Madeline ngunit sumagot siya sa kalmadong paraan, "Tingin mo ba talaga inaabangan ko ang halik mo? Sumasakay lang ako sa palabas mo. Jeremy, ang gusto mo lang ay marinig ako na sabihing mahal kita at nangungulila ako sa'yo diba? Sa kasamaang palad, kung gaano kita kamahal noon ay ganon na kita kinamumuhian ngayon. Kuha mo?" Ngumiti siya, iniwasan ang titig nito at umalis sa lugar. Habang tulala, naiwan ni Jeremy na nakabitin sa ere ang kamay niya. Ang kislap sa ngiti niya at mata ay unti-unting kumupas. … Lumipas ang oras at araw na ng Sabado. Nagsuot si Madeline ng isang malinis na gown. Habang nakahawak sa braso ni Felipe, pareho silang dumating sa engagement ceremony ni Jeremy at Yvette. Akala niya marami ang dadalo sa engageme
"Ang pagtulog ba nang magkasama ay katumbas na din ng pagiging malapit sa isa't isa?" Nagtanong si Felipe pabalik. Umiling si Yvette nang nakangiti. "Di mo mapapatunayan kung gaano kalapit ang dalawang tao dahil lang may nangyari sa kanila noon. Atsaka, napakaraming tao nang nagkakaroon ng one-night stand ngayon." "Di lang kami nagkaroon ng one-night stand. Lumipas ang ilang gabi na kasama ko siya." Hininaan ni Felipe ang boses niya at lumapit kay Yvette. Ang mga mata niya ay kumikislap nang may pagdududa. Kung kailan sinusubukan na niyang suriin nang maigi ang mukha nito, tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ang parating na tawag at kaagad na ngumiti. "Ms. Charis, may kailangan akong sagutin na tawag. Pag-usapan na lang natin ito kapag may pagkakataon." "Sige, Mr. Whitman." Tumitig si Yvettr kay Felipe nang tumalikod ito. Unti-unting kumupas ang ngiti niya. Sa hardin ng hall. Inalalayan ni Madeline ang sarili niya sa pader at hindi niya mapigilan ang sarili niya na ma
"Nakakuha siya ng kaunting kapangyarihan at yaman sa loob ng taon na nasa F Country siya. Ikinakatakot ko na baka may ilegal na palitan sa likod nito." Nagbago ang mukha ni Yvette. "Paano iyan nangyari? Di siya gagawa ng kahit anong ilegal." "Ang laki pa rin ng tiwala mo sa kanya pagdating dito? Ang daming illegal trade na ang ginawa niya." Nabigla si Yvette sa tanong ni Jeremy. Tumayo siya doon nang tulala nang magsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. "Iwan mo dapat ang pinakamalaking ngiti mo sa taong nanakit sa'yo nang husto," Sinabi ni Jeremy bago kumunot ang noo. Tapos nagptuloy siya, "Tulad ng paghihiganti sa akin ni Eveline Montgomery." … Matapos makatanggap ni Felipe ng tawag mula sa F Country, nakabili na siya ng ticket pabalik. Syempre, di niya hahayaang manatili si Madeline sa Glendale kaya napagpsyahan niyang dalhin ito pabalik sa F Country kasama niya nang gabing iyon. Inutusan niya ang isang tao na kunin si Madeline para makita si Lillian habang umalis
Kinarga ni Madeline si Lillian papasok ng bahay, pero dahil may dinadala siyang bata sa tiyan niya, di niya ito kinarga nang matagal. Tapos hinalikan niya ito sa pisngi. "Lily, gagawa na ako ng muffin para sa'yo. Pwede mo ba akong tulungan?" "Okay!" Ikimurap ng batang babae ang parang kristal niyang mata at sinundan si Madeline patungo sa kusina. Nanood si Jeremy mula sa loob ng kotse sa malayo, tinitignan si Madeline na hawak ang isang bata bago maglakad papasok sa bahay. Nakita din niya ang isang sinserong ngiti sa mukha ni Madeline. Kailan pa niya siya nginitian nang ganyan? Itinikom ni Jeremy ang kamay niya sa manibela nang mag-alab ang apoy sa mata niya. "Siguro masyado lang akong nag-iisip. Akala ko na sigurado na ako pero ang totoo hindi pala. Ang taong mahal mo ngayon ay siya." Buzz, buzz. Nang tumunog ang cellphone ni Jeremy, sinagot niya ito nang hindi nag-aalinlangan. Ang assistant niya na si Ken, ay naririnig na nagsasalita sa kabilang linya. "Mr. Whitma
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si