Kinarga ni Madeline si Lillian papasok ng bahay, pero dahil may dinadala siyang bata sa tiyan niya, di niya ito kinarga nang matagal. Tapos hinalikan niya ito sa pisngi. "Lily, gagawa na ako ng muffin para sa'yo. Pwede mo ba akong tulungan?" "Okay!" Ikimurap ng batang babae ang parang kristal niyang mata at sinundan si Madeline patungo sa kusina. Nanood si Jeremy mula sa loob ng kotse sa malayo, tinitignan si Madeline na hawak ang isang bata bago maglakad papasok sa bahay. Nakita din niya ang isang sinserong ngiti sa mukha ni Madeline. Kailan pa niya siya nginitian nang ganyan? Itinikom ni Jeremy ang kamay niya sa manibela nang mag-alab ang apoy sa mata niya. "Siguro masyado lang akong nag-iisip. Akala ko na sigurado na ako pero ang totoo hindi pala. Ang taong mahal mo ngayon ay siya." Buzz, buzz. Nang tumunog ang cellphone ni Jeremy, sinagot niya ito nang hindi nag-aalinlangan. Ang assistant niya na si Ken, ay naririnig na nagsasalita sa kabilang linya. "Mr. Whitma
Tinignan niya ang kanyang cellphone at nakita na tinawagan siya ni Madeline. Matapos malaman na gustong manatili ni Madeline sa labas ma bakuran kasama ni Lillian, pumayag siya. Habang pabalik, nakatanggap siya ng impormasyon tungkol kay Yvette. Nasuri niya ang lahat ito. Ngunit may pagdududa pa din sa mga madilim na mata ni Felipe. Noon, nagawa niyang makakuha ng isang bagong pagkatao para kay Madeline, kaya di nakakapagtaka kung nakakuha si Jeremy para kay Cathy. Ngunit ang tanging bagay na di niya maintindihan ay ang relasyon ni Jeremy at Cathy. Atsaka, bakit tutulungan ni Jeremy si Cathy? Pero kung talagang totoo ito, magiging masaya siya. Ibig-sabihin nito buhay pa siya. Hinila ni Felipe ang hairband sa kanyang braso at inilagay ito sa kanyang daliri. Mayroong isang malalim na ngiti sa mukha niya. 'Cathy, malapit na tayong magkita.' Sa labas na bakuran. Katatapos lang ni Madeline na gumawa ng muffin. Nang lumapit si Lillian para masayang tikman ito, umuwi
Nanood si Felipe nang mangyari ito mula sa malayo. Tapos ngumisi siya, "Dumating ka." Mukhang kampante siya nang utusan niya ang driver, "Sundan mo sila." Matapos ihagis si Madeline sa likod na upuan, umandar kaagad ang kotse. Ang lalaking nagmamaneho ay nakasuot ng facr mask. Pero paanong di makikilala ni Madeline ang mata ng lalaking ito? "Jeremy, bakit ka nagpunta dq F Country? Bakit mo ako dinadakip? Anong gusto mo?" Tumingin si Jeremy sa rear-view mirror at nakita ang naiinis na mukha ni Madeline. Hindi siya nagsalita. Matapos bumiyahe sa loob ng 20 minuto, inihinto na ni Jeremy ang kotse. Maraming mga villa sa labas ng F Country. Tapos dinala ni Jeremy ang kotse papasok sa isa sa mga villa. Inalis niya ang maskara at binuksan ang pinto para kay Madeline. "Labas." Bumaba si Madeline ng kotse nang mukhang naiinis. Nang makita niya ang lalaking pumasok sa gusali nang di man lang lumulingon, lalo siyang naguluhan. "Anong ginagawa mo Jeremy?" Huminto ang lalaki
Ito pala ang dahilan kung bakit may ganito kalaking impluwensya at nakakuha ng malaking yaman si Felipe sa F Country. Matagal na siyang nagsasagawa ng mga illegal trade. Sumosobra na siya. Kapag may nagbalita sa kanya nang may sapat na ebidensya, ang pundasyon na itinayo niya ay guguho at masisira. Makukulong din siya at masisira ang pangalan niya. Tinignan ni Jeremy ang pagbabago sa mukha ni Madeline at nagsimulang mag-alala sa kanya. "Tingin mo pa rin ba na magkakaroon ka ng kinabukasan sa kanya matapos mong makita ang video?" Ibinaba ni Madeline ang cellphone at sinabi nang naiinis, "Bakit mo ipinakita sa akin ito? Tingin mo ba iiwan ko siya dahil dito?" Malinaw na hindi inasahan ni Jeremy na ganito ang sasabihin ni Madeline. Lumapit siya at hinawakan ang braso nito. "Eveline Montgomery, alam mo ba ang sinasabi mo?" "Syempre alam ko. Ang taong walang alam ay ikaw." "Anong sinasabi mo?" Itinulak ni Madeline palayo ang kamay niya. "Susuportahan ko si Felipe kahit anong
Kinalabit ni Felipe ang gatilyo nang walang alinlangan. Nakapagpasya na siya na pigilan si Jeremy na sirain ang pundasyon na ginawa niya at ang malaki niyang kapangyarihan. Dahil nabuking na siya at nakuhanan pa siya ng video, kailangan niya itong asikasuhin kaagad at nang direkta. Atsaka matagal na siyang naiiinis kay Jeremy. Ang inis na ito ay umabot sa higit sampung taon. Siguro nagsimula ito mula noong magsimulang kunsitihin ni Old Master Whitman si Jeremy at iniwan siya sa F Country para alagaan ang kanyang sarili. Bumaba si Jeremy at nakita ang isang pulang tuldok sa sentido ni Ken. Sumigaw siya, "Yuko!" Yumuko si Ken nang kusa matapos niyang marinig ito. Tapos narinig niya ang tunog ng bintana na nababasag at isang bala na lumilipad sa itaas ng ulo niya. Nang makita ito ni Felipe mula sa magnifier, nagsalubong ang kilay niya. Kalaunan napansin niya na ang lalaki sa sofa ay hindi si Jeremy. Dahil nakatalikod sa kanya si Ken, nakita lang ni Felipe ang buhok at
'Ang produkto ng pagmamahal.' Itinaas ni Jeremy ang kanyang kilay, ang naipon na galit niya ay tinalo ang pagkahinahon niya na parang isang malakas na alon. Sumugod siya kay Madeline at inipit ito sa harap niya nang walang pakialam. "Hindi siya ang taong mahal mo. Ako! Eveline Montgomery, ang lalaking mahal mo ay ako! Nakalimutan mo na ba na dati iniisip at hinihintay mo ako araw-gabi? Di kita hahayaang mahalin ang ibang lalaki!" Seryoso niyang idiniin. Tuluyan nang nawala ang pagkahinahon niya. Ang kaakit-akit na mga mata niya ay napuno ng selos, kaya nawala siya sa sarili nang utusan niya ito na siya lang ang mahalin. Itinaas ni Jeremy ang maganda niyang mukh nang makita siya nito na di nagsasalita. Tumitig siya nang diretso dito habang numumula ang mga mata at inulit. "Naririnig mo ba ako? Eveline Montgomery, ako lang ang pwede mong mahalin. Di ako papayag na magkaroon ng ibang lalaki sa puso mo. Ako lang ang pwedeng nandyan!" Tinuturo nito ang puso niya nang biglang h
Naramdaman ni Madeline na lumaktaw ang tibok ng puso niya. Kanina pa ba gising si Jeremy? Nagpapanggap lang na siya na tulog? Narinig niya ba ang lahat ng sinabi niya ngayon lang? Hindi alam ni Madeline kung paano aasikasuhin ang nangyayari ngayon, pero napagtanto niya na nag-iiba lang ng posisyon si Jeremy. Hindi siya nagpapanggap na tulog at di narinig ang sinasabi niya kanina. Nang makita niya ito, nanghinayang si Madeline, pero kasabay nito, medyo natakot din siya. 'Sa totoo lang, umaasa ako na malalaman mo ang katotohanan. 'Pero natatakot ako na baka malagay sa panganib ang anak natin ulit kapag nalaman mo.' Umalis si Madeline sa pagkakayakap ni Jeremy at ginamit ang buong-lakas niya para hilahin ang lalaki para makahiga sa kama. Nang gawin niya ang lahat ng ito, napagod si Madeline. Kaya humiga siya sa tabi ni Jeremy at nakatulog. Nang tignan ang maamong natutulog na mukha nito, itinaas ni Madeline nang marahan ang kamay nito at inilapag ito sa kanyang tiyan. "J
"Sige." Ika-ika siyang naglakad palapit sa kanya. Di nagkaroon ng pagkakataon si Madeline na magsalita bago siya balewalain. Pero hindi siya kumain ng almusal. Salungat nito, tumingkayad siya papunta sa ikalawang palapag. Pagdating niya sa dulo ng hagdan, narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa kwarto. "Wala tayong sapat na ebidensya ngayon, kaya kailangan kong pumunta sa warehouse para kumuha pa." "Mr. Whitman, masyadong delikado. Bakit di tayo bumalil sa Glendale bago tayo gumawa ng kahit na ano?" "Tingin mo ba pwede na tayong bumalik sa Glendale ngayon?" Alam na alam ni Jeremy na namarkahan na ni Felipe ang kanyang lokasyon. Ang pinakamagandang pruweba ay ang pagbaril nito kay Ken kahapon. Alam na ni Felipe kung nasaan sila. Alam din ni Felipe na kasama nila si Madeline. "Mr. Whitman, ano na pala? Di kita matutulungan kung ganito ako." "Magpaiwan ka muna dito at magpagaling. Di ka niya gugustuhing patayin ngayon kasi ako ang pinakamalaking target niya." Mukhan