Kinalabit ni Felipe ang gatilyo nang walang alinlangan. Nakapagpasya na siya na pigilan si Jeremy na sirain ang pundasyon na ginawa niya at ang malaki niyang kapangyarihan. Dahil nabuking na siya at nakuhanan pa siya ng video, kailangan niya itong asikasuhin kaagad at nang direkta. Atsaka matagal na siyang naiiinis kay Jeremy. Ang inis na ito ay umabot sa higit sampung taon. Siguro nagsimula ito mula noong magsimulang kunsitihin ni Old Master Whitman si Jeremy at iniwan siya sa F Country para alagaan ang kanyang sarili. Bumaba si Jeremy at nakita ang isang pulang tuldok sa sentido ni Ken. Sumigaw siya, "Yuko!" Yumuko si Ken nang kusa matapos niyang marinig ito. Tapos narinig niya ang tunog ng bintana na nababasag at isang bala na lumilipad sa itaas ng ulo niya. Nang makita ito ni Felipe mula sa magnifier, nagsalubong ang kilay niya. Kalaunan napansin niya na ang lalaki sa sofa ay hindi si Jeremy. Dahil nakatalikod sa kanya si Ken, nakita lang ni Felipe ang buhok at
'Ang produkto ng pagmamahal.' Itinaas ni Jeremy ang kanyang kilay, ang naipon na galit niya ay tinalo ang pagkahinahon niya na parang isang malakas na alon. Sumugod siya kay Madeline at inipit ito sa harap niya nang walang pakialam. "Hindi siya ang taong mahal mo. Ako! Eveline Montgomery, ang lalaking mahal mo ay ako! Nakalimutan mo na ba na dati iniisip at hinihintay mo ako araw-gabi? Di kita hahayaang mahalin ang ibang lalaki!" Seryoso niyang idiniin. Tuluyan nang nawala ang pagkahinahon niya. Ang kaakit-akit na mga mata niya ay napuno ng selos, kaya nawala siya sa sarili nang utusan niya ito na siya lang ang mahalin. Itinaas ni Jeremy ang maganda niyang mukh nang makita siya nito na di nagsasalita. Tumitig siya nang diretso dito habang numumula ang mga mata at inulit. "Naririnig mo ba ako? Eveline Montgomery, ako lang ang pwede mong mahalin. Di ako papayag na magkaroon ng ibang lalaki sa puso mo. Ako lang ang pwedeng nandyan!" Tinuturo nito ang puso niya nang biglang h
Naramdaman ni Madeline na lumaktaw ang tibok ng puso niya. Kanina pa ba gising si Jeremy? Nagpapanggap lang na siya na tulog? Narinig niya ba ang lahat ng sinabi niya ngayon lang? Hindi alam ni Madeline kung paano aasikasuhin ang nangyayari ngayon, pero napagtanto niya na nag-iiba lang ng posisyon si Jeremy. Hindi siya nagpapanggap na tulog at di narinig ang sinasabi niya kanina. Nang makita niya ito, nanghinayang si Madeline, pero kasabay nito, medyo natakot din siya. 'Sa totoo lang, umaasa ako na malalaman mo ang katotohanan. 'Pero natatakot ako na baka malagay sa panganib ang anak natin ulit kapag nalaman mo.' Umalis si Madeline sa pagkakayakap ni Jeremy at ginamit ang buong-lakas niya para hilahin ang lalaki para makahiga sa kama. Nang gawin niya ang lahat ng ito, napagod si Madeline. Kaya humiga siya sa tabi ni Jeremy at nakatulog. Nang tignan ang maamong natutulog na mukha nito, itinaas ni Madeline nang marahan ang kamay nito at inilapag ito sa kanyang tiyan. "J
"Sige." Ika-ika siyang naglakad palapit sa kanya. Di nagkaroon ng pagkakataon si Madeline na magsalita bago siya balewalain. Pero hindi siya kumain ng almusal. Salungat nito, tumingkayad siya papunta sa ikalawang palapag. Pagdating niya sa dulo ng hagdan, narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa kwarto. "Wala tayong sapat na ebidensya ngayon, kaya kailangan kong pumunta sa warehouse para kumuha pa." "Mr. Whitman, masyadong delikado. Bakit di tayo bumalil sa Glendale bago tayo gumawa ng kahit na ano?" "Tingin mo ba pwede na tayong bumalik sa Glendale ngayon?" Alam na alam ni Jeremy na namarkahan na ni Felipe ang kanyang lokasyon. Ang pinakamagandang pruweba ay ang pagbaril nito kay Ken kahapon. Alam na ni Felipe kung nasaan sila. Alam din ni Felipe na kasama nila si Madeline. "Mr. Whitman, ano na pala? Di kita matutulungan kung ganito ako." "Magpaiwan ka muna dito at magpagaling. Di ka niya gugustuhing patayin ngayon kasi ako ang pinakamalaking target niya." Mukhan
Hindi nagulo si Jeremy nang makita niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Felipe. "Natanggap ko na ang pinakamagandang regalo." Para kay Jeremy, masaya na siya dahil nagawa niyang magpaalam sa pinakamamahal niyang babae bago siya pumunta dito. "Talaga?" May bakas ng pangmamaliit sa mga mata ni Felipe. "Napakatindi ng pagmamahal mo kau Eveline, pero sayang at sa akin na siya ngayon." Nainis si Jeremy nang marinig niya ang mga salitang ito. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na mahal ni Madeline si Felipe. Ayaw din niyang makita ito na dinadala ang anak ng ibang lalaki habang nagdudusa nang sobra. "Anong problema? Galit ka ba? Sisihin mo lang ang sarili mo dahil di mo pinahalagahan si Eveline noon," Sinabi ni Felipe habang dinadampot ang baril sa lamesa. Dahan-dahan niyang pinalitan ang magasin at nilagyan ng mga bagong bala. "Noon, pinatay ng grandpa mo ang mga magulang ko at pagkatapos noon naging ulila ako." "Sa sandaling pinakamahina ako at pinakakailangan ko ng kasama,
"Jeremy, tingin mo pa rin ba na makakalabas ka dito nang buhay?" Unti-unting kumalat sa mukha ni Felipe ang matagumpay niyang ngiti. Kalmado pa din si Jeremy. "Bakit di tayo magpaligsahan? Tignan natin kung sinong mas mabilis." Pagkatapos niyang sabihin ito, nagbago ang mukha ni Felipe. Di magbibiro si Felipe tungkol sa buhay niya, at hindi niya ibubuwis ito一lalo na kung katapat niya si Jeremy. Habang nagdadalawang-isip ang lalaki, binaril ni Jeremy ang baril palayo sa kamay ni Felipe. Nang malaglag ang baril, naunahan niya si Felipe na damputin ito at itinutok ito sa puso ni Felipe. Napakabilis na nagbago ng sitwasyon na naglaho na ang ngisi sa mukha ni Felipe. "Palabasin mo sila," Iniutos ni Jeremy. Galit na iniutos ni Felipe. "Labas." "Mr. Whitman, kami一" "Layas!" Naiinip silang itinaboy ni Jeremy. Hindi naglakas-loob ang mga bodyguard na suwayin ang utos niya kaya lumabas sila para bantayan sila. Alam nila na kapag nagpadalos-dalos si Jeremy, magpapaputok si
Ang di natitinag na titig ni Madeline ay parang isang nagyeyelong alon na bumabasa sa puso niya. Ang walang-tigil na lamig ay bumalot sa kanya mula ulo hanggang paa. Handa niyang ibuwis ang buhay niya para kay Felipe. Sumimangot siya at tumitig nang diretso kay Madeline. "Talaga bang ganyan mo siya kamahal?" Tumingin si Madeline sa nasasaktan na mata ni Jeremy at sinabi nang seryoso, "Oo mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang ama ng batang dinadala ko ngayon." Nang makuha ni Jeremy ang sagot na ito, isang di mapipigilang galit ang lumitaw mula sa ilalim ng mga mata niya. Bigla niyang kinalabit ang gatilyo. Tumalsik ang bala nang malakas at tumama sa bintana sa gilid. Nang mabasag ang salamin, nabasag din ang puso ni Jeremy kasabay nito. Tinignan ni Madeline si Jeremy na biglang nagpaputok, at nagwawala ang tibok ng puso niya. Ang mapagbantang mata ng lalaki ay puno ng kagustuhang pumatay at ang buong katawan niya ay naglalabas ng isang nakakakilabot na lamig. Tila ba ka
Nanlamig ang katawan ni Madeline sa sinabi ni Felipe. Kaagad siyang lumingon at kinakabahang nagtanong, "Anong binabalak mo Felipe? Anong gusto mong gawin kay Jeremy?" Sumimangot wi Felipe. "Di ko hahayaang mabuhay ang kahit sinong gustong sumira sa foundation ko!" Nakaramdam ng sakit si Madeline sa kanyang puso nang marinig niya ito. "Felipe, pamangkin mo si Jeremy! Gusto mo ba talaga siyang patayin?" "Pamangkin?" Sarkastikong ngumisi si Felipe. "Noong pinatay ng matanda ang mga magulang ko, inisip din ba niya na kapatid niya ang tatay ko?" "Hindi yan gagawin ni Grandpa. Malamang isa itong hindi pagkakaunawaan!" Idiniin ni Madeline, pero halatang di makikinig sa kanya si Felipe. Tinignan niya ang nag-aalalang mga mata ni Madeline at ngumisi siya. "Kahit na ganon, hindi nito mapipigilan ang mangyayari kay Jeremy." "Felipe, sabihan mo ang mga tao mo na itigil ito ngayon na!" "Huli na." Ngumiti nang bahagya si Felipe, habang dumidilim ang mga mata niya. Naramdaman ni